Chapter 28

Rio Achilles

NATUWA ako nang malaman na dumalo pala si Sariah sa booksigning ko. Akala ko'y hindi talaga niya ako pupuntahan eh. Iniisip ko iyon maghapon, buti na lang at pumunta talaga siya.

Ilang minuto lang pagkatapos noon ay dumating si Rocky, naka-jacket siya at shades para siguro hindi ko siya makilala.

Naiinis ako dahil tinatakot niya kami ni Sariah. Akala ba niya ay magpapadala kami sa mga ginagawa niya? Hindi ano. Nagmumukha lang siyang tanga.

"Mga pare, parang tanga si Rocky. Pumunta ba naman dito? Nakaka-asar eh," sabi ko kina Red at Lam

"Nakakatakot iyon pare ha,  stalker mo na talaga siya. Obsessed na yata iyon sa iyo eh!" sabi ni Red

"Alam na kaya ni Sariah ito? Naku, patay ka dyan kapag nalaman niyang dumaan si Rocky. Baka magselos iyon!" sabi ni Lam

"Hayaan na, kakausapin ko na lang siya mamaya kapag umuwi na ako. Dadaan naman ako roon eh," sabi ko

Ilang minuto pa ay may unknown na nagsend sa akin ng video. Nang buksan ko iyon ay gulat na gulat ako. It's Rocky.

Unknown: Sinunog ko na ang book mo, wala naman kasing kwenta iyong kwento mo. Sayang lang pera ko. Gusto mo, next time ikaw naman sunugin ko? Pwede naman.
Achie: Talagang nag-effort ka pang bumili at gumawa ng bagong account para lang guluhin ako? Hindi ka na nakakatuwa, Rocky.
Unknown: Ikaw naman, hindi mo ba na-aappreciate ang effort ko? Ang sad naman. :( Sige, hintayin mong isa ang mamatay sa inyo ng mahal mong si Sariah. Good luck!

What the fuck? She's sick! Kailangan na yata ng babae na ito na pumunta ng mental hospital. Baliw na baliw na yata ito sa akin eh.

Dahil ayaw kong ma-stressed sa kanya ay nag-focus na muna ako sa mga readers kong naka-pila sa booksigning. Mamaya ko na iisipin ito pag-uwi.

Ilang minuto pa lang akong pumipirma ng books ay agad na tumunog ang aking cellphone. Agad ko tuloy tinapos ang pagpirma at nang makita ko ay natawag pala sa akin si Sariah.

Sariah: Huy, kalat na kalat na sa social media ang pagsunog ni Rocky ng book mo. Pumunta rin pala siya dyan?!
Achie: Oo, pumunta siya. Naka-jacket at shades pa nga. Akala ko'y sa akin niya lang sinend iyong video! Pinost pala niya?! Baliw na talaga iyon!
Sariah: Baliw na talaga, nakakatakot na siya eh. Umuwi ka na, kailangan nating pag-usapan ito. Hihintayin kita ah?
Achie: Okay po. Buti tapos na ang pag-pirma ko. Hintayin mo ako dyan, lilipad na ako. Haha. Huwag mong isipin ang baliw na iyon ha!
Sariah: Baliw ka rin eh ano? Nagawa mo pang magbiro eh hindi na ito basta hater mo lang. Mukhang gigil na gigil gumanti iyan sa atin eh.

Tinawag ko ang atensyon nina Red at Lam para ihatid nila ako sa bahay ni Sariah. Buti na lang at hindi na ako napansin ng ibang readers ko, kundi madami pang nagpa-picture sa akin.

Dahil worried na ako kay Sariah, fifteen minutes pa lang ay nandoon na ako sa kanila. Pagdating ko'y naiyak siya sa tabi ng isang babae.

"Baliw na yata iyang Rocky na iyan eh. Pati ba naman sa social media, sisiraan ka?! Kapag nakita ko iyon, susunugin ko rin buong pagkatao niya!" sabi ni Sariah sa akin habang humihikbi

"Hayaan mo na siya, wala naman magagawa iyon. Hindi kita papabayaan. Mahal na mahal kaya kita," sagot ko naman

"Sorry, wala na ako kanina doon to protect you from her. Dapat pala ay nagpakita na lang ako sa iyo kanina para nakita ko siya. Sinaktan ka ba niya sa event?" naaawang tanong sa akin ni Sariah

"No, hindi niya ako sinaktan. Kung ginawa niya iyon, makukuyog siya ng ibang readers ko. Huwag na natin siyang isipin," sagot ko naman

"Sabi ko naman sayo girl, huwag ka na umiyak kasi nasa iyo naman prince charming mo. Sana all mayroon, diba?" nakangiting sabi noong babae

"Ah, si Candice nga pala, Achie. Candice, siya iyong author na boyfriend ko. Papirmahan mo na iyong binili mo kaninang libro," sabi ni Sariah doon sa babae

Natuwa naman ako dahil kahit hindi namin kilala ang isa't isa ay binili niya pa rin ang libro ko. Ilang segundo pa ay nilabas na niya ang libro ko't isang ballpen.

Nakangiti siya habang pinipirmahan ko ang libro ko. Nagpasalamat ako sa pag-support niya sa akin kahit hindi naman niya ako kilala totally. Mukhang hindi rin naman siya fan masyado ng Wattpad.

"Pati iyong akin, pirmahan mo na rin huy!" sabi ni Sariah sa akin, nilabas niya ang libro ko

"Oo na, ikaw pa ba makalimutan ko? Dapat nga, ikaw ang una kong pinirmahan doon eh kaso hindi ka naman nagpakita kaya hindi ikaw ang unang pinirmahan ko," sabi ko na para bang nagtatampo

"Okay lang iyan, ako naman ang huli mong mamahalin eh," hirit niya, kinilig naman ako dahil doon

"Peste, kinikilig ako pero pwede ba? Huwag naman kayong ganyan. Alam kong malapit na ang Valentine's Day pero sana alam niyo rin na single ako hindi ba?" singit ni Lam sa amin

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Lam. Dahil doon, naisipan ko na rin siyang pag-tripan. Agad akong nagtanong kay Candice kung single ba siya.

"Ah, Candice.. Single ka ba? Baka pwede mong i-date sa Valentine's Day itong kaibigan ko. Ilang taon na kasi iyan pero wala pa ring girlfriend hanggang ngayon eh," sabi ko, gulat na gulat naman si Lam at Candice dahil doon

"Pare, nakakahiya ka! Loko 'to. Miss, pag-pasensyahan mo na iyang kaibigan ko ah? Wala lang magawa sa buhay iyan eh," sagot ni Lam

"Ah, kung magde-date si Candice at Lam, saan tayo pupunta Achie? Magkakaroon rin ba tayo ng date mahal ko?" sabi ni Sariah sa akin

"Oo naman. All is set! Hindi tayo magpapatalo sa dalawang iyan ano," sabi ko naman

Yeah, inayos ko na ang lahat last week pa for Valentine's Day. We will go to Siargao this February 14. I hope you'll love it, my Sariah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top