Chapter 27

Rocky

AKALA ba nila titigilan ko na sila? Hindi pa ako tapos! Nagpahinga lang ako pero wawasakin ko pa rin silang dalawa. Buti na lang at may booksigning si Rio Achilles ngayon, magkikita kaming dalawa.

Ang swerte nga niya, bibili pa ako ng book niya para lang makapasok sa loob. Gagastos pa ako para sa iyo, Rio Achilles!

For sure ay pupunta si Sariah dito, noong mag-kaibigan pa kami ay lagi kaming sabay bumili ng books eh. Si Rio Achilles lang ang author na gusto niya noon pa man.

Mag-isa lang akong pumunta sa event. Nakajacket at shades pa ako para hindi nila ako makilala. Nandito lang naman ako para takutin sila ng konti.

Ang bagal ng babae sa harapan ko. Gusto pa yatang lapain si Rio Achilles nang buo. Hoy, akin na iyan. Tama na ang pagfa-fan girl dahil ako na ang kasunod mo. Bwisit!

"Grabe, fan na fan niyo po ako. Since 2016 ay nagbabasa na po ako ng stories niyo! Thank you po sa paggawa sa kanila ha! Buti 18 years old na ako ngayon, grabe talaga!" sabi pa noong babae

Kinuha pa niya ang kanyang cellphone at nagselfie pa sila ni Rio Achilles. Iyong hawak ni ate kay Rio, may pagnanasa eh. As if naman na gugustuhin siya ni Rio.

Ilang minuto pa ay umalis na iyong babae, nasa edad 20 lang yata iyon. Hindi sila bagay, kami lang ang bagay ni Rio Achilles!

"Salamat naman at umalis ka na," bulong ko

Sa wakas, ako na ang kasunod! Nilabas ko agad ang ballpen at book na binili ko. He signed it and smiled at me. Pagkatapos ay tinanong niya ang pangalan ko.

"Anong pangalan po? Ilalagay ko kasi rito," sabi niya

"Hindi mo ba ako nakikilala? Rocky ilagay mo dyan. Bilisan mo," sagot ko naman

Gulat na gulat ang mukha niya. Natatawa ako deep inside dahil alam kong alam niya na kung sino ako kahit na Rocky lang ang sinabi ko.

"I-ikaw? Bakit ka nandito?" nauutal na sabi niya

"Bakit hindi? Wala namang nagsasabi sa akin na bawal ako rito. Pasalamat ka pa nga dahil sinusuportahan kita kahit na galit ako sa iyo," sagot ko naman

"Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na sa akin, huwag mong idadamay si Sariah dito. Tigilan mo na kami," sagot niya

"Tigilan? Sa tingin mo'y titigilan kita? Magdasal ka na simula ngayon, may surpresa ako sa inyong dalawa eh," sagot ko

I took a picture of him, ise-send ko ito kay Sariah mamaya. Akala ba niya ay si Rio Achilles lang ang pararamdamin ko ng kaba? Syempre, siya rin. Mamatay sila parehas sa kaba!

Sasagot pa sana siya sa akin pero umalis na ako. Ang dami kasing tao at naririnig ko na ang reklamo ng babae sa likod ko. Tumingin ulit ako sa kanya nang masama pagkatapos ay lumabas na sa event.

Raki: You sent a photo.
Raki: Akala mo ba ay nakalimutan ko na kayo? Nasaan ka? Bakit wala ka sa event ng boyfriend mong writer?
Sariah: typing...
Raki: Magdasal na kayo, malay niyo isang araw ay isa ang mawala sa inyo.  Ay, maganda yata ang both. What do you think?
Sariah: Rocky, tama na. You need to move on from this. Hindi na nakakatuwa, hindi ka naman ganyan noon hindi ba? Just stay away from us. Let us be happy with our decisions. Please, Rocky.

After what you did, iisipin mong mapipigilan mo ako sa pagwasak ko asa inyo? You are wrong my dear ex-bestfriend, nag-uumpisa pa lang ang larong ito. Pasensya na, kayo ni  Rio Achilles ang taya rito.

Raki: Please stop begging. Walang magagawa iyan, buo na ang desisyon kong sirain kayo. Okay? Kawawa naman, sa huli kasi ay may mawawala. Sino kaya?
Sariah: Ako na lang, please! Sa akin ka naman galit hindi ba? Tigilan mo na si Achie. Wala naman siyang ginawang mali sa iyo.
Raki: Wala ba talaga? Pinili ka niya over me! Wala ba talaga siyang ginawa para masaktan ako? Meron Sariah, meron! Kaya kung gusto mo ng tahimik n buhay, ibigay mo siya sa akin!
Sariah: Hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Mahal na namin ang isa't isa at mahirap rin naman kung pipilitin mong mahalin ka niya, Rocky.
Raki: Ah, ganoon ba? Hindi mo pala kayang ibigay eh, edi isa ang mawawala sa inyo. Paki-hintay na lang, surprise ko kasi sa inyo iyon eh. Be careful, nasa paligid lang ako.

I blocked her right away when I sent the message. Ayaw ko na makita ang paliwanag niya. Alam ko namang basura lang naman iyon. She doesn't care about me, sarili lang niya iniisip niya.

Pag-uwi ko ay agad kong kinuha ang book na binili ko. Pumunta ako sa likod ng bahay namin para roon ko gawin ang plano. Susunugin ko ang libro ni Rio Achilles.

Wala rin namang point kung patatagalin ko pa ang book niya rito. I will take a video of it at ipapadala ko naman kay Rio Achilles. Manigas siya sa takot dahil baka siya na ang susunod na susunugin ko.

Raki: You sent a video.
Raki: Sinunog ko na ang book mo, wala naman kasing kwenta iyong kwento mo. Sayang lang pera ko. Gusto mo, next time ikaw naman sunugin ko? Pwede naman.
Achie: Talagang nag-effort ka pang bumili at gumawa ng bagong account para lang guluhin ako? Hindi ka na nakakatuwa, Rocky.
Raki: Ikaw naman, hindi mo ba na-aappreciate ang effort ko? Ang sad naman. :( Sige, hintayin mong isa ang mamatay sa inyo ng mahal mong si Sariah. Good luck!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top