Chapter 23

Rio Achilles

After a week..

SARIAH told me last week about her parents. I was shocked but I'm happy too. Hindi ko kasi akalain na ako ang pipiliin nya na ipakilala sa magulang niya. Well, that means ako lang talaga ang kinakausap niya.

Kinikilig ako sa details noong usapan nila. Gustong-gusto na kasi ng parents niya na ikasal siya. Natawa nga ako eh, para kasing nasa Wattpad ang story ng buhay niya.

"Eh ano, ready ka na ba? Makikilala mo na ang parents ko!" excited na sabi niya over the phone

"Aba, oo naman. Sila ba, handa na makita ang son-in-law nila?" hirit ko pa sabay tawa

Kahit hindi siya sumagot agad ay rinig ko ang mahinang tawa niya. Na-iimagine ko na ang mukha niya habang naka-ngiti. Para siyang anghel mula sa langit.

"Ewan ko sa iyo. Sige na, mamaya na lang. Binigay ko naman na sa iyo ang address kaya ayos na iyan," sagot niya sa akin

"Opo Ma'am, nasa wallet ko na iyon kagabi pa. Ako na po ang bahala. See you," sagot ko

"Sige, mag-ingat ka po--" ibababa na niya dapat ang tawag pero pinigilan ko siya

"Teka lang, may nakalimutan ako eh. Huwag mo munang ibaba ang tawag," sabi ko

"Ano iyon?" tanong niya

"I love you.. Joke!" sabi ko

"God bless you pa rin, akala mo sasabihin ko na iyan porket pupunta ka na dito sa amin?" sagot naman niya sabay tawa pagkatapos ay binaba na niya ang tawag

Haynaku, hindi man lang makarinig ng I love you eh. Luging-lugi na ako sa mga nangyayari. Naka-ilan na rin kasi akong I love you eh. Well, actually I love you rin naman ang God bless you in a way dahil hindi niya naman sasabihin iyon kung hindi siya nagke-care sa akin? So, I'll take that.

Papunta ako ngayon sa bahay ni Lam dahil magpapa-sama ako sa kanya ns pumunta sa flower shop pati na rin sa department store dahil ibibili ko rin ang mga magulang ni Sariah ng kung anu-ano. Kung hindi ko mapa-sagot ang anak, sa magulang ako dadaan. Kapag nakuha ko na ang puso nila, pati iyong kay Sariah ay mapapa-sakin na. 

Hindi namin kasama si Red ngayon dahil busy na iyon dahil sa nobya niya. Medyo malapit na rin ang kasal nila. Dati naalala ko pa, pinangako namin sa isa't isa na sabay-sabay kaming magpapakasal para iisa ang gastos pero itong si Lam eh wala pa ring girlfriend kaya hindi na namin iyon magagawa pa.

Pinapasok na ako ng yaya ni Lam dahil nasa taas pa raw si loko. Sosyal ang si gago, may yaya pa rin hanggang ngayon kahit na ang tanda na namin. Sabi niya sa amin ni Red, iyon na rin raw ang magiging yaya ng mga anak niya pagdating ng panahon.

"Oh pare, pasensya ka na at may ginawa pa ako. Tara na? Bilhan na natin ang prinsesa mo," sabi ni Lam at dahil doon ay napa-ngiti ako

"Oo pare, prinsesa ko na talaga iyon. Ngayong araw ko na makikilala ang mga magulang niya, Sana nga ay good shot na agad ako sa kanila eh," sagot ko naman

"Talaga pare? Kung ganoon ay yayain mo na sa inuman ang kanyang tatay para maging close na sa iyo," sagot naman ni Lam

"Naku, ang alam ko ay sakitin na ang Papa niya kaya hindi na pwede iyon. Bibili na lang siguro ako ng groceries para sa kanilang tatlo. Ayos na iyon hindi ba?" sagot ko

"Tangina, seryoso ka ba dyan pare?" gulat na sagot ni Lam

"Oo naman, para sa prinsesa ko eh gagawin ko ang lahat basta kaya ko. I think she deserves it. Kita mo naman noong unang kita natin, sobrang bait niya hindi ba?" sagot ko

"Grabe, ang galing mo naman! Single ako pare, pwede bang tayo na lang para sagot mo na rin ang groceries ko? Alam mo na, kulang eh. I know you can give me more," sagot naman ni gagong Lam

"Shit, Lambert! Tigilan mo nga ako, nakakadiri ka. Hindi bagay sa iyo, tara na nga!" inis na sagot ko

Hindi ko talaga alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa hirit ng kaibigan ko eh. Ang lakas ng tama! Ini-imagine ko pa lang iyong sinasabi niya kanina, hindi ko na kaya. Ngayon ko lang naitanong sa sarili ko, bakit ko naging kaibigan ito?

Bumili na ako ng groceries samantalang si Lam naman ay bumibili ng chocolates at flowers para kay Sariah at sa nanay niya. Syempre kung mage-effort na rin lang ako, kailangan kong itodo na para makita agad ng pamilya niya ang kaya kong gawin kung sakaling maging asawa ko ang anak nila.

After 30 minutes ay tapos na kami sa lahat kaya agad ko nang tinext si Sariah kung pwede na ba kaming pumunta sa kanila.

Achie: Pst. Tapos na kami sa mga binili namin, pwede na ba akong pumunta dyan sa inyo? Excited na nga rin akong makita ka eh. Haha.

Sariah: Anong binili niyo? May binili pa kayo bago kayo pumunta rito? Sinong kasama mo, si Red at Lam ba?

Achie: Secret, basta may binili kami para sa iyo. Punta na ako dyan ah, ibababa ko lang si Lam sa bahay nila tapos dyan na ako dederetso. See you, my princess! Haynaku, makikita ko na naman ang maganda mong mukha. Anghel ka talaga!

Sariah: Baliw ka, niloloko mo pa ako eh. Sige ha, hinihintay ka na nina Mama at Papa rito. Kating-kati na silang makilala ka, nakakaloka na nga eh. Sana pala ay hindi ko na lang sinabi na may kinikita na akong tao ngayon. 

Alam mo, my princess.. Hindi ka magsisisi na pinakilala mo ako sa magulang mo. Ipapakita ko sa kanila na deserving ako sa spot na asawa. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan alam kong gusto na ng parents mong mag-asawa ka? Syempre, I will take all the chances para mapa-oo lang kita.

Paghatid ko kay Lam sa bahay nila, dumeretso na agad ako sa address na sinabi ni Sariah sa akin. Lumabas naman agad siya ng gate kaya nakita ko agad siya. Sa totoo lag ay kinakabahan ako dahil ang tagal ko nang hindi nanliligaw sa babae. Todo na nga ito eh, bahala na.

"Huy achie, bakit may dala kang bigas?" tanong sa akin ni Sariah

"Praktikal siguro ang gusto mo kaya iyan, binili kita ng grocery. Kapag nalaman ng parents mo na kaya kitang ibili niyan, matutuwa na sila sa akin. Hindi ba?"

"HAynaku, pumasok ka na nga sa loob! Doon kayo mag-usap na tatlo!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top