Chapter 2
Stanley
NAIINIS akong umuwi sa aking bahay. Hindi ko dapat sinabi iyon kay Sariah, ayaw na ayaw niya ang mga banat kong ganoon!
Kahit na nag-sorry na ako sa kanya ay alam kong hindi pa rin sapat iyon. Nabawasan na naman tuloy ang pogi points ko kay Sariah, paano na niya ako sasagutin niyan?
Stanley naman kasi, sugod ka nang sugod eh. Iyan tuloy, lalo pang napahamak! Sa susunod ay lalagyan ko na ng tape ang bibig mo, walang preno eh.
Kahit na nakauwi na at napatawad na siya ni Sariah ay hindi pa rin mawala ang guilty feeling niya sa nangyari kanina.
Hindi mo na dapat ginawa iyon Stanley eh, magpakain ka na lang kaya sa lupa at huwag na magpakita sa kanila kahit kailan? Nakakailan ka na eh, hindi matigil iyang bibig mo!
Yes, ang pagiging mapagbiro niya ay isa sa mga ayaw ni Sariah, minsan kasi it leads to something, something that is not good.
Humiga na lang siya sa sofa at nag-isip, ano kaya ang pwedeng magawa niya para makalimutan niya ang kahihiyan na nagawa niya kanina?
Ah, tatawagan ko si Mickey para yayain mag-inom. Busy kaya iyon? Haynaku, siya lang kasi ang kilala kong one call away eh.
Kinuha niya ang cellphone sa kanyang pocket at agad na nag-dial ng number ng kaibigan niyang si Mickey. Tutal isa din naman ito sa nakakaalam na gusto ni Stanley si Sariah.
"Haynaku pare, pwede ka ba ngayon? Medyo na-guguilty kasi ako sa sinabi ko kay Sariah kanina eh. Can you come over here?" sabi niya over the phone
"Yeah sure, pero magdadala ako ng babae para sa atin ah? Ayos ba iyon?" sagot naman ni Mickey
Noong una ay pailing-iling si Stanley, tila ba ayaw niya sa idea ni Mickey pero naisip niya na baka ito na ang way para malimutan niya sandali si Sariah.
"Sige pare, dalhin mo na ang chikababes na iyan dito at mahatulan na," sabi niya sabay tawa
Okay lang namang magdala ng babae sa bahay niya, hindi na kasi siya nakatira sa magulang niya. Maaga pa lang ay nagpagawa na siya ng bahay para in case na magka-asawa siya ay ready na ang lahat.
"Sige pare, wait ka lang dyan for 15 minutes, okay?" sagot ni Mickey sabay baba ng cellphone
Agad na hinanda ni Stanley ang beers at pulutan nila. Ang tagal na din niyang hindi nakakainom dahil ayaw ni Sariah sa ganoon. Pinilit niyang hindi pansinin ang alak pero hindi sa araw na ito.
Habang nanunuod ng movie sa TV ay may kumatok sa pinto ng bahay ni Stanley. Marahil ay si Mickey na iyon, kaya agad siyang tumayo para buksan ito.
Ang bilis naman nila, parang 10 minutes pa lang ang nakakalipas simula noong tumawag ako sa kanya ah? One call away talaga itong kaibigan ko.
