Chapter 18
Rio Achilles
BUTI na lang at nakinig sa akin si Sariah, kung hindi ay wala na talagang pag-asa pa na magkaayos kaming dalawa.
an hour ago
RioAchillesTheGreat: Please talk to me! Hindi ko ginusto iyon, she tricked me! Ang gusto ko lang naman ay malaman kung nasaan ka pero iba pala ang gusto niya.
Sariah123: How will I know that you are telling the truth? Pare-parehas lang kayo, ginamit niyo lang ako because it benefits you!
RioAchillesTheGreat: The hell, I won't do that to you. You know how much I cared for you, wala sa isip ko ang mga bagay na iyon. Give me your ChatVibe number and I will give you all the screenshots.
Binigay naman niya ang ChatVibe number niya agad at sinend ko sa kanya ang conversations namin ni Rocky.
Rio: Alam mo na ang totoo? Screenshots are not telling lies.
Sariah: Is this edited? Hindi siya ganito magsalita eh. Mabait siyang tao, simula bata pa lang kami.
Rio: Do you want to open my Wattpad account for you to see it with your eyes? Pwede naman.
Sariah: No, okay na. Wait lang ah, kakausapin ko lang si Rocky. Don't worry, hindi na ako maniniwala agad sa sasabihin niya this time.
Rio: Wow, such a brave woman. Alright, hihintayin ko lang ang message mo. Laters!
Dahil sa sobrang saya ko ay agad kong tinawagan sina Lam at Red dahil excited na akong malaman nila ang magandang balita. Matutuwa ang mga iyon dahil matutuloy na ang love story ko na naudlot dahil sa pesteng Rocky na iyon.
"Guys, pwede ba kayo mamaya? May announcement lang ako,"
"Ano naman iyon pare? Sabihin mo na rito sa tawag," sabi ni Lam
"Oo nga, may pupuntahan rin ako ngayon eh. Hindi ako pwede, anong oras ba?" sabi naman ni Red
"Mga 7pm, kaya ba?"
"Kaya naman, pero ano ba iyon pare?"
"Si Sariah kasi--" naputol ang sasabihin ko dahil sumagot silang dalawa
"Bakit? Huwag ka na umasa doon. Hindi ka naman na pinapansin. Iyong Rocky naman, niloko ka. Sa ibang babae ka na lang," sagot ni Lam
"Patapusin mo muna kasi Lam, baka may magandang balita iyan. Parang excited eh," sagot ni Red
"Ah, sige. Ano ba kasi?"
"Nagka-ayos na kami. Sinabi ko sa kanya na gawa lang ni Rocky ang lahat," sagot ko
"Buti naman at naniwala siya? Paano iyon eh hindi ka niya kinakausap sa Wattpad hindi ba?" tanong ni Lam
"Hiningi ko ang VibeChat niya, kinapalan ko na ang mukha ko kasi hindi matatapos ang problema kong ito kung hindi ko lilinawin ang sarili ko sa kanya,"
"Patay tayo dyan, mukhang inlove nga ang bebe boy natin ah? Yari tayo dyan," hirit ni Lam
"Ikaw na lang naman ang walang partner eh. Sayo na lang kaya si Rocky para matigil na siya sa kakahabol kay Achie? Bagay naman kayo," loko ni Red kay Lam
"Oo nga, maganda naman siya kahit ganoon ang ugali niya. Try mo na," dagdag ko pa
"Hindi naman ako sa mukha tumitingin. Aanhin naman kasi ang ganda kung mapakla ang ugali mo? Wala rin iyon, it is useless. Huwag niyo nga akong simulan," sagot ni Lam
"Naku, seryoso na siya. Oo na, hindi na nga. Mamaya na lang Achie ha, itetext ka namin. Congratulations, matutuloy na ang naudlot mong lovelife!"sabi ni Red
"Oo sige. Aasahan ko kayo mamaya ah? Sige, mamaya na lang ulit. Alam ko namang busy kayo,"
Binaba ko na ang ang tawag. Excited akong binuksan ang VibeChat ko at Wattpad para tingnan kung may message na ulit si Sariah sa akin. She answered, but my attention was caught with another message from another user.
IamRocky: Akala mo ba ay hindi na kita pwedeng makausap dahil blinock mo ako? You are wrong, wala ka nang takas sa akin.
Gusto ko pa sana siyang sagutin pero naisip kong baka isipin niya na pinahihintulatan ko pa rin siyang makipag-usap sa akin. Once I read it, I blocked her right away. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, ayaw ko na rin talagang kausapin ang baliw na ito.
Sariah123: I talked to her already, hindi ko talaga akalain na kaya niyang gawin iyon. Para siyang anghel kapag kausap niya ako pero demonyo pala kapag nakatalikod na ako. It is lonely and disappointing for me pero mas okay na ang nangyari. Matagal ko na palang inaalagaan ang isang halimaw.
RioAchillesTheGreat: Okay lang iyon, huwag mo na isipin kasi nandito naman na ako. I can be your friend, higit pa nga doon kung gusto mo eh. Sinira lang naman ni Rocky ang plano natin, baliw na yata iyon eh.
Sariah123: Simulan na ulit natin ang pagkilala sa isa't isa? Okay lang ba iyon? Don't worry, sisipot na ako this time. Wala na pipigil sa akin na makita kita. Ang daya mo nga eh, pinakita mo agad iyan kay Rocky. Ang usapan natin, ako ang unang reader mo na makakakita niyan eh.
Ang selosa naman niya, ang cute. Salamat talaga Sariah kasi binigyan mo ako ulit ng chance na magpaliwanag. Kung hindi mo ito ginawa, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. Hindi ko na alam, I just wanna know you more.
RioAchillesTheGreat: Hayaan mo na, past is past. Ikaw naman ang nasa future ko eh, ikaw lang. Wala silang laban sa iyo kasi merong ikaw at ako sa dulo. Naks, cheesy ko doon pero totoo nga. Gusto ko ikaw na ang makasama ko habang-buhay.
Sariah123: Hoy, hinay-hinay ka naman! Nanliligaw ka pa lang eh, hindi pa naman kita sinasagot. Bakit iyang reply mo eh parang ikakasal na tayo? Loko ka talaga, step by step muna ha? Kahit matanda na tayo, we need to do the process of it all.
RioAchillesTheGreat: Ah, hindi pa ba tayo? Akala ko tayo na eh. Nagseselos ka na kasi kay Rocky. Well, alam ko naman iyon. We will be on the process of it. I just want you to know that I really wanted to be mearried to my reader someday.
Sariah123: Is that really your goal or naisip mo lang because of me? Well, if that happens I'll be really happy. It's a dream come true for me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top