Chapter 40

Leaving her parents behind was the hardest for Niana. She had to pretend it was okay when it wasn't, and Cavin knew about what she felt when they left their house. She didn't keep it because her husband would notice.

Cavin held Niana's hand and kissed the side of her forehead. He even heard a sniff. Before leaving, he asked his wife multiple times if she really wanted to do it, and she agreed.

Nahihirapan si Niana dahil hindi naman siya sanay na malayo sa mga magulang niya, pero kailangan dahil may asawa na siya. May sarili na siyang pamilya, tulad ng sabi ng mama niya bago sila umalis.

Noong nasa Metro naman ang mga magulang niya, okay lang dahil nakapupunta kaagad siya sa bahay ng mga ito kahit na nakatira siya sa condo ni Cavin. Pero itong pagkakataon na ito, malayo na ang mga magulang niya sa kaniya.

Nagpa-drive sila sa isa sa mga bodyguard na nakasunod sa kanila. Nakaupo sila Niana at Cavin sa backseat habang nakasakay naman si Vianne sa sarili nitong carseat.

Nakatulog si Niana kaya si Cavin na ang nag-asikaso sa anak nila habang nasa biyahe. He couldn't stop staring at his baby girl and he was so in love with her. Halos hindi niya ito mabitiwan at pinagagalitan pa nga siya ni Niana dahil nasasanay ito sa buhat.

And Cavin didn't care at all. Kung magiging clingy ang anak niya, walang magiging problema. He could and would carry his daughter always.

Pagdating sa mansion, halos lahat ng helper ay excited na makita ang anak nila. Ipinakita na nila ang anak via video call, pero halos lahat ay nakaabang sa may gate ng mansion nang makarating sila.

Malamang na kung puwede lang mag-unahan sa pagbuhat ay ginawa na kaya nang maihiga si Vianne sa crib na nakalagay sa living room, tuwang-tuwa ang mga kasambahay nila at panay ang hagikgik habang nakatingin sa baby.

Mahinang natawa si Niana habang nakaupo sa sofa. Sinasabi ng mga ito na nami-miss na siya at mabuti naman na nakabalik na siya, pero focused sa anak nila ni Cavin.

Walang ipinagbago ang mansion. Kahit na ilang buwang hindi nakauwi si Niana, ganoon pa rin ang ayos at napatitig siya sa family portrait na nasa living room. It was her, Cavin, and his parents. It was taken during their wedding.

Sa tuwing nakikita ni Niana ang mga magulang ni Cavin, nakararamdam pa rin siya ng guilt dahil sa panloloko nilang mag-asawa noong nabubuhay pa ang mga ito. Oo nga at minahal nila ang isa't isa, pero nagsimula sila ni Cavin sa kasinungalingan.

Hindi alam ni Niana kung pagsisisihan ba niya ang nangyari dahil masaya siya pagsasama nila ni Cavin, pero nakalulungkot ang simula.

Masaya siya sa kasalukuyan, pero kung puwede lang itama ang nakaraan na hindi nila nagawang manloko, ginawa na niya.

"Ang lalim ng iniisip mo," bulong ni Cavin na ipinalibot ang braso sa balikat ni Niana. Pareho silang nakaharap sa malaking picture frame. "I still miss them everyday. Ang totoo, parang hindi pa nagsi-sink in lahat sa akin."

Nilingon ni Niana si Cavin at mas isiniksik pa niya ang katawan sa asawa. "You can grieve, love. Hindi naman kasi madali 'yun at hindi overnight dahil ako, personally, kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin ako tapos magluksa kay Kuya."

Cavin breathed and didn't say anything.

"Ang dami kong iniisip, e. Lahat ng what-ifs. What if nandito si Kuya? Paano ang buhay namin? Masaya kaya siyang natutupad na ang pangarap naming pamilya? Matutuwa kaya siya kapag nakita niya si Vianne? Feeling ko, spoiled rin ang baby natin sa kuya ko dahil ako noon, kahit ano, kahit mahirap ang buhay, ibibigay ni Kuya sa akin."

