Chapter 30

Rio Achilles

NOONG pina-plano ko ang pagpunta namin dito sa Siargao ay kinakabahan talaga ako. Hindi ko kasi alam kung papayag ang magulang niya na samahan ako.

Gusto ko pa sana siyang dalhin kung saan-saan sa Siargao pero gusto niya lang raw humiga sa kama. Pumayag na rin naman ako kasi maganda naman ang view rito sa place namin. It was so relaxing.

"Mahal ko, thank you ah? Thank you for this trip! Pinawi nito ang mga problema ko kahit saglit," sabi ni Sariah sa akin

"Ano ka ba? Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo dahil pinawi mo ang pagod ko sa lahat," sabi ko habang nakatingin sa kawalan

Nandito lang kami sa labas ng Freedom Society. Tinitingnan lang ang langit, ang ganda pala rito kapag gabi na. Mas payapa ang lahat.

"Bukas, babalik na tayo sa stress ng realidad. Haynaku, kung pwede lang talagang dito na tayo tumira ay ginawa na natin," sabi ni Sariah

"Okay lang naman iyon. Ganoon talaga ang buhay eh, at least magkasama pa rin tayo sa realidad na haharapin natin bukas. Ikaw at ako pa rin," sagot ko naman

Nakita ko ang matamis niyang ngiti. Ibigsabihin, kinilig siya sa sinabi ko. Well, iyon naman kasi talaga ang totoo eh. Siya pa rin kasi pipiliin ko pagkatapos nito.

"Pinapa-kilig mo ako ano? Ikaw talaga, matulog na nga tayo at maaga pa tayo bukas. Salamat talaga sa ginawa mong ito," sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi

Pumasok na kami sa loob dahil malamok na rin dito sa labas. Antok na kami pareho dahil pumunta kami sa Taktak Falls kanina. Ang ganda pala talaga roon. Ibang-iba iyong nakikita ko online dati.

Humiga na ako samantalang si Sariah naman ay nag-shower na. Inayos ko na ang gamit ko para bukas ay ayos na ang lahat.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na si Sariah mula sa comfort room. Pagtingin ko ay bihis na agad siya. So, sa loob siya ng comfort room nagbihis?

"Bakit bihis ka na agad? Pwede namang dito ka na lang nagpalit sa labas ah. Hindi naman ako titingin eh," sabi ko sa kanya sabay tawa

"Magkasintahan pa lang tayo, hindi mag-asawa! Kahit na sumama pa ako sa iyo dito, bawal pa rin ano!" sagot naman niya sa akin

"Oo na, masyado kang dalagang pilipina eh ano? Hindi naman ako tatabi sa iyo dahil may sarili akong kama. Alam ko naman sa sarili kong hindi ka pa handa," sagot ko naman

Sa totoo lang, I like her attitude. She's not giving in to temptations kaya kahit ako ay napapalaban rin sa mga ganitong sitwasyon.

This is a challenge for us to take. Hindi porket nasa edad na kami ay pwede na kaming gumawa ng bata. Hihintayin ko pa rin si Sariah. Siya lang ang hihintayin ko, wala nang iba pa.

Lumapit ako sa kama niya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa noo. Nakita ko naman ang ngiti niya at kilig na kilig siya roon dahil sa ginawa ko.

"I love you, my one and only author! Thank you for changing my life!" sabi niya sa akin pagkatapos ay humalik siya sa aking pisngi

"No. You changed my life! I love you so much my reader turned to girlfriend," sabi ko sabay tawa

"Ang swerte ko nga raw sa iyo sabi ni Candice eh," sabi niya sa akin pagkatapos ay ngumiti nang matamis

"Bakit naman raw? Hindi mo sinabi na mas swerte ako dahil sa iyo?" sagot ko

"Ang swerte ko raw kasi author ang boyfriend ko. Ewan ko ba roon sa babae na iyon," sagot naman niya sa akin

Bonus lang naman para sa akin ang pagiging author ko eh. Ang mahalaga ay iyong mga aral at saya na nabibigay ko sa readers ko.

"Siya, good night na. Mahal kita, Sariah ko. Tulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas," sagot ko pagkatapos ay hinalikan siya sa labi at bumalik na ako sa higaan ko.

"Mahal na mahal rin kita. Salamat," rinig kong sagot niya

11 o'clock kami umalis sa Siargao. Nakarating kami sa bahay nina Sariah bandang 2pm na. Sinalubong naman kami ng kasambahay nila. Ilang minuto pa ay nagising na ang parents ni Sariah.

"Ano? Magiging lolo at lola na ba kami? Aba, siguraduhin mo lang na buntis ang anak ko pagkatapos niyong pumunta roon. Kaya nga kami pumayag na sumama iyan dahil gusto na namin ng apo eh," salubong ng Papa ni Sariah sa amin

"Mama, pagsabihan mo nga po iyang si Papa. Alam naman niyang ayaw ko pa eh. Wala kaming ginawa roon! Ang gusto lang namin ay tahimik," sagot naman ni Sariah

"Pag-pasensyahan mo na ang Papa mo. Natanda na kasi talaga kami. Sa totoo nga niyan ay iyon talaga ang gusto namin na mangyari," sabi naman ng Mama ni Sariah

Dahil ayaw kong lumala ang sagutan nila ay sumabat na ako. Ramdam ko na naman kasi ang tensyon sa boses ni Sariah. Ayaw ko namang magka-away sila dahil doon.

"Ah, napag-usapan naman na po namin ni Sariah iyan. Huwag po kayong mag-alala. Ayaw ko rin naman siyang ma-pressure," sabi ko pagkatapos ay ngumiti nang mapait

Hindi na rin nagsalita ang Mama at Papa ni Sariah sa amin. Nagulat na nga lang kami na bigla na lang tumayo si Sariah mula sa sofa at biglang pumunta sa kwarto niya.

Dahil alam kong ayaw muna niya ng kausap kapag galit siya ay tinuon ko na lang ang atensyon sa mga pasalubong namin para sa mga magulang ni Sariah. Bumili kami kanina ng keychain at t-shirt sa bayan bago kami umuwi eh.

"Pasensya ka na sa anak namin. Ayaw kasi talaga niya na pinapangunahan siya. Sa sobrang tanda na namin, hindi namin mapigilan na maging makulit. Sorry ha," sabi ng Papa ni Sariah sa akin

"Naku, huwag po kayong mag-alala. Naiintindihan ko naman po kayo," sabi ko sabay ngiti sa kanila

Noong medyo matagal na ako sa sala ay sinabihan na nila ako na kausapin ko na raw si Sariah sa loob. Alam kasi nila na isa ako sa magpapakalma kay Sariah.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top