Chapter 45
One thing Niana learned was that marriage shouldn't be taken lightly. Yes, it was just a deal between her and Cavin, but what would happen after the wedding could change the present and future.
It wasn't their plan to fall in love, yet they still did.
Kung tutuusin, malalim na malalim pa nga at hindi nila alam kung paano nagsimula. Basta bigla na lang isang araw, mahal na pala nila ang isa't isa, in denial pa dahil sa takot. Takot sila sa sarili nilang multo dahil alam nila kung paano sila humantong sa ganoong sitwasyon.
Sa tuwing nakatingin si Niana kay Cavin, naaalala niya kung paano ito nagtanong kung puwede ba silang magpakasal. It wasn't the romantic 'Will you marry me?' but instead, Cavin asked her by saying 'Fifteen million, marry me.'
Tawang-tawa sila ni Cavin sa tuwing maaalala iyon. Super bossy, and Niana just agreed for the sake of the money. In short, alipin talaga siya ng salapi.
Nag-angat ng tingin si Niana na tumigil sa pagta-type at pinanood muna si Cavin na binubuo ang bagong dating na doll house galing sa UK na in-order pa pala nito sa isang investor ng company na may kakilalang magaling gumawa ng handmade toys. Hindi makapaniwala si Niana sa presyo, pero hindi na rin siya nagulat dahil alam niyang pagdating kay Vianne, wala siyang magagawa. Kung ano ang hilingin ng panganay nila, ibibigay ni Cavin.
"There." Cavin chuckled and looked so proud of himself after successfully fixing his mistake. "I told you, Vianne, I'm that good."
Niana snorted and Cavin heard his wife. He frowned and met her gaze. "You're laughing at me, Mrs. Secretary." His brow raised. "Naayos ko na! Baligtad lang ang pagkakalagay kanina, but it's fixed."
"Ewan ko sa 'yo!" Niana chuckled and kissed the top of Cale's head. "Inaantok na 'tong si Cale, love. Marami pa akong gagawin, kaso ayaw bumaba riyan sa inyo. Pagkatapos ng ginagawa mo, puw—"
Hindi na natuloy ni Niana ang sasabihin nang pumasok sa loob ng office niya si KA at bigla na lang pinagtawanan si Cavin. "Seriously, Cavin, hindi ka pa tapos? Kahapon mo pa binabasa ang manual niyan, ha?"
"I'm not like you, Engineer." Cavin stood up. Natawa pa si Niana dahil mukha itong disappointed lalo nang magprisinta na si KA na buuin ang dollhouse na ikinatuwa pa ni Vianne.
Humagikgik si Niana nang makita ang reaksyon ng mukha ni Cavin. Nakanguso ito at mukhang nagtatampo dahil tuwang-tuwa na naman ang prinsesa niya sa tito nitong engineer na isa ring spoiler kaya problema ni Niana.
"Hindi na naman ako love ni Vianne dahil nandiyan na naman daw 'yung prince charming niya, love." Cavin pouted. "Bakit ba kasi mukhang Disney prince 'yang best friend mo? Ang pangit naman. Hindi naman mukhang Disney prince."
"Let's face it." Niana snorted. "Mukha talagang prinsipe si KA kaya wala kang magagawa. Sabi ko sa 'yo, e. Huwag mong dadalhin sa Disneyland si Vianne dahil makakakita siya roon ng mga prince na kamukha ni KA."
Umiling si Cavin at inilebel ang mukha sa kanila ni Cale. "Do you want me to work o ako na lang magpapatulog sa kaniya? I'll ready the room for him na lang, tingin mo?"
Niana nodded. "Love, what if ikaw na muna ang mag-work? Inaantok ako at sumasakit ang batok ko, e. Parang gusto ko na rin munang itulog."
Hindi na kailangang ulitin ni Niana ang sinabi dahil tumayo na si Cavin at pumasok sa kwarto na nasa ipinagawa mismo nila sa opisina dahil ito na ang pangalawang bahay nila. Most of their days were spent inside the office so they had to make it comfortable.
Dalawa na rin ang lamesa sa opisina ni Cavin dahil doon naman nagtatrabaho si Niana. Nakatatawa na ginawa pa nga ni Cavin na iisa lang ang mahabang lamesa at mayroong dalawang computer. That was how they work.
"Love, ready." Cavin walked toward Niana and took Cale from her.
Inayos ni Niana ang nagulong dress bago pumunta kay Vianne na nakikipaglaro na kay KA.
KA looked at her and smiled. He told her about his tour in Europe with Win at binilhan daw siya ng legit na french macaroons.
"K, I'm gonna have to rest. Sumasakit ang batok at ulo ko. Okay lang ba muna sa 'yo si Vianne? Patutulugin ko na rin muna si Cale," sabi ni Niana habang hinahaplos ang buhok ni Vianne. "V, you gonna be okay with Tito KA?"
"Yes, Mommy." Vianne kissed her cheek.
Nagpaalam na si Niana sa dalawa at pumasok sa kwarto. Naabutan niya si Cavin na buhat si Cale habang nagtitimpla ng gatas ng anak nila.
It had been two years since Niana gave birth to Cale. Katatapos lang ng birthday party ng anak nila noong nakaraang buwan at nagugulat na lang sila sa bilis ng panahon. Two years old na si Cale while Vianne was three years old na.
Hindi gaano kalaki ang pagitan ng magkapatid at gusto na rin iyon nina Cavin at Niana. Maganda rin na hindi nagkakalayo ang edad ng magkapatid para sabay na ring lalaki.
Naupo si Niana sa kama at tinanggal ang suot na coat at minasahe ang leeg. Marami silang trabaho ni Cavin nitong nakaraan dahil sa mga deal na kailangan nilang tapusin, adverts na kailangang i-approve, at new branches na kailangang suriin. Kung tutuusin, madali naman ang mga gawain dahil mayroon silang teamwork, pero may mga pagkakataong mahirap pagsabayin ang pagiging parents at pagha-handle ng company. Hindi lang basta company, kung hindi companies.
"Go rest," sabi ni Cavin at ibinaba si Cale sa tabi ni Niana. "Ang laki na ni Cale. Minsan nagugulat ako na malaki na 'tong bunso ko, e. Tapos mas akala nating dalawa na mahihirapan tayo kay Cale dahil lalaki, pero mas malala pala si Vianne."
Inirapan ni Niana si Cavin at kinuha si Cale para ihele. "Kung tutuusin naman kasi, kasalanan mo! You spoiled your little girl so much!"
Walang nakitang pagsisisi si Niana mula kay Cavin dahil alam naman na niya iyon, na kung puwede lang sigurong ibigay ni Cavin ang lahat para sa mga anak ay gagawin. Mabuti na lang din at masyado pang bata ang dalawa kaya wala pa sila sa ganoong sitwasyon.
"Matulog ka na muna." Cavin leaned to kiss Niana's forehead. "I love you. Tulog na muna kayo rito ni Cale."
Tumango si Niana at pinadede na mula sa bote si Cale na pumipikt na. Bahagya siyang bumangon para kumutan ang anak niyang sobrang clingy sa kaniya at mukhang kapareho ng ama dahil malapit ito sa kaniya.
Naalala ni Niana ang hirap sa panganganak kay Cale. Kung si Vianne ay nagawa niyang i-normal, si Cale, hindi. Via cesarean section niya naipanganak ang bunsong anak dahil hindi pumuputok ang panubigan niya at nahihirapan na silang mag-ina.
Hirap na hirap si Niana noong unang linggo dahil hindi siya makagalaw nang maayos. Mabuti na lang din at supportive ang asawa niya kaya naman nairaos din niya hanggang sa unti-unting nag-heal.
Sean Caleigh Karev, their baby bunso.
Kita ni Niana ang saya ni Cavin noong nalamang buntis ulit siya. Gusto raw kasi nito noon ng kapatid kasi hindi na puwede dahil may-edad na ang mommy nito at kung puwede raw sana, magkaroon ng kapatid si Vianne, kahit isa.
Agree naman si Niana roon kaya hindi rin talaga sila gumamit ng contraceptives, until recently. Natakot na rin si Cavin sa kinahinatnan niya sa panganganak kaya parang ayaw na ring sundan ni Cavin ang dalawang anak nila.
Rosalie Vianne and Sean Caleigh.
Ngumiti si Niana nang banggitin niya ang pangalan ng mga anak nila. For some reason, Niana was so in love with the names they chose. Ilang beses nilang pinag-usapan ni Cavin ang magiging pangalan ni Cale.
Kung ang pangalan ng panganay nila, si Niana lang ang nag-isip dahil mag-isa siya at kinuha talaga niya ang Rosalie malapit sa pangalan ng mommy ni Cavin at at ang Vianne sa kanilang mag-asawa.
Nahihiya pa si Niana na sabihin kay Cavin na parang gusto niyang gamitin ang Sean, pero ito pa mismo ang nag-suggest nang malamang lalaki ang magiging anak nila. Caleigh came from Cavin and Niana's first name.
Cavin started working when Niana and Cale fell asleep. Paminsan-minsan naman niyang pinanonood si Vianne na nakikipaglaro kay KA na binubuo pa rin ang dollhouse na para bang walang kahirap-hirap.
Perks of being an engineer.
"So," Cavin broke the silence. "Kumusta naman ang travel ninyo ni Winslet sa Spain?"
"Galing na kami ng France. After Spain, dahil dinala ko siya sa hacienda ni Mama roon. Pumunta kami ng France and that was our last stop. Okay naman na siya, sinabi ko sa kaniya na kapag binalikan pa niya 'yung lalaking 'yun, hindi na talaga ako papayag." KA chuckled and looked at him. "She enjoyed. Mabuti na lang din."
Cavin smiled. "Mabuti naman. Ikaw ba ang napalipad?"
"Hindi." KA shook his head. "Sinamahan ko si Win na uminom." Tumawa pa ito. "Private plane nina Hera ang ginamit ko. Hiniram ko na muna. Tinatamad naman akong magpalipad dahil gusto kong samahan si Win sa pag-iyak niya. Pangit umiyak, e."
"Walang hiya ka!" It was Win na lumapit kay KA at akmang hahampasin ng folder ang ulo nito, pero tumigil dahil kaharap si Vianne. "Traydor!"
Natawa si Cavin sa sama ng titig ni Win kay KA bago ito lumapit sa kaniya para i-explain kung para saan ang mga folder na hawak nito. Binigyan niya ng isang buwang leave si Win dahil sa nangyari dito na ikinaiyak pa nga ni Niana at ikinagalit ng lahat.
"Kapag binalikan mo pa 'yung lalaking 'yun, Winslet, tatanggalan kita ng trabaho," seryosong sabi ni Cavin habang nakatingin sa folder.
"Grabe 'yun, boss!" singhal ni Winslet. "Personalan? Hindi na! Baka hindi lang ako sa Spain dalhin ni KA, baka iwanan na ako niyan sa Antarctica kung dumating pa ang pagkakataon na 'yun."
Umiling si Cavin at hinarap si Winslet. "Sinasabi ko lang naman, you saw how your friend cried and was worried about you. Huwag mo nang hayaang maulit 'yun. You deserve better."
Winslet shook her head. "Deserve ko kung ako si Majuri, si Niana, at si Yannica. Kaso ayun, hindi. Kaya bahala na."
KA snorted. "Naku, Cav, we actually had a deal!" sabi nito. "Kapag thirty-five na kami tapos hindi pa kami kasal, siya ang safety wife ko. In short, if we are still single by then, we'll get married na lang."
Tumango-tango si Cavin at tumingin kay Winslet. "That's actually a good idea."
"Kadiri." Umarteng sumusuka si Winslet na ikinatawa ni Cavin. "Mandiri ka, Khalil Alejandro. Hindi tayo talo. Ew."
Lumabas si Winslet na inirapan na muna si KA na tawa nang tawa. Pinag-usapan nila ang mga nangyari sa Spain at ang possibility na mawala si KA bilang protector ng pamilya nila, pero magpapadala ng bago dahil mayroon daw itong kailangang gawin sa businesses ng pamilya.
Nagising si Niana nang mag-ring ang phone niya. Tinapik niya si Cale na bahagyang gumalaw ang tiningnan kung sino ang tumawag. It was a group call with Majuri, Yannica, and Winslet. Kaagad niyang sinagot at nagsuot ng earphones.
"Ba't ka bumubulong? Tulog ba si Cale?" tanong ni Yannica. "Sorry na! Na-miss ko lang talaga kayo!"
"Oo, tulog." It was Win. "Alam mo 'yung asawa mo, Madam Niana, inaasar na naman ako. Tatanggalin daw ako sa trabaho kapag nakipagbalikan ako kay ano?"
Tawang-tawa si Niana nang makita ang reaksyon ng mukha ni Majuri habang nakatingin sa camera. Mukhang nasa shoot ito dahil may curlers at may mga tao sa likuran na parang nagme-makeup.
"Tanga, ako nga, ilulublob kita sa inidoro ng public restroom na madilaw ang tubig kapag nakipagbalikan ka pa roon. Don't tell me, may balak ka pa? Muntik ka nang mamatay, tapos babalikan mo pa? Gago ka ba?" Mataas ang boses ni Majuri at halatang nabibwisit na naman.
Niana shook her head and whispered, "Kahit naman ako, magagalit kapag binalikan mo pa 'yung lalaking 'yun! Nakita mo ang galit nina Cavin at KA sa kaniya, Winslet. Sinasabi ko sa 'yo, hindi ko pipigilan si Cavin kapag naisipan niyang sakalin ang lalaking 'yun."
Umiling si Win sa sinabi ni Niana. Nagkaroon pa nga ng commotion sa ospital dahil sa nangyari. Everyone was mad at what happened. Si Yannica at ang boyfriend nito ang nauna sa ospital, sumunod naman kaagad si Majuri kasama rin ang boyfriend nito nang malaman ang nangyari. Nahuli sina Niana at Cavin dahil galing pa sila ng probinsya.
KA was the responder and was mad at what had happened.
"So ayun nga." It was Yannica. "Maju, ano 'yung issue about naman sa 'yo? Bakit nakaaway mo 'yung isang artista? Ang bait noon, ha? Bakit mo naman ipinahiya? Inaatake ka tuloy ng fans."
Majuri snorted. "Mabait? Mabait 'yun sa harapan ng iba at sa social media. Nakakasuka kaya 'yun. I have receipts at nakiusap lang sa akin ang managers niya kaya huwag niya akong susubukan. All the things she did behind, all the words she spat without thinking twice? Huwag niya akong sisimulan."
Tahimik na nakikinig ang lahat kay Majuri.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Win. Hindi ito nakatingin sa camera pero nakikinig dahil malamang na nagtatrabaho.
"Ang bait sa social media at sa harapan ng camera. Santa santita, pero sa likod? Nakakasuka." Majuri shook her head. "Ang galing manira sa likuran, hindi kaya sa harapan. Ang kaso, mali na siya ng binangga. Ako na . . . I know how she plays dirty, so I confronted her. Guess what? I'm the bad guy. Why? Mabait siya sa harapan ng iba, e. But I told her, don't dare trigger me. I have all the receipts."
Niana frowned. "Ilalabas mo?"
"Wala akong balak dahil hindi ako ganoon kababa, pero kabahan na siya. Sa dami ng alam kong ginawa niya, sa mga sinasabi niya sa likod ng co-artists niya at sa ibang tao, kakabahan na siya." Majuri smirked. "Sa industriyang ito, puwede kang maging peke, pero kaya n'yo bang masikmura kung peke ang sinasabi ko?"
Hindi nakapagsalita ang tatlo hanggang sa nagpaalam na si Majuri dahil may photoshoot ito, si Win na kailangan nang magtrabaho, at si Yannica na mayroong meeting at gusto lang makitsismis.
Paglabas ni Niana ng bathroom ay sakto namang pagpasok ni Cavin sa kwarto dahil nakatulog na pala si Vianne. Ngumiti si Cavin sa kaniya at maingat na inihiga ang anak sa tabi ni Cale, tinanggal ang sapatos, at tinapik-tapik para mas makatulog.
"Hey." Cavin walked towards Niana and hugged his wife. "Nakatulog ka? Kumusta, masakit pa rin ang batok mo?"
Niana nodded and hugged Cavin back. "Ikaw, nakapagtrabaho ka na ba? Nasagot mo na ba 'yung emails na na-assign ko sa 'yo?"
"Yes, ma'am," Cavin whispered and stared at Niana. "Ganda mo."
Inirapan ni Niana si Cavin at hinampas sa dibdib. Alam na niya ang kasunod, pero masyado silang maraming trabaho na ikinatawa rin ni Cavin. Pareho silang humarap sa mga anak nilang natutulog.
Madalas nilang ginagawa iyon, titigan ang mga anak nilang hindi inasahan darating sa kanila. May mga pagkakataon pa ngang tinatanong nila ang sarili kung deserve na nila sina Cale at Vianne, at natatakot kung mapalalaki ba nila nang maayos ang mga anak nila.
"Do you think we'll be good enough for them?" Cavin hugged Niana from behind.
Niana nodded. "I know we will," she said while smiling. "Alam mo, naalala ko na naman 'yung paborito nating kanta, 'yung ginawa nating wedding dance?"
Cavin chuckled and whispered the lyrics of Pelikula.
"Ilayo man tayo ng tadhana . . . bumabalik sa bawat eksena. Ako at ikaw, walang nang iba."
Naalala ni Niana na akala niya sa mga libro at pelikula lang nangyayari ang pagkakakilala nila ni Cavin, pero hindi pala. Sabi nga niya, gumawa sila ng sariling pelikula na sila lang sa huli wala nang iba.
. . . na kahit masakit, gugustuhing balikan ang bawat eksena dahil iyon ang rason kung nasaan sila. Sa kasalukuyang sila na talaga.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top