Mahinang natawa si Cavin, pero mas niyakap pa nang mahigpit si Niana. "Imagine all my what-ifs with Mom," he murmured. "Feeling ko talaga, kung sakaling nandito sina Mommy at Daddy, hindi natin mahahawakan si Vianne. Nasa tiyan pa lang, spoiled na, e."

Naalala ni Niana ang tuwa sa mukha ng mommy ni Cavin noong nalaman nitong buntis siya. Excited pa nga itong malaman ang gender ni baby at handa pang magpa-party para lang sa gender reveal.

Habang tuwang-tuwa ang mga helper sa anak nila, umakyat na muna si Niana para ayusin ang mga gamit nila ni Vianne at ilagay iyon sa closet ng kwarto ni Cavin.

Natawa si Niana nang makita ang kwarto ng asawa niya dahil nagbago ang kulay ng pintura. Naging light dahil mas makabubuti raw iyon sa mata ng baby. Natanggal na rin ang ilang poster na sinabit nito noong teenage years pa, ang gitara na nakasabit, at mayroon ng TV.

Ang rason, para hindi na sila lilipat sa video room lalo na at mayroon na silang baby.

Pagtapos ayusin ni Niana ang mga gamit nila ni Vianne, ilang beses niyang pinag-isipan kung pupunta ba siya sa baby room na mommy ni Cavin ang nag-design at nagpaayos. Kahit hindi pa ito sure kung babae o lalaki ang anak nila, ginawang neutral ni Rose ang lahat.

Pumasok si Niana at madilim ang buong kwarto dahil nakasara ang blinds. Pagbukas ng ilaw, mayroong crib na may solar system crib mobile na kapag pinatunog, Twinkle Twinkle Little Star ang tunog.

Naka-design din sa wall ang buong solar system na napalilibutan din ng stars.

"Hey." Lumapit si Cavin kay Niana at niyakap ang asawa niya mula sa likuran. "Hinahanap kita sa kwarto, e."

Humarap si Niana kay Cavin. "Ang ganda nitong kwarto, 'yung details ng bawat gamit, bawat librong naka-display, pati na 'yung wall paint, it was all about the stars."

Hinawakan ni Cavin ang kamay ni Niana at iginiya paupo sa sofa, pero ikinandong niya ito. Yakap niya ang baywang ni Niana habang nakasubsob ang mukha niya sa braso nito.

"Noong wala ka, mas madalas na rito ako natutulog. The room felt small, and I was just lying on the floor with a pillow. Good thing din na sobrang pagod ako pag-uwi, I didn't get to be sad and just fell asleep instead," pagkukuwento ni Cavin. "But this room became my sanctuary. Aside from it being designed by my mom, this room belongs to my baby girl, whom I share with you."

Tinitigan ni Niana ang asawa niya habang nagkukuwento ito tungkol sa mga panahong wala siya. Hindi siya nagtatanong at hinahayaang si Cavin mismo ang mag-open up dahil ayaw niya na magkaroon ng pressure.

Personally, Niana hated it when someone asked about anything she didn't want to share, so why would she do it?

Hindi madaling magkuwento sa iba, minsan kahit kapamilya pa ay hindi na mapagkakatiwalaan. Alin lang naman iyan. Maiintindihan at tutulungan, huhusgahan at ida-down, sasabihin na nasa isip lang iyon at hayaan na lang.

May iba naman na i-invalidate pa ang nararamdaman ng isang tao na para bang biro lang ang lahat.

Na-realize ni Niana ang sinabi sa kaniya ni Win noong nakausap niya ito dahil sa naging issue noong panahong kasama pa nito si Jin.

