Chapter 29

"I love you," Cavin whispered and tickled Niana on the neck using the tip of his nose. "I love you, Miss Baby."

Niana chuckled and faced Cavin to stop him. "Nakikiliti ako, Cavin!"

But Cavin didn't stop and tickled Niana more until she was laughing hysterically. Kinailangan pa niyang tumigil nang maalalang buntis nga pala ang asawa at niyakap na lamang ito nang mahigit na mahigpit.

"I love you, too," Niana whispered against Cavin's lips. "Nadulas ka lang talaga no'ng araw na 'yun, e."

"Ikaw rin, e." Seryoso ang mukha ni Cavin habang nakatitig kay Niana. "I've been whispering those words every single day and to be honest, it feels good to finally say it."

Natahimik si Niana at mas isiniksik pa ang sarili niya sa asawa. Ever since they said those three words, the bond between them became deeper. Naramdaman ni Niana na parang pareho sila na wala nang restrictions sa kahit ano. Sa personal na pakiramdam ni Niana, para siyang nakahinga nang maluwag dahil nahihirapan na rin siyang itago iyon.

Pareho silang hindi makatulog dahil first time nilang maramdamang gumalaw ang anak nila. Their baby was already eighteen weeks and Niana already felt a slight movement inside her tummy few days ago.

Cavin searched and asked the OB-GYN if it was normal. He was actually jealous that he couldn't feel it like Niana. Kaya naman palagi siyang nakahawak sa tiyan ni Niana sa tuwing may pagkakataon para pakiramdaman din ang anak.

Magsasalita pa sana si Cavin nang maramdaman paghinga ni Niana at hindi siya nagkamali nang makitang tulog na nga ang asawa. Pumuwesto si Cavin malapit sa tiyan ni Niana dahil nakatihaya naman ito at natutulog para kausapin ang anak.

"Hey, baby-baby," bulong ni Cavin. "Thank you for not giving pain to Mum. Thank you for being a very good baby, okay?"





Kagagaling lang nilang mag-asawa sa mall para bumili ng bagong damit ni Niana. Bukod sa wala pang ibang taong nakaaalam tungkol sa pagbubuntis ng asawa niya, sumisikip na rin daw kasi ang underwear nito lalo na at lumalaki na ang tiyan.

Lumabas si Cavin dala ang laptop para sagutan ang sariling take home exam. Nitong mga nakaraan, naging busy sila ni Niana sa school activities. Graduating na sila, isang semester na lang, at maraming kailangang ayusin.

Isang offer ng Eastern University sa mga katulad ni Cavin, na anak o tagapagmana ng kumpanya, hindi na nila kailangang magkaroon ng on-the-job training, pero hindi exempted si Niana.

Nakausap nila ang admin at dahil doon, kinailangan nilang sabihin ang totoo. Kailangang magpasa ni Niana ng marriage contract para mapatunayang kasal sila ni Cavin, pati na rin ng medical records para mapatunayan naman na ang pagbubuntis.

Aside from answering his examination, he also logged in using Niana's portal to check if there were some unanswered tests, but all were completed.

Hindi naman na iyon nakagugulat. Sinasabi ni Niana na pagod na, pero maintained pa rin ang pagiging scholar kahit na sinabi ni Cavin na huwag nang masyadong pressured dahil siya na ang bahala sa tuition fee.

Nagluto na rin si Cavin ng dinner nila ni Niana nang mag-ring ang phone niya. It was his mom calling to show something.

Lumipat si Cavin sa living room para i-connect ang phone niya sa TV monitor para mas malaki ang view. To his surprise, it was a room. Guest room inside the Karev Mansion, to be exact.

"Here's the room!" excited na sabi ng mama ni Cavin at ipinalibot ang camera ng phone sa buong kwarto. "Since we don't know if it's a girl or boy, I chose yellow and gray and a little bit of dark blue."

"Mom." Cavin chuckled. "My baby-baby is just eighteen weeks old, inside my wife's tummy, and is far from being born!"

His mom frowned making Cavin smile. "I don't care, Cavin Rios! I want to spoil my first apo kaya ito na, meron na siya rito sa house natin para kapag magvi-visit kayo, ready na."

