Chapter 15
Rio Achilles
WALA na akong nagawa, para kay Sariah ay nag-yes ako kay Rocky. Gusto ko kasing malaman kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Hindi naman talaga ako naniniwala na si Stanley at Sariah ang ikakasal eh, kunwari lang ay naniniwala ako sa kanya pero hindi talaga. Mukhang mangagamit itong si Rocky, nakita ko ang itsura sa FaceGram eh.
"Oh pare, saan ka pupunta ngayon? At saka, bakit nakatikip ang bibig mo ng mask? Anong meron?" tanong ni Lam
"Makikipagkita ako sa reader ko," tipid na sagot ko
"Reader? Si Sariah ba iyan? Akala ko ay hindi na kayo magkikita? Huwag mong sabihin na naghanap ka ng ibang reader para mapunan ang kulang?" sagot ni Lam
"Parang hindi mo naman ako kilala, kaibigan mo ba talaga ako? You know that I'm not that kind of man, hindi ba?" sagot ko
"Eh ano? Bakit ka makikipagkita sa kanya?" tanong ni Lam
"Simply because, kilala niya si Sariah. I want to know the truth and she asked for a date, para raw i-kwento ko sa kanya ang lahat at ike-kwento naman niya ang nalalaman niya," sagot ko
"Do you really think na kilala niya si Sariah? Baka mamaya ay niloloko ka lang niyan para makita ka niya ah," sagot ni Lam
"Don't worry, I've searched her online and best friends sila ni Sariah. I know that she's not telling the truth kaya ako na mismo ang aalam noon," sagot ko
"Sige, mag-iingat ka pare dahil iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyan. Hindi ko pa nakikita pero ekis na agad siya sa akin," sabi ni Lam sabay tapik sa akin likuran
Pumasok na ako sa aking kotse at dumeretso na agad ako sa address na binigay sa akin ni Rocky kahapon. Achie, bakit mo ba ito ginagawa sa sarili mo? You've never done this before, adik na adik lang kay Sariah?
RioAchillesTheGreat: Nasaan ka na? Nandito na ako.
Rocky08: Nandito ako, naka ble stripes na dress. Ikaw ba?
RioAchillesTheGreat: Sige, ako na lang ang pupunta dyan. Hitayin mo ako.
Naglakad na ako papunta sa babaeng naka-blue stripes na dress, busy na busy siya sa kanyang cellphone kaya hindi na niya ako napansin na pumunta sa harapan niya. Wala naman akong plano na tanggalin ang face mask ko. Akala niya'y nautakan niya ako, pero hindi.
"Hi? Ikaw ba si Rocky?" tanong ko
Mukhang gulat na gulat siya noong tumingin sa akin, halata sa mukha niya ang excitement. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at niyakap niya na ako. Natigil lang iyon noong naramdaman niyang hindi ko siya yayakapin pabalik.
"Take a seat, nag-order na ako para sa ating dalawa ah? Ang tagal mo kasi eh," sabi niya
"Ayaw kong kumain, hindi naman ako magtatagal. We will just going to talk about Sariah. That's it," sagot ko
Anong akala niya? Date talaga ang gusto ko? No way! Gusto kong si Sariah lang ang unang makakakita sa buong pagmumukha ko at hindi siya. Ang swerte naman niya kung pababayaan ko lang na mangyari iyong gusto niya ano.
"But I told you, we will have a date. Pumayag ka naman, anong nangyayari sa iyo ngayon?" tanong niya na may halong pagka-inis sa kanyang mukha
"Ah, busog na kasi ako. Hindi ko na kaya ang kumain ulit at baka masuka pa ako. So, can we start now?" pagsisinungaling ko
"We will not start hangga't hindi tayo nakain. For god's sake, this is a adate and not a meeting!" sabi niya sa akin habang galit na galit ang mukha niya
"Sige, bahala ka. Kapag sumuka ako dito dahil sa rami ng pagkain ko ay ikaw ang may kasalanan ah?" pananakot ko pa
"Ano ba kasi ang problema mo? At saka, bakit ka naka-face mask? Ikaw ba si Knight In Black?" inis na tanong niya sa akin
"Hindi, mausok kasi kaya naka-ganito ako. Pasensya ka na," sagot ko
Mukhang hindi siya convinced sa sinabi ko dahil nakatingin siya nang masama sa akin. Alam na yata niya kung bakit naka-face mask. Tatayo na sana ako nang bigla niyang tinanggal iyon. Yari ako, makikita na niya ang buong mukha ko.
"Anong akala mo? Hindi mo ako mauutakan, alam kong ayaw mo lang ipakita ang mukha mo kaya ka naka-face mask. Hindi ka si Knight In Black para gawin iyon, okay? Tanggalin mo na iyang kamay sa bibig mo ngayon," utos niya
Hindi ko iyon ginawa, I just covered my mouth with my hand. Kahit anong gawin at sabihin niya ay hindi ko naman siya susundin. Si Sariah pa rin ang gusto kong makakita sa totoo kong itsura. That will never change.
"Tatanggalin mo ba iyang kamay mo o sasabihin ko ngayon kay Sariah na kasama kita? You know how much it will hurt her. Ikaw pa naman ang paboritong writer niya," pananakot pa ni Rocky sa akin
Dahil sa inis ko ay bigla kong natanggal ang aking kamay sa aking bibig. Magsasalita na sana ako nang biglang pumunta na sa table namin ang waiter dala-dala ang order ni Rocky para sa aming dalawa. Napapikit na lang ako sa inis, habang siya naman ay nakangiti sa sobrang saya dahil nakita na niya finally ang mukha ko.
Achie naman, hindi ka kasi nag-iisip! Ang bobo mo! Paano na iyan? Hindi na mangyayari ang gusto mo, akala ko ba ay si Sariah ang unang reader mo na papakitaan nng iyong buong mukha? Anong nangyari?
"Susunod ka naman pala sa akin, pinahirapan mo pa ang sarili mo. In fairness ha, ang gwapo mo pala. Jackpot sana si Sariah kung ikaw ang pinili niya at hindi si Stanley," sabi ni Rocky sa akin
"Stop using Sariah to get me. Alam mo, kung wala ka rin namang matinong sasabihin ay aalis na lang ako rito. Walang kwenta, sana ay hindi na lang ako pumunta!" inis na sabi ko
"Ikaw ang pumunta rito, ibigsabihin ay interesado ka talaga sa sasabihin ko. Akala mo ba'y si Sariah ang pinunta ko rito? Oh dear, I'm sorry. Ikaw lang naman ang pakay ko dahil gusto kong makita ang buong mukha mo," matapang na sagot niya sa akin
Napamura na lang ako sa isip. Sana pala ay hindi na lang ako pumunta rito una pa lang. Tama nga si Lam, may hindi magandang hatid ang babaeng ito sa akin. Para bang obsessed na obsessed siya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top