Chapter 33

Gising si Niana na naririnig pa nga ang busina ng mga kotse, ang tugtog sa sasakyan ni KA, nararamdaman niya ang bawat preno, pero hindi niya magawang dumilat.

Nakahawak siya sa tiyan niya at mahinang humahagulhol. Nahihilam na rin siya sa sariling mga luha, pero hindi na niya kayang pigilan. Mabigat na mabigat na at hindi na niya kayang sarilinin ang lahat.

"Saan kita dadalhin?" tanong ni KA.

Bahagyang dumilat si Niana at humikbi. Nagtama ang tingin nila ni KA na siyang nagmamaneho habang nasa backseat naman siya. "P-Puwede mo ba akong dalhin kay Majuri?" tanong at sinubukang huminga muna. "Please?"

"Ayaw mong ihatid kita sa bahay ng parents mo?" Ikinabig ni KA ang kotse sa daanan papunta sa kung saan. "Kumain ka na ba? Bili muna tayo? Ano'ng gusto mo?"

Umiling si Niana dahil wala naman siyang ganang kumain at busog siya sa kinaing sopas na iniluto ng mama niya. Ayaw niyang umuwi dahil makikita ng mga magulang ang sitwasyon.

Nanatiling tahimik si KA at paminsan-minsang tinitingnan si Niana sa rearview mirror. Panay pa rin ang iyak nito kaya bago pa man niya dalhin sa bahay ng kaibigan, gusto muna niyang dumaan sa Laurent Medical Center para masigurong maayos lang ang lahat.

"Bakit tayo nandito?" tanong ni Niana. "Maayos lang ako, K. Gusto ko na lang magpahinga."

"Magpapahinga ka pagkatapos ng quick check up. Hindi ako mapapalagay kapag inihatid kita sa bahay ni Majuri, tapos ganiyan ang nangyayari sa 'yo. At least have the doctors check you and the baby before I bring you to your friend's house."

Hindi na nagprotesta si Niana at sinunod si KA. Tama naman ito dahil sa stress na nangyari sa kaniya, kailangan niyang masigurong magiging maayos lang ang lahat.

Hatinggabi na, nasa isang room sila ng ospital para tingnan ang kalagayan nila ng dinadala niya.

"The baby's heartbeat is strong," nakangiting sabi ng doctor na naka-duty. "If you're under a lot of stress, you need to loosen up, Mrs. Karev. Nararamdaman ni baby ang lahat at makasasama 'yun sa inyong dalawa. Please, help yourself, too."

Tumango si Niana at mahinang humikbi habang nakatingin sa monitor na nasa harapan. Gumagalaw ang anak niya at pinili niyang hindi alamin ang gender dahil gusto niyang kasama si Cavin sa parteng iyon.

"Ituloy mo lang ang vitamins mo, kumain ka ng healthy foods, iwas sa pag-iyak at stress, and we'll deliver the baby safe in three months." Pinunasan ng doctor ang gel sa tiyan ni Niana. "Take care of yourself, Mrs. Karev."

Gustong maglakad ni Niana, pero hindi pumayag ang nurse at inihatid pa siya sa exit kung saan naghihintay si KA. Nakangiti itong umiiling at inalalayan siyang tumayo, inabutan pa siya ng hoodie, bago sila sumakay sa kotse.

"I got you some soup," ani KA at pinaandar ang kotse. "Ano'ng sabi ng doctor?"

Naamoy ni Niana ang mushroom soup na nakalagay sa isang paper bag at kaagad niya iyong kinuha. Kahit hindi gutom, kumalam ang sikmura niya dahil sa naamoy.

Humigop si Niana ng sabaw bago sumagot, "Okay lang naman si baby, kailangan ko lang daw alagaan ang sarili ko." Nakatitig si Niana sa soup na hinahalo at muling naalala ang ginawa ni Cavin. "H-Hindi ko inasahang gagawin niya sa akin 'yun. B-Buntis ako, pero iniwan niya talaga ako?"

Tahimik si KA na nagmamaneho at hindi tumitingin kay Niana.

"I triggered him, I know." Niana sobbed even more. "Ako ang nagsabing ibaba niya ako, pero hindi ko naman inasahang gagawin niya. Buntis ako sa anak namin, pero bakit ganoon, KA? Bakit parang hindi ako asawa? Bakit parang wala akong kwenta?"

