Chapter 22

Sariah

KINABUKASAN ay agad akong pumunta sa bahay ng parents ko dahil nalaman ko kay Grace na hindi na okay ang lagay nila. Noong isang araw lang ay nandito ako pero okay naman sila. Haynaku, hindi ko na alam ang gagawin ko sa nangyayari.

"Ano ba kasing nangyari? Noong umalis naman ako, ayos naman sila ah?" sabi ko sa kanila pagdating ko

"Hindi ko po alam, basta ang sabi lang po nila sa akin ay gusto nilang makita ka. Sabi ko nga kaka-uwi mo lang pero ayaw naman po nilang makinig," ani Grace

Pumunta na lang ako sa loob ng kanilang kwarto para i-check sila. Siguro nga ay dito muna ako tumira para mabantayan ko ang mga magulang ko. Kung nandito si Ate Soraya ay paniguradong kaming dalawa ang mag-aalaga sa kanila.

"Ma, nandito na po ako. Ano po ang gusto niyo? Magpapa-handa ako ng pagkain para sa inyo ni Papa," sabi ko habang naka-ngiti sa kanila

"Anak, kaya ka namain gustong makita ay dahil may sasabihin kami sa iyo. Importante ito kaya kailangan mo talagang makinig," sagot ni Mama sa akin

"Ano po iyon?" umupo ako sa tabi nilang dalawa ni Papa

Matagal silang tumingin sa akin, alam nila ang kanilang sasabihin pero hindi nila alam kung paano sisimulan. Tiningnan muna ni Mama si Papa na tila ba sinasabing siya na ang magsabi sa akin ng balita.

"Ano kasi, matanda na kami anak. Malapit na kaming--" pinutol ko si Papa dahil ayaw kong marinig kung ano man ang gusto nilang sabihin

"No, hindi pa kayo mawawala. Huwag niyong sasabihin iyan. You two will live long, hihintayin pa natin si Ate Soraya hindi ba? Please tell me you are joking this time," malungkot kong tugon

"Anak, makinig ka. Patapusin mo muna ang Papa mo bago ka magsalita. Hayaan mo muna kaming magsalita kahit ngayon lang," sagot ni Mama, tumahimik muna ako

"Anak, we will all come to an end. Alam mo sa sarili mong matanda na kami. Ang Ate Soraya mo, may anak nga pero nasa ibang bansa naman. Ikaw na lang ang natira sa amin." sabi ni Papa

"So ano po ang ibig niyong sabihin? Ano po ang kailangan kong gawin?" tanong ko, pero mukhang alam ko na ang tinutukoy nila

"Anak, you are already 25 years old at hanggang ngayon ay wala ka pa ring kasama. Paano na lang ikaw kapag nawala kami? Syempre, gusto rin naming makita na magkaroon ka ng anak at asawa bago kami mawala. Wala ba talagang nanliligaw sa iyo ngayon?" sagot ni Mama

"So, gusto niyong mag-asawa na ako? Iyon ba Mama and Papa?" tanong ko

"Sana, kung wala kang manliligaw ay kami na ang hahanap para sa iyo habang buhay pa kami. Pwede ba anak?" request ni Papa

"Papa huwag na po. Ayaw ko naman po sa hindi ko kakilala. Ano iyon, fixed marriage? Wattpad lang ang peg niyo?" sagot ko naman

"Ano? Wattpad? Anong sinasabi mo dyan? Kaka-iba talaga ang mga terms mo anak. Hindi na namin alam kung anong nagagawa ng gadgets sa henerasyon ngayon," sagot naman ni Mama

"Ah, wala po. Ang sabi ko, ako na po ang bahala na humanap ng lalaki na papakasalan ko ha? Huwag na po kayong magpagod, kaya ko na po ito. Ako pa ba?" sagot ko

"Sino naman ang kukunin mo para pakasalan ka? Si Stanley ba? Pwede naman anak," sagot ni Papa

