Chapter 43

Mula sa ilalim ng lamesa, hinawakan ni Cavin ang kamay ni Niana nang magsimulang humagulhol ang mama ng asawa niya. Nasa dining area sila at pinatutulog nito si Vianne habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa paglilipat ng labi ng kuya ni Niana sa ipagagawang mausoleo sa tabi ng mga magulang niya.

"Ma." Nag-aalala ang boses ni Niana dahil hindi naman niya inaasahang iiyak ang mama niya. "Ma, kung ayaw mo, maiintindihan naman po namin ni Cavin. Kaya po nagpaalam kami kasi ayaw ko naman na mag-decide nang wala kayong alam ni Papa."

Humikbi ang mama ni Niana at hinalikan si Vianne sa noo. Niyakap pa nito ang apo na para bang doon kumukuha ang lakas kaya hindi alam nina Cavin ang gagawin.

"Umiiyak ako, Niña, kasi akala ko, tuluyan mo nang inalis ang kuya mo sa puso mo," sabi ng mama ni Niana. "Akala ko talaga, hindi na tayo darating sa puntong mapag-uusapan pa natin si Sean dahil ayaw mo."

Awtomatikong bumagsak ang luha ni Niana dahil sa sinabi ng mama niya. It was her fault and because of her pain, she chose to remove the people around her, but that wasn't her anymore.

Tumayo si Niana at niyakap ang mama niya mula sa likuran para humingi ng sorry sa nangyari. Malaki ang naging impact sa pamilya nila ang tungkol sa kuya niya dahil nag-adjust ang mga magulang niya sa kaniya para hindi siya mahirapan.

"Sorry, Ma," Niana whispered while sobbing. "Pasensya na po kayo na naging makasarili ako noon."

"Hindi ka naging makasarili. Nasaktan ka, Niña, at nagluksa. Hindi madali ang sinapit mo kaya hindi ako galit sa 'yo. Masaya ako na ngayon, nakauusad na tayo at sana huwag mong isipin na galit ako o kami ng papa mo. Naiintindihan ka namin," umiiyak na sabi ng mama niya. "Kung ano ang gusto ninyong gawin ni Cavin sa kuya mo, kayo na ang bahala. Suportado namin kayong dalawa."

Tumingin si Niana kay Cavin at ngumiti ito.

Si Cavin mismo ang nag-offer kay Niana tungkol doon. Since pumayag ang parents niya, pasisimulan na nila ni Cavin ang construction para sa katabing lote ng mausoleo ng mga Karev para sa kuya ni Niana.

Nakikita ni Niana ang pagmamahal ni Cavin sa mga magulang niya mismo. Sa tuwing nasa probinsya silang pamilya, tumutulong pa ang asawa niya sa mga ginagawa ng mga magulang niya.

Parents na rin ang turing ni Cavin sa mama at papa niya na mahalaga para sa kaniya.

Ipinagpapasalamat din ni Niana na hindi na iba ang turing ng mga ito sa asawa niya. Kung ano ang treatment sa kaniya, ganoon din kay Cavin, at minsan na mag-spoiled pa nga kaysa sa kaniya.

Masaya si Niana na iba na ang aura ni Cavin, pero malungkot pa rin siya na hindi pa ito bumibisita sa mga magulang, at hindi pa iniiyakan ang pagkamatay ng mga ito.

Cavin cried for Niana, but not for his parents . . . yet.





Habang lumalaki si Vianne, medyo nahihirapan si Niana dahil palagi na nitong hinahanap ang ama. Apat na buwan na ang anak nila at si Cavin lang ang nakapagpapatulog.

"Alam mo, love." Umiling si Niana habang inililigpit ang mga papeles sa conference room dahil katatapos lang ng meeting at kalong ni Cavin ang anak na nakikipaglaro. "Hindi na ako magugulat kung ang first word ni Vianne ay tungkol sa business o sa meeting mo."

Cavin chuckled and kissed Vianne's chubby cheek. "But I'm not gonna ask her to run the company. Kung ayaw niya, I don't care. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam ang mangyayari sa company na ito kung sakaling ayaw ng mga magiging anak natin na mag-manage."

Natahimik si Niana habang nakatingin sa asawa niya. Hindi niya alam kung bakit ito nag-iisip nang ganoon at biglang nagbukas ng topic patungkol sa pagma-manage ng company.

