Chapter 13

Rio Achilles

ILANG araw na akong walang natatanggap na mensahe mula kay Sariah, nakakainis dahil hindi ko naman siya mapuntahan dahil hindi ko alam ang bahay niya. Bakit kasi hindi ko pa inalam noong lagi pa kaming mag-kausap.

"Bakit ba kasi hindi ka na pinapansin ng Sariah na iyan? Sayang, hindi pa namin siya nakikita man lang," sabi ni Lam

"Oo nga pare, wala ka bang maalala na pinag-awayan niyo recently? Isipin mo nga, baka meron!" sagot naman ni Red

"Wala naman, ang huli naming usap ay gusto na niyang makipagkita. Kaso may inaasikaso naman ako sa trabaho kaya sabi ko saglit lang at may aasikasuhin lang ako," sagot ko

"Ay, iyon na 'yon pare!Ayaw kasi ng mga babae na pinaghihintay sila. Ngunit kapag sila ang hihintayin ay iyon ang dapat mong gawin. Ang unfair diba?" sagot ni Red

"Ang immature naman ni Sariah kung ganoon nga ang problema niya," sagot ni Lam

"Hindi naman ganoon ang pagkakilala ko sa kanya eh, alam kong may iba pa siyang dahilan. Iyon ang dapat kong alamin sa ngayon," sagot ko

"Paano mo naman malalaman eh wala na nga kayong komunikasyon? Move on na pare, hindi nga talaga para sa iyo siguro ang Sariah na iyan. Try mong mag Find Me Baby na," udyok ni Lam

Hindi ako kumibo, bagkus ay nakatanga lang ako na hawak-hawak ang isang bote ng beer na iniinom ko. Ilang araw na rin akong puro alak sa katawan simula noong hindi nagre-reply sa akin si Sariah. Bakit nga ba ganito ang epekto mo sa akin? Halos sirain ko na ang buhay ko sa araw-araw para sa iyo.

Nagulat na lang ako nang kunin nila ang cellphone kong nakapatong sa lamesa. Palibhasa ay walang password ito kaya mabilis lang nitong nabuksan. Kahit na alam kong pinakikialamanan na nila ang mahalagang gamit ko ay wala akong pakialam.

"Ano bang ginagawa mo, Red?" tanong ni Lam

"Mag-iinstall na ako ng application na Find Me Baby, kailangan na ng kaibigan natin ng tulong. Hindi ko naman hahayaan na malugmok na iyan dahil doon sa Sariah," sagot ni Red

"Huwag niyong gagawin iyan. Hahanapin ko si Sariah, hindi pa kami tapos!" lasing na sagot ko sa kanila

Hindi sila nakinig sa akin, kinutingting pa rin nila ang cellphone ko. Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto, dala-dala ang bote ng beer na lalagukin ko mamaya. Kalat na kalat ang mga gamit ko, hindi ko na maalagaan ang sarili ko dahil sa kakaisip kay Sariah.

Pag-upo ko sa kama ay kinuha ko ang aking laptop. Binuksan ko ang Wattpad, ang dami kong unread messages at wala akong balak na basahin ang mga iyon. Ang gusto ko lang malaman ay kung may sagot na sa akin si Sariah.

WindyEscaros: Hello, kailan ka po mag-uupdate? Hinihintay ko na po eh, excited na ako! Sana po ay mapansin at mabasa niyo po ang message ko. Salamat po!

Ikaw, dahil sa iyong Windy Escaros ka! Simula noong kinausap kita ay hindi na ako pinapansin ni Sariah. Kung alam ko lang na hindi na ako papansinin ni Sariah pagkatapos kitang kausapin ay hindi na sana kita kinausap pa!

Rocky08: Kaya pala hindi ako kinakausap ni Sariah, nililigawan mo pala siya. Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako ang niligawan mo eh active rin naman ako sa pag-appreciate sa gawa mo!

Napukaw nitong si Rocky ang aking atensyon, para ngang nawala ang esperitu ng alak sa aking katawan dahil sa message niya. Wala na akong nagawa kundi i-message siya, siya na lang kasi ang tanging paraan ko para makausap ko si Sariah. Kung ito na lang ang tanging paraan ko, gagawin ko ang lahat para makausap ko siya.

RioAchillesTheGreat: Kilala mo si Sariah? Pakisabi naman na sagutin niya ang messages ko rito sa Wattpad. Parang awa mo na, gusto ko na maliwanagan kung bakit ayaw niya na bigla sa akin.

Rocky08: Bakit ko naman gagawin iyon eh ayaw ko naman na mapa-sakanya ka? Gusto ko, akain ka lang! Nauna akong mahalin ka kaya ako dapat ang piliin mo at hindi siya.

RioAchillesTheGreat: Anong gusto mong gawin ko para pumayag ka? Lahat nang sasabihin mo ay susundin ko, basta malaman ko lang kung anong nangyari sa kanya. Ayos lang ba siya?

Rocky08: Ayos lang naman siya, busy nga sa lalaki niya eh. Alam mo kung anong gusto ko? A date with you lang naman, tapos sasabihin ko na sa iyo mga nangyayari kay Sariah.

Bago niyang lalaki? Ano iyon, napalitan niya na agad ako eh nililigawan ko nga siya? Hindi naman kapani-paniwala ang babaeng ito. At gusto niya pa talagang mag-date kami? Paano kung malaman ni Sariah? Edi magagalit iyon sa amin.

RioAchillesTheGreat: Sino naman ang lalaki niya? Wala naman siyang nake-kwento sa akin, kasi nga nililigawan ko siya. Totoo ba iyang sinasabi mo? Hindi kasi kapani-paniwala ang kwento mo eh. At saka, kapag pumayag ako sa date na gusto mo ay baka magalit sa akin si Sariah.

Rocky08: Ah, hindi niya talaga sasabihin iyon sa iyo kasi nga ay pinapaasa ka niya. Siguro naman ay narinig mo na ang pangalang Stanley. Iyon ang lalaki niya ngayon, magkasama nga sila eh.

Ha? Pinagloloko yata talaga ako nitong si Rocky, alam ko namang ikakasal na iyon kaya hindi na sila magiging mag-nobyo ni Sariah. Ngunit, tuloy nga kaya ang kasal? Ewan ko, gulong-gulo na ngayon ang utak ko.

RioAchillesTheGreat: Stanley? Hindi ba iyon ang kaibigan ni Sariah na ikakasal na sa iba? Alam kong ayaw ni Sariah doon, hindi nga niya iyon sinagot eh.

Rocky08: Mukhang mali ang alam mo, sila ang ikakasal ni Stanley in two weeks. Kawawang manliligaw, walang alam sa kanyang nililigawan. Ano? Ngayong alam mo na, papayag ka na ba sa alok kong date? Bayad mo na rin sa pagtatanong kung ano ang totoo.

RioAchillesTheGreat: Sige, sabihan mo lang ako kung saang lugar tayo magkikita para puntahan kita. Ang hiling ko lang ay kwentuhan mo pa ako kung anong nangyayari kay Sariah. Isa pa, sana ay hindi niya malaman na nagkita tayo.

Rocky08: Sige, salamat! Oo, hinding-hindi niya malalaman ang pakikipagkita ko sa iyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top