Huminga nang malalim si KA bago magsalita. He wasn't the type of person who would meddle with someone's life, but Niana was a different case. Bukod sa napalapit na siya at naging matalik silang kaibigan, kinakapatid na ang turing niya rito.

"I cursed at Cavin, Niana," ani KA at diretsong nakatingin sa daan. "But I also don't want to invalidate his feelings. He's grieving. Both his parents died, malaking responsibility sa Karev Telco ang naiwan sa kainya, bukod pa sa company, maraming businesses ang mga magulang niya."

Nanatiling tahimik si Niana at humihigop ng sabaw dahil gumaan ang pakiramdam niya roon.

Huminga nang malalim si KA at umiling. "Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mali ang mga binitawang salita, mali ang ginawa. Kayong dalawa ang makakapag-ayos niyan. You guys should talk."

"Alam ko."

"What he is doing to you is wrong. Maling tinatrato ka niyang ganiyan, pero gusto kong tingnan ang magkabilang side, Niana," seryoso ang boses ni KA. "I wanted to understand you, I wanted to understand Cavin, too. What he did was wrong, but you guys can talk this out, right? Meron kasi akong napapansin, pero hindi ko sigurado. You both can figure that out soon."

Tumango si Niana at humikbi. "'Yun naman talaga ang gusto ko at 'yun ang hinihiling ko sa kaniya, pero hindi niya maibigay. Pero maghihintay ako, KA." Pinunasan niya ang luha. "Maghihintay ako kasi mahal ko, e. Alam ko rin na mahal ako."

"That's my girl." KA chuckled. "Go finish your soup. Natawagan ko na rin si Majuri and she'll be waiting by the lobby. I'll drop you off there and make sure to rest, okay?"

"Thank you, KA." Niana smiled, and KA smiled back.


Pagdating sa condo ni Maju, nasa lobby na ito at naghihintay kay Niana. Nagpaalam na rin si KA at mahigpit niya itong niyakap dahil sa pasasalamat. Kung hindi ito dumating, hindi na alam ni Niana kung ano ang gagawin niya.

"I won't ask anything." Majuri smiled and led Niana to her room. "Dito ka matulog sa tabi ko dahil mas magiging at ease ako. A warm shower is ready for you, meron din na oversized shirt doon and fresh underwear. I'll wait for you here."

Hindi na nagsalita si Niana at sinunod ang sabi ni Majuri.

Yakap ni Niana ang sarili habang dinadama ang maligamgam na tubig ng shower. Gustuhin man niyang pigilan ang sarili sa pag-iyak, hindi niya magawa. Nami-miss na niya ang asawa niya, gusto na niya itong makausap, gustong makayakap, pero patuloy siyang itinutulak palayo.

May puting T-shirt sa bathroom, underwear, at pajama. Alam niyang kay Majuri iyon dahil malalaki at malayo ang agwat nila sa height.

Sila ni Yannica ang pinakamaliit sa kanilang lima. Si Valentina naman, sakto lang ang height. Majuri and Winslet could rule the runway if they wanted to. Matatangkad, magaganda ang mukha, at matindi ang charisma.

"There, akala ko hindi ka na lalabas, e." Umirap si Majuri at hinawakan ang braso ni Niana na pinaupo siya sa vanity na mayroong malaking salamin. "Tuyuin ko ang buhok mo."

Nakaharap si Niana sa malaking salamin, pareho sila ni Majuri na tahimik.

Walang nagbago sa mukha niya kahit na nagbuntis pa siya at napansin nga na mas naging makinis pa ang balat niya. Hindi rin naman siya tumaba, pumayat pa nga simula nang mawala ang mga magulang ni Cavin.

"Stressed na stressed ka." Itinaas ni Majuri ang kamay na mayroong falling hair galing kay Niana. "After this, we'll sleep, okay?"

Niana sniffed and nodded. She tried so hard not to cry for her baby.

Madalas na siyang humihingi ng tawad sa anak niya dahil naisipan niya itong tanggalin, madalas niyang kinakausap na magiging maayos lang ang lahat, at kung puwede bang maging strong silang dalawa hanggang sa paglabas.

Nakatagilid si Niana ng higa habang hinahaplos ni Majuri ang buhok niya. Tahimik lang ito hanggang sa biglang mahinang kumanta. Hindi lang ito artista, maganda rin ang boses lalo na at malambing ang pagkakanta sa Lover ni Taylor Swift.

Ramdam niya ang bawat pagsuklay ni Majuri sa buhok niya na naging dahilan pa nga para ipikit ang mga mata.

Nagising si Niana nang marinig ang malakas na kalabog mula sa labas ng kwarto. Madilim pa ang kwarto, pero base sa sinag, mukhang umaga na at ikinagulat na eleven na rin ng umaga.

Hinaplos niya ang tiyan nang makaramdam ng gutom.

"Ayan kasi, hindi ka nag-iingat!" pagalit na sabi ni Yannica dahil nabagsak ni Win ang isang kaldero na naging cause ng ingay. "Ayan, nagising tuloy si Madam Niana!"

"Sira!" Niana chuckled and walked towards her busy friends. "Ano'ng ginagawa ninyo? Nagluluto kayo?"

Majuri breathed and shook her head. "Sana, kaso pare-pareho kaming palpak. Ikaw lang yata ang marunong magluto rito, ikaw sana ang pagsisilbihan namin, pero mukhang hindi mangyayari dahil, duh, hindi kami marunong."

Natawa si Niana at siyang pumunta sa kusina. Mukhang magluluto ng spaghetti ang mga kaibigan niya, pero hindi alam kung paano. Mayroon pang iPad na may recipe sa mismong counter, mali-mali ang pagkakahiwa sa sibuyas, at makalat na makalat.

"Ako na magluluto," Niana offered. "Anong oras kayo dumating? Akala ko ba, mamayang gabi pa kayo?"

"Tinawagan kami ni Majuri." Kumagat ng apple si Win at naupo sa counter para manood kung paano siya magluto. "Dumating ka raw kasi rito kagabi, so nagtaka ako kung bakit. Dahil dakilang tsismosa si Yannica, sumunod kaagad."

Inabot ni Valentina ang isang pirasong kisses na chocolate kay Niana. "Ako kakarating ko lang. Okay ka na?"

"Medyo okay na," aniya at tinanggap ang chocolate. "Ang tagal ko nang hindi kumakain ng chocolate. Thank you, Val!"

Ipinagpatuloy ni Niana ang pagluluto habang pinanonood ang mga kaibigan niya na nagtatalo kung ano ang movie na panonoorin. Bigla niyang naalala si Cavin na siya ang hinahayaan sa movie marathon nila, kahit na sobrang cliché ng palabas.

Pinili maging masaya ni Niana sa harapan ng mga kaibigan, pero ang makita ang mga itong nagtatawanan, hindi siya makasabay. She was just there, eating her spaghetti, while thinking what would be like again to be in her husband's arms.

"Hindi mo naman kailangan magkuwento." It was Win who smiled at her. "Hindi mo rin kailangang maging masaya o tumawa, hindi ka namin pinipilit, Niana. Alam ko ang pinagdadaanan mo, ninyo ng asawa mo dahil nakikita ko."

Yannica, Val, and Majuri stopped talking and listened.

"Sa totoo lang, grabe kasi ang pagka-busy ni Sir Cavin ngayon. Halos lahat, nawiwindang. Ayaw ko sa ginagawa niya sa 'yo, Niana. Sa tingin ko, kulang kayo sa pag-uusap at sana, mahanap ninyo ulit 'yung love na meron kayo." Ngumiti si Win. "Kasi mag-asawa kayo, e. Mahal ninyo ang isa't isa."

Yumuko si Niana at mahinang humikbi. Ayaw niyang maging madrama sa harapan ng mga kaibigan, pero hindi niya magawang maging masaya.

"Teka, maging masaya tayo," pag-iiba ni Majuri sa usapan. "Paano kayo nagkakilala ni Cavin, sa office ba?"

Umiling si Niana at ikinuwento kung ano ang unang conversation nila ni Cavin. Kung paano sila nagkakilala, kung paanong pabango niya ang naging dahilan ng lahat.

"Ang weird!" Yannica chuckled. "Dahil sa pabango mo, nagkakilala kayo? Na-in love na siya sa 'yo? Ano 'yun, love at first smell?"

"Hindi. Actually, may aaminin ako sa inyo." Kinagat ni Niana ang ibabang labi at inisip mabuti kung sasabihin ba niya. "Hindi naman talaga kami ni Cavin bago kami nagpakasal."

