Chapter 38
Ang buong akala ni Niana, sa pelikula lang nangyayari ang scene na nanganganak ang bidang babae, tapos biglang darating ang bidang lalaki para samahan sa panganganak ang asawa at ibubulong na maayos lang ang lahat.
It was all a movie scene until it happened to her.
Kung tutuusin, simula nang makilala niya si Cavin, halos lahat ng nangyari sa kaniya ay parang senaryo sa pelikula; ang pagpapakasal nila, ang pag-o-offer nitong bayaran siya nang milyon, ang hindi lang nangyari ay itaboy siya ng mga magulang ni Cavin dahil minahal din siya.
Hinipan ni Niana ang sabaw na dala ng papa niya at humigop dahil ramdam na ramdam niya ang gutom dahil sa panganganak.
Nagpaalam muna ang mga magulang ni Niana kung puwede bang umuwi na muna sila, tutal ay magkasama na sila ni Cavin at pumayag si Niana dahil wala pa ring tulog ang mga ito.
Nilingon ni Niana si Cavin at nakatalikod itong nakaharap sa bintana, mahinang kumakanta, habang buhat ang anak nilang dinala pagkagising niya noong umaga para mapadede ito.
Niana smiled when she heard what Cavin was singing. It was Pelikula again, the song they sang during their wedding dance.
"Isayaw mo ako, sinta, ibubulong ko ang musika. Indak ng puso'y magiging isa," Cavin murmured and hummed. "Takbo ng mundo'y magpapahinga. Parang isang pelikula, ilayo man tayo ng tadhana . . . bumabalik sa bawat eksena, ikaw at ako, wala nang iba."
Ibinalik ni Niana ang tingin sa sabaw habang nakangiti.
Nag-explain na rin si Cavin tungkol sa nangyari at tumigil lang nang dumating ang mga magulang ni Niana, pinakain sila ng dinner, hanggang sa muling makatulog si Niana dahil sa pagod. Ganoon din si Cavin na inihiga lang ang ulo sa gilid ng kama.
"Sabi ng doctor, okay naman daw ang lahat kay baby, normal ang result ng lahat ng test." Humarap si Cavin kay Niana. "Thank you . . . for our daughter."
Mahinang natawa si Niana habang nakatingin kay Cavin at sa anak nilang nagmukhang manika sa liit na mas lalong lumiit nang buhatin ni Cavin. Mukhang height pa nga yata ni Niana ang nakuha ng anak nila.
"Mukhang manika si baby sa 'yo." Niana chuckled. "After ko kumain, ikaw naman. Ako na muna ang bahala sa kaniya. Mabuti rin at maraming dalang pagkain sina Papa."
Hindi sumagot si Cavin at naka-focus sa mukha ng asawa. Medyo namamaga pa ang mga mata nito dahil sa panganganak, nakatirintas ang buhok, at mukhang nahihirapan pa dahil masakit ang katawan.
Ang buong akala ni Cavin, itutulak siya palayo ni Niana, pero hindi. He was even the first person to carry their daughter and it was the unexpected.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" nagtatakang tanong ni Niana dahil nakatitig sa kaniya si Cavin at nakaramdam siya ng pagkailang. "Huwag mo akong titigan. Manas na manas ako."
Cavin didn't say anything and walked toward Niana to kiss her forehead.
Hindi nakapagsalita si Niana dahil bago pa man siya makapag-react, lumayo na ulit si Cavin para isayaw ang natutulog nilang anak na halos hindi nito mabitiwan. Sa tuwing sinasabi niyang ibaba na dahil tulog, hindi nakikinig si Cavin, at sinasabing ayos lang.
Never nag-imagine si Niana na makikita o makakasama niya si Cavin sa panganganak dahil ayaw niyang masaktan. It became her coping mechanism not to imagine things to avoid disappointments.
Nag-stop na rin siya sa expectations dahil mas madalas na iba ang reality.
One of Niana's defenses was to conclude things before they would happen so she could make options and possible decisions as soon as possible. Palagi siyang gumagawa ng things to consider.
Tama naman iyon, pero maling mag-conclude nang walang proper basis.
Yumuko si Niana nang maalala na isa sa naging desisyon niya ang abortion dahil sa takot.
Hindi pa niya totally nahahawakan ang anak nila dahil kinailangan muna niyang kumain at linisin ang sarili.
Ramdam pa rin ni Niana ang pananakit ng katawan niya, pero worth it naman ang lahat lalo na nang lingunin niya si Cavin na nakaupo sa sofa habang tinititigan ang anak nila. Halos hindi nito maalis ang titig sa anak at hindi na rin siya pinapansin.
Katatapos lang kumain ni Niana nang pumasok ang isang nurse at dalawang doctor. Isa ay OB niya at ang isa naman ay pediatrician ng anak nila.
"Everything is normal and puwede na rin kayong umuwi bukas," sabi ng OB habang nakatingin sa chart ni Niana. "Again, congratulations, Mr. and Mrs. Karev. Sabi ko naman sa 'yo, kaya mong i-normal, e. Nahirapan ka, but you still did it."
Tumango si Niana at nagpasalamat sa doctor na nag-alaga sa kaniya. Hindi niya rin inasahang tatanggapin siya nito kahit na late na at malapit nang manganak dahil madalas na nagagalit pa raw ang ibang doktor kapag ganoon ang kaso.
"Puwede mong i-try na mag-latch sa 'yo si baby. Normal din lahat kay baby and next week naman ang result ng newborn screening, hoping na normal po ang lahat at wala rin kayong dapat ipag-alala. Next check up niya, magva-vaccine na rin tayo." Ngumiti ang pedia habang nakatingin kay Niana. "Congratulations po."
Kinausap ni Niana ang pedia na kung puwede ay ito na lang ang maging official doctor ng anak nila. Since alam na nito ang history at mukhang mapagkakatiwalaan naman na kaagad rin namang um-agree.
Paglabas ng mga doktor, ibinaba na rin ni Cavin ang anak nila. Ngumiti si Niana at kinagat ang ibabang labi dahil pinipigilan niya ang tawa dahil pagbaba sa maliit na hospital crib, tinitigan muna ni Cavin ang anak bago lumapit sa kaniya.
"Why are you smiling?" Cavin was confused.
Niana shook her head. "Wala naman. Akala ko, wala kang balak ibaba, e."
Cavin chuckled and walked toward Niana. "I am just so in love with her."
Hindi alam ni Niana ang isasagot kaya tinitigan na lang niya si Cavin na nagsimulang ligpitin ang pinagkainan niya. Ito pa mismo ang naghugas bago pumasok sa bathroom at paglabas, mayroon itong dalang basin na may tubig at kaunting bodywash.
"Kaya ko na," sabi ni Niana nang hawakan ni Cavin ang kamay niya para punasan daw siya. "Cavin, ako na."
Umiling si Cavin at nagpatuloy sa ginagawa. "It's the least I can do. You delivered our baby safely and this is the only thing I can do." Ngumiti ito habang pinupunasan ang kamay niya. "Thank you for bringing our daughter into this world, Niana."
"Cavin?"
"Hmm?"
Nagsalubong ang tingin nila at pareho silang natahimik. Niana bit her lower lip and breathed before saying anything. She was afraid to ask, but she had to.
"After this, iiwan mo ba ulit ako?"
Cavin looked down and stopped what he was doing. "Hindi ko na kaya, Niana." Umiling siya at muling sinalubong ang tingin ng asawa. "Hindi ko na kaya kasi ang hirap-hirap na. Hindi ko na alam kung ano'ng mangyayari, pero hindi ko na kaya."
"B-Bumalik ka ba dahil sa baby?" tanong ni Niana. "Okay lang, don't worry, hindi ako galit. G-Gusto ko lang malaman para alam ko rin kung saan ako lulugar. Kung kailangan ko bang umi—"
Niana wasn't able to finish what she was about to say when Cavin leaned closer. Ipinagdikit nito ang noo nilang dalawa habang nakapikit. Hindi alam ni Niana kung paano siya gagalaw, pero hinayaan niya si Cavin.