"Ano'ng ibig mong sabihin, love?" Naupo si Niana sa katabing swivel chair ni Cavin at hinawakan ang kamay ng anak nila.

Hinalikan muna ni Cavin ang asawa sa pisngi bago nagsimulang ilahad ang mga pinag-iisipan niya nitong mga nakaraan.

"I mean, matagal pa naman. Sobrang liit pa ni Vianne for me to think about this, pero gusto ko lang maging ready. Upon staying in the province, baby, parang gusto ko na lang din tumira doon. It was so peaceful and quiet and I would love to breathe some fresh air every morning."

Nanatiling tahimik si Niana at hinahayaang magsalaysay si Cavin tungkol sa iniisip nito. Wala silang napag-uusapan tungkol sa bagay na iyon kaya bago sa kaniya ang sinasabi ng asawa niya. Isa pa, alam niyang buong buhay nito ay sanay sa Metro.

"Noon, I only see provinces as a place na bibisitahin ko to unwind, pero noong naranasan kong madalas tayo sa probinsya ng parents mo, parang ang sarap pala?" Cavin chuckled. "Imagine waking up in the morning seeing the sunrises, hearing the sound of farm animals, and feeling the cold breeze?"

Ipinatong ni Niana ang siko sa lamesa at sinalo ang baba habang nakatingin kay Cavin. Ngiting-ngiti itong nagkukuwento sa kaniya tungkol sa mga ginawa sa farm noong nakaraang uwi nila dahil sinama siya ng ibang magsasaka sa pagtatanim ng mais.

"I was so used to the city that the rural was new to me, hindi ko alam kung impulsive 'yung decision ko, pero one day, baby," Cavin held Niana's hand and caressed the back of it using his thumb, "one day, parang gusto ko na sa probinsya na lang tayo, love. Hindi man ngayon, pero siguro . . . we'll grow old there."

Ngumiti si Niana at tumango. Kung ano ang mangyayari sa hinaharap, pareho pa silang walang idea ni Cavin. Ang mahalaga sa kanila ay ang mag-focus sa kasalukuyan lalo na at lumalaki na si Vianne kasabay ng paglago ng Karev Telco at ng Karev Real Estate na si Niana ang namamahala.

Cavin knew Niana could do wonders when it comes to businesses. Ang ganda ng pagpapatakbo nito sa real estate na pag-aari nilang dalawa. Pareho silang kumukuha ng special training sa tinatahak nilang propesyon.

Aware silang mag-asawa na hindi lang basta simpleng propesyon ang mayroon sila dahil libo-libong empleyado ang umaasa sa kanila.

Some business people, board members, and other old money were looking down on them because they were too young to handle the company. Mayroon pang mga board member ang gustong pansamantalang maupo bilang CEO ng Karev Telco dahil hindi naman daw experienced si Cavin, hilaw pa, at hindi pa masyadong maalam, pero nagulat si Cavin nang si Niana na mismo ang sumagot.

Cavin was actually amazed when Niana asked the boards to answer some certain question she made up. Nasa meeting sila noong mga panahong iyon at sinabi sa kanilang huwag dadalhin ang anak nila.

He was offended, but Niana said it was reasonable, so they called KA to accompany Winslet to babysit Vianne.

Sa meeting, nag-suggest ang majority ng board members, na halos kaedaran ng daddy ni Cavin maliban kay North Herrera-Quinto, na bumili ng shares sa kanila na kaagad nilang tinanggap dahil bukod sa mayroon itong suggestions tungkol sa engineering side ng Telco, magaling din itong makipag-usap sa ibang tao na makatutulong pa para sa investors.

Sinabi ng mga matatandang miyembro ng board na natatakot ang mga ito sa kahihinatnan ng kumpanya sa kamay ni Cavin. Bata pa at walang masyadong alam, pero matalino si Niana.

Niana asked everyone about a specific thing about Karev Telco, and nobody got the correct answer except Cavin and North, who were just a member for two months. It was an obvious question, and it was actually about the subscription price, but no one inside the room knew except for the two men.

