Chapter 11

Rio Achilles

NGAYONG araw ko na yayayain si Sariah na makipagkita sa akin, hindi ko alam kung anong mangyayari pero bahala na.

Matagal na rin naman niyang hinihiling sa akin ito kaya ibibigay ko na. Handa na rin naman akong magpakita sa kanya.

RioAchillesTheGreat: Gusto mo ba na ba talagang makipagkita sa akin? Ready na ako. Sana kapag nakita mo ako, tatanggapin mo pa rin ako ha?

Sariah123: Sige, pag-usapan natin iyan. Aalis lang ako ha? Balik ako mamaya kapag tapos na ako sa inaasikaso ko.

RioAchillesTheGreat: Ah, sige.  Pwede ko bang malaman kung saan ka pupunta? Mag-iingat ka roon ha.

Sariah123: Pupuntahan ko lang parents ko roon sa bahay nila. Ayaw raw kasing kumain kaya pupuntahan ko. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanila eh.

RioAchillesTheGreat: Naku, pasensya ka na at natanong ko pa. Sige, mag-iingat ka ha? I-message mo na lang ako kapag nakauwi ka na.

Haynaku, sayang! Kung alam ko lang ang place nila ay ako na ang maghahatid sa kanya sa parents niya. Dagdag pogi points sana iyon, Achie!

Hindi na sumagot pa si Sariah sa akin, okay lang naman dahil pamilya muna dapat. Sayang nga lang at hindi ko siya masamahan ngayon. Alam kong kailangan rin niya ng comfort ngayon.

Tinawagan ko na lang si Red at Lam para pumunta rito sa bahay. Mag-isa naman ako at wala ring magawa. Sila na lang muna ang kukulitin ko habang wala pa si Sariah.

"Ano pare? Kamusta na? Napatawag ka yata?"

"Tara sa bahay pare, inom tayo! Wala akong magawa eh, okay lang ba sa inyo?"

"Sige pare, wait mo lang kami dyan. Magbihis lang kami,"

Haynaku, iyan na naman sila. Kahit naman sabihin nila na nagbibihis na sila ay late pa rin silang darating.

Makapag-update na nga lang ng story sa Wattpad, para na rin maging productive ang araw kong ito.

Pagkatapos kong i-publish ang isang update, agad silang nag-comment doon. Nakakatuwa na kahit ang simple lang ng gawa ko ay malaking bagay na iyon sa kanila.

Rocky08: Thank you sa update, RA! Kaso, bakit ang sad naman nitong update mo? Ang saya tapos biglang ganito pala.

Ito siguro ang sinasabi ni Sariah noon na Rocky, lagi ko rin kasi itong nakikita sa comment section ko eh.

Pumunta ako sa account niya, tama nga ako. Lagi kasing nagcocomment si Sariah sa posts niya. Nakakatawa silang dalawa, puro ako naman itong topic nila.

MargaretteSicon: Excited pa naman akong basahin ang chapter na ito kasi ang saya-saya na, tapos malulungkot rin pala ako pagkatapos! 😭😭😭 Nakakainis ka, RA!

So, kasalanan ko pa? Nag-update na nga ako para sa inyo tapos sisisihin niyo pa ako sa nangyari? Ang sama niyo naman sa akin!

If the story needs it, kahit masakit iyan ay kailangang tanggapin ng readers. Hindi naman pwedeng kada-update ko ay laging masaya. There are days na kailangang mag-shift ng emotions.

WindyEscaros: Okay lang kahit masakit ang chapter na ito, at least may natutunan ako bilang tao. Salamat po sa update, author! ♥️♥️♥️

Buti pa itong si Windy, naiintindihan ako eh. Ma-message nga siya para mapasalamatan. Gift ko na rin ito sa kanya kasi active reader ko naman siya.

RioAchillesTheGreat: Hello! Salamat sa pagbigay ng feedback sa akin. I really appreciate it. Sana ay basahin mo siya hanggang sa huli!

WindyEscaros: Oh my g, nag-message ka mismo sa akin? I feel so special! Of course, susuportahan po kita hanggang dulo. Salamat po sa pag-approach, hindi ko po akalain na darating ang araw na ito sa akin.

Wait, tama ba ang ginawa ko? I messaged her, eh ganito rin ang ginawa ko kay Sariah noon. Shit, baka isipin niya eh hindi ako loyal sa kanya. Naku, hindi ko na nga sasagutin ito at baka malintikan pa ako kay Sariah mamaya pag-uwi niya.

Pinatay ko na ang aking laptop at kumuha na lang nang maiinom namin nina Red at Lam mamaya. Naghanda na rin ako ng pulutan para ready na ang lahat mamaya kapag pumunta na sila. Si Sariah kaya, kamusta na siya? Sana ay okay lang siya at ang family niya.

Ilang minuto pa ay dumating na rin si Red at Lam dito sa bahay. Sabi ko na nga ba, hindi naman sila agad makakapunta, lagi naman kasi silang late kapag may inuman kaming ganap. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang mga tao ngayon.

"Oh pare, pumasok na kami sa bahay mo ha. Pasensya ka na at late na naman kami, alam mo naman na busy ako sa darating na kasal ko," sabi ni Red

"Okay lang na late kaming dumating, may dala naman kaming pulutan. Nakakahiya naman kasi kung late na nga tapos wala pang dala," sagot naman ni Lam

"Sige na, ilagay na ninyo ang pulutan dyan at tayo ay magsimula na ah. Marami akong kwento sa inyo eh," nakangiti at excited kong sabi sa kanila

Ngayon ko na kasi ike-kwento si Sariah sa kanila. Alam naman na nila na reader ko siya at  hindi siya bata tulad ng iba kong reader. Kaya naman okay na okay sila rito, lalo na noong pinakita ko ang itsura ni Sariah sa kanila. Ang gusto ko lang ngayon ay magpatulong sa kanila dahil nga gusto ko na makipagkita sa kanya.

Pagka-ayos ko ng lahat ay nag-umpisa na nga kaming uminom na tatlo. Kinamusta ko ang nalalapit na kasal ni Red pero sa akin nalipat ang tanong, hindi na talaga ako makakaligtas pa sa dalawang ito.

"Pare, panay ka naman kamusta sa amin ni Lam eh, ikaw ba kamusta na iyong nililigawan mong si Sariah?" sabi ni Red

"Ah, eh iyon na nga ang dahilan kung bakit ko kayo pinapunta rito. Gusto ko na kasing magpakita sa kanya this week. Tulungan niyo naman ako," sagot ko

"Ha? Eh diba ang number one rule mo ay hindi mo ipapakita ang totoong mukha mo sa readers mo?" sabi ni Lam

"Anong nangyari ngayon? Bakit nag-iba na ang pananaw mo?" dagdag ni Red

Wala eh, nainlove ang kaibigan niyo. Iba nga yata talaga ang nagagawa ng pag-ibig, you beak a rule for someone you love nga talaga. Totoo nga ang sabi nila. Ano kaya ang mangyayari sa first meeting namin ni Sariah?




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top