Chapter 16
Sariah
NAKAHIGA lang ako sa aking kama nang biglang nakita ko ang post ni Rocky sa FaceGram. Nakakainggit naman siya, mukhang may lovelife na si loka-loka. Samantalang ako rito, naghihintay ng grasya.
Dali-dali ko siyang tinext para malaman kung sino iyong kasama niya kahapon. Napakadaya niya, hindi man lang ako sinama eh.
Sariah: Hoy, sino iyong boylet na kasama mo kahapon? Ang daya eh, hindi man lang ako sinama! Sana ay nakilala ko iyan, ni hindi mo rin sinabi sa akin na may boyfriend ka na.
Rocky: Naku, date ito kaya hindi talaga kita isasama. Hayaan mo, magse-set kami na tayo-tayo ang lalabas. Okay? Isa pa, manliligaw ko pa lang naman siya eh.
Tiningnan ko uling mabuti ang picture nilang dalawa, paano ba naman ay tuwang-tuwa ako dahil mukhang paparating na ang lovelife niya.
Napansin kong parang hindi masaya ang lalaki doon sa picture kaya agad kong tinanong si Rocky kung anong nangyari. Para kasing pilit na ngumiti iyong lalaki.
Sariah: Hindi ba masaya sa picture iyang kasama mo? Parang napilitan lang eh. Saka, ano bang name niyan? Ma-add nga sa FaceGram.
Rocky: Ah, hindi nakangiti iyan kasi hindi siya sanay sa picture. Pagpasensyahan mo na ah. Saka mo na alamin ang pangalan kapag sinagot ko na. Baka hindi matuloy 'tong lovelife ko eh.
Bakit parang ayaw mong makilala ko iyang bago mo, Rocky? Dati naman, kapag may bago ka ay sa akin muna nadaan bago mo sagutin ah. Anong nangyari ngayon?
Sariah: Hindi ko naman aagawin, ano na lang ang nickname? Ang damot mo naman, hindi naman ako ganyan sa iyo eh.
Rocky: Ah, Ricky ang nickname niya. Pasensya ka na, ayaw kasi talaga niyang magpakita kahit kanino. Gusto niya ay kami lang dalawa.
Ayos ah, isang letra lang ang iba. Ricky at Rocky, bagay na bagay. Sana, ako naman ang makatagpo ng lalaki para sa akin soon. Nauna na si Rocky eh.
Sariah: Ayos ah, isang letra lang ang pinagka-iba niyo. Stay strong ha, ingatan niyo ang isa't isa. Someday, makikila ko rin ang para sa akin.
Rocky: Salamat! Oo naman, makikilala mo rin ang taong para sa iyo. Sariah, sige na ha? Pupuntahan ko pa siya eh, I'll talk to you sometime, okay?
Hindi na ako sumagot, mukhang hindi ko na siya madalas makakausap dahil may lovelife na siya ngayon. Mag-isa na lang ako sa lahat, nakakalungkot pero kailangan kong tanggapin.
Tumingin na lang ako sa pictures nila sa FaceGram. Unti-unti kong dinudurog ang puso ko dahil may lovelife na ang kaibigan ko.
Ang daming comments, palibhasa'y gwapo ang kasama niya sa pictures. Tuwing selfie naman kasi niya ang naka-post ay wala gaano ang napansin sa kanya. Well, iyong mga admirers lang ang nagre-react sa mga ganoong klaseng posts.
Megan Thorns: Bago mo ba iyang papa? Mukhang gwapo at masarap! Sana all.
Celestine Sena: Huy, bagay kayo! Finally, may boyfriend ka na rin. Akala ko'y tatanda ka nang dalaga eh. Enjoy being together!
Jessa Navales: Parang napilitan lang siyang magpa-picture sa iyo ah. Kayo ba talaga niyan o nirentahan mo lang ang lalaking iyan? Haha! Joke.
Tama ka, Jessa. We have the same thoughts. Para ngang hindi masaya iyong guy sa picture. May iba eh, baka kakatapos lang nilang mag-away.
Adelle Torres: Is he the one? Gosh, I'm so happy and proud of you, sana kayo na sa huli! Ang gwapo niyan ha, bantayan mo at paniguradong maraming chicks ang aaligid sa kanya.
Pinky Morales: Deretso na sa kasalan! Ang tanda mo na eh, okay na okay na iyang nabingwit mo! Maghihintay na ako ng imbetisyon ha?
Sa pinaka-huling comment ako nagulatangang. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, hinihiling ko na sana ay hindi ko na binasa pa ang mga comments na iyon.
Windy Escaros: Oh gosh, is this the real Rio Achilles? Gosh, ang swerte mo girl! Ako naka-usap ko lang through chat, ikaw nakita mo in person!
You were friends with this Windy Escaros all this time and you didn't tell me. Kaya pala iwas na iwas kang malaman ko kung sino iyan dahil siya pala si Rio Achilles.
You broke my heart into pieces, hindi ko alam na kusa na palang umulan ng luha sa aking kama. How can you do this to me? You were my sister, alam mo ang lahat tungkol sa akin.
Naiyak ako habang tinitingnan ko ang pictures niyo. You look so happy, Rocky. Congratulations dahil ikaw na ang tumupad sa pangarap ko. Gosh, bakit hindi ko nahalata na may gusto ka kay Rio Achilles?
Siguro ay nahihiya kang sabihin sa akin ang nararamdaman mo para sa kanya. I wasn't sensitive enough para maramdaman iyon, I should be careful next time.
I messaged her right away after I cried. I need to be strong and act like nothing happened. Kahit na masakit na sa kalooban ko ay okay lang, kaibigan kasi kita eh.
Sariah: I heard na kayo na pala ni Rio Achilles? Bakit hindi mo naman sinabi agad sa akin? Sana sinabi mo, anyways congratulations pa rin kasi nakita mo na siya. Ang swerte mo girl, sana lahat! Sana ay kayo na hanggang sa huli, I wish the best for you. Invited pa rin ako sa kasal if ever ha?
Ang sakit-sakit sa puso ko habang tina-type ko ang mga salitang iyon. Dapat kasi, ako iyon eh. Ako dapat ang makikipagkita sa kanya noong nakaraan kaso hindi naman ako pwede kaya si Rocky na lang siguro ang sumalo.
Rocky: Huy, saan mo nalaman iyan? Pasensya ka na ha, hindi ko rin naman akalain na siya iyong naka-match ko sa Find Me Baby, nagulat na lang ako na pinakilala niya ang sarili niya bilang Rio Achilles. Ayaw ko namang sabihin sa iyo kasi alam ko namang masasaktan ka eh. Okay ka lang ba ngayon?
Actually, hindi eh kaso kaibigan kita kaya magsisinungaling ako sa iyo tungkol dito. Ayaw kitang awayin, ayaw kitang saktan kaya magpaparaya na lang ako. Sana lang talaga ay alagaan niyo ang isa't isa para hindi masayang ang pagbibigay ko ng daan sa iyo.
Sariah: Of course, I'm okay. I'm happy for you both. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top