People found it easy to call Winslet names. Sobrang daling magbitiw ng ibang tao ng mga salitang hindi pinag-iisipan tulad na lang ng maarte, madrama, at hindi ginagawan ng paraan, at puro na lang emote.

Some people should really shut their mouths lalo na kung wala namang magandang sasabihin. People who spit words without thinking and being empathetic could cause harm.

"Thanks for coming home to me again, baby," Cavin whispered. "Thank you for accepting me again."

Hinaplos ni Niana ang pisngi ni Cavin at hinalikan ang labi ng asawa. "Asawa kaya kita! Sabi ko nga, 'di ba, kukulitin pa rin kita, e. Nagtampo lang naman ako, nasaktan, pero hindi reason para iwanan."

Cavin bit his lower lip and hid his face in Niana's arms. Kahit isang buwan na ang nakalipas nang makapagpaliwanag siya sa asawa, hindi pa rin nawawala ang hiya niya sa pananakit kay Niana.

Nagulat din ang mga magulang ni Niana nang sabihin nito na maayos lang ang lahat dahil kilala ng mga ito ang anak. Niana don't easily forgive, instead, she would leave.

But maybe that was part of Niana's development as a person. She became forgiving, and she finally understood what other people would feel.

Kinagabihan, paglabas ni Niana ng bathroom after mag-shower, hindi na siya nagulat sa position nina Cavin at Vianne. Gabi-gabi na lang na natutulog si Cavin at hindi mabitawan ang anak,

Maingat na kinuha ni Niana si Vianne sa ibabaw ni Cavin dahil nagising ito at hinele ang anak habang pinadedede.

Naupo muna siya sa headboard ng kama habang nakaharap sa laptop dahil na-share na sa kaniya ni Winslet ang schedule ni Cavin at nakita ang sandamakmak na meeting na hindi nito nasipot at na-move dahil hindi kayang iwanan ang anak.

Alam ni Niana na mahihirapan siya sa pagiging secretary at asawa ni Cavin. Tatlo na silang secretary dahil minsan, si Win na ang uma-attend at nagiging proxy, si Iryn naman ang naiiwan sa opisina para sa mga commitment.

Mayroon pang pagkakataon na napadala si Win sa Malaysia at umuwi lang din same day dahil urgent ang meeting at ayaw pumunta ni Cavin.

Ilang beses huminga nang malalim si Niana at inisip ang puwedeng gawin sa asawa. Hindi puwedeng palaging ganoon at mukhang pagsisisihan nitong ginawa pa siyang personal secretary dahil hindi na siya papayag.

Nang makatulog si Vianne, inihiga na ni Niana ang anak sa gitna nila ni Cavin, at tumabi na rin sa anak habang mahina itong tinatapik.

Tinitigan niya si Vianne at mukhang nakikita ni Niana na magiging problema niya ito kay Cavin. Bukod sa mukhang magiging sunod sa luho, babae pa kaya malamang na mayroong posibilidad na maging spoiled brat ito.

Nabigla nang gising si Cavin at nilingon si Vianne na mahimbing na natutulog, ganoon din si Niana na nakatalikod sa kanila. Nami-miss na rin niyang katabi ang asawa at susubukan sana niyang ilipat si Vianne sa crib para makatabi si Niana, pero nagising ito.

Ang ending, naghele na muna si Cavin at nagpadede at sinigurong natutulog na ang anak nila bago niya ibinaba sa crib. He kissed his daughter's forehead before lying down next to his wife.

Pumuwesto si Cavin sa likuran ni Niana at niyakap nang mahigpit ang asawa niya habang nakasubsob ang mukha sa batok. Naaamoy niya ang shampoo ng asawa niya at dahil hindi siya makatulog, naalala niya ang mga panahong wala ito sa tabi niya.

It was so hard for Cavin to fall asleep that he became alcohol dependent. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Niana nang banggitin niya ang tungkol doon.

