Chapter 24

Sariah

NATAWA ako kay Achie dahil may dala siyang bigas at groceries tapos may chocolate at flowers pa. Sobrang praktikal naman nito, matatawa ang mga magulang ko.

Pinapasok ko na siya sa living room habang sina Mama at Papa ay nasa kwarto pa. Susunduin ko na sila dahil noong isanh araw pa nila ako kinukulit about Achie.

"Mama at Papa, nandito na po si Achie. Kanina niyo pa po siya hinihintay diba?" sabi ko pagkatapos ay nilabas ko na sila mula sa kwarto

Inuna ko munang ilabas si Mama bago si Papa. Tinulungan naman ako ni Grace roon, ang hirap kasi dahil dalawang wheelchair ito.

Noong makita nila si Achie na may dala na kung anu-ano ay natawa sila sa kanya. Iyong tingin sa akin ng mga magulang ko eh approved na agad si loko sa kanilang mag-asawa.

"Aba, mukhang pinaghandaan niya ang pagpunta rito ah? Talagang bigas pa ang binigay sa iyo anak," sabi ng Papa ni Sariah

"Ah, magandang araw po tito at tita. Kamusta po kayo?" mabait na bati ni Achie

"Ayos naman hijo. Mukhang ang dami mong dala ah, para sa amin ba iyan?" sabi ng Mama ni Sariah

"Opo, para sa inyo po talaga ito. Sana po ay magustuhan niyo, pasensya na po at ito lang ang nakayanan ko. Oo nga po pala, flowers at chocolates po para sa inyo tita," sabi ni Achie sabay ngiti at bigay noong flowers at chocolates sa Mama ni Sariah

"Ang dami nga niyan eh, sobra-sobra pa iyan sa amin. Maraming salamat ha? Pati na rin rito sa chocolates at flowers," sagot ng Mama ni Sariah

"Walang ano man po. Basta po para kay Sariah ay gagawin ko naman po ang lahat eh," sabi ni Achie sabay ngiti kina Mama at Papa

Agad namang tumingin sa akin sina Mama at Papa na para bang kilig na kilig sila sa sinabi ni Achie. Hindi ko alam ang gagawin ko, nahihiya ako na natatatawa dahil sa pinapakitang ugali ni Achie ngayon sa mga magulang ko.

"Ayos naman pala ito anak, siya na lang ang piliin mo. Kaya ka naman bilhan ng groceries at bigas oh," bulong sa akin ni Mama

Ngumiti lang ako at inayos ko na ang kakainan namin. Nakakahiya talaga, talagang kitang-kita nina Mama at Papa na gustong kunin ni Achie ang mahiwaga kong oo. Ngunit, nakakatuwa naman ang kanyang fighting spirit dahil halata kong hindi niya talaga ako sinusukuan,

Pag-ayos ko ng hapag-kainan ay niyaya ko na silang tatlo. Narinig ko naman na nagke-kwentuhan sila sa living room. Napangiti ako nang narinig ko ang tawa ni Mama, ngayon ko lang iyon narinig ulit ah. Tuwang-tuwa lang kay Achie?

"Tara, kumain na tayo. Handa na ang tanghalian," sabi ko habang nakangiti

Agad naman akong tinulungan ni Grace at Achie sa wheelchairs nina Mama at Papa. Hindi ko tuloy maiwasan ang kiligin dahil sa mga tingin niya sa akin. Alam niya rin talaga na marupok ako sa mga tingi niya eh.

"Oh, ano nga pala ang trabaho mo, Achie?" tanong ni Papa

"Ah, may family business po kami tito. Minsan, pwede ko po siya gawin sa bahay kasi may isa pa naman po akong kapatid na nag-aayos rin noon. Kaya ko po talagang buhayin ang anak niyo," nakangiting sagot ni Achie

"Aba, tama ka dyan. Alam mo, sabi ko nga kanina kay Sariah ay huwag na humanap ng iba. Para sa amin ay okay na okay ka na," nakangiting sabi ni Papa, lalo tuloy akong nahiya dahil sa mga pinagsasabi niya 

"Papa naman, kung anu-ano pa po ang sinasabi niyo kay Achie. Nakakahiya po," sagot ko naman

"Aba, bakit ka naman mahihiya? Andyan na ang grasya, aayaw ka pa? Aba, sa mga maliligaw mo anak eh siya lang ang ganyan," sagot naman sa akin ni Papa

Napa-iling na lang rin ako dahil sa sinagot ng akin nito. Gustong-gusto na ba nilang mag-asawa ako? Nakakaloka, alam ko namang crush ko siya dahil favorite author ko iyan eh kaso lang hindi ba nakakahiya naman ang mga pangyayaring ito?

"Ano ka ba? Okay lang iyon ano, sinasabi lang naman nila sa iyo na gusto nila ako maging asawa mo pero hindi naman ibigsabihin na ako rin ang pipiliin mo sa huli. Kung ayaw mo talaga sa akin ay wala akong magagawa roon," sagot naman ni Achie

 "Buti naman alam mong ayaw ko pang magpakasal. Hindi pa pwede!" sigaw ko

"Anak, kaya nga siya narito kasi gusto natin siyang makilala hindi ba? Ano ka ba naman?" sabi ni Papa

Hindi ko siya pinansin, lumabas agad ako ng bahay. Wala na akong pake kung saan ako mapunta, ang importante ngayon ay makaalis ako rito. Gusto ko munang magpahinga, ayaw ko ng stress dahil rito.

Ilang minuto pa lang akong tumatakbo ay ramdam ko agad na may tumatakbo rin papunta sa akin. Inis na inis akong humarap kay Achie, habol nang habol si loko eh ayaw ko nga sa kanya. Nakasimangot ako habang hinahabol niya ang kanyang hininga.

"Teka lang naman,  hindi ba pwedeng makipag-usap ka nang maayos?" sabi niya sa akin

"Sa tingin mo ba, kinakausap niyo rin ako ng maayos? Hindi pa pwede, ayaw ko pa nga mag-asawa!" sigaw ko sa kanya

Actually ang totoo niyan ay hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko ngayon. Gusto ko si Achie, pero hindi pa iyon sapat para punmayag akong magpakasal kami. We have to know ourselves more, hindi naman kasi madali ang pagpapakasal. Ibang level na iyon at aminado naman ako sa sarili kong hindi ko pa kaya.

"So hindi pa tayo magpapakasal, okay? Huwag kang ma-pressure. Makakapaghintay naman ako. Hindi rin naman tama na ipilit ko ang sarili ko sa iyo. Pero, may tanong lang sana ako," sabi ni Achie sa akin

"Ano iyon?" sabi ko

"Gusto mo ba ako?"

"Oo pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan

Totoo ba ito? Ang favorite author ko'y hinalikan na ako?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top