Cavin stayed quiet as he observed the place. Mayroong crib, may mahabang sofa, may upuan na parang breastfeeding nook, bookshelves na maraming libro, cabinet na para daw sa mga damit, at may may drawing ang wall na parang outer space.

"Mom, that's so nice." Cavin stared at his mom, who happily showed him the whole place.

"Also," nagmamadaling pumunta ang mommy niya sa switch at pinatay ang ilaw, "the outer space painting is glow in the dark."

Sumandal si Cavin sa sofa ng living room at pinanood ang mommy niya na i-tour siya sa buong kwarto. Kumpleto na ang gamit tulad na lang ng changing station, may bathroom na may tub, at kung ano-ano pa.

"Hindi halatang excited ka, Mom," natatawang sabi ni Cavin. "Thank you, Mommy. Matutuwa si Niana kapag nakita 'yan, sure ako."

"Tingin mo, magugustuhan ito ni Niña para sa baby?" tanong ng mommy ni Cavin at naupo pa sa sofa. "Bukas ko ipapakita sa kaniya kaya dapat medyo maaga kayong magpunta. Maganda view ng sunset dito kaya ito ang napili kong room."

Cavin nodded. "Yes, Mom. After school, didiretso na kami kaagad riyan. It's a Friday, so we need to be at school. But Niana and I already talked about staying there for a week."

"Aw, I'm so excited!" natutuwang sabi ng mommy niya at lumabas sa kwarto. "Meron bang cravings si Niana na food or something? Para mapaluto ko tomorrow?"

Umiling si Cavin at tumayo para tingnan ang nilulutong ulam. "By far, Mom, after the first trimester, wala na siyang hinahanap na food. Ngayon, nagluto ako ng nilagang pork because she requested for some hot soup."

"I'm so happy na you're getting involved with Niana. Ganiyan din ang daddy mo sa akin noon, e. He loved taking care of me noong pregnant ako sa 'yo. Like, he always wanted to get involved." His mom smiled. "Anyway, I'll see you guys tomorrow, okay? Magdi-dinner na rin kami ng daddy mo."

"Okay, Mom. See you tomorrow, and I love you!" Cavin responded, and both dropped the phone.

Tumingin siya sa orasan. It was already seven in the evening and Niana had no signs of waking up just yet. Okay lang din naman dahil luto na, puwede na lang nilang initin kaya tinabihan na lang niya ang asawa.

Habang nakahiga at nagtitingin ng mga crib na puwedeng bilhin para sa anak nila, nakatanggap si Cavin ng message galing sa mga kaibigan niya na nasa bar ang mga ito at nagtatanong kung bakit hindi na siya kasama.

Cavin used to be everywhere. Isang tawag lang sa kaniya ng mga kaibigan, susunod siya. Hindi siya umuuwi nang walang kasamang babae o walang ikinakamang babae.

With that thought, Cavin felt guilty.

Kung sino-sino na ang nakasama niyang babae at ang ilan pa nga ay nagme-message sa kaniya. Nangungumusta, nagtatanong kung kailan ulit siya makikita, at ipinagpapasalamat na naging malawak ang pag-iisip ni Niana tungkol sa bagay na iyon.

Sinabi rin ni Cavin kay Niana na magpapalit na lang ng number, pero hindi pumayag ang asawa niya. It was his first and only number. Kung sakali man daw hindi na siya komportable, puwede naman nilang ipa-block iyon.

Niana and Cavin built a relationship that relied on communication. Both of them talked about their plans, especially for the baby.

Naalala rin ni Cavin kung paanong umiyak si Niana habang pinanonood nila ang ultrasound ng anak nila. Panay ang sorry ng asawa niya dahil naisipan daw nitong nakawan ng buhay ang anak nila.

Both became impulsive, but they recently talked about things. They promised to communicate even on the smallest decisions. They finally chose to be real and forget about the deal.





Natawa si Niana nang makita si KA na papalapit sa kaniya at sumaludo pa nga bago sinabing kukuha muna ng pagkain sa pantry. Tinanong pa nga kung may gusto ba siyang kainin.

Simula nang malaman ni Niana na si KA ang naka-assign para magbantay sa kaniya, naging close sila at madalas na magkakuwentuhan. Nalaman niya na Laurent ito at pamilya ang may-ari ng university kaya laking gulat niya na ito ang magbabantay sa kaniya.

Naikuwento naman ni KA na required sa pamilya nila ang maging bodyguard kung gustong pumasok sa protection agency at sakto naman na magkaedad sila kaya siya ang binabantayan.

"Brownies?" Ibinaba ni KA ang tray sa lamesa kung nasaan si Niana. "Bagong deliver lang galing sa café ni Tita Kristen."

Hindi na tumanggi si Niana at kaagad na kinain ang ibinigay ni KA. Ang brownies o kahit na anong dessert na galing sa nasabing café ng tita nito ay naging paborito niya.

Sa tuwing nagkakasama sila sa school o hindi naman kaya sa labas kapag kailangan ni Niana ng bantay, palaging mayroong dessert na ibinibigay si KA sa kaniya.

Noong unang beses na makita ni Niana si KA, halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa itsura nito. Everyone in the university called him Your Highness because he really looked like a prince; curly hair, light brown eyes, lips with a rare cupid's bow that suited him very well, and a proud nose that wasn't overpowering his overall look. Hindi rin nakatutulong na makapal ang kilay nito at mas makinis pa yata sa kaniya. Matangkad rin si KA, halos hindi nalalayo sa height ni Cavin, pero mas matangkad pa rin ang asawa niya.

Minsan na ring tinanong ni Niana kay KA kung ano ba ang sikreto nito bakit ang kinis. Parang walang pores, pero natawa lang na para bang nagbibiro siya.

KA was aware of the pregnancy. Kailangan dahil sila ang madalas na magkasama kapag hindi available si Cavin. For example, kailangang pumunta ni Niana sa isang lugar, pero wala si Cavin dahil may personal or business thing na kailangang ayusin, si KA ang driver o nakasunod ito sa kaniya.

"May next class ka pa?" tanong ni KA. "Nabanggit sa akin ni Cavin na pupunta raw kayo sa mansion ng mga Karev. Kaya susunod lang kami hanggang sa gate at saka kami aalis."

"Puwede naman sigurong hindi," sagot ni Niana at uminom ng tubig. "Gusto ko na ngang umuwi, e. Kaso may next class pa kami ni Cavin. Halos limang buwan pa lang tiyan ko, pero ang bigat na."

Mahinang natawa si KA at sumandal sa inuupuan. "Mabilis na lang 'yan. At saka tama rin na magpahinga ka muna. Sabi ni Cavin hindi ka na rin muna pumapasok sa office dahil ayaw ng daddy niya."

"Oo nga, e." Umiling si Niana. "Napapalibutan ako ng mga OA, e. Pati ikaw minsan. Buti hindi ka nagsasawa sa trabaho mo? Sa pagbabantay sa akin?"

"Kung tutuusin, ikaw pa nga ang pinakamabait na nabantayan ko, e. The rest," KA sighed in disappointment. Panay pa ang iling nito, "mga bratinella."

Niana laughed hysterically while staring at KA. "Mabuti't walang lumalandi sa 'yo?"

"Believe me when I say na ikaw lang ang hindi lumalandi sa akin." KA laughed. "Bell na, pasok ka na. Pupunta na muna ako sa lounge dahil wala na akong klase, pero hihintayin ko kayo."

Nag-text na rin muna si Niana kay Cavin na magkita na lang sila after class. Nakapag-order na rin sila ng fruit cake dahil iyon ang ni-request ng daddy ni Cavin para sa dinner nila.

Tumawag ang mommy ni Cavin kay Niana noong umaga dahil excited raw ito sa ipakikita sa kaniya. Hindi niya alam kung ano, pero base sa boses ng ginang, mukhang tuwang-tuwa ito.

Hindi makalimutan ni Niana na noong nakaraang dinner lang nila, nagbigay ito ng onesie para sa baby na may nakasulat na Universe's Favorite Apo.

Tawa sila nang tawa ni Cavin at nakikinita na mukhang hindi nila mahahawakan ang magiging anak nila oras na lumabas ito. Dalawang lola ang willing mag-alaga at sinabihan pa sila na mag-focus sa trabaho dahil ang mga ito na ang bahala.

Naisip ni Niana na sa yaman ng mga Karev, malamang na kung puwede lang pati bituin ay ibibigay sa anak niya.

Hinaplos ni Niana ang tiyan. Nakikinig siya sa professor niya, pero lumilipad din ang isip niya dahil napakaswerte ng batang dinadala niya.

Mahal ito ng mga tao sa paligid, mahal ni Cavin, kaya hindi rin matanggap ni Niana sa sarili na minsan niyang pinagtangkaan ang buhay ng anak.

Niana massaged her temple because she felt it throb when the door opened and it was KA, talking to her professor. Mukhang nag-uusap ang dalawa, pero minsang sumusulyap sa kaniya.

"Miss Niana Talvo," kuha ng professor sa atensyon niya, "you're excused."

Nagtatakang tumayo si Niana bitbit ang bag. Seryosong nakatingin ang professor sa kaniya, ganoon din si KA na naghihintay sa pintuan. Nagkaroon pa ng bulung-bulungan dahil kilala siyang girlfriend ni Cavin, pero nakakasama niya si KA.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Niana kay KA. "May two hours pa ako, bakit mo ako in-excuse?"

Inilabas ni Niana ang phone nang hindi magsalita si KA. Wala namang message sa kaniya si Cavin dahil kung utos iyon ng asawa niya, ito na mismo ang tatawag o magte-text sa kaniya.

"KA, ano'ng nangyari?"

Yumuko si KA. "Kailangan mong puntahan si Cavin. Pinuntahan niya ako sa lounge at hindi ka niya masundo kaya ako ang pinapunta niya."

Biglang kumabog ang dibdib ni Niana sa tono nang pananalita ni KA at awtomatiko siyang napahaplos sa tiyan. "A-Ano ba'ng nangyari?"

"Inatake sa puso ang mommy ni Cavin thirty minutes ago," seryosong sabi ni KA habang nakatitig kay Niana. "Hindi alam ni Cavin kung ano'ng nangyayari, hindi na siya nakapag-react nang maayos, e."

Nakikinig si Niana kay KA. Minsan na niyang nakita ang asawa niyang wala sa huwisyo nang isugod sa ospital ang mommy nito, kaya mas malamang na matindi ang nararamdaman nito ngayon.

"Pero habang papunta ako rito, tumawag ako sa hospital," sabi ni KA habang nakatitig kay Niana. "Niana, I'm sorry, pero nasa ICU ang mommy ni Cavin at malala ang lagay. Sinundo kita kasi kailangan nating pumunta sa ospital."

"S-Sige." Niana's voice cracked, and she wanted to run towards Cavin, but she just couldn't.

Pagdating sa lounge ng mga Laurent, nakita ni Niana si Cavin na nakaupo sa sofa at nakayuko. Natatakot siyang lumapit dahil naalala niya ang paninigaw nito sa kaniya, pero nang marinig nito na may tao, kaagad na nag-angat ng tingin.

"Hey, baby." Tumikhim si Cavin dahil parang may nakabara sa lalamunan niya. "Sorry, we have to go. Nagpatawag na si KA ng air ambulance na susundo sa atin. Nakisuyo na rin kasi ako kasi mas mabilis."

Naupo si Niana sa tabi ni Cavin at hinaplos ang pisngi ng asawa. Hinalikan din niya ito bago pinagsaklop ang kamay nilang dalawa.

Walang kahit na anong sasabihin si Niana dahil wala siyang idea sa sitwasyon ng ina ng asawa. Nanatili siyang tahimik at hinayaan si Cavin kung magsasabi ba ito sa kaniya.

Cavin buried his face into the hollows of his wife's neck to seek comfort. He automatically felt Niana's hand on his jaw and looked sideways to kiss his cheek.

"Natatakot ako," Cavin whispered against Niana's skin. "Natatakot ako sa puwede nating madatnan dahil tumawag si Daddy. Mom's in the ICU, she's being supported by machines, and . . . and . . ."

"Shhh," Niana softly shushed Cavin. "Parating na raw ang chopper sabi ni KA. Mabilis lang naman tayong makakarating doon."

Ilang beses na munang huminga nang malalim si Cavin. Sa tuwing mayroong tumatawag, si Niana ang sumasagot dahil hindi niya kaya. Dumating ang chopper at hindi binitiwan ni Cavin ang kamay ng asawa.

Mabagal na naglakad sina Cavin at Niana papunta sa ICU ng LMC. KA and his team were with them. Panay rin ang tawag nito sa agency na bantayan ang area at hindi maintindihan ni Niana kung bakit.

Hawak ni Cavin ang kamay niya at ramdam niya ang panlalamig, ang panginginig, at hindi pa nakatutuwa na hindi niya ito makausap nang maayos.

"Dad." Cavin let go of Niana's hand and walked towards his father.

Nakatingin si Niana kay Cavin at sa daddy nito na nag-uusap. Medyo malayo pa siya at dahan-dahan siyang naglalakad dahil hindi siya handa, hindi rin niya masabi kay Cavin na medyo sumasakit ang tiyan niya, dahil sa bigat ng nararamdaman sa dibdib.

Humarap sila sa glass wall ng ICU.

Napahawak si Niana sa braso ni Cavin. Nakapamulsa itong nakatitig sa ina na makina na lang ang tumutulong. Masyado na raw mahina ang puso ng ginang.

Heart enlargement ang naging sakit ng mommy ni Cavin at nagkaroon na ng complications tulad ng heart failure. Nahirapan nang mag-pump ang puso nito, nagkaroon na ng blood clots na naging dahilan ng heart attack.

"We're gonna be honest with you," seryosong sabi ng babaeng doctor na medyo may-edad na habang kausap ang daddy ni Cavin. "We already revived her twice and hindi namin alam kung magagawa pa namin sa susunod. We'll try, but we won't promise anything. Her heart's too weak to function, Mr. Karev, and we won't be able to do much about this now."

Hindi inaalisan ni Cavin ng tingin ang ina. Tahimik si Niana na nasa tabi ng asawa habang pinakikinggan ang sinasabi ng doctor.

"C-Can we at least see her upclose?" mahinang tanong ni Cavin. "G-Gusto ko sanang pumasok sa loob. Gusto kong makita ang mommy ko."

"Of course." The doctor smiled.

Humarap si Cavin kay Niana at hinaplos ang pisngi ng asawa. "Stay here, okay? I'll just see Mom and talk to her."

"Sige lang." Pinilit ngumiti ni Niana at inayos ang magulong kwelyo ng damit ni Cavin. "Dito lang ako, wait ko kayo. Gusto mo bang kumuha na muna ako ng pagkain?"

"No, we'll get it together. Sandali lang naman ako sa loob." Cavin smiled and leaned to kiss Niana's lips. "Don't go, okay? I love you."

Niana nodded. "I love you. Dito lang ako sa labas."

Pinagsuot ng isolation gown, gloves, shoe covers, at mask si Cavin at ang daddy niya. Dapat ay isa lang ang puwede, pero pumayag na ang doctor na magsama ang dalawa.

Kagat ni Niana ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak habang nakatingin kay Cavin dahil nakita niya ang pagsalubong ng kilay ng asawa habang hinahaplos ang buhok ng ina. Nakita ni Niana ang sakit sa mga mata ni Cavin.

Magulang ang nag-iisang kahinaan ni Cavin, lalo na ang mommy nito. Niana was silently praying that everything was going to be okay because if not, Cavin would be in so much pain.

Hinaplos ni Niana ang tiyan dahil naramdaman niya ang pagkirot.

"Gusto mo bang tumawag na rin ako ng doctor para sa 'yo? Dapat hindi ka na muna sumama rito," sabi ni KA.

"Okay lang ako."

Tinitigan ni Cavin ang mommy niya. Panay ang tunog ng monitor sa gilid, mayroon ding suot na oxygen ang mommy niya at kung ano-ano pa. Halos hindi niya ito makilala dahil bumagsak ang itsura ng mommy niya.

"Hindi ako pumasok sa office kasi gusto raw niyang samahan ko lang siya maghapon," sabi ng daddy niya. "Sabi niya, gusto niyang manood ng movie. Kaso wala kaming mapili. We ended up watching our wedding videos. Pati na ang mga video mo noong maliit ka, pinanood namin."

Tahimik si Cavin na nakahawak sa mommy niya. Nakaupo rin ang daddy niya sa kabilang gilid habang hinahaplos nito ang pisngi ng mommy niya.

"She was laughing and smiling at your baby videos, and we were so happy!" his dad muttered. "She was wondering about your baby dahil gusto na niyang mahawakan and she's excited about our apo."

Humikbi ang daddy ni Cavin at hinalikan ang noo ng mommy niya. "We were just talking about our marriage, our family, you, and Niana, when she started coughing. Bigla niyang sinabi na medyo sumasakit ang dibdib niya at hindi masyadong makahinga."

Tumulo ang luha ni Cavin habang hawak ang kamay ng mommy niya. Ang kamay na nagturo sa kaniya sa lahat, humawak sa kaniya para gabayan sa kahit na ano . . . ang kamay ng mommy niya.

"Mom," Cavin murmured. "Mom, wake up. Y-You can't just leave yet. Remember, ipapakita mo pa kay Niana 'yung room na prepared mo for our baby? You need to be strong because you have to hear the gender, Mommy."

But his mom didn't respond. Kung sa ibang kaso, excited itong titili pa kapag sinabi niya iyon. Malapad ang ngiting nakatitig sa kaniya, hihintayin ang susunod niyang sasabihin, at matutuwa na may kasamang hagikgik.

"Mom, don't go just yet." Sumasakit ang dibdib at lalamunan ni Cavin dahil hindi na niya kaya lalo nang magsimulang suminghot ang daddy niya. "Mom, you have to be there when my baby's born. You promised to be there."

"Mi amor." It was his dad. "We promised to stay together, right? We'll fly to the moon together, remember?"

Tumayo si Cavin at tumalikod dahil hindi niya kayang makitang umiiyak ang daddy niya. It was the first time he saw his father cry and it was breaking him.

Hawak ng daddy niya ang kamay ng mommy niya habang nakasubsob ang mukha nito sa may braso at umiiyak. Panay ang bulong, pero narinig niyang mahina itong kumakanta.

It was his parents' favorite song.

"Can you feel the love tonight?" Nanginginig ang boses ng daddy ni Cavin habang mahinang kumakanta. "How it's laid to rest? It's enough to make kings and vagabonds. Believe the very best . . . ."

Cavin covered his mouth to contain the sobs while remembering his mom's laughter. The way his mom hugged him, kissed him on the cheeks, and talked to him, making sure he was okay.

Nilingon ni Cavin ang mommy niya nang marinig ang monitor. It was beeping slow, and it alerted the doctors. People were running inside the ICU room, but his dad stopped everyone.

"A-As much as I want my love to stay," his dad sobbed, "I can't afford to see her body being pumped again and again and again." Hinawakan pa ang kamay ng asawa. "Her hands were already bruised from the needles and . . . I don't want to see my love in pain again."

"D-Dad," Cavin's voice broke. "T-They still can do it, and they can save Mom!"

Cavin's dad shook his head. "No, they can't," he said and walked towards his son. "Cavin, it's time to say goodbye to your mom. She's just waiting for you."

Lumabas na ang mga doctor dahil iyon ang inutos ng daddy ni Cavin. Sumunod rin itong lumabas kaya naiwan si Cavin sa loob ng ICU. Hawak niya ang kamay ng ina at hinaplos ang pisngi nitong mayroong oxygen.

"Mom," Cavin whispered like a lost child, "a-are you really going? Mom, I can't do this. I-I can't . . . I d-don't wanna let you go. I love you so much, and my baby's coming soon. We have lots of plans, right? Mom, pl—"

Naputol ang sasabihin ni Cavin nang makita ang tumulong luha sa gilid ng mata ng mommy niya kasabay ng pagtunog ng flatline ng monitor. Hindi pa tapos si Cavin sa sasabihin nang bawian ng buhay ang ina . . . at hindi na niya nagawang umiyak.

Pumasok na ang mga doctor, isa-isa nang lumapit sa mommy niya. Sinabihan siyang lumabas na ng room at tulala niyang tinanggal ang suot bago lumapit sa asawa niyang nakatitig sa kaniya.

Cavin held Niana's hand and walked away from everyone. They were walking towards the elevator and Niana was just looking at Cavin. Hinayaan niya ang asawa na hilahin siya kung saan.

Pagpasok sa elevator, humarap silang dalawa sa salamin. Niana was about to face Cavin when he positioned himself behind his wife and hugged her.

Nakapatong ang baba ni Cavin sa balikat ni Niana at hinalikan ang balikat ng asawa. "