"Papa, hindi ko pa ba nasasabi sa inyo? Ikakasal na iyon ah. Hindi na siya pwede kaya wala siya sa choices. Basta, ako na po ang bahala ah?" sagot ko

"Aba, ikakasal na pala iyon? Kanino naman anak? Kailan ang kasal? Bakit hindi tayo imbitado?" sunud-sunod na tanong ni Papa

"Eh kasi Papa ano--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil umusap naman si Mama

"Anak, huwag mong sabihin na tomboy ka kaya wala ka pang boyfriend hanggang ngayon? Diyos ko anak, wala sa itsura mo iyon. Anong nangyari? Si Rocky na ba ang gusto mo?" si Mama naman ang panay tanong

"Diyos ko Mama, nababaliw ka na ba? Straight ang anak mo ano. Sadyang pihikan lang talaga ako sa lalaki. Gusto ko kasi na kapag sinagot ko siya ay siya na talaga para bongga hindi ba?" proud ko pang sagot sa kanila

"Sa sobrang gusto mong maging bongga ang lalaki para sa iyo eh inabot ka na sa 25 years old. Maghanap ka na anak, baka hindi na kami umabot ng Papa mo. Mahal ka namin at gusto ka pa naming makita sa altar," sagot ni Mama

Ito talagang si Mama, masyadong ma-drama. Kaya ganoon rin si Ate Soraya eh, nagmana sila sa isa't isa. Alam ko naman na gusto na nila akong makitang kasal pero wala kasi talagang nagkakagusto sa akin eh. Anong magagawa ko hindi ba? Papa-kasalan ko ang sarili ko? Ganoon?

"Oo na po, Mama. May kilala naman na ako na gustong ikasal sa akin. Huwag kayong mag-alala ni Papa kasi ipapakilala ko rin kayo sa kanya," naka-ngiting sagot ko

"Aba, anak. Sino iyan? Dali at gusto naming makilala. Gwapo ba katulad ko?" hirit naman ni Papa

"Oo naman Papa. Pipili ba ako ng pangit? Syempre kasing gwapo mo iyon. Ikaw ang ideal man ko eh. Alam mo iyan." naka-ngiting sagot ko

Napatawa naman sina Mama at Papa sa akin pagkatapos ay nag-tinginan. Ang cute nila. parang hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko. Oh well, wala naman kasi akong pinapa-kilala sa kanila maliban sa isang ex-boyfriend ko na one year kong nakasama.

"Wala akong pera anak, huwag mo na akong bolahin. Basta, sa susunod na punta mo rito ay dadalhin mo na kung sino iyan ha? Excited na kami ng Mama mo. Salamat naman at may nagpatibok na ng puso mo ngayon," sagot ni Papa

"Ha? Anong sinasabi niyong sa susunod na punta ko? Hindi na muna ako aalis rito ano. Sasamahan ko kayo hanggang sa dulo Mama at Papa," naka-ngiting sagot ko

"Ay ganoon ba anak? Edi mas maayos. May makakasama na kami lagi rito sa bahay. Sa totoo lang, miss na namin kayo ni Ate Soraya mo eh," malungkot na tugon ni Mama

"Oo. Dito na ako titira pero may isa lang akong request ha?"

"Ano iyon anak? Kahit na ano pa iyan. Go lang!"

"Dito ako tutulog sa kwarto niyo, dyan ako sa gitna like the old times!" masayang sabi ko

"Oo naman anak, pwedeng-pwede!"

"Aba, oo. Masaya iyon dahil makakatabi na ulit namin ang isa sa aming prinsesa!" naka-ngiting sagot ni Papa

Niyakap ko silang parehas. Ewan ko kung anong mangyayari pero kung ito ang magpapa-kalma sa nanay at tatay ko ay gagawin ko. Pwede naman sigurong kilalanin ko si Rio Achilles habang nangyayari ang lahat ng ito hindi ba? We will be doing the process this time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top