"Can you take me back?" Cavin asked and buried his face into Niana's neck. "I would under—"
"Oo naman." Inangat ni Niana ang kaliwang kamay at hinaplos ang buhok ni Cavin. "Ikaw lang naman ang hinihintay ko, love. Ikaw lang ang hinihintay kong bumalik sa akin."
Walang narinig na kahit anong sagot si Niana mula kay Cavin bago ito humiwalay na ikinagulat niya. Tumayo ito at iniligpit ang mga ginamit sa paglinis sa kaniya.
Niana smiled bitterly and looked at their sleeping daughter. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil gusto niyang humagulhol dahil walang reaksyon si Cavin sa sinabi niya at mukhang walang pakialam, pero nagkamali siya.
Isinara ni Cavin ang blinds ng hospital room kaya dumilim. Lumabas ito sa kwarto at hindi niya alam kung bakit, pero wala pang ilang segundo ay bumalik ito hawak ang bagong biling unan.
Naupo si Cavin sa gilid ng kama ni Niana at nakaharap sa kaniya na nakayuko.
"Hindi ko itatanong kung gali—"
"Hindi ako galit sa 'yo, if you're curious," Niana murmured. "Never akong nagalit sa 'yo dahil naiintindihan ko."
Umiling si Cavin at sinalubong ang tingin ni Niana. Kahit madilim, sapat na ang sinag ng bedside lamp para maaninag niya ang mukha ng asawa. "That's unfair. Unfair na hindi ka galit sa lahat ng ginawa ko."
"Gusto mo bang magalit ako sa 'yo?" Niana casually asked. "Noong sinabi mong iwanan kita, ginawa ko kahit masakit kasi alam kong 'yun ang makapagpapagaan ng loob mo. Ngayon, tatanungin kita, gusto mo bang magalit ako sa 'yo?"
Hindi nakasagot si Cavin dahil alam naman niya sa sarili na deserve niya ang galit at hinanakit ni Niana. He knew what he did.
"Gusto kong magalit sa 'yo, pero naiintindihan ko, Cavin. Bago mo naranasan ang nararamdaman mo ngayon, nauna na ako. I experienced it all before you. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng taong mahal na mahal ko, nawala ang kuya ko alam mo 'yan. Pero hindi ko alam ang pakiramdam nang mawalan ng mga taong mahal na mahal ko."
Niana emphasized the word mga because, for Cavin, those were the two people he loved the most.
"My coping mechanism was to shut people out. Kinalimutan kong nag-e-exist ang kuya ko dahil mas madali para sa akin na isiping walang siya, hindi siya nag-exist dahil mas madaling umusad," pagpapatuloy ni Niana. "Nakipaghiwalay ako kay Adam kahit na mahal ko siya noon dahil nakikita kong nahihirapan siya sa sitwasyon ko."
Tahimik na nakikinig si Cavin kay Niana.
"Sa tuwing nakikita kong nahihirapan si Adam noon sa naging changes ko dahil hindi na ako ganoon kasaya, gusto ko na lang humiwalay. Nagising ako na hindi ko na siya mahal, na hindi na siya ang gusto kong makasama, at hindi ko gustong ma-stuck siya sa relasyong hindi na masaya." Ngumiti si Niana. "Mabilis akong maka-move on, Cavin, at kapag nasasaktan ako, umaalis ako."
Cavin stared at Niana and his chest thumped. "Nasaktan kita, Niana."
"Sobra." Niana sniffed. "Sobra-sobra, Cavin. Aaminin ko sa 'yo na tinanong ko ang sarili ko kung bakit, kung saan ako nagkulang . . . siguro, hindi naging sapat 'yung assurance na mahal kita kaya ganoon mo na lang ako kadaling itulak palayo?"
Umiling si Cavin bilang sagot sa sinabi ni Niana at isa-isa niyang in-explain sa asawa kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa kaniya. Kung bakit pinili niyang lumayo, kung ano ang nararanasan niya, at kung bakit niya sinaktan si Niana.
Niana was intently listening to Cavin. It pained her knowing Cavin suffered alone when she was with everyone. Kasama niya sina KA, Majuri, Winslet, Val, Yannica, at ang mga magulang niya.
Cavin was alone. Wala na itong mga magulang. May mga kaibigan man, alam ni Niana na hindi ito lumalapit sa iba lalo na pagdating sa problema dahil baliktad ang lahat. Si Cavin ang nilalapitan at never lumapit sa iba, bukod sa kaniya noong desperado na itong mapagbigyan ang ina.
Sa bawat pagkuwento ni Cavin tungkol sa dinanas at naramdaman sa pagkawala ng mga magulang nito, nasaktan si Niana.
Niana had her parents with her. Hindi umalis ang mga ito sa tabi niya noong mabigat na ang lahat, pero si Cavin, wala ng mga magulang na matakbuhan.
Humiga si Cavin sa gilid ng kama at tabi silang mag-asawa.
Nakatagilid si Niana habang pinagmamasdan ang side profile ni Cavin dahil diretso ang tingin nito sa kisame. Hinihintay niyang umiyak si Cavin, pero wala. Gusto niyang umiyak ang asawa niya dahil mukhang hindi pa tapos ang pagluluksa, pero hindi niya ito pipilitin.
"Meron din naman akong kasalanan, e," sabi ni Niana habang nakatitig kay Cavin na bahagyang lumingon sa kaniya. "Sorry kasi nagkulang ako sa assurance na hindi ako aalis. Sorry kasi binigyan kita ng rason para matakot sa akin, sorry kasi naiparamdam ko sa 'yo deal pa rin ang lahat . . . pero sana, pagkatapos nito, kauusapin mo na ako."
Tumagilid si Cavin at hinarap si Niana. "Wala kang kasalanan, love."
"Meron." Hinaplos ni Niana ang pisngi ni Cavin. "Binigyan kita ng rason noon para isiping hindi ko gusto ang nangyayari sa atin, ang kasal natin, lalo na ang anak natin. Naisip ko ngayon na baka iyon ang naging dahilan para isipin mong masasaktan kita. Hindi kita masisisi sa part na 'yun, pero . . . sana bigyan mo rin ako ng chance para ma-prove na mahal talaga kita at hindi ako lalayo. Hindi na lalayo."
Walang sagot si Cavin na nakatitig lang kay Niana.
"Nasaktan ako sa mga nasabi mo, pero sa tuwing ina-analyze ko ang mga nangyari, I triggered you. Ngayong nasabi mo ang tungkol sa emotional and mental health mo, mas naintindihan ko na. Naiintindihan ko na, love. Naiintindihan at iintindihin basta hayaan mo akong samahan ka kasi hindi ka naman mag-isa, e."
Cavin closed his eyes and wrapped his arms around Niana's waist. "B-Bakit kahit na nasaktan kita verbally, iniwan kita, you're still here, waiting for me?"
Hinawakan ni Niana ang kamay ni Cavin at hinaplos ang wedding ring ng asawa niya. "Nakita ko 'yung cover mo sa isang digital magazine pati 'yung interview mo sa isang news program three weeks ago. Nakita kong suot mo ang wedding ring mo at inisip ko na hangga't nakikita kong suot mo 'to," inikot ni Niana ang singsing ni Cavin, "hindi kita susukuan. Kahit makulitan ka, hahabulin kita."
Mahinang natawa si Cavin at hinalikan ang noo ni Niana. "You're crazy and I don't even know if I deserve your craziness."
"Wala pa ring mas crazy kaysa sa 'yo, love! Naalala mo ba 'yung tanong ko noon kung siraulo ka ba dahil ipinakilala mo akong girlfriend sa parents mo kahit hindi naman? Tinanong kita noon kung siraulo ka ba," Niana chuckled. "Pero 'yung pagiging siraulo mo, it gave me a new reality."
Humiwalay si Cavin kay Niana at tinitigan ang asawa niya.
"Na ang hirap palang maging asawa ni Cavin Rios Karev. Napakahirap mahalin, napakahirap intindihin, na ikaw ang karma ko, pero at the end of the day, alam ko pa rin sa sarili ko na ayaw kong sukuan. Binigyan lang kita ng space, pero kukulitin pa rin kita, 'no!"