"Pare! Ano, kamusta na? Akala ko ba eh hindi ka na iinom simula noong niligawan mo si Sariah? Ano, ang alak na ba ang tumawag sa iyo ngayon?" bati ni Mickey
"Oo pare, hindi na ako nakatanggi sa tawag ng alak. Alam mo naman na ayaw sa akin ni Sariah," sagot ni Stanley
"Ay, ganoon ba? Ang sad naman. Gwapo ka naman ah, at saka yummy! Bakit ayaw sa iyo noong Sariah?" sabi noong babaeng kasama ni Mickey
"Ay oo nga pala, si Tanya pare. Ang chikababes na gusto kong ipakilala sa iyo. Tanya si Stanley, kaibigan ko. Mayaman iyan!" sabi ni Mickey sabay tawa
"Ikaw talaga pare kung anu-ano pa sinasabi mo. Halina nga kayo sa loob," sabi ni Stanley sabay ayos ng kanyang bahay, pina-upo na niya ang mga bisita
"Grabe pare, ang laki nang pinagbago ng bahay mo ah! Malaki ba ang pinagbago o matagal na akong hindi napunta dito?" sabi ni Mickey
"Pare ano ka ba, ganyan pa rin naman iyan hanggang ngayon. Walang pinagbago, siguro ay matagal ka nang hindi nakakapunta dito," sabi ni Stanley pagkatapos ay binigyan sila ng beers
"Baka nga. Oh Tanya, alam mo na ah? Mayaman itong kaibigan ko, tingnan mo naman ang bahay. Buhay na buhay ka na dito kaya kung ako sa iyo ay landiin mo na ang kaibigan ko," hirit ni Mickey
"Iyon ay kung magpapalandi siya sa akin at hindi niya na iisipin pa ang babaeng pinag-uusapan niyo kanina. Ayos lang ba kay Stanley iyon?" sagot ni Tanya
Ha? Parang ang hirap naman noon ah. Si Sariah, kakalimutan ko? Eh halos buong buhay ko, mahal ko na iyon eh! Although, 6 months ago lang after ko umamin. Pero, matagal ko na siyang gusto kaya malabo ang gusto ni Tanya. Hindi mangyayari iyon!
"Ah, we'll see. Kung magagawa ko ba, anong premyo ko?" sabi ko sabay kindat kay Tanya
"Alam mo na iyon. Basta, alisin mo lang sa isip mo si Sariah," sabi niya
Aba, hindi naman ganoon kabilis iyon ah! Ano ako, hilo? Hindi pwede! Hindi ko iyon gagawin dahil loyal ako kay Sariah!
"Sure ako, makakalimutan ko na ang Sariah na iyon, okay? Tara na, simulan na ang inuman!" sabi ko
Hindi ko alam kung bakit pero iba ang sinasabi ng isip ko sa ginagawa ko. Mabuti ba ito? Anong ginagawa ko? Moving on kahit hindi naman talaga.
Nakita ko ang aking sarili na lasing na lasing dahil sa dami ng nainom kong beer. Sina Mickey at Tanya ay lasing na rin.
"Pare, dito na lang kaya matulog sa bahay mo si Tanya? Kahit ngayong gabi lang, mukhang hindi na kaya mag-byahe niyan eh," sabi ni Mickey
"Payag ba siyang matulog dito na ako lang ang kasama niya? Pare, parang ayaw ko niyang plano mo ah? Baka kung anong mangyari kapag dito mo pinatulog iyan," sagot ko
"Eh iyon din naman talaga ang gusto niya, ilang beses na niya akong kinukulit na sana daw ay may ipakilala ako sa kanyang lalaki na kaya siyang mahalin eh," sagot ni Mickey
"Alam mo naman kung sino lang ang gusto ko hindi ba? Si Sariah lang," sagot ko
"Gusto ka ba noong gusto mo? Hindi naman hindi ba? Kaya iyan, pinakilala ko sa iyo si Tanya. Ikaw na bahala sa kanya pare, uuwi na ako sa amin ha?" sabi ni Mickey
"Pero pare naman--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil lumabas na siya ng aking bahay
Anong gagawin ko sa babaeng ito ngayon? Hindi naman pwedeng sa sofa ko lang siya patulugin, that's being disrespectful.
No choice ako kundi dalhin siya sa guest room para doon patulugin. Kinalong ko siya, tulog na tulog pa rin ito sa labis na kalasingan.
Noong ibaba ko na siya sa kama ay nagulat ako dahil nagising siya bigla. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Bigla na lang niya akong hinalikan!
Wala na akong nagawa, dahil na rin sa alak ay lumabas na din ang init sa katawan ko. I kissed her back, maya-maya ay mas naging mapusok na ang halikan naming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top