Chapter 6
"H-Ha?"
"Sabi ko, ihahatid na kita," Cavin insisted.
Biglang napaisip si Niana sa trip ni Cavin. Gusto niyang isiping nababaliw na ba ito dahil sa mga pinaggagawa sa buhay, walang magawa, o sadyang desperado na dahil sino ba naman ang tangang kakapit sa employee?
"Kaya ko pong umuwi mag-isa," diin ni Niana habang nakatitig kay Cavin at naghihintay ng elevator. "Umuwi na rin po kayo, sir. Almost eight na po."
Cavin inserted his hands inside his pocket and didn't say anything. Both him and Niana were facing the elevator door, waiting for it. Hinintay rin niya talaga ang dalaga dahil gusto niya itong makausap.
Pagpasok sa elevator, pipindutin na dapat ni Niana ang button papunta sa lobby, pero kaagad na humarang sa kaniya si Cavin. Halos mapugto ang hininga ni Niana dahil naramdaman niya ang hanging nanggagaling sa ilong nito sa parteng noo niya.
"S-Sir, huwag po." Nanginginig ang boses ni Niana dahil nakaramdam siya ng kaba at takot sa lapit nila.
Alam ni Niana na nagtunog ewan siya, pero wala siyang pakialam. Hindi siya ready.
"I want to talk to you, Niana." May awtoridad sa boses ni Cavin.
Mas bumilis ang tibok ng puso ni Niana dahil sa kaba. Malalim ang boses ni Cavin, nakadikit ito sa kaniya, at ito pa ang pumindot ng button papunta sa basement. Naamoy niya rin ang panlalaking amoy nito.
Hindi masakit sa ilong . . . actually, mabango.
Humiwalay sa kaniya si Cavin at sumandal ito sa tabi niya. Nakahinga naman nang maluwag si Niana, pero hindi niya magawang lumingon sa gawi ng binata.
"I'm desperate, Niana," Cavin murmured. "At least hear my proposal. At least hear what I'm gonna say. Kapag hindi mo pa rin nagustuhan, then I'll let my parents know about all the lies."
"Sir Cavin, aware ka ba na one lie leads to another?" Nilingon ni Niana si Cavin. "Ang kasinungalingan mong girlfriend mo ako ay nadagdagan na po, tama ba ako?"
Cavin subtly nodded.
"At kung ipagpapatuloy mo po ito, sir, mas madadagdagan ang kasinungalingan mo. Madadagdagan din ang konsensya mo." Niana breathed. "Mababait ang magulang mo, Sir Cavin. Isa pa, idadamay mo ako sa konsensya."
"I am aware, Niana. I've been living with them for two decades, so you don't need to tell me that." Sumandal si Cavin at pumikit. "Hear me out then decide."
Yumuko si Niana at napatitig sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari, pero wala namang masama kung pakikinggan niya ang binata. Kung sakaling hindi niya magustuhan ang sasabihin nito, sinabi naman na puwede siyang tumanggi.
Mukhang open naman si Cavin sa magiging opinion niya.
Sa basement sila dumiretso. Nakita ni Niana ang magkakatabing kotse ng mga Karev dahil ang iba ay backup cars ng daddy nito.
Itim na BMW ang hinintuan nila at si Cavin mismo ang nagbukas ng passenger's side para makasakay si Niana. Nanuot kaagad ang sa ilong niya ang pamilyar na amoy. It was her own perfume.
Pumasok si Cavin at hindi nagpahalata si Niana naamoy niya ang pabango niya.
"Do you know any place na puwede tayong mag-usap? Hindi puwede rito sa office dahil maraming makakakita sa 'yo," Cavin asked. "Somewhere quiet, noisy, I won't care. Ang mahalaga, may lugar kung saan tayo puwedeng mag-usap."
Napaisip si Niana dahil wala naman siyang alam na puwede nilang puntahan bukod sa public park ng school nila. Dahil gabi na rin, siguradong wala ng masyadong estudyante kaya puwede silang magpunta roon.
Buong drive, tahimik dahil walang gustong sabihin si Niana. Hinihintay lang din niyang magsalita si Cavin.
Pasimpleng sinulyapan ni Cavin si Niana at nakatingin ito sa bintana habang nakahawak ang dalawang kamay sa strap ng seatbelt. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Hindi naman siya magaling makipag-usap sa kahit na sino, kaya mas pinili na muna niyang manahimik.
The silence was deafening so Cavin decided to turn on the stereo. Sumasakit na rin kasi ang tainga niya.
Nilingon ni Niana si Cavin nang marinig na mahina itong kumanta habang nakapatong ang siko nito gilid ng bintana at hawak naman ng kanang kamay ang manibela. It was comethru by Jeremy Sucker.
Medyo traffic na rin kaya na-stuck na sila sa daan. Nag-ring ang phone ni Niana at nagkatinginan pa sila.
Kaagad na sinagot ni Niana ang tawag ng mama niya. "Ma, hello po! Male-late ako ng uwi, Ma. Mauna na lang din po kayong kumain ni Papa at kung sakali po, huwag n'yo na akong hintayin."
"Ay, ganoon ba?" sagot ng mama niya. "Nagluto ako ng batchoy. Ilalagay ko na lang sa ref kung sakali tapos ikaw na magpainit, ha? Marami kang trabaho?"
Tumingin si Niana kay Cavin na nakatingin din sa kaniya. Naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura nang malaman kung ano ang ulam nila dahil paborito niya iyon. Isa pa nga ang batchoy sa nire-request niya sa ina.
"May trabaho pa po ako, Ma," seryosong sagot ni Niana. "Matulog na lang po kayo ni Papa kung sakaling wala pa po ako, may susi naman po ako."
"O sige, Niña. Basta mag-iingat ka, ha? Kung sakaling kailangan mong magpasundo sa kanto, tawagan mo kaagad kami ng Papa."
Niana smiled and bit her lower lip. Nakita iyon ni Cavin kaya nagtaka siya kung ano ang sinabi ng kausap nito.
"Sige na, Ma. Uuwi rin po kaagad ako after ng trabaho ko. Pakilagay na lang po sa ref ang batchoy. Nagugutom na rin po ako, e. Pero 'yan ang kakainin ko." Niana chuckled. "Sige na, Ma. Trabaho po muna ako."
Ibinaba ni Niana ang tawag at muling nilingon si Cavin. Itinuro niya ang daan kung saan sila pupunta at kung saan puwedeng mag-park. Ramdam ni Niana ang gutom, pero mas gusto niyang humigop ng mainit na sabaw ng batchoy.
Naunang lumabas sa kotse si Niana at sumunod naman si Cavin. Pareho silang nakatingin sa kawalan habang nakasandal sa likod ng kotse nito. May iilan pang tao sa park kaya naman sa medyo madilim na parte sila pumwesto.
"Sir, sabihin n'yo na po kaagad ang kailangan kasi gusto ko na rin pong umuwi," ani Niana habang inaayos ang pagkakatali ng buhok niya. "Una sa lahat, gusto kong malaman kung bakit umabot ka sa pagdedesisyong maghanap ng kunwaring girlfriend."
Cavin took out a cigar and stared at Niana. "Would you mind?"
"Sige lang, sir. Sanay ako sa amoy ng yosi."
"Ha?" Nakakunot ang noo ni Cavin. "You smoke?"
Umiling si Niana. "Hindi po. May tindahan kasi kami kaya naman madalas na merong mga naninigarilyo sa labas ng tindahan. Kapag ako ang bantay, naaamoy ko rin sila."
"Secondhand smoking is bad." Itinago ni Cavin ang sigarilyo at hindi na iyon binuksan.
"Smoking is bad, too," sagot naman ni Niana. "So, balik tayo sa topic, sir. Anong meron?"
Umayos si Cavin sa pagkakasandal sa likod ng kotse at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "My parents are pressuring me to have a girlfriend. Kung after graduation, wala pa rin, they would find a bride for me."
Tahimik na nakikinig si Niana kay Cavin, pero gets niya ang sinasabi nito. Ito pala ang rason kung bakit nagpapahanap sa kaniya ang mommy ni Cavin ng mga babae sa social media o kaya naman ay mga socialite at artistang nasa edad nila.
"I don't wanna get married." Cavin tsked and gazed at Niana. "Siguro gusto ko, pero hindi pa ako sigurado, pero ayaw ko ng arranged marriage."
Nanatiling tahimik si Niana at inalala ang mga babaeng na-research niya. Magaganda ang mga iyon at kapantay ng buhay ni Cavin. Iniisip niya kung sino ang puwedeng ireto.
"I have to introduce someone para mawala ang idea ni Mommy sa arranged marriage. Ang akala niya, naglalaro ako, which is partly true, pero wala pa sa isip ko ang seryosong relasyon," Cavin uttered in so much frustration. "That's the reason why I need a fake girlfriend."
Muling nilingon ni Niana si Cavin at seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kawalan. "Bakit kasi hindi ka na lang po maghanap ng totoong girlfriend na maipakikilala mo sa kanila? Bakit kailangang fake?"
"I don't trust women, Niana," Cavin responded truthfully. "No offense meant, I dated women before and I don't trust them."
"Bakit?" Niana frowned and thought that it was getting interesting.
Napaisip si Niana sa punto ni Cavin. Ayaw niyang itanong kung bakit, pero dahil curious siya at gusto niyang malaman kung bakit may desperation, ginawa pa rin niya.
Cavin shook his head and snickered. "Alin lang 'yan, dating me for money, dating me for something na magkakaroon sila ng benefits. Dating me because I'm a Karev."
Mas lalong naintriga si Niana sa naririnig. Base sa boses ni Cavin, naririnig niya ang frustration, pati na sa expression ng mukha nito. Nakapasok din ang kamay nito sa bulsa ng hoodie na nakatupi ang manggas hanggang siko.
"Valid naman ang reason mo, pero hindi valid ang way of handling mo, sir." Diniretso ni Niana si Cavin. "Hindi kasi tama na bigla mo na lang akong jinowa. Wala man lang akong kaalam-alam, ni-legal mo na ako."
Mahinang natawa si Cavin at bahagyang tumingin kay Niana na nakatagilid na nakasandal sa kotse.
"Ayaw kong mawalan ng work. Baka dahil sa ginawa mo, matanggal ako sa trabaho, Sir Cavin. Kailangan ko ang sweldo para sa schooling and family ko. Kaya ang desisyon mo, puwedeng makaapekto sa akin," dagdag ni Niana. "Naging selfish ka sa part na nanggamit ka ng ibang tao not knowing the possible consequences."
"Kaya nga meron akong proposal sa 'yo," Cavin uttered.
Kumunot ang noo ni Niana. "Sir, hindi pa nga ako pumapayag maging jowa mo, propose kaagad?"
Cavin frowned and then he realized what Niana said.
Bago pa man makapagsalita o makapag-react si Cavin sa sinabi niya, inunahan na niya ito ng malakas na halakhak dahil sa pagbabago ng itsura nito. Halatang nagulat at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"Joke lang! Gulat na gulat!" Niana laughed. "Imagine mo 'yung gulat ko, sir, no'ng sabihin ng mommy mo na may itinatago tayo, e twice pa lang tayong nagkikita. Ikaw kasi!"
Hindi sumagot si Cavin at nanatiling nakatitig kay Niana.
"Paladesisyon," mahinang bulong ni Niana pero sapat para marinig ni Cavin.
Hindi alam ni Cavin kung ano ang sasabihin kay Niana. Clearly, the woman was smart.
"Okay, here's the deal." Cavin caressed his lower lip using his thumb and faced Niana. "I have a deal, a proposal. Since you've mentioned your job, I would assure you na hindi ka matatanggal sa trabaho. By hook or by crook, I'll fight to keep your job."
Nakakunot ang noo ni Niana na nakatingin kay Cavin. May point. Kaya nitong gawin iyon.
"Ako ang bahala sa 'yo sa parteng 'yun. I will be the owner of the company at nakikinig sa akin ang parents ko. Besides, I know that my parents will trust you about this matter. Alam nilang bihira akong magtiwala sa ibang tao, so you as my girlfriend," Cavin did the quote end quote using both his hands, "alam nilang something about you interests me."
Niana snorted and rolled her eyes.
Cavin frowned and shook his head. "Okay, proceed. Again, ako ang bahala para ma-keep mo ang trabaho mo. Another is while you're pretending to be my girlfriend, I'll pay for your lies and services. Babayaran ko lahat, walang libre. It's better to pay someone who would pretend kaysa gumastos ako sa girlfriend na pasasakitin lang ang ulo dahil clingy, toxic, at mahirap i-handle."
Natameme si Niana sa sinabi ni Cavin. Hindi niya alam ang isasagot. Parang naging dollar bills bigla ang mga mata niya.
"Ano ba'ng prefer mo? Per hour, fixed, or full?" Cavin asked. "Let me know. Because again, I'm desperate."
Sinamaan ng tingin ni Niana ang binata. "Wala ka man lang please?" tanong ni Niana. "Nag-decide ka na nga kaagad nang walang consultation, e. And for the record, sir, hindi ako nag-apply riyan sa trabahong alok mo."
"Ayaw mo noon, hindi ka na mahihirapan mag-apply bilang girlfriend ko?"
Gustong matawa ni Cavin nang biglang magbago ang reaksyon ng mukha ni Niana. Tumaas ang kanang kilay nito at bahagyang bumuka ang bibig sa gulat.
"Sir, alam mo, hindi ko naman gustong maging girlfriend mo. Kaya tatanggi ako sa offer." Nag-cross arms si Niana. "Mababait ang parents mo, sir, at mukhang hindi ko kakayaning magsinungaling sa kanila, lalo sa daddy mo na araw-araw kong makakasama."
Muling sumandal si Cavin sa kotse at nagsindi na ng sigarilyo. He already expected the same response from Niana. Biglaan naman kasi ang nangyari at hindi niya kontrolado ang sitwasyon sa bagay na ito.
"Bakit naman kasi ako, sir? Naiinis ako sa pagiging siraulo mo. Tutal, out of office naman po ako ngayon, puwede ko bang sabihin na ang tanga mo, slight, na ako ang binanggit mo?" Niana said and she was so upset. "Iniisip ko ang trabaho ko, nagtatrabaho ako nang maayos, tapos ikaw ang sisira."
"You're too nosy!" singhal ni Cavin na umusok pa ang bibig sa pagkakasinghal. "That's the reason why I don't want a girlfriend. Masyado kayong madaldal!"
Nanlaki ang mga mata ni Niana. "For the record, mabait akong girlfriend."
"E bakit wala kang boyfriend?" Cavin mocked Niana.
Niana gave Cavin a wide smile before turning around. Dumiretso siya sa passenger's side kung nasaan ang gamit at basta na lang kinuha iyon. Malakas niyang isinara ang pinto, hindi na lumingon, at basta na lang naglakad palayo.
Cavin cursed when Niana left and walked away. Hindi niya ugaling maghabol sa babae, that was the last thing he would do, but he needed to talk to Niana about the deal.
"Leigh Niana, can you please stop walking?" utos ni Cavin. "Niana, I am warning you. Isang beses lang akong magsasalita, stop walking."
Walang sagot si Niana. Ni hindi nga siya lumingon dahil naiirita siya. Ito na nga ang nakikiusap, ito pa ang paladesisyon. Gusto susunod kaagad, e may tinataglay namang kayabangan. Ni hindi man lang mag-please!
Mabilis na naglalakad si Niana papunta sa sakayan ng jeep nang huminto dahil nasaharapan niya si Cavin. Natatakpan ng buhok nito ang mga mata, humihinga nang malalim, at nang suklayin ang buhok, masama ang titig nito.
"I asked you one time, Miss Baby," hinihingal na sambit ni Cavin. "One time and you didn't listen."
"Hind—" Nabigla at tumili si Niana nang bigla na lang siyang buhatin ni Cavin na parang sako sa balikat nito. "Sir Cavin!"
"One time, Miss Baby," Cavin said while carrying Niana.
Cavin was thankful that it was a little dark. Wala ring ibang tao sa lugar.
"Nakapalda ako, Sir Cavin!" pagpoprotesta ni Niana. "Sir, ibaba mo ako! Nahihilo na ako, parang bobo naman 'to!"
Ramdam ni Niana ang higpit ng pagkayakap nito sa legs niya at para bang hindi nahihirapan sa pagkakabuhat. Natanggal ang pagkaka-bun ng buhok niya, naamoy niya ang pabango ni Cavin mula sa likuran, at naririnig na may sinasabi ito, pero hindi niya maintindihan.
Binuksan ni Cavin ang passenger's side ng kotse niya at basta na lang ibinaba roon si Niana. Masamang-masama ang titig nito sa kaniya.
"There." Cavin was breathless. "Ang bigat mo!"
"Sinabi ko ba kasing buhatin mo ako?" Galit na sambit ni Niana at akmang aalis na ulit nang basta na lang isuot ni Cavin ang seatbelt sa kaniya. "Kidnapping 'to, Sir Cavin!"
Cavin shook his head and closed the door. Pinindot din niya ang button sa remote ng kotse niya para mag-lock iyon nang hindi makalabas ang babaeng kasama.
Pagpasok sa kotse, masama ang tingin ni Niana sa kaniya. "I said I was bringing you home. You didn't listen."
"Kaya kong umuwi mag-isa! Maraming jeep dito kaya bababa na lang ako. Hindi ako papayag sa offer mo, Sir Cavin. Hindi puwede dahil hindi ako sinungaling na tao, hindi ako manloloko, at hindi ko ibababa ang sarili ko para sa gusto mo."
Pabagsak na sumandal si Cavin sa upuan ng kotse niya at nagtagis ng panga. Humawak siya sa manibela at mahigpit na pinilipit pa iyon.
"Do you really think iiwanan kita rito nang mag-isa?" Iritang binuhay ni Cavin ang kotse. "Bibigyan mo pa ako ng konsensya knowing na iiwanan kita rito. Again, about the deal."
Umiling si Niana at tinitigan si Cavin. Kita niya ang pagtulo ng pawis nito sa gilid ng noo pati sa may leeg, malamang sa pagkakabuhat sa kaniya.
"Kaya kong umuwi mag-isa, Sir Cavin," diin ni Niana.
Walang sagot si Cavin. Nagsimula silang umandar at panay ang suklay nito sa buhok na humaharang sa mga mata.
Huminahon na lang si Niana dahil alam niyang mauubos lang ang energy niya sa pagpoprotesta kay Cavin. Halata namang hindi na makikinig sa kaniya. At kaysa makipag-argue, nanahimik na lang siya.
"Tatapatan ko ang sweldo mo sa Karev Telco," basag ni Cavin sa katahimikan. "Kung magkano ang sweldo mo sa company, ganoon ang makukuha mo sa akin. Kung gusto mong padagdagan, sige lang. Kahit doble o triple pa."
Nanatiling tahimik si Niana. Alam niyang kaya nitong gawin iyon. Iyon ang bagay na never siyang magda-doubt.
"Wala kang gagawin. Sa parents ko lang tayo in a relationship dahil sasabihin ko sa kanilang itatago lang natin. Twice a week ang dinner ko with family, pero we can work out na Friday lang."
"Sir, maraming babae," diin ni Niana. Nakatitig siya kay Cavin na diretsong nakatingin sa daan.
Nilingon ni Cavin si Niana. "Ayaw ko sa kanila at hindi ikaw sila."
"Grabe." Ngumuso si Niana. "Ang lalim."
"The thing is, kilala ka na kasi nina Mommy and Daddy. Ikaw na ang alam nilang girlfriend ko, kaya ikaw lang ang puwede. Give me a month and I'll look for another woman na kapalit mo." Cavin explained and breathed. "I j-just need you for a month."
Nanatiling tahimik si Niana at hindi na rin nagsalita si Cavin.
Ibinalik ni Niana ang tingin sa labas. Nakatitig siya roon, pero nagko-compute talaga siya. Kung sakali man na babayaran siya ni Cavin, malaking tulong iyon sa kaniya at sa pag-iipon niya para sa mas malaking tindahan para sa pamilya nila.
Makatutulong din iyon sa gusto niyang ipatayong maliit na karinderya, pati na rin sa savings niya para sa isang taon pang college.
"May tanong ako, Sir Cavin."
"What?"
"Hindi ba ako o-offer-an ng mommy mo ng malaking pera para layuan ka?" seryosong tanong ni Niana. "Parang sa mga teleserye?"
Cavin wanted to laugh but didn't. "Bakit, tatanggapin mo ba?"
Niana shrugged. "Depende sa offer." She wiggled her brows.
"Tatapatan ko ang io-offer niya," nakangising sagot ni Cavin.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top