Niana woke up with a heavy arm around her and it was Cavin. Hindi na siya nagtaka dahil routine na iyon ni Cavin kapag malalim na ang tulog ni Vianne. Ramdam niya ang mainit na paghinga ng asawa sa batok niya at mahinang paghilik.

It was already six in the morning when Niana decided to get up. Tulog pa naman ang mag-ama niya kaya bababa siya para maglinis ng bote ni Vianne. Nakakuwentuhan niya ang mga helper at nagluto pa ng almusal dahil kailangang pumasok ni Cavin sa office.

Niana frowned when Cavin pouted and shook his head. "Hindi puwedeng hindi ka pumasok, love. May importanteng meeting ka based sa calendar at hindi ako papayag na hindi ka um-attend."

"Ayaw kong pumasok. Can you please ask Winslet to attend instead?"

"Hindi puwede." Niana gazed at Cavin. "Love, hindi puwede ang gusto mong mangyari. Kailangan mong pumasok sa office."

Hindi sumagot si Cavin at pina-burp ang anak nila habang nakatingin sa TV. Nakikita niya sa mukha ng asawa niya na gusto nitong magprotesta, pero hindi magawa dahil siya na mismo ang nag-uutos.

"How about this." Niana thought of something. "Sasama kami sa office para na rin makita ko si Win. Tingin mo?"

Kaagad na lumingon si Cavin at nakita ni Niana na nawala na ang iritasyon sa mga mata nito. "Really? Sasama ka sa office?"

Inirapan ni Niana si Cavin at sinabing importante ang meeting kaya sasama na lang silang mag-ina. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay at mukhang mabuburyo kaya pumayag na siya.

And because of that, Cavin was too excited. Halos hindi mawala ang ngiti ng asawa niya habang nasa sasakyan hanggang sa makababa dahil sa entrance ng building sila bumaba.

Umiling si Niana habang nakatingin kay Cavin. Hawak nito ang kulay dilaw na baby bag ni Vianne habang buhat ito gamit ang carrier na nakalagay sa dibdib.

Cavin was wearing a tuxedo for the meeting but a baby carrier was strapped on his body while carrying a bag. Niana couldn't help but chuckle, it was just too cute. Halos mukhang manika lang si Vianne habang nakalapat ang palad ni Cavin sa likuran nito.

Hindi maiwasan ni Niana ang tumingin sa paligid habang nakatingin kay Cavin. Kahit siya matatawa sa itsura ng asawa niya, pero mukhang masaya naman ito kaya hahayaan na niya.

Pagpasok sa private elevator, kaagad na ipinalibot ni Cavin ang braso sa baywang ni Niana at hinalik-halikan ang gilid ng noo niya.

"Thank you," Cavin murmured against Niana's ear and slightly bit it. "Thanks for coming here with me."

"Ewan ko sa 'yo!" Niana whispered and rolled her eyes. "Importante ang meeting mo, hindi ka sisipot."

Cavin chuckled. "Mukhang maling desisyon na na-hire kita bilang personal secretary ko, ha? Ang higpit mo, pero okay na rin. Ikaw ang palagi kong isasama sa mga meeting tulad ngayon, you'll join me."

"Siraulo ka ba?" gulat na tanong ni Niana. "Hoy, walang mag-aalaga kay Vianne kaya roon na lang kami sa office mo. Huwag kang abusado, Cavin."

"I need my secretary, and my baby's sleeping. Wala silang magagawa kung gusto kong isama ang anak ko sa meeting. Kung ayaw nila, they're all free to go. So habang nasa meeting, since boring naman 'yun, at ikaw ang secretary ko, kayong dalawa ni Winslet ang makikinig."

Hindi alam ni Niana kung tama ba ang desisyon niyang sumama dahil pagbukas ng elevator, sinalubong na sila ni Winslet papunta sa conference room kung saan naghihintay na lahat ng board members, supervisors, at managers para sa bagong campaign na ilo-launch ng Karev Telco.

Bago na ang model at si Majuri iyon, kasama ang sikat na varsity player ng Eastern University. Malaking campaign iyon dahil dalawa sa pinakasikat ang bagong model ng kumpanya.

"Sasama si Vianne?" bulong ni Win kay Niana habang naglalakad mula sa likuran ni Cavin. "Seryoso ba 'tong asawa mo, madam?"

"Sira!" paninita ni Niana. "Huwag mo nga akong tawagin madam. Pero mukhang seryoso, natutulog naman daw kaya hayaan na siya. At dahil 'yun ang gusto ng boss natin, wala tayong magagawa kung hindi sumunod. Marami na bang tao?"

Natawa si Win. "Gaga, kumpleto na. Late na kasi kayo nang thirty minutes, beh. Grabe naman!"

"Sorry na, ang habang discussion kasi bago napapayag na um-attend, e." Niana shook her head.

Nag-uusap ang mga nasa conference room tungkol sa project habang hinihintay si Cavin nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang boss nilang may hawak na bag at carrier nang bata na nakakabit sa katawan.

Tatayo na sana ang lahat, pero pinigilan ni Cavin at sinabing maupo, at nag-shush pa!

Nagulat si Niana sa ginawa ni Cavin kaya sinita niya ang asawa.

"Let's proceed. By the way, I'd like you all to meet my wife, Leigh Niana Karev, and aside from being my wife, she's gonna work for me. She's my personal assistant, aside from Winslet and Iryn," sabi ni Cavin at maingat na naupo sa gitnang upuan na may swivel chair. Itinuro din niya kay Niana kung saan uupo ang asawa at sa tabi niya iyon.

Everyone was quietly observing as Cavin caressed his daughter's back while sleeping.

"From now on, my wife will be with me every meeting," Cavin said and stared at the monitor. "Let's begin."

Natawa si Winslet at tumabi kay Niana dahil magkatabi lang sila. "Gago, ang clingy."

Mas lalong tumahimik ang lahat nang mag-play na sa screen ang commercial nina Majuri at Fallon, ang varsity player na kasama nito sa commercial. Maganda ang pagkakagawa lalo na at charming ang mukha ni Maj. Mukha itong palaging nakangiti, palaging masaya, at maganda ang projection ng mukha sa camera.

Nilingon ni Niana si Win at nakayuko ito. Hindi niya alam ang nangyayari sa mga kaibigan niya dahil parehong hindi nagbubukas ng topic, but something was going on between Majuri and Winslet. Hindi sila sure ni Yannica kung tungkol ba ito sa ex ni Majuri na nakitang kasama ni Winslet sa isang picture.

Habang nagpe-play ang video, may malakas na kalabog sa commercial na naging dahilan ng paggising ni Vianne at bumulahaw ito ng iyak.

Niana stood up to excuse herself and their daughter, but Cavin shook his head and shushed everyone.

Tinanggal ni Cavin ang pagkakalagay ni Vianne sa carrier at tumayo para ihele ang anak nila. Hindi alam ni Niana kung ano ang gagawin dahil pinatahimik ng asawa niya ng lahat, pinapatay ang video, dahil matutulog muna ang anak nila.

Luckily, Vianne fell asleep in five minutes, and the meeting resumed.

While listening to suggestions and saying his thoughts about the campaign, Cavin was swaying to soothe Vianne. Nagising ulit ang anak nila at dumedede. Ilang beses na rin nag-offer si Niana na lalabas na lang sila para makapag-concentrate si Cavin sa meeting, pero panay ang tanggi nito.

"So," Cavin kissed Vianne's forehead and faced everyone, "my thoughts about the campaign, it's approved. Gusto ko rin ang bagong creative team natin ngayon. Good job, guys. Meeting dismissed 'cos my baby girl will be sleeping."

Niana frowned. "Cavin!"

Cavin chuckled and winked at Niana. "Yes, Mrs. Secretary?"

T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys