Chapter 34
Nagulat si Niana, pero hindi niya ipinahalata dahil ayaw niya na magkaroon ng maling pag-iisip ang mga kaibigan tungkol sa kanila ni Cavin. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng asawa sa Royal Hotel dahil wala namang sinabi si Win tungkol sa schedule nito.
Maingat na tumayo si Niana para salubungin si Cavin. Lumapit ito sa kaniya at ipinalibot ang braso sa baywang niya kasabay ng paghalik sa kaniya sa pisngi.
"Guys, si Cavin." Nilingon ni Niana ang asawang nakangiti sa mga kaibigan niya. "Cavin, high school friends ko."
"It's nice to finally meet you all." Cavin slightly bowed and smiled. "Congratulations on your engagement."
Ngumiti si Kelly at nagpasalamat kay Cavin. Pinaupo silang dalawa sa bakanteng space at kaharap na nila si Adam na nakikipag-usap sa best friend nito simula noong high school, na madalas ding kasama nina Niana noon.
Tahimik lang si Niana habang inoobserbahan si Cavin na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya, pero hindi tumitingin mismo sa kaniya.
Naaamoy ni Niana ang pabango ni Cavin na mas lalong nagpalungkot sa kaniya dahil miss na miss na niya ang asawa. Gustuhin man niyang ayain itong umalis para makapag-usap, ayaw maging bastos ni Niana.
Umiinom na rin ng liquor ang ilang kaibigan niya at nag-offer pa nga ng baso kay Cavin na kaagad nitong tinanggihan dahil magda-drive pa raw pauwi.
"Niana, kukuha ako ng prutas sandali sa buffet, baka may gusto ka?" tanong ni RJ, ang best friend ni Adam. "O kahit anong pagkain? Parang hindi ka masyadong kumain, e."
Tumingin si Cavin sa kaniya at nagtama ang mga mata nila. Nagugutom siya, oo, pero hindi niya magawang kumain o lumunok man lang dahil sa presensya ng asawa niya.
"Sama na ako," sabi ni Adam na tumayo at hindi na hinintay ang sagot niya.
Ibinalik ni Niana ang tingin sa mga kaibigan niyang pinagkukuwentuhan ang tungkol sa nakaraan at nagtatawanan pa dahil noong high school sila, madalas na siya ang nasa harapan dahil nga maliit siya.
Nakikita ni Niana na natatawa rin si Cavin.
Hindi na niya alam kung ano ang totoo. Totoo bang natatawa ito o sadyang nakikisama sa ibang tao para hindi siya mapahiya.
"Malapit na rin pala ang graduation, 'no?" sabi ni Nicka at tumingin kay Niana. "Nakaka-excite rin talaga, e. Alam mo 'yun, papasok na tayo sa real world? Parang ang hirap, pero adventure."
"Pero for real, nakaka-miss din siguro 'yung panahon na focused lang tayo sa pag-aaral. Parang sa working kasi, wala na tayong choice, e, kung hindi maging adult dahil ganoon naman ang buhay," sabi pa ng isang kaibigan nila. "Niana, paano mo na-manage 'yun noon? Ang tagal mo na rin kasing working student, e."
Ngumiti si Niana at ibinaba ang basong hawak. "Natuto akong magkaroon ng time management noon, e. Mas gusto ko rin kasing maging busy at pagod talaga para pag-uwi, tulog na lang. Paggising, papasok na ulit sa school. So, wala akong time para magmukmok."
Dumating sina RJ at Adam, pero laking gulat ng lahat nang ibaba ni Adam ang isang pinggan sa harapan ni Niana. Pinggan iyon na may iba't ibang prutas at muling nakipag-usap sa mga kaibigan na parang walang nangyari.
Mukhang wala namang malisya, pero nakita nila kung paanong masama ang tingin ni Cavin sa pinggan na nasa harapan ni Niana.
Busy si Niana sa pagkukuwento na hindi na napansin ang nangyari. Nagsimula itong kumain ng prutas at nakikipagtawanan sa iba pa nilang kaibigan.
Hindi man lahat napansin, pero ang pagtahimik at pagseryoso ng mukha ni Cavin ay ikinagulat nila.
"So, after graduation, ano'ng plano mo?" tanong ni RJ kay Niana pagkatapos magkuwento tungkol sa mga naging trabaho. "Naalala ko noon na nabanggit mo 'yung gusto mong mag-second course kung sakali?"
"Plans changed," Niana murmured. "Baka mag-rest muna ako after graduation dahil meron akong aalagaang bulinggit."
Tumango-tango lahat dahil mukhang ganoon na nga ang mangyayari.
"Niña." It was Adam at nakangiting nakatingin kay Niana. "Itutuloy mo pa rin ang archi?"
"What did you just call her?" Naningkit ang mga mata ni Cavin habang nakatingin kay Niana.
Sinalubong ni Adam ang tingin ni Cavin at nakaramdam ng kaba si Niana. "Niña. Nickname niya na tawag talaga namin sa kaniya ng family niya noon. Don't get me wrong, I'm sorry if I overstepped the boundaries."
"Not at all," Cavin said in a serious tone and drank some water.
Nilingon ni Niana si Cavin at nakatingin ito sa kung saan. Magkadikit sila, pero ramdam niya ang layo ng asawa lalo na at hindi ito nakikipag-usap sa kaniya.
Niana was talking to Nicka when Cavin excused himself to everyone. Mayroon daw itong kailangang saguting phone call kaya sinundan lang ni Niana ng tingin ang asawa. Ayaw niya na mahalata ng iba na hindi sila maayos.
"Ang tangkad ng asawa mo!" natatawang sabi ni Nicka. "Grabe, madam ka talaga, Niana! Prayer reveal naman diyan!"
Nagtawanan ang mga kaibigan niya bago dumako ang tingin kay Adam na kaagad umiwas sa kaniya para makipagkuwentuhan sa iba. Inaasar pa siya ng iba at sinasabing kukuning ninang sa kasal, sa mga anak, at nagbibiro pa sa panlilibre.
It felt off and Niana was uncomfortable.
Meanwhile, Cavin talked to Iryn about his flight when he saw a familiar person enter the restroom. He immediately excused himself because he wanted to talk. He wanted to clear things out, and so he waited.
Nakasandal si Cavin sa sink ng restroom ng lumabas si Adam sa isang cubicle na kaagad tumingin sa kaniya, ngumiti, at dumiretso sa lababo para maghugas.
"Nice to meet you," Cavin uttered. "The ex, right?"
Adam awkwardly nodded. "Yes, the ex."
"I'm gonna be perfectly honest with you. Hindi ako komportable sa ginawa mo kanina, tinatawag mo siya sa nickname niya, at kapag nahuhuli kitang nakatingin sa kaniya. It was the past, right?" Cavin said in a low voice.
Tumango si Adam at ngumiti. Kumuha siya ng tissue para punasan ang kamay niya bago sumandal sa pader na nakaharap kay Cavin. "Wala kang dapat ipag-alala sa akin. More like, huwag ako ang alalahanin mo kung hindi ang asawa mo."
Cavin stared at Adam, waiting for what he was about to say.
"Si Niana ang magiging problema mo, hindi ako, hindi ibang lalaki, at hindi ang ibang tao." Adam chuckled. "Believe me, halos isang taon kong hinabol si Niana pagkatapos ng breakup namin. I tried and tried and tried but failed. Mahal ko 'yun, e."
Nakita ni Adam ang pagseryoso ng mukha ni Cavin habang nakatitig sa kaniya at naka-cross arms pa nga.
"Minahal na lang for your peace of mind." Mahinang natawa si Adam. "Si Niana ang nakipag-break sa akin. Three months after mamatay ng kuya niya, nakipaghiwalay siya sa akin. Alam mo ba kung ano ang dahilan? Bigla na lang siyang nagising na hindi na niya ako mahal.
"Anim na taon kaming magkakilala, tatlong taon kaming magkasama, pero isang araw, nagising siya na ayaw na niya. Ang dami kong tanong. Bakit, kailan, paano, ano'ng nangyari? Pero wala siyang sagot kung hindi ayaw na niya." Yumuko si Adam. "Niana would shut people around her when hurt. Katulad na lang ng nangyari noong namatay ang kuya niya. Tingin mo, normal na inalis niya ang kuya niya sa sistema niya dahil pakiramdam niya, sinaktan siya?"
Cavin remained quiet while listening to Adam.
"Niana has a habit of leaving people behind when in pain. Kahit gaano ka niya kamahal, iiwanan ka niya. Impulsive mag-decide si Niana na hindi mo na alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, priority niya ang pamilya, priority niyang protektahan ang sarili niya," pagpapatuloy ni Adam. "Bago pa man mangyari, meron na siyang conclusion sa bagay. May desisyon na siya, kahit hindi pa kinukonsulta.
"See? Hindi ako ang problema mo rito. Napapansin kong hindi kayo nag-uusap." Umiling si Adam. "Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Niana. Magugulat ka na lang na isang araw, hindi na ikaw. Gigising ka na lang na wala na siya, magsisimula ka ulit kasi hindi na ikaw. Mag-asawa na kayo, baka iba na. But knowing Niana," mahinang natawa si Adam, "you'll experience the best love, but you'll also experience the worst pain. You will question yourself. That's Niana."
Hindi alam ni Niana kung ano ang nangyari, pero sabay na naglakad papalapit sa kanila sina Adam at Cavin. Nakaramdam siya ng awkwardness dahil ex-boyfriend niya iyon at asawa na para bang nag-uusap.
"Anong oras kayo aalis?" tanong ni RJ sa lahat. "Aalis na rin ako mayamaya dahil dadaan pa ako sa girlfriend ko."
"Ubusin lang 'yung isang bote ng wine, uuwi na rin kami," sagot naman ni Kelly na panay ang pasasalamat sa kanila ni Cavin.
Nagulat si Niana na sinagot pala ni Cavin ang gastos sa buong dinner nilang magkakaibigan. Nagkagulatan pa nang magbabayad na si Kelly dahil paid na ang lahat, puwede pang mag-uwi ng cake ang kahit na sino.
Pagtayo, nabigla si Niana nang hawakan ni Cavin ang kamay niya at ipinagsaklop pa iyon habang naglalakad sila palabas ng restaurant. Ang akala niya, didiretso sila sa parking lot, pero naglakad si Cavin papunta sa lobby ng hotel.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Niana kay Cavin.
Hindi sumagot si Cavin kaya nanatiling tahimik si Niana at nilingon ang asawa nang humarap sila sa elevator, s-in-wipe nito ang keycard, at pumasok sa loob. Maraming salamin at silang dalawa lang.
"Niana, you're giving me headaches." Cavin sounded annoyed. "Marami akong problema sa company, busy ako, may meeting dapat ako ngayon, pero kailangan kong i-cancel dahil tumawag ang bodyguards mo na nag-Grab ka. Niana, may kotse ka, may bodyguards kang puwedeng tawagan. Ano ba?"
Nakasandal si Niana habang nakatitig kay Cavin. Sinusuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri at mukhang iritable sa kaniya.
"Huwag namang matigas ang ulo mo. Hindi ka na normal na mamamayan, Niana. Asawa na kita, posibleng may nakatingin sa 'yo, lalo na at dinadala mo 'yang anak natin." Umiling si Cavin at huminga nang malalim. "Huwag ka namang dumagdag! Masyado akong maraming iniisip, huwag ka nang sumabay."
Yumuko si Niana at tumingin sa gilid para hindi makita ang mukha ni Cavin. "S-Sorry."
"Next time, if you're going somewhere, call someone to be with you. Hindi na normal ang buhay mo, Niana, dahil asawa kita. You're at risk, and I've been working hard to conceal everything about you, pero hindi ka nag-iingat."
Hindi na nakasagot si Niana dahil bumukas ang elevator door. Naunang lumabas si Cavin at nasa likuran si Niana na nakasunod sa asawa. She was on the verge of crying but tried not to. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari.
Dumiretso si Cavin sa pinakadulo ng floor at binuksan ang pinto. Naka-dim ang ilaw ng kwarto. Nasa likuran pa rin si Niana at pagkasara ng pinto, bumagsak na ang luhang pinipigilan niya.
"You'll stay here for the nig—"
Humikbi si Niana at ipinalibot ang braso sa katawan ni Cavin mula sa likuran. Isinubsob niya ang mukha sa likod ni Cavin at naamoy ang pabango ng asawa niya. Hindi niya mapigilan ang hikbi lalo nang subukan ni Cavin na tanggalin pa ang pagkakayakap niya.
Pero hindi bumitiw si Niana at mas hinigpitan pa ang yakap sa asawa.
"Niana, let go," Cavin commanded. "You'll stay here for the night. Aalis na ako, you stay here. Bukas ka na umuwi and someone will pick you up. Huwag nang matigas ang ulo mo."
Niana sobbed and sniffed. "C-Cavin." Mas idinikit pa niya ang sarili sa likod ng asawa. "C-Cavin, puwedeng kahit ngayong gabi lang? K-Kahit ngayon, please? Nakikiusap ako sa 'yo, kahit ngayon lang."
"Niana!"
"Kahit ngayon lang. Kahit hintayin mo lang akong makatulog, puwede ka nang umalis. Please?" Humikbi si Niana. "Sorry, p-pero hindi ko kasi alam kung kailan ulit kita malalapitan nang ganito. Please, kahit ngayon lang?"
Walang kahit na ano mula kay Cavin na mas lalong nagpabigat ng dibdib ni Niana. Ayaw niyang bumitiw dahil gusto niyang yakapin pa si Cavin.
"Kahit yakap na lang tapos puwede ka nang umalis, kahit yakapin mo lang ako sandali kasi . . ." tumigil si Niana sa pagsasalita at ipinikit ang mga mata, "k-kasi nami-miss na kita. Nami-miss ko na ang asawa ko. Sorry kasi ang drama ko, pero kahit ngayon lang. Kahit five minutes lang, please?"
Naramdaman ni Niana ang kamay ni Cavin sa kamay niya at tinanggal nito ang pagkakayakap niya. Yumuko siya dahil ayaw niyang makita itong umalis, pero mali.
Cavin held Niana's hand, and they walked towards the living room that faced the city lights. Nagmamalabis pa rin ang luha ni Niana habang nakatingin sa likuran ni Cavin. Naupo ito sa sofa hawak ang kamay niya at iginiya siya na maupong patagilid.
Kaagad na ipinalibot ni Niana ang braso niya sa leeg ng asawa niya at mahinang humagulhol sa leeg nito. Hindi niya alam kung gaano katagal silang ganoon, pero ang maamoy si Cavin pagkatapos nang mahigit isang buwan ay biglang nagpakalma sa kaniya.
Ramdam ni Niana ang pagkakayakap ni Cavin sa likuran niya at ang paghaplos nito sa tiyan niya.
"Sandali na lang," bulong ni Niana kay Cavin. "Sandali na lang, please?"
Walang sinabing kahit na ano si Cavin at hinayaan siyang umiyak. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari dahil takot siyang dumilat at makita ang iritableng mukha ni Cavin.
Kung sa ibang pagkakataon na ganoon ang position nila, nakaupo siya nang patagilid kay Cavin habang nakayakap ito sa kaniya, ay magiging masaya si Niana. Pero sa sitwasyon nilang nakiusap siya at pinilit niya ito, hindi niya maiwasang masaktan.
Maingat na tumayo si Niana at naglakad papunta sa glass walls para itago ang hikbi at luha. Time's up, iyon ang nasa isip niya. Sandali lang ang pakiusap niya, five minutes lang.
Niana literally counted one to three hundred.
"O-Okay na ako." Nanginig ang baba ni Niana at ipinikit ang mga mata habang yakap ang sarili. "Mag-i-stay na lang muna ako rito, dala ko naman 'yung pera ko at tatawagan ko na lang 'yung puwedeng sumundo sa akin. P-Pasensy—"
Naramdaman ni Niana ang pagbalot ng braso ni Cavin mula sa likuran at hinalikan nito ang balikat niya. Pumikit siya at mas isinandal pa ang sarili sa asawa dahil iyon ang paborito nilang position noong magkasama pa sila.
"Sabi mo hanggang sa makatulog ka," Cavin whispered against Niana's neck. "'Yun lang ang maibibigay kong oras sa 'yo. Aalis na ako kapag nakatulog ka at nakikiusap ako sa 'yo, Niana."
Humarap si Niana kay Cavin at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakatitig sa kaniya. She badly missed her husband and if there was only a way of not letting him go, she wouldn't.
"A-ano 'yung pakiusap mo?"
Cavin stared at Niana and she didn't want to break the stare. "After tonight, puwede bang umalis ka na sa buhay ko?"
Niana was unmoving and she felt a lone tear drop. "G-Ganoon na lang 'yun? P-Paano naman ako? Paano naman ang baby natin? Paano ang kasal natin kung ganoon? B-Bakit?"
"Hindi kita maaalagaan, hindi kita maaasikaso, at . . . hindi ko kayang panindigan kung ano ang meron tayo. What we had was an impulsive decision at tingin ko, hindi natin kayang panindigan ang meron tayo. Hindi kita kayang panindigan."
Tahimik na nakatitig si Niana kay Cavin dahil hindi niya alam ang isasagot.
"I'll support you and the baby financially because you're still my wife. If you want to file for an annulment and leave, kindly talk to my lawyer, and they will process it. Alam kong hindi mo gusto ang kasal na ito, so please, let us go."
"Paano kung ayaw ko?" tanong ni Niana. "Paano kung ayaw kong makipaghiwalay sa 'yo?"
Pinunasan ni Cavin ang pisngi ni Niana. "Then you'll still be married to me but that's it. Kasal tayo sa papel, tulad ng unang plano."
"Unang plano?" Niana sobbed. "Pero mahal kita, e."
Cavin gave Niana a warm smile and caressed her chin. "Please, let me go. Let us go. Umalis ka na sa buhay ko at kung puwede sana, huwag ka nang babalik."
Humikbi si Niana, pero hinaplos ang pisngi ni Cavin. "'Yan ba ang gusto mo?"
Cavin nodded without hesitation.
"Okay." Niana smiled. "Hintayin mo muna akong makatulog at saka ka umalis. Ibigay mo na sa akin itong gabi, Cavin. Kahit 'yun na lang."
Tumango si Cavin at iginiya si Niana papunta sa kama. Ito pa mismo ang nagtanggal ng sapatos niya at kinumutan habang hinahaplos nito ang buhok niya.
Panay ang daloy ng luha ni Niana dahil mabigat at ayaw niyang lumayo o pakawalan si Cavin, pero kung iyon ang hiling sa kaniya, wala siyang magagawa.
Hinaplos ni Niana ang tiyan. "Babae siya."
Walang sagot galing kay Cavin na nakayakap sa kaniya mula sa likuran.
"Cavin?" bulong ni Niana.
"Hmm?"
"Mahal kita."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top