Hindi makalimutan ni Cavin ang sinabi ni Niana. "It was a basic question with a basic answer. Nasa advertisement natin ang lahat. Makikita ninyo sa TV, sa social media, sa magazine, sa billboards, sa malls, everywhere, yet you didn't know the answer. Simpleng mamamayan, kayang sagutin ang tanong ko, pero kayo mismong nagsasabi rito na hindi qualified ang asawa ko para mamuno sa kumpanyang ito, walang alam."

The silence inside that room was deafening and Cavin was so proud of his wife for thinking fast. Mas maalam pa ang asawa niya sa Karev Telco kumpara sa kaniya at naghihintay siya ng taong magsasabing wala itong karapatan dahil tatanggalin niya, pero mukhang alam na ang kahihinatnan.

Cavin knew he married the right woman.

Niana complemented Cavin in ways possible. She became the balance and the only person he trusted.

Pinagkakatiwalaan naman ni Cavin ang mga tao sa paligid nila. Si KA, si Winslet, at iba pa, pero alam niya na sa huli, si Niana lang ang huling tao niyang pagkakatiwalaan.

While having dinner, Cavin and Niana were talking about the house improvements.

Gustong papalitan ni Cavin ang ilan sa mga bagay na nasa bahay. May gustong idagdag at tanggalin. Papalitan din ang kulay, aayusin ang garden para maging child-friendly, at babawasan ang ilang kwarto dahil naisipan nitong gawing play area o tambayan nilang pamilya o kaibigan.

Wala nang planong bumili o magpagawa ng panibagong bahay ang mag-asawa. Pinag-usapan nila na aayusin na lang ang bahay na iniwan ng parents ni Cavin at maglalagay na lamang ng improvements.

Nakahiga si Cavin at tinatapik si Vianne na nasa gitna nilang dalawa. Nakaupo naman si Niana at nagbabasa ng libro habang nagpapatuyo ng buhok.

Cavin couldn't help but admire his wife. Sa tuwing busy ito sa ginagawa kahit na pagbabasa lang, hindi niya maialis ang titig kay Niana.

The woman really did change his life in ways he never expected.

Wala sa plano ni Cavin ang mag-asawa nang umalis si Lexie, pero dumating sa buhay niya si Niana. It was a just a deal, but he fell in love.

"Love?" pabulong na sambit ni Cavin.

"Hmm?" Niana flipped the page of the book and faced Cavin. "Bakit?"

"Magagalit ka ba kung gusto kong magtanong tungkol kay Adam?" tanong ni Cavin. "Naalala mo 'yung sinabi ko sa 'yo noon na na-trigger akong iwanan ka dahil sa sinabi niyang nang-iiwan ka sa ere?"

Tumango si Niana at isinara ang libro para pakinggan si Cavin. "Oo?"

"Naisip ko lang, naisip mo ba siyang pakasalan?"

"Oo naman," diretsong sagot ni Niana. "Sa totoo lang, pinag-uusapan na namin 'yun noon. Wala kaming plano kung kailan, pero marami kaming gustong gawin after graduation. Kaso ayun, n-nawala, e."

Tahimik lang si Cavin habang nakatingin kay Niana. Hindi niya alam ang isasagot dahil nakaramdam siya ng selos.

"Ako rin, may tanong. Kung sakaling dumating si Lexie bago tayo nagkakilala," kinakabahan si Niana, pero isa ito sa bumabagabag sa kaniya, "siya pa rin ba ang aayain mo ng kasal?"

"Siguro?" Cavin responded truthfully. "Kung hindi siguro kita nakilala o hindi tayo nagkataong magkakilala, baka siya. She was the past, the first love, so she might be the first choice."

Hindi sumagot si Niana dahil nasaktan din siya. Alam naman niya kung ano ang unang setup nila ni Cavin, pero ang mismong marinig pala iyon ay masakit.

"We both know that I asked her for marriage, you know the past. Alam mo na I was looking forward to being with her because I was so in love with her," Cavin said without hesitation. "After her, hindi ko na alam noon kung magkakaroon pa ulit ako ng girlfriend. Hindi naman ako nahirapang mag-move on from her because I was occupied."

Nanatiling tahimik si Niana at hindi alam ang isasagot kay Cavin na mukhang nahalata ang reaksyon niya.

Bumangon si Cavin at naupo sa kama, sa mismong harapan ni Niana, at hinaplos ang kamay ng asawa. Nakita niya ang pag-iwas ng tingin sa kaniya na para bang ayaw na ring marinig pa ang sasabihin niya.

