Chapter 7
Buong maghapong nagtrabaho si Niana. Maayos naman ang naging pakikitungo sa kaniya ng daddy ni Cavin, wala namang nagbago sa pagiging empleyado niya, at normal lang ang lahat na para bang walang kalokohang ginawa ang anak nito.
Hindi pa rin pumapayag si Niana kay Cavin.
Magkasama sila kinagabihan, pero hindi na nila muling nagpag-usapan ang tungkol sa proposed deal nito, bukod sa offer na monetary payment.
Nagprisinta lang si Cavin na ihatid siya sa kanto nila dahil masikip ang area at may kalakihan ang kotse nito, pero hindi na rin nag-open ng topic tungkol sa offer nito.
Ngunit habang nakahiga at nakatitig sa kawalan, nag-isip si Niana.
Kung tutuusin, maganda ang offer ni Cavin. Wala naman siyang ibang gagawin bilang "girlfriend" nito, unless sa family dinner every Wednesday and Friday.
Cavin also assured that the "relationship" would be a secret to everyone—except his parents.
Ang magiging labas ng relasyon nila, trabaho. Bukod pa roon, triple ng monthly working salary ni Niana ang ibibigay ni Cavin.
'Puwede pa lang maging trabaho ang pagiging girlfriend?'
Muling nagningning ang mga mata ni Niana. Aaminin naman niya sa sarili niyang alipin siya ng salapi dahil malaki ang naitutulong ng pera sa pag-aaral niya at sa pag-iipon para sa business na gusto niya para sa mga magulang.
Nag-compute si Niana sa isip. Kung triple ang ibabayad sa kaniya ni Cavin, susweldo siya ng 75,000 pesos para sa trabaho niyang maging girlfriend nito. Malaki iyon lalo kapag naisama sa sweldo niya sa company.
Isa pa, hindi niya basta kikitain ang 75,000 pesos. Iyon din ang sweldong walang kaltas tulad ng tax at kung ano-ano pa.
Buo niyang makukuha ang 75,000 at naging dollar sign bigla ang mga mata ni Niana.
Tulad nga ng siniguro ni Cavin, walang ibang gagawin si Niana kung hindi ang magpanggap sa harapan ng mga magulang nito.
Niana sipped some coffee and felt how hot the cup was. Nakatitig siya sa screen ng computer dahil gumagawa siya ng report, pero lumilipad ang isip niya sa posibleng mapaggamitan niya ng perang offer sa kaniya ni Cavin.
Hindi siya magsisinungaling sa parteng malaking tulong iyon sa kaniya.
Bumalik sa cafeteria si Niana para kumuha ng kape nang makita niya si Nick, isang empleyado ng Multimedia. Madalas niya itong nakikita at nakakasama pa minsan sa lunch.
"Nakita ko nga mga gawa ninyo for the marketing materials." Naupo si Niana sa isang bakanteng pandalawahang dining table. Sumunod naman sa kaniya si Nick. "Ang ganda ng artistang model natin!"
"Maganda rin talaga ang idea this quarter," nakangiting sagot ni Nick. "About sa college students. Thank you pala sa help and concept mo noong nakaraan, Niana. Sabi nga namin, dapat pala sa Marketing at Multimedia ka, e. Hindi ka ba restricted executive?"
Tumingin si Niana sa glass wall kung saan kita ang malalaking building na katabi nila. "Masaya naman ako sa current position ko, isa ring advantage na puwede akong mag-share ng idea sa kahit na anong department dahil nga puwede akong mag-direct sa boss."
"Sa bagay na rin." Tumango-tango si Nick. "By the way, i-invite sana kita mamaya? May kaunting salusalo kasi ang department, baka lang gusto mong sumama?"
Napaisip si Niana dahil weekend naman kinabukasan at wala siyang gagawin, puwede siyang sumama para na rin makapag-relax.
Sasagot na sana si Niana para sabihing sasama siya nang mag-notify ang phone niya at si Iryn iyon. Nagpapagawa ito ng dalawang kape at dalhin daw sa opisina ng boss nila as soon as possible.
"Nick, mauuna na ako, ha? Hindi ko sure kung makakasama ako mamaya kasi medyo marami akong trabaho, pero i-text mo na lang sa akin ang lugar, susubukan kong sumunod."
"Sige lang." Tumango si Nick at ngumiti. "Punta ka lang kung sakali. Puwede rin kitang sunduin kaya i-message mo lang ako."
Ngiti lang ang isinagot niya sa binata. Aware si Niana sa pagkagusto sa kaniya ni Nick simula pa lang nang makapasok siya sa Karev Telco. Madalas din kasi niya itong nakakatrabaho nitong nakaraan.
Ayaw makipagrelasyon ni Niana ng katrabaho. Nabanggit sa kaniya ni Iryn na minsan ay may kalokohan ang mga binata sa company nila at nililigawan ang mga baguhan, lalo na ang mga mas nakababata tulad niya.
Isa rin sa mga rason kung bakit umiiwas siya sa mga ito. Mababait naman, pero hindi alam ang intensyon.
Hawak ni Niana ang tray na mayroong tatlong mug dahil sa kaniya ang isa. Ngumiti siya kay Iryn at sinabi nitong pumasok na lang siya sa loob dahil nakasara ang blinds, pero laking gulat nang makita si Cavin na nakapamulsang nakaharap sa glass wall.
"Good afternoon, sir." Ngumiti si Niana sa daddy ni Cavin at ibinaba ang tray sa lamesa para ibigay ang kape.
"Hey." Lumapit si Cavin kay Niana para kunin ang tray na hawak nito dahil para sa kaniya ang isa pang kape.
Niana's lip formed into a smile when she saw on her peripheral that her boss was looking at them. Hindi niya alam kung aarte ba siya o magpoprotesta. "H-Hello. Hindi ko alam na pupunta ka."
"Katatapos lang ng class ko." Cavin sipped some coffee. "How's your day?"
"Okay naman, medyo busy." Niana smiled and faced Cavin's dad. "Sir, nakausap ko rin po pala si Nick ng Multimedia kanina and nag-send raw po sila sa email ninyo ng suggestions for the printing materials. Gusto po ba ninyong i-print ko?"
Umiling ito at ibinaba ang kapeng hawak. "No, Niana. Makikisuyo sana ako kung puwede ka bang bumili ng des—"
"Dad, kami na ang bahala. Puwede ba kaming umalis maya-maya para makabili kami ng dessert?" tanong ni Cavin habang nakadekwatrong nakatingin kay Niana. "This time, sasama akong mamili ng cake for tonight's dinner."
Cavin's dad chuckled. "Go ahead. Iyan din talaga ang isa-suggest ko. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay?"
"Yup." Cavin nodded and gazed at Niana. "Mag-work ka na muna. Alis tayo rito ng mga five to five-thirty. How's that sound?"
Niana sighed and tried to smile because again, she was shocked. Wala naman sa usapan nilang sasama siya sa dinner kasama ang mga magulang ni Cavin, pero mukhang nag-decide na naman ito mag-isa.
"Okay." Niana smiled and worked towards her boss' table. "Kuhanin ko lang po itong mga document na ipapasa sa ibang department, sir."
Hindi inalisan ni Cavin ng tingin si Niana. He observed how her ponytailed hair swayed while walking, the sound of her footsteps, and how she smiled while talking to his dad.
Patagilid na tumingin sa kaniya si Niana nang tumalikod na ito. Kita niya ang inis. Lumabas ito ng opisina at maingat pang isinara ang pinto.
Hindi inalisan ng tingin ni Cavin si Niana hanggang sa marinig ang mahinang pagtawa ng daddy niya.
"Until now, hindi ako makapaniwalang you guys are dating." Mahinang natawa ang daddy niya at umiling pa nga. "To be honest, hindi ko alam kung paano ninyo nagawang itago. Palagi naman kaming nagkikita ni Niana, how's that possible?"
Cavin smirked and sipped some coffee. "It'll be a secret I'll never tell, Dad. Ang masasabi ko lang, pinahirapan ako ni Niana." He chuckled to make it a little realistic.
—
Inisa-isa ni Niana ang mga folder nang hindi nagsasalita. Gusto niyang gawing busy ang sarili dahil nakaramdam siya ng panic. Inisa-isa na rin niya ihatid lahat ng memo papunta sa iba't ibang department.
It was already 4:56 in the afternoon.
Aalis na rin si Iryn kaya ibinigay na sa kaniya ang mga maiiwan nitong trabaho. Hindi niya lang masabi na pati siya ay baka maagang umalis dahil sa kalokohan ni Cavin.
"Inaantok ka?" tanong ni Iryn habang inaayos nito ang bag dahil katatapos lang mag-lipstick. "May date kami ngayon ng asawa ko. Pagkatapos mo pala sa mga work mo, puwede ka nang umuwi. Nagbigay si boss na puwede raw mag-undertime lahat today."
"Bakit daw po?" nagtatakang tanong ni Niana at muling naghikab. "Inaantok talaga ako, Ate. Wala akong maayos na tulog, tapos tinapos ko 'yung assignment ko sa dalawang subject."
Iryn smiled and caressed Niana's back. "Kaya sa 'yo ako, e. Napakasipag! Sige na, ha? Kapag meron kang kailangan, tawagan mo lang ako."
Tumango si Niana at sinundan pa nga ng tingin si Iryn hanggang sa tuluyan na itong nakaalis.
Nagpatuloy na rin sa trabaho si Niana. Bumukas ang office ng boss niya at nakangiti itong nagpaalam. Mauuna na raw para makatulong pa sa pagluluto kasama ang asawa.
"I'll see you later, okay?" nakangiting sabi ng boss niya. "Cavin's inside. Nakaidlip, e. Ikaw na ang bahalang gumising sa kaniya maya-maya para makaalis na rin kayo at maaga kayong makarating sa bahay."
Yumuko si Niana at nginitian ang boss niya bago pabagsak na naupo sa swivel chair dahil haharapin na naman niya ang paladesisyong anak nito.
Naiilang pa rin siya sa boss niya dahil sa pag-aakala nitong magkarelasyon talaga sila ng anak nito.
Nagpatuloy sa trabaho si Niana para matapos lahat ng reports na kailangan lalo na at weekend na. Kailangan din niyang dalhin sa mga department ang mga papeles na may pirma, kaya naramdaman niya ang sakit ng talampakan at likod pagkatapos.
Kaagad na bumalik si Niana sa opisina niya nang matapos maghatid ng mga papeles at naabutan si Cavin na prenteng nakaupo sa swivel chair ni Iryn at nilalaro pa ang stressball na kulay pula.
"Are you done?" Cavin asked and yawned. "I'm fucking sleepy."
"Umuwi ka na, para makatulog ka." suhestiyon ni Niana at humarap sa computer para mag-email naman. "Seven pa naman ang uwian ko ka—"
"We have a dinner to go to, Miss Baby." Inihiga ni Cavin ang ulo sa desk niya habang patagilid na nakatingin kay Niana. "My parents are waiting."
Pumikit si Niana at huminga nang malalim bago sinalubong ang titig sa kaniya ni Cavin. Magulo pa ang buhok nito sa pagkakatulog at mayroon pang marka ng unan sa pisngi.
"Hindi ako sasama," diin niya. "Mag-explain ka na lang sa parents mo na busy ako at mara—"
"Si Daddy na nga ang nagsabi na maghihintay sila. Mom will cook meals for you, Niana."
Niana shook her head. "Ikaw, manipulator ka na, guilt tripping pa. Ang red flag mong lalaki, sir. Maghanap ka na lang kas—"
"One hundred thousand pesos." Cavin closed his eyes and sniffed. "One hundred thousand for the whole month."
Niana heard some ding, saw some bright lights of coins and dollars, and felt a tingle on her spine upon hearing what Cavin said. "O-One hundred thousand p-pesos?" kunwaring gulat na tanong niya.
"Yes." Bumangon si Cavin mula sa pagkakahiga at ipinatong ang dalawang siko sa sariling tuhod habang nakatitig sa kaniya. "One hundred thousand pesos. Pretend you're my girlfriend in front of my parents. That's it, baby."
Nanatiling tahimik si Niana. Gusto niyang ipaglabang hindi siya manloloko at sinungaling, ngunit muli niyang naisip ang mga pangarap at ang pagiging alipin ng salapi.
"Meron muna akong gustong i-confirm, Sir Cavin."
"Go ahead, Miss Baby."
"Open minded ka naman, sir, 'di ba?" kinakabahang tanong ni Niana. "I mean, hindi ka naman matatawa siguro sa itatanong ko? Gusto ko lang makasiguro bago ako pumasok sa offer mo. Aaminin ko, nagningning mga mata ko."
Cavin snorted and agreed.
"Hindi naman kasama sa deal natin ang sex, 'di ba?" Nakaramdam ng hiya si Niana sa sariling tanong. "I mean, ang laki ng offer. Hindi kasama 'yun, 'di ba?"
Cavin's brow raised and he smirked. "Bakit, gusto mo bang isama natin?"
"Hoy!" Niana immediately tapped Cavin's arm and her eyes widened in shock. "Bastos! Tinatanong ko lang kasi hindi ako papayag!"
"Akala ko, gusto mong isama, e." Tumayo si Cavin at nag-stretch. "Nope, hindi 'yun kasama sa services mo bilang girlfriend ko. Sabi ko nga, sa harapan lang tayo ng parents ko magiging in a relationship, lalo kapag dinner. That's twice a week, so that's eight times a month."
Naglakad-lakad si Cavin sa hallway ng office habang nag-iisip si Niana. Maganda ang offer lalo at wala naman siyang required gawin kung hindi ang magpanggap.
"Just be yourself in front of my parents. Palalabasin natin na hindi ka comfortable na may ibang nakaalam, maglalapag ako palagi ng possibilities para hindi sila magduda, but there's one thing." Cavin stopped walking and stared at Niana. "There might be times where I am going to kiss you in front of them."
Kaagad na tinakpan ni Niana ang mga labi at nang maisip na magki-kiss sila sa harapan ng mga magulang ni Cavin, mukhang hindi niya kaya.
"Sir, teka." Niana bit her index finger. "Hindi ba 'to scam? Sige nga, kung talagang serious, mag-downpayment ka na!"
Cavin rolled his eyes and took out his phone. Naisip niyang mas mabuti na ito at kung tutuusin, mas tipid pa. His exes asked to buy some luxury bags. One bag costed him thousand of dollars unlike Niana na parang malaking-malaki na ang offer niya.
"Type your account number." Ibinigay ni Cavin ang phone kay Niana.
Nagbibiro lang si Niana, pero mukhang seryoso ang anak ng boss niya. She did type her account number and gave the phone back. To her shock, the bank sent her a notification via email that she received the money.
One hundred thousand pesos.
"Hoy!" Nanginig ang kamay ni Niana habang hawak ang phone at napatitig kay Cavin na nakaupo sa mesa niya. "Sabi ko down lang! Bakit full?"
Cavin rolled his eyes and stood straight. "Tapos ka na ba sa trabaho mo? Kasi bibili pa tayo ng dessert. We don't wanna keep them waiting, lalo si Mommy."
Mabilis na mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Niana, pero binilisan niyang magtrabaho hanggang sa umalis na nga sila ni Cavin. Sa basement parking sila dumiretso para masigurong walang masyadong taong makakikita sa kanila.
Panay pa ang lingon ni Niana, baka may makakita sa kanila.
Dumaan sina Cavin at Niana sa isang Korean cake shop dahil gusto niyang tingnan at subukan ang sweets na nandoon. Ang gaganda rin ng design.
Sinabi naman ni Cavin kay Ninan na siya na ang bahala at kahit ano naman, magugustuhan ng mommy nito.
"What did you choose this time?" Cavin asked when Niana entered his car. Hawak nito ang puting box ng cake at mayroong pulang ribbon. Kinuha niya iyon at maayos na inilagay sa backseat ng kotse.
"Fruit cake ang nakalagay, e." Isinuot ni Niana ang seatbelt. "Ang sabi sa description, it is a sponge cake covered with whipped cream and decorated with assorted fruits. Ang ganda ng design, puro fresh fruits. May strawberry and kiwi."
Cavin gazed at Niana when she giggled. Parang excited itong tikman ang cake na ikinangiti niya. Binuksan din nito ang isa pang box at mukhang excited na napatitig sa laman.
It was Korean macarons.
Mas makapal ang fillings niyon kaysa sa French macarons at excited si Niana na matikman iyon. Tutal sumweldo naman siya sa kalokohan ni Cavin, iti-treat niya ang sarili kahit na medyo mahal ang nasabing dessert.
Niana was looking outside the window, enjoying her Oreo macaron when Cavin held her hand.
Hindi kaagad nakagalaw si Niana sa ginawa ni Cavin nang kumagat ito sa hawak niya habang diretsong nakatitig sa daanan bago siya binitiwan. Nakita pa niyang may brown na cream at kaunting Oreo bits sa labi nito na kaagad namang dinilaan.
"Sa 'yo na!" Inabot ni Niana ang macaron kay Cavin. "Nilawayan mo na, hindi ko na kakainin 'yan."
Cavin snorted and gazed at Niana. "You're worrying about your food with my saliva?" He chuckled. "E kasama sa deal ang kiss. Paano 'yan?"
Nanlaki ang mga mata ni Niana. Napapansin na niyang straightforward ito at walang preno.
"Siraulo ka ba, sir? Siyempre hindi ako magpapa-kiss sa lips! Sa pisngi ka na lang mag-kiss, 'wag sa lips. Kadiri, e." Nagpatuloy si Niana sa pagkain.
"I assume," Cavin's eyes squinted and looked at Niana, "wala ka pang nahahalikan, 'no? Pero nagka-boyfriend ka na?"
Niana frowned and pouted. Medyo umirap din siya dahil napaka-direct naman ng tanong. "Nagka-boyfriend na ako, baliw! Three years kaya kami. Nag-kiss na kami, pero dahil boyfriend ko siya. Ikaw, hindi. Kaya hindi puwede."
"Ikaw, your words. Watch your words, Leigh Niana." May diin sa boses ni Cavin. "Siraulo, bobo, tanga, and now, baliw. You're not watching your words, ha?"
"Bakit, boyfriend naman kita ka—"
Cavin's brow raised, his lips formed into a teasing smile, and playfully gazed at Niana who stopped talking when she realized something.
"So, tinatanggap mo nang boyfriend mo ako?" He smirked.
"Tange, hindi! Sinasabi ko lang, wala na tayo sa opisina, hindi na kita boss kaya puwede naman siguro akong magsalita ng hindi magagandang words?" Muling kumuha si Niana ng macarons at napapikit sa sarap ng raspberry flavor.
Mahinang tawa lang ang isinagot ni Cavin at nagpatuloy na sa pagmamaneho. His nostrils were dominated not just by the perfume inside his car, but also the sweet dessert.
Naamoy mismo ni Cavin ang nasabing pabango sa babaeng katabi, and the scent was actually mixed with the macarons she was eating.
Ipinalibot ni Niana ang tingin sa subdivision na pinasukan nila. She was aware where her boss lived, but she had no chance of seeing the place until today.
Madilim na rin ang paligid, pero maraming ilaw sa paligid.
"Eating," Cavin paused and eyed Niana who was happily eating, "is actually prohibited inside my car, Miss Baby."
Niana took a huge bite of the macaron she was eating. Raspberry cream pa rin iyon dahil tigtatlo ang kinuha niya per flavor at iyon ang nagustuhan niya.
"Sorry po." Tiningnan ni Niana ang upuan pati na ang gilid kung mayroon bang kalat. Ipinagpapasalamat niyang wala dahil baka pagbayarin pa siya para sa carwash, mabawasan pa ang bayad.
Nagmumuwalan ang pisngi ni Niana dahil sa malaking kagat na inubos niya. Pilit niyang inuubos ang macaron dahil malapit na yata sila at bumabagal na ang andar ng kotse.
"About the kiss." Cavin stopped the car and faced Niana who was looking intently at him. "We'll practice."
Hindi napigilan ni Niana ang gulat at halos masamid sa sinabi ni Cavin. "Bakit ka ba nanggugulat?" pagalit na sambit niya at medyo pasigaw pa iyon. "Grabe naman 'yan, ikamamatay ko pa 'yang sinabi mo."
Cavin chuckled and moved closer to Niana. "Come here," utos niya. "I will kiss you now, para mamaya, hindi ka na masyadong magulat. Okay lang?"
Ilang beses kumurap si Niana habang nakatitig sa lalaking nababaliw na nga yata. Tumango siya, pero may naalala. "Hindi pa ako nagto-toothbrush."
"I won't mind," Cavin whispered and leaned to kiss Niana on the lips.
Niana's lip parted when their lips met.
Nagulat kasi.
Her eyes were wide open, she could smell Cavin's perfume, and her breathing became rugged, especially when she felt Cavin's tongue traced her lip.
"Ang sarap," Cavin whispered against Niana's lip. "What flavor was that?"
"R-Rap . . . r-raspberry."
Cavin then put a soft kiss on the side of her lip. "Eat that more often," he said and pulled away. "Let's go meet my parents."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top