Chapter 33
Sariah
HINDI ko alam kay Achie kung bakit niya ako binilhan ng bagong dress. Marami naman akong pwedeng suotin, ang dami ko namang red dress dito eh.
Ilang beses ko na siyang tinatanong kung para saan ito pero ayaw niya akong sagutin! Puro na lang mamaya ang sinasabi ng lalaking ito sa akin. Basta, maghanda raw ako.
Ito ang binigay niyang damit sa akin. Hindi ko alam kung anong meron pero sumunod na lang ako kasi excited rin naman ako sa mangyayari sa amin ngayon. Ilang weeks rin akong tahimik sa bahay kasi, maybe he'll treat me somewhere para makapag-celebrate kami ng pagiging okay ko. Nakakapasok na rin kasi ako sa trabaho lately kaya feeling ko talaga ay okay na ako.
I don't mind of all those things na lang kasi baka tumanda ako agad kapag iyon ang ginawa ko. Hahayaan ko na lang muna siya ngayon kasi may plano naman na kami ni Achie, ang gusto ko na lang ngayon ay ang mag-focus sa trabaho at kay Achie. Kung makita niya man na masaya ako, wala na akong paki roon.
Ilang minuto rin kaming nag-byahe ni Achie. Wala akong kaalam-alam sa lugar, dahil madilim na ay wala na rin akong makita. Diyos ko, alam naman niyang matatakutin ako sa ganitong mga klaseng lugar tapos rito pa niya ako dinala. Iba rin eh ano?
Pagka-baba namin sa kotse ay agada niya akong nilapitan. May hawak siyang blindfold at agad niya naman akong pinatalikod. Wala na akong magawa dahil narito eh, sasakyan ko na lang ang trip nito para matapos na ito. Well, lahat naman ng surprises niya ay maganda. Never naman niya akong pinahamak kahit kailan kaya may tiwala ako sa kanya.
"Dahan-dahan ka ha? Madilim na at kakaiba ang daan rito eh," sabi niya sa akin habang napatawang konti, inaalalayan niya pa rin ako sa daan namin patungo kung saan.
"Alam mo naman pala na madilim rito, bakit dito mo pa ako dinala? Achie naman eh, natatakot kaya ako. Ano bang plano mo kasi? Ayaw pang sabihin eh," naiinis na sagot ko
"Konting lakad na lang naman, makakarating rin tayo doon. Kapag nakita mo na iyon, hindi ka na maiinis sa akin. I promise you that," sagot naman niya
Hindi na lang ako umimik, nag-focus na lang ako sa daan at baka matapilok rin ako. Bakit ba naman kasi may ganitong pakulo pa. Kung magpo-propose siya, pwede namang hindi na ganito dahil papayag naman ako sa gusto niya.
Pagbukas ng mga mata ko ay nakita ko ang magandang view ng candlelight na nasa harapan ko. Napaka-sosyal talaga ng boyfriend ko kahit kailan. Ang swerte ko talaga sa kanya dahil kahit ganito na ang nangyayari sa amin ngayon ay hindi pa rin niya ako nakakalimutang pakiligin.
"What's the meanong of this? May kasalanan ka ba, Achie?" biro ko sa kanya
"Wala ah. I just wanted us to celebrate dahil ngumi-ngiti ka na ulit. Oh god, I missed your smile my love," sabi naman niya sa akin
"Grabe, namiss mo lang tapos may paganyan ka na? Iba eh, may iba rito," sabi ko
"Anong iba? Ikaw talaga, kung anu-ano na naman ang iniisip mo sa akin," sabi niya sabay pinaupo niya ako sa lrft side na chair.
"Sure ka? Wala lang ito?" tanong ko ulit
"Wala nga, kumain ka na nga lang dyan. Normal na araw lang today, okay?" sabi niya sabay ngiti sa akin
"Okay. Sabi mo eh," sagot ko naman pero hindi pa rin ako naniniwala sa kanya.
Hindi lang pala kami ang tao roon dahil nag-hire siya ng mga waiter. Kaya pala walang pagkain agad kanina. Napangiti na lang ako bigla noong nakita ko sila. Si Achie talaga, puno ng surprises.
"Baliw ka talaga, bakit may ganito pa? Pwede namang sa bahay na lang natin ito gawin. Napagod pa tuloy sila," sabi ko sabay tingin sa mga waiter
"Hindi mo ba nagustuhan? Ang tagal ko na kaya itong pinaghandaan," sabi niya
"Nagustuhan ko naman. It's just that alam mo naman na hindi ako into these things," sagot ko naman
"Yeah, I know. You're not into these things but I think you deserve these. You deserve more, actually," sagot niya sabay ngiti sa akin
Hindi na ako nagsalita dahil kinilig na ako. How can you say no sa mga ganitong klaseng tao. He deserves everything too. Simula noong nakilala ko siya, hanggang ngayon ay ganoon pa rin naman siya. He changed for the better and for our relationship. Doon pa lang, panalo na ako eh.
Pagkatapos naming kumain ng mamahalin na dishes, eh bigla siyang lumapit sa akin. Tiningnan niya ako sa mata for about a minute and then he smiled. Iyong ngiti niya, alam mong totoo at walang tinatagong lungkot. Hindi ko alam pero dahil doon ay napa-ngiti na rin ako sa kanya.
"I know that this not the perfect timing for this but," sabi niya sabay luhod at may kinuha siyang box sa may pocket niya.
Binuksan niya iyon at napa-nganga na lang ako sa ring na aking nakita. This is it, he is really proposing to me. Napaluha na ako dahil kahit naman alam kong ikakasal na kami after six months ay iba pa rin pala ang feeling kapag lumuhod na sa harapan mo ang iyong partner.
"Will you marry me, Sariah?" sabi niya pagkatapos ay naluluha na rin siya
"Yes, of course. I will marry you," sabi ko naman
Tumayo na siya mula sa kanyang pagkakaluhod pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. He kissed me on my forehead, cheeks and lips. Para na kaming tanga na naluha sa mga nangyayari.
"I love you so much," sabi ko
"I love you more," sagot naman niya sa akin
Pagkatapos noon ay hinalikan niya ako ulit at niyakap ng mahigpit. I can't wait for that day, the day wherein I'll be married to my favorite author.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top