Chapter 34

After  3 months..

Rocky

NAGULAT ako nang biglang may nag-message sa akin sa FaceGram. Rio Achilles ang pangalan kaya agad ko itong binuksan. Wala na kasi akong kilalang iba, siya lang ang may ganitong pangalan. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga ito.

Rio Achilles:
Hello. It's been a while. Kamusta ka na?

I checked his profile immediately. Dali-dali akong bumangon sa aking kama kahit na wala pa akong balak kanina. Nabuhay ang katawan ko eh.

Siya ba talaga ito? Paano? Bakit niya ako mini-message? Wala na ba sila? Baka naman patibong lang lahat ng ito?

Wala na silang picture together ni Sariah. Single na rin ang relationship status niya sa FaceGram. Hindi rin ito bagong account dahil narito pa ang dati niyang mga posts. So.. Wala na talaga sila?

Rocky Estacio:
Bakit ka nagme-message? Anong kailangan mo?

Rio Achilles:
Bawal na bang mangamusta ngayon? Haha. Ang taray natin ah. Meron ka bang dalaw? 🤣

Rocky Estacio:
Wow. Poser ka ba ni Rio? Bakit parang ayos ka lang na kausapin ako?

Rio Achilles:
Alam kong pogi ako at famous ako sa Wattpad pero hindi ako poser. Kung gusto mo pa nga, video call tayo ngayon eh. G ako! 😆

Agad nga siyang tumawag sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi hindi pa ako ayos at bagong gising ko lang rin. Pinatay ko muna ang tawag. Bahala siya dyan! Mag- aayos lang ako.

Rio Achilles:
Oh, bakit mo pinatay? Sagutin mo ang tawag ko. Huwag kang madaya!

Rocky Estacio:
Teka lang, may hinahanap lang ako.

Noong natapos na akong mag-ayos ng aking sarili ay tinawagan ko na ulit siya. Pagkakataon ko na rin kasing malaman kung niloloko niya ako o hindi.

"Ang tagal ha? Ang gwapong mga katulad ko ay hindi dapat pinaghihintay!" agad na sabi niya nang mag-umpisa kaming mag-video call.

Wala kang bakas ng galit sa akin. Paano mo nakakaya na ngumiting ganyan eh sinira ko kayo ni Sariah noon? Parang nakalimutan niya na ang lahat. Wala naman siguro siyang amnesia.

"Hoy, may problema ka ba? Bakit titig na titig ka sa mukha ko? Ang gwapo 'no? Aminin mo!" hirit pa niya ulit.

Hindi pala ako nakasagot sa sinabi niya kanina dahil nakatanga ako sa itsura niya. Walang nagbago, mas gwumapo nga eh. Mas lalo siguro ako ma-iinlove ngayon.

"Ah, wala. Nakakapanibago kasi. Teka, naaksidente ka ba? Bakit parang wala kang paki sa away natin noon? Parang okay na okay ka lang," sabi ko sa kanya habang pilit na nangiti sa harap ng screen ng phone ko.

"Tss. Hayaan mo na iyon. Wala na akong pakialam sa nakaraan. Iniwan na namin ang isa't isa. Ang tindi ng ugali niya eh," sagot ni Rio sa akin habang nakangiting mapait.

"Ha? Kailan pa? Sus, baka niloloko mo lang ako ha? Ayaw ko niyan," sabi ko naman.

"Gwapo lang ako ha, pero hindi ako manloloko! Kita mo nga, mag-isa lang ako dito at nilulutuan kong mag-isa ang sarili ko," confident niyang sagot.

Dahil alam niyang nagtataka pa rin ako, nilibot niya ang buong camera sa bahay niya. Wala akong nakita na gamit ng babae roon.

"Kita mo na? Walang gamit ng babae rito! Single and proud ako!" sabi niya sabay tawa sa akin.

Iyong tawa niya eh yung tawa na gugustuhin mong lagi marinig. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko ngayon kasi hindi ko talaga ine-expect na mangyayari ang araw na ito.

"Oo na, wala na nga! Single ka na ulit. Eh, ano bang nangyari? Kwento ka naman!" hirit ko

"Basta, nakita ko ang totoo niyang ugali at ayaw ko pala talaga sa kanya. Tss, huwag na nga natin siyang pag-usapan!" inis na sabi niya.

"Eh, bakit mo ko chinat?" tanong ko.

"Nakita kasi kita sa suggested friends. Kaya, nag-message ako sa iyo. Buti nga, nakita pa kita ulit dito sa FaceGram eh" sabi niya.

"Bakit?"

"Gusto ko kasing mag-sorry sa mga nasabi at nagawa ko dati sa iyo. Dapat pala, naniwala na ako sa iyo noon. Dapat pala, ikaw na ang pinili ko."

Gusto ko umirit noong narinig ko ang sinabi niyang iyon. Dahil kinikilig ako ay bigla ko na lang pinatay ang video call. Hihinga lang ako saglit. Teka lang!

Rio Achilles

Kinakausap ko pa si Rocky nang biglang namatay ang tawag. Sobra yatang kinilig kaya pinatay niya ang tawag. Kung alam niya lang na halos gusto ko nang sumuka sa harap ng cellphone ko sa pinagsasabi ko kanina.

Wala naman akong  balak na totohanin ang mga iyon. Kasama lang ito sa plano namin ni Sariah eh. Haynaku, ma-ichat na nga ang babaeng iyon para masabi ko na ang nangyari.

Rio Achilles:
Ginawa ko na ang sinabi mo. Nakakasuka.

Sariah:
Bakit naman? Sige, kwento ka na! 😍

Rio Achilles:
Kung anu-anong sinabi ko sa kanya para mapaniwala ko siyang wala na tayo. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa reaksyon niya eh.

Sariah:
Bakit? Paniwalang-paniwala ba?

Rio Achilles:
Oo. Sobrang rupok pala noon. Kita ko eh, tuwang-tuwa siya. Iyong tuwa niya, abot hanggang sa mga mata niya eh.

Sariah:
Paano'y mahal na mahal ka pa rin niya. Hayaan mo, iyang kahinaan niya ang gagamitin natin para makuha siya. This is a good start.

Rio Achilles:
Naku, kung hindi lang kita mahal eh hindi ko naman talaga gagawin iyon. Teka, uuwi na ako dyan.

Sariah:
Sige, dahil good boy ka ay ipagluluto kita ng food na favorite mo! 😍

Rio Achilles:
Kare-kare? 🤩

Sariah:
Yes! Dalian mo na. Hinihintay ka na ni Mama at Papa eh. ♥️😆

Dali-dali na akong kumilos para makauwi sa bahay nina Sariah. Ilang minuto pa lang akong nag-aayos nang biglang nag-message na naman sa akin si Rocky.

Rocky Estacio:
Thank you for the video call. Sorry may inasikaso ako kanina ha? Can you call me again?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top