Chapter 3
Rio Achilles
NANDITO ako sa party ng kaibigan ko ngayon. 30th birthday niya na pero wala pa din siyang asawa. Well, ako din naman wala pa rin hanggang ngayon kahit 28 years old na ako.
Wala eh, busy ako sa trabaho at sa pagsusulat ng mga kwento. Buti na lang at hindi alam ng readers ko ang tunay kong mukha. Kundi, baka madami na nakapila sa akin ngayon. Haha! Joke lang.
"Pare, ano? Bakit hindi ka pa din nag-aasawa ngayon? 28 ka na ngayon ah. Wala bang nagkakamali dyan?" sabi ni Red sa akin
"Wala pa pare, wait ka lang diyan. May darating din para sa akin, buti nga sa iyo mayroon na! Ikakasal ka na," sagot ko
"Oo nga eh, alam mo ba pare? Nakilala ko lang naman si Regine sa online dating app, hindi ko naman akalain na darating ang araw na ito na siya na ang ihaharap ko sa altar," sagot niya sa akin
"Ano namang dating app iyan? Ma-try nga at baka magkaroon din ako ng asawa ko dyan. Alam mo na, tumatanda na tayo eh!" sagot ko pero biro lang
"Sige try mo, the application is called Find Me, Baby. Madaming magaganda dyan, malay mo nandyan na talaga ang taong para sa iyo. Yiee!" sagot ni Red
As if naman na gagamitin ko ang application na iyon? Ayaw ko nga, makikita nila ang gwapo kong mukha at ayaw ko noon! What if reader ko pa pala ang makilala ko roon? Edi mas lalo na! Nakatakot, ayaw ko talaga!
"Baka naman manloloko lang ang nandoon, huwag na. Maigi nga at walang gumugulo sa akin eh," sagot ko
"Aba, mawawala ka na sa kalendaryo! Dapat ay umaariba ka na sa mga oras na ito," hirit pa ni Red
Kahit na 28 na ako, baby face pa ako. Akala nga ng iba ay 20 years old lang ako. Ang puti ko kasi at matangkad, chinito pa.
"Kaya pa iyan, baby face naman ako kaya hindi nila malalaman na ako'y 28 years old na. Okay?" sagot ko
Ilang minuto lang ang nakalipas ay pinuntahan kami ni Red noong may birthday, si Lam.
"Achie and Red, kamusta?! Long time no see ah, buti naman at nakapunta kayo dito. Tara doon sa iba kong kaibigan, ipapakilala ko kayo. May chiks doon!" sabi ni Lam
"Sige Lam, susunod kami. Itong kaibigan natin eh need na ng makakasama sa buhay eh," sabi ni Red
"Si Lam ang may kailangan dyan, hindi ako. Happy 30th birthday brother, magpakasal ka na!" hirit ko
"Kung may pakakasalan ako, eh mukhang wala eh. Hindi naman ako nilalapitan ng mga babae na iyan," sagot ni Lam
"Malay niyo ngayong gabi na iyon, hindi ba? Buti na lang ako ikakasal na kay Regine. Ang sarap kaya na may mag-aalaga sa iyo habangbuhay," sabi ni Red
Ito na naman siya, inlove na inlove ang kaibigan ko. Ang swerte nila sa isa't isa ni Regine, pero hindi ko pa din hihilingin na magkaroon ako ng girlfriend. Hindi pa ngayon.
"Kapag kinasal na kayo, huwag ko kayong makikita kay Raffy Tulfo ha? Kundi, tatawanan ko kayo," sagot ko
"Aba, hindi ah! Hindi ako papayag na ipapa- Raffy Tulfo niya ako. Utang na loob, mahal namin ang isa't isa ni Regine," sagot ni Red
Natatawa na lang ako sa mga narinig ko, inlove nga si loko. Parang bata, ayaw mahiwalay sa asawa. Well, sabi naman nila sa una lang exciting ang pagkakaroon ng asawa.
Sa akin naman, nasa mag-asawa iyon kung paano nila bibigyang kulay ang araw ng isa't isa. There will be days na hindi masaya, pero hindi ibigsabihi noon ay hihiwalayan na nila ang isa't isa.
Iyong mga nagpapa-Raffy Tulfo, may mga cases na kaya naman pag-usapan ng pribado pero mas pinipili nila na doon sabihin, nakiki-uso lang siguro sila. Kaya minsan, magkakaayos naman pala pero nagkalabasan pa ng baho iyon sila.
"Sige na, uminom na tayo at baka kung saan pa umabot ang usapan natin na ito," sabi ni Lam
Dinala kami ni Lam sa iba pa niyang mga kaibigan, ang ilan doon ay kilala ko na dahil sikat sa social media at iyong iba naman ay nakikita ko sa iba't ibang events.
I had a few drinks, hindi ako iinom masyado dahil magda-drive pa ako ng 30 minutes, gabi na at delikado kapag nagpakalasing ako.
12 AM na ako nagpaalam sa kanilang umuwi, ang iba ay nagdadatingan pa lang. Grabe, wala ba silang balak matulog ngayon? Gustong-gusto ko na nga matulog kapag ganitong oras na eh, mga bampira yata itong iba niyang kaibigan.
Buti na lang hindi ako addicted sa parties, napunta lang ako kapag gusto kong puntahan o di kaya ay free ako. Sa bahay lang ako madalas eh, nagsusulat lang. Kaso, kahit naka-upo ay pagod din ang utak ko sa pag-iisip ng isusulat.
Speaking of pagsusulat, kailangan ko nga palang mag-update sa Wattpad mamayang umaga. Sinabi ko nga pala sa readers ko na today ako magdadagdag ng chapter. Bakit kasi walang automatic update sa Wattpad eh, mas okay ang ganoon eh.
Pinuntahan ko sina Red at Lam para makapag-paalam na rin sa kanila, nakikipag-kwentuhan sila sa iba pa nilang kaibigan. Si Lam, may nakakandong na sa kanyang babae. Kahit kailan talaga, chickboy ang lalaking ito.
"Hoy, chickboy! Alis na ako. Umaga na eh, may gagawin pati ako mamaya. Maiwan ko na kayo sa mga babaeng iyan," sabi ko kay Lam
"Anong gagawin mo? Maghahanap ka na ba ng chicks sa Find Me, Baby?" hirit ni Red sa akin sabay tawa
"Loko, hindi ko gagawin iyan ha. Si Lam na lang, busy ako sa buhay at hindi ko pa naman kailangan ng asawa. Bata pa ako, sige na! Bye," sagot ko
Hmm, tama ba ang sinabi ko? Hindi ko nga ba kailangan noon? Dalawang taon na din kasi ang nakakalipas noong huli akong magmahal, simula noon ay pinangako ko na sa sarili kong hindi muna ako magmamahal. But this time, ready na ba ako? Should I try that application kahit na wala akong kasiguraduhan kung sino ang makikilala ko doon?
Hmm, siguro ay gagawin ko rin ang ginawa ko sa Wattpad. Wala rin akong ilalagay na totoong mukha ko at iibahin ko din ang pangalan ko para hindi nila ako makilala. Oh well, kahit naman pala ilagay ko ang mukha ko doon ay hindi pa din nila ako makilala kasi hindi nila alam ang tunay kong mukha. Why am I feeling so excited about this? Walanghiya, maka-uwi na nga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top