Natawa si Cavin at mas niyakap nang mahigpit si Niana. "I thought you'd hate, leave, and unlove me for real."
"Akala mo lang 'yun." Niana chuckled. "One more thing on why I decided not to give up on you, I gave you some space because you needed it, but I didn't give up on you."
"W-Why?" Cavin stuttered.
Niana smiled and caressed Cavin's cheek. Hinalikan din niya ang tungki ng ilong, ang noo, at ang labi ng asawa bago muling humiwalay.
"Hindi mo naman sinabing hindi mo na ako mahal." A lone tear dropped from Niana's left eye. "Hindi mo sinabing hindi mo na ako mahal at 'yun ang pinanghawakan ko. Gusto mong lumayo ako, pero hindi mo sinabing hindi mo na ako mahal."
Ngumiti si Cavin at mas niyakap pa nang mahigpit si Niana. "You have no idea how much, Miss Baby. It was so hard for me to push you away, but it was for you. I can't hurt you."
"Sana this time, hayaan mo akong mag-stay," Niana whispered against Cavin's neck. "Hayaan mong tulungan kita sa pinagdadaanan mo, kasi asawa mo ako, e. Hindi ako stranger, Cavin. Kung hindi ako makakatulong sa kung ano, kahit man lang hayaan mo akong magluto ng bola-bola na may misua. Paborito natin 'yun, e."
Tumingin si Cavin kay Niana at nakakunot ang noong tumitig sa kaniya. "Kaya pala 'yun ang madalas mong ipinadadala. But seriously, baby, yes please," he whispered and kissed Niana on the cheek.
Natawa si Niana dahil paulit-ulit siyang hinalikan ni Cavin sa pisngi. Ganoon sila madalas sa tuwing bago matulog noong magkasama pa sila.
Cavin stopped kissing her and whispered, "I'm sorry for being a coward."
Umiling si Niana at hinarap si Cavin. "Hindi ka coward for choosing yourself. Let's break the stigma of men not wanting to be emotional because society will judge them as weak or call them a coward. No, we're all suffering. Hindi lang babae, and don't be sorry about it." She smiled at him.
"Siguro, nalungkot ako na itinulak mo ako palayo when in reality, I could've been with you, but sometimes, being alone is all we need. Tama rin kasi na baka maibunton mo sa ibang tao ang nararamdaman mo. It's not easy, love, I've been there," Niana assured Cavin. "It's okay to isolate yourself if you feel like it, do your own thing, love, just don't push me away again."
Cavin remained quiet and guilty that he assumed Niana would leave him for being weak.
"Your emotional and mental health matters, Cavin, and I will not use that against you. Let me support you instead and be there for you," pagpapatuloy ni Niana. "I will not judge you, and you can even cry!"
"B-But crying is for the weak."
"Says who?" Niana's brow furrowed. "Dahil lalaki ka? Love, no. Wala sa gender ang pag-iyak. If crying will make you feel better, go sob, bawl, shout, and scream, I won't care. After naman no'n, kakain tayo ng dessert."
Natawa si Cavin at mas humigpit pa ang pagkakahawak sa kamay ni Niana. "I missed you so much, Miss Baby."
"Na-miss din kaya kita!" Niana teared. "Nakakainis ka pa rin for leaving me on the side road. Natakot ako, pero okay na. Naiintindihan ko na. Huwag mo na lang uulitin 'yun!"
"Hinding-hindi na," Cavin whispered against Niana's cheek. "Uwi na tayo bukas, love. Gusto ko nang matulog."
Niana faced Cavin and when he was about to close his eyes, their baby girl cried. Natawa siya dahil isang iyak pa lang, bumangon na kaagad si Cavin. Wala siyang narinig na reklamo mula sa asawa at binuhat ang anak para isayaw.
"Hey, baby-baby," Cavin whispered and kissed their daughter's forehead. "What does my princess want? Doll? A Dollhouse? An actual house?"
"Cavin!" Niana whispered and frowned. "Isang araw pa lang 'yang anak mo."
Cavin chuckled and stared at Vianne. "I'll give her everything, love. Right, Rosalie Vianne?"
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top