"Noong dumating siya," Niana met Cavin's gaze, "naisip mo ba na sayang kasi hindi siya kaagad dumating? Na sana, siya na lang ang pinakasalan mo at hindi ako?"

Mahinang natawa si Cavin at hinaplos ang pisngi ni Niana gamit ang hinlalaki niya. "To be honest, hindi. Kasi sa pagkaaalala ko noon, in love na in love na ako sa 'yo bago pa siya dumating. She was part of the past and I am more focused on the present."

Yumuko si Niana at nakaramdam ng hiya dahil sa tanong niya. Wala siyang maisagot kaya nang hawakan ni Cavin ang kamay niya, kaagad siyang nagpaubaya.

Ipinalibot nito ang braso sa katawan niya at mahina silang sumayaw. Maingat at dahan-dahan ang pag-indak nila kahit na walang tugtog. Nakatingala si Niana sa mukha ni Cavin na hinalikan siya sa pisngi.

"Napapaisip ako, love," Cavin murmured. "May mga pagkakataon bang pinagdududahan mo ako? Sa pagmamahal ko sa 'yo, nagkakaroon ka ba ng pagdududa?"

Matagal bago sumagot si Niana, pero tumango siya dahil iyon naman ang totoo. May mga pagkakataong hindi niya alam kung totoo ba ang lahat.

"Minsan, iniisip ko, nananaginip yata ako kasi never ko namang naisip na magiging ganito ang buhay ko," pag-amin ni Niana. "Minsan sa tuwing nakatingin ako sa 'yo, iniisip ko kung bakit ako nasa tabi mo. Kung deserve ko ba? Kung totoo ba? Kung hanggang kailan kaya?"

Bigla nilang napag-usapan na pareho pala silang nagkakaroon ng negatibong pag-iisip. Mayroong mga tanong na natatakot silang harapin at mga sitwasyong hindi sigurado.

Hindi ideal ang umpisa ng relasyon nilang dalawa. It was a deal, it was compensated, and when the person who became the reason they were in the situation left, the fear consumed them.

Nagkasakitan sila, more like nasaktan ni Cavin ang asawa niya. Nakapagbitiw ng masasakit na salita at dumating pa sa puntong halos kailangang pakawalan muna ang isa't isa.

Nakahiga si Cavin sa tabi ni Niana na natutulog. Tinititigan niya ang asawa at naisip ang pinag-usapan nila. They opened up about the feelings they tried to suppress while in a fake relationship and never got a chance to talk about it.

Cavin realized that assurance was needed for them to work. Siguro sa iba, hindi iyon kailangan, pero iba sa kanilang asawa.

Niana concluded things before they even happened. Madalas itong mag-overthink sa sitwasyong walang kasiguraduhan at ang hindi maganda, she would expect the worse and wouldn't even mind the pros about it. Wala na itong pakialam sa magiging advantage dahil palaging ang disadvantage ang pinagtutuunan ng pansin.

Cavin, on the other hand, didn't mind about anything. Wala itong pakialam kung makasasakit sa ibang tao, walang preno kapag nagsalita, gustong makukuha ang gusto sa kahit ano mang paraan, at sisiguruhing masusunod ang gusto niya.

In short, both were impulsive.

Naisip ni Cavin na ang weird dahil nag-complement silang dalawa ni Niana. Parehong nabuksan ang mga mata nila sa ugali na mayroon sila at dahil doon, nagkaroon sila ng pagkakataong baguhin ang nakasanayan.

Maingat na bumangon si Cavin at lumabas ng kwarto dahil hindi siya makatulog. Nagbabalak siyang kumuha ng beer sa baba para sana gawing pampatulog nang huminto sa tapat ng kwarto ng parents niya.

Simula nang pumanaw ang mga ito, never siyang pumasok sa loob, ni hindi pa nga niya ulit nabibisita ang puntod dahil masakit pa rin sa kaniya at nahihirapan pa rin siyang tanggapin.

Muling nilagpasan ni Cavin ang kwarto at imbes na kumuha ng beer sa ibaba, kinuha niya bola ng basketball at naglakad papunta sa park ng subdivision.

Gusto muna niyang pagurin ang sarili.

It was three in the morning and he couldn't sleep. Gusto na rin muna niyang huminga kahit sandali dahil para siyang nasasakal. Hindi niya alam kung bakit, pero malamang na dahil na naman sa emotional breakdown na hindi niya gustong dumalaw.

Sina Vianne at Niana ang tumutulong sa emotional healing ni Cavin. Mayroon pa rin siyang therapies and doctor visits. Ayaw na niyang mangyari ulit ang nagawa niya kay Niana na dahil sa personal issues, nasaktan niya ang asawa.

Hinahayaan lang ni Cavin na mapagod ang sarili niya sa paglalaro ng basketball. Nararamdaman niya ang pagtulo ng pawis niya.

Kung tutuusin, bata pa sila ni Niana. They got married before they even graduate. Sa tuwing iniisip ni Cavin ang ninakaw niya kay Niana, mayroong pagsisisi, pero gusto rin niyang maging maramot.

"Ang aga mo naman dito."

Tumigil sa pag-shoot si Cavin at nilingon ang asawa niyang papalapit. "Hey, baby. You're up."

"Hinanap kita sa bahay, e. Hindi raw alam ni Manang Maria kung saan ka nagpunta. Ipinaalaga ko na muna si Vianne sa kanila. Ang aaga pa rin talaga nilang gumising, ano?" Lumapit si Niana kay Cavin at inagaw ang bola. "Hindi ka makatulog?"

Nag-shoot si Niana at pumasok iyon. Nagtawanan pa silang dalawa at hinabol ni Cavin ang bola para ipasa kay Niana.

"Naalala ko 'yung unang beses natin dito," Niana said and positioned to shoot the ball. "Itong bola ang nag-decide kung papayag ba ako sa deal natin. Na kapag na-shoot ito," nag-shoot siya at pumasok iyon, "papayag ako sa deal."

Cavin chuckled and ran towards to ball. "I think aligned ang bagay-bagay noong mga panahong 'yun dahil wala tayo sa sitwasyon ngayon at wala tayong Vianne kung hindi ito na-shoot. The ball became our luck."

Nakatayo si Niana sa gitna ng court at nakatitig kay Cavin. She was admiring her husband. On how he was good with his posture, how handsome he was even with his messy and sweaty hair, and asked herself what happened.

"Baby." Cavin gazed at Niana who was looking at her. "Kapag na-shoot ito, pakakasalan mo ba ulit ako?"

Niana nodded. "Oo naman. Kahit hindi ma-shoot, pakakasalan ulit kita."

Cavin bit his lower lip and walked towards Niana. Hinarap niya ang asawa at habang nakatalikod sa basket, habang nakatitig sa mga mata ng asawa niya, inihagis niya nang patalikod ang bola bago yumuko para halikan ang asawa niya.

Both didn't mind if the ball went inside the basket. Niana kissed Cavin back, and Cavin whispered I love you so much in between kisses.

Habang naglalakad pauwi sa mansion, hawak ni Cavin ang kamay ni Niana. Nagtatawanan sila tungkol sa height difference nila, pero wala silang pakialam dahil hindi naman halata kapag nasa office.

Tumigil sa paglalakad si Cavin at tumingin kay Niana na nagtataka. "Piggy back ride, baby?"

Hindi na nagsalita si Niana at basta na lang tumalon sa likuran ni Cavin na kaagad sinuportahan ang bigat niya sa magkabilang binti. Nakayap naman ang braso niya sa leeg ni Cavin at hinalikan ito sa pisngi.

"Perks of having a titan husband." Niana chuckled and kissed Cavin again. "I love you!"

Tumigil sa paglalakad si Cavin at nag-side view kay Niana. "Pa-kiss nga!"

Natawa si Niana at hinalikan sa labi si Cavin. It was supposed to be a smack, but Cavin kissed her softly before pulling away and walking towards the mansion while still carrying Niana on his back.

"Ang bata nating nagpakasal, 'no?" Inihilig ni Niana ang ulo sa balikat ni Cavin at tinitigan ang side profile ng asawa niya. "Hindi ka ba nanghihinayang? You could've been with others."

"Tss!" Cavin snorted. "At least I get to have more years with you. With others? Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa 'yo noon kung bakit ikaw ang pakakasalan ko?"

Umiling si Niana.

"Ang daya! You're not paying attention, ha?" nagtatampong sabi ni Cavin. "Ayaw ko sa kanila at hindi ikaw sila."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys