Chapter 32

Rio Achilles

LIMANG araw na ang nakakalipas nang nangyari ang insidente sa cafe. Araw-araw akong pumupunta kay Sariah simula noon. Sobrang down kasi niya dahil nag-viral na ang video ng away nila ni Rocky.

Hindi siya active tulad noong nasa Siargao kami. Hindi siya nalabas ng bahay. Halos mawawalan na rin nga siya ng trabaho dahil sa pesteng video na iyon. Bwisit naman kasi si Rocky, wala yatang matino na magawa sa buhay kaya kami ang gustong atakihin.

Tulad nang dati, hinahayaan ko lang siyang mag-isa para makapag-isip siya nang maayos. Pati nga ang parents niya'y hinayaan muna siya dahil alam nilang hirap rin si Sariah sa nangyari.

Ngayon ay papasok ako sa kwarto niya para dalhan siya ng pagkain. Usually, si Grace ang nagdadala sa kanya ng pagkain pero ngayon ay gusto ko itong gawing espesyal para kahit paano ay ngumiti siya.

Pagpasok ko ay may kinukuha siya sa drawer habang nahikbi pa rin. Haynaku, napaka-iyakin talaga ni Sariah, ang cute niya.

"Kumain ka na. Umiiyak ka pa dyan eh. Baka gutom ka lang," sabi ko sa kanya

Agad siyang ngumiti nang makita niya akong may dala-dalang tuna burger at juice para sa kanya. Hindi talaga siguro niya akalain na ako ang maghahatid nito sa kanya ngayon.

"Surprised ka ano? Hindi mo akalain na ako ang magdadala nito ngayon sa iyo. Sige na, kumain ka na para lumakas ka. Sabi ni Grace nagkakasakit ka na raw lately," sabi ko sa kanya

"Pati iyon ay sinabi niya sa iyo? Huwag ka ngang maniwala roon. Hindi naman iyon totoo eh," sagot niya sabay pakawala ng mahinang ubo

"Wala kang sakit niyan ah? Hindi pala iyon totoo ah. Ano iyong ubo mo?" tanong ko sa kanya

Pagkatapos noon ay nilapag ko na sa kama niya ang pagkain. Lumapit naman siya roon at tiningnang mabuti ang tuna burger at juice na dala ko.

"Wala ito. Nasamid lang siguro ako," sabi ni Sariah pagkatapos ay kumagat na roon sa tuna burger

"Weh? Kitang-kita kaya sa katawan mo. Ang payat mo na, hindi ka na sexy!" biro ko sa kanya

"I don't care naman na kung hindi ako sexy. At least, I'm your girlfriend now. No one can stop me. Akin ka lang hindi ba?" sagot niya sa akin

"Woah. Iba yata ang kausap ko ngayon ah? Ikaw ba talaga si Sariah? Bakit ganyan ka na magsalita ngayon?" tanong ko sa kanya

"I want to change. After what happened sa cafe, I want to change things. Hindi pwedeng apak-apakan na lang ako nang babae na iyon," sagot niya

"And then? What kind of change ba? Maybe I can help you," sabi ko sabay ngiti

"Gusto ko ipakita sa babae na iyon na ako na talaga ang panalo. Na akin ka na talaga, pwede ba iyon?" sabi niya sa akin

Medyo kinilig ako roon sa sinabi niya. Hindi naman kasi ganyan si Sariah sa akin eh. Naninibago ako sa kanya. Ang ganda rin pala kung ganito kami sa isa't isa.

"What made you think of that, my love?" tanong ko sa kanya

"Maybe she thinks I don't deserve you kaya pilit ka niyang inaagaw sa akin. I'm willing to prove to her that I'm the winner and not her," sabi niya

"By what? What will you do?" I asked her again

"If this is the only way, sige. Pakakasalan kita, Achie. Siguro, hindi tayo titigilan niyan hangga't hindi tayo kasal eh," sabi niya sa akin

I looked at her eyes. Ayaw kong mapiitan siya dahil lang sa natatakot siya kay Rocky. Maybe, we can find another way out of here.

"Are you sure about that?" tanong ko ulit

"Yes, besides sabi nga nila Mama at Papa, nasa edad na tayo. We can do it whenever we want," sabi niya

"Hmm, okay. Pakakasalan kita next month. Is that okay with you?" sabi ko

"Next month agad? Hindi ba pwedeng in six months? May plano pa kasi ako eh," sabi niya

Nagtaka ako. She's not into plans. In fact, she hates it. Para sa kanya, mangyari kung mangyari. What is she planning? Our wedding?

"So, anong plano mo? Para ba iyan sa wedding natin o iba pa?" naguguluhan na tanong ko sa kanya

"You will fall inlove with Rocky. Make her feel na you really do care for her," she said with conviction

What the fuck is that? Totoo ba ito o nanaginip lang ako? This isn't happening. Masamang panaginip yata ito. She's kidding me, right?

"What are you thinking? Hindi madali iyon, ayaw ko! Paano ka?!" sagot ko

"Okay lang ako, mahal ko. I won't be jealous. We will be on a mission," sagot niya sabay ngiti

"Mission? Tungkol kay Rocky?" tanong ko

"Yeah. But, six months preparation pa. Aayusin muna natin ang kasal natin, kapag naayos na natin ay yayayain mo na siya magpakasal," sabi ni Sariah sabay ngiti

"Siya ang yayayain ko? Ha?" tanong ko

"Yes, pero ibang church ang ibibigay mo sa kanya. I want her to be in jail. She is sick. Hindi na maayos ang pag-iisip niya," sagot niya

"Why? Are you sure? Delikado ang pina-plano mo, Sariah. It will take a long time," sabi ko

"I know but if we trust each other, we will make this work my love. I promise," sabi niya

Ngumiti na lang akong mapait. I am worried but I really want to make this stop. We need to do something to make Rocky stop.

"I trust you, my love. I will be by your side. Suportahan kita rito," sabi ko

"Okay. Thank you. I love you. Tara, kain na tayo?" sabi niya pagkatapos ay binigay na sa akin ang isang tuna burger.

Hindi ko alam kung paano ko gagawin pero dahil mahal ko siya ay susunod na lang ako. If this is for the best, we will do this. We will do this together, Sariah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top