Nagkatinginan ang apat niyang kaibigan dahil wala naman silang pinagsabihan ni Cavin, pero mahirap kimkimin lalo na at mabigat. Akala ng lahat, perfect sila ni Cavin. Noong lumabas ang impormasyong kasal sila, maraming salita ang nabasa si Niana.

Para siyang commoner na nagpakasal at nagustuhan ng isang prinsipe. Ganoon ang pagkaka-define sa kaniya.

"Gusto ng mommy ni Cavin na makitang seryoso siya sa babae dahil alam n'yo naman kung ano ang history niya sa pambababae. So nag-propose ang mommy niya na maghahanap na lang ng babaeng puwedeng ipakasal. Hindi naman bago sa mayayaman ang arranged, e. Until Cavin mentioned my name, sakto rin naman na may proof dahil nasa kotse niya ang pabango ko. It became the key to open what we have now."

Ikinuwento ni Niana kung ano ang nangyari sa pagpapanggap hanggang sa parteng nagtanong ang mommy ni Cavin kung puwede silang magpakasal. Malamang dahil alam na hindi na rin ito magtatagal.

Niana looked down. Nahihiya siya, pero para mabuo ang kuwento, kailangan niya iyong sabihin. "Binayaran niya ako ng fifteen million para pakasalan ko siya. Bayad ako sa pagpapakasal, nagpakasal kami dahil sa request ng mommy niya, hanggang sa dahil araw-araw siguro kaming magkasama, na-develop kami."

Walang nasabi ang mga kaibigan niya na mukhang nagulat pa nga sa nalaman. Hindi naman masisisi ni Niana ang mga kaibigan, totoo naman ang lahat.

"I'm sorry, may secret akong hindi naman talaga nakakatuwa." Humikbi si Niana. "Sorry, niloko ko kayo, pero ganoon talaga, e. May mga secret tayong hindi natin kayang ikuwento sa iba kasi nakakahiya."

Mahinang natawa si Majuri at hinaplos ang buhok ni Niana. "Hindi lang naman ikaw ang may matinding secret, e." Kagat nito ang ibabang labi at mayroong bumagsak na luha. "Kasi, hiwalay na rin kami ni Gracen."

"A-Ano'ng nangyari?" tanong ni Niana habang nakatitig kay Majuri na mahinang umiiyak.

"I . . . I did something." Majuri broke down and started crying hysterically. "With someone na akala ko, pagkakatiwalaan ko, pero hindi pala. I chose the wrong path, I chose fame, and it cost me Gracen. Hiwalay na kami dahil sa kagagawan ko at hindi ko masabi sa inyo kasi nahihiya ako. It was all my fault."

Ibinaba ni Yannica ang pinggan sa lamesa at bumagsak din ang luha. "Hindi na magkaibigan sina Dallas at Viggo dahil sa akin."

"Ay taray!" Biglang nahimasmasan si Majuri na tinawanan nilang lahat. "Sabi sa 'yo, e. Ang tindi ng glow up mo, Yanni! Tingnan mo, nakasira ka ng friendship. Bukod sa glow up at alagang Viggo, ano'ng nangyari?"

Nanginig ang baba ni Yannica habang nagkukuwento. "Isinama kasi ako ni Viggo sa reunion nilang magkakaibigan. Kasama roon si Dallas. Tapos lasing na si Dallas, umamin siya sa akin. Muntik niya pa akong halikan kaya sinuntok siya ni Viggo. Ganda ko kasi." Humikbi si Yannica. "Pero ayun, Viggo pa rin malakas."

Nagtawanan silang lahat dahil sa laki ng ipinagbago ni Yannica simula nang makasama nito si Viggo. Their friend started having this confidence and they were all happy.

Umiling si Valentina. "So lahat tayo rito, may secret? Ano 'to, friendship goals na may mga itinatago?"

"Ikaw, secretive ka talaga kaya hindi na ako magugulat," sagot ni Majuri.

"Literal na secret 'yung sa akin, e," ani Valentina na mahinang natawa. "Boyfriend ko ang maraming secret at kasama na ako roon."

Ngumiti si Niana. "Hindi mo kailangang sabihin. Ang hirap lang talaga na merong tinatago, pero kapag kailangan, mas mabuti na lang na wala tayong alam."

"Yup. The lesser we know, the better," Majuri said.

"Ikaw, Win?" Yannica uttered. "Tapos na kaming lahat. Meron ka bang dark secret na gustong i-share?"

Tipid na ngumiti si Win habang iniikot-ikot ang spaghetti sa pinggan at nakayuko lang. "Meron, kaso kadiri, e."

"Gaga, go pek!" pagbibiro ni Majuri. "Itaas mo ang bandera."

Kagat ni Win ang ibabang labi. "Promise, after ko sabihin ito, walang magre-react tapos maghahanap tayo ng ibang pag-uusapan? Kasi ayaw ko nang balikan, e."

"Kung hindi ka comfortable, you don't have to say it," sabi ni Niana. "You can just keep it, Win. Hindi ka namin pinipilit."

"Hindi, e. Gusto ko na rin sabihin kasi ang bigat." Pinilit ni Win ang sarili na ngumiti. "Ipinagamit ako ni Jin sa dalawang best friend niya."

Natahimik silang lahat. Hindi alam kung ano ang sasabihin at hindi inalis ni Niana ang tingin kay Win na nakangiti, pero patuloy pa ring nilalaro ang spaghetti sa pinggan. Majuri remained quiet and Yannica was unmoving. Valentina looked down.

"With consent naman 'yun." Win chuckled. "Okay, change the topic."

Pagkatapos nang sinabi ni Winslet, parang may dumaan anghel. Natahimik silang lahat hanggang sa ibahin na ang usapan.

Ipinagpapasalamat ni Niana na marunong makisama si Majuri at ito na mismo ang nagbukas ng topic. Marami silang napag-usapan, maraming napagkuwentuhan tungkol sa school dahil hindi na rin naman nakapapasok si Niana.

Sina Yannica, Winslet, Val, at Niana ang sabay-sabay na makaka-graduate dahil mayroon pang isang taon si Majuri. Isang sa cons ng pagiging artista, limitado lang ang mga subject na puwede.

The entire day, Niana forgot about the pain and had fun with her friends. Ang random na pagkakakilala nila sa comfort room ng school ay naging dahilan ng pagkakaibigan nila.

And Niana knew this was the kind of friendship she would definitely treasure.





Nag-stay si Niana sa penthouse ni Majuri nang dalawang araw bago umuwi sa mga magulang niya. Wala naman siyang natatanggap na text o tawag galing kay Cavin at ayos na rin iyon.

Idinahilan na lang ni Niana na malapit nang umalis ang mga magulang niya kaya siya roon tumutuloy, kahit na ang totoo, ayaw niyang umuwi sa mansion dahil natatakot siya kay Cavin—more like natatakot siyang hindi kausapin ni Cavin.

Tama ang sabi ni Majuri na siguro ay mas magandang magkaroon sila ng space para hindi na masyadong magkasakitan.

Malaking bagay na secretary si Win sa office at nabibigyan si Niana ng updates tungkol kay Cavin. Madalas din siyang nagpapabili ng pagkain o kaya naman ay magluluto, pero ipadadala gamit ang carrier para lang hindi na siya makita ni Cavin.

Niana chose to distance herself, but she never forgot about her husband. Kahit na ipagtulakan siya palayo, palagi niyang susubukan.

Sa tuwing nagpapadala siya ng pagkain kay Cavin, palagi siyang nagsisingit ng sulat. Kinukumusta niya ito kahit na walang kasiguraduhang mababasa iyon ng asawa niya. She would try until he was ready.

Kumplikado man ang sitwasyon, pinanghahawakan ni Niana ang naging pagmamahal sa kaniya ni Cavin.

She understood that Cavin was still grieving and maybe, being part of the process didn't mean she should be there. Nabasa ni Niana na mayroong mga taong mas gustong mag-isa kapag nagluluksa at iyon ang gagawin niya kay Cavin.

Again, she would be there to support him in ways she could.

Habang nasa Grab, nakatanggap si Niana ng message galing kay Kelly, ang high school friend niya na ikakasal. Magkakaroon lang daw nang maliit na salusalo para lang i-celebrate ang engagement.

Hinaplos ni Niana ang tiyan. Hindi naman na nakagugulat sa iba ang tungkol sa kaniya dahil lumabas na sa news ang pagiging asawa niya kay Cavin. Naglabasan din ang ilang pictures niya sa news at social media na hindi na nila napigilan.

Cavin actually appealed to people around them to ensure that what they had was concealed, especially about them being married.

Pero hindi iyon nangyari. Dahil naging maingay ang pagkamatay ng mag-asawang Karev, hindi napigilan ang paglabas ng lahat ng impormasyon tungkol sa kanilang mag-asawa, pati na sa ipinagbubuntis niya.

Nakarating si Niana sa Royal Hotel at kaagad siyang sinalubong ni Nicka, isa sa mga kaibigan nila. Yumakap ito sa kaniya at hinaplos pa ang tiyan niya.

"Ang laki na niya!" Nicka excitedly said. "Tara na, nakapag-reserve na kami ng seat for you. Grabe, ang tagal ka na rin naming hindi nakikita! Nagulat kaming lahat sa news!"

Ngiti lang ang isinagot ni Niana kay Nicka at sumama sa kaibigan papunta sa isang private area ng restaurant dahil nandoon na raw ang mga kaibigan nila.

Matagal na niyang hindi nakikita ang mga ito. Matagal na matagal na.

Hindi pa tuluyang nakakalapit si Niana nang makita niya ang pamilyar na bulto ng isang lalaki katabi ang isa pa nilang classmate noong high school. Kung hindi siya nagkakamali, kung hindi pa rin ito nagbabago, tama ang hinala niya.

Niana wore a navy blue dress loose on the tummy area to hide the bump subtly. The dress also had some loose ruffles on each arm but was kinda low on the chest area. It was a gift from Majuri.

Sabay-sabay na lumingin sa kanila ni Nicka ang mga bisita, ganoon din si Adam, ang ex-boyfriend niya.

"Niana!" Excited na tumayo si Kelly para yakapin siya. "Thank you sa pagpunta, ha? Grabe, ang laki na ng tiyan mo. Seryoso, nagulat kaming lahat sa news, pero congratulations sa inyo ng husband mo and . . ." huminto si Kelly, "condolences sa in laws mo."

Ngumiti si Niana iginiya siya paupo ni Kelly. Nag-hi sa kanilang lahat ang mga kaibigan nilang lahat at lumapit sa kaniya si Adam para bigyan siya ng orange juice.

"Kumusta ka na?" Ngumiti si Adam at naupo sa tabi ni Niana. "Nawalan kami ng balita sa 'yo noong lumipat ka ng school, e."

Tinitigan ni Niana ang dati niyang boyfriend. Malaki ang ipinagbago nito at mas naging lalaking-lalaki. Malayo na rin sa lalaking nakasama niya ilang taon na ang nakalipas.

"Oo, naging busy rin kasi ako. Tapos ayun nga," Niana bit her lower lip, "nagpakasal ako at ito," itinuro ang tiyan, "magkakaanak na."

"Nagulat nga ako, e." Adam smiled and sighed. "I didn't mean it in a bad way, ha? Alam ko kasi na marami kang gustong gawin after graduation and . . . hindi kasama ang magpakasal nang maaga o magkaanak nga."

Niana raised her shoulders and chuckled. "May mga pagbabago rin talaga sa mga gusto, e. Hindi ko rin naman inaasahan na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, pero gusto ko naman."

"We're all happy for you, Niana," sabi pa ng ibang classmates nilang naroon.

High school sweethearts sina Niana at Adam. Wala silang naririnig na negativity, walang naging problema, umabot pa hanggang college, at ang akala ng lahat, sila na ang magkakatuluyan kaya naman nagulat ang lahat ng bigla na lang silang maghiwalay.

Walang nakaaalam kung bakit. Walang nagsalita sa dalawa. Walang idea ang kahit na sino sa dahilan dahil naging tahimik ang lahat.

May mga kumukuha ng pictures habang nagkakasiyahan silang lahat. Pinag-uusapan ang high school life, may mga nauungkat pang nakaraan, tulad ng nakaraan nina Adam at Niana na tinatawanan na lang ng dalawa.

Nagtatawanan pa nang tumigil sina Kelly at Neil kaya sinundan nilang lahat kung saan ito nakatingin. Tahimik ang lahat habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng itim na polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko, medyo magulo ang may kahabaang buhok, at nakangiti sa kanilang lahat.

The man had an intimidating aura, even with a smile, and he was focused on Niana, who was talking to Adam.

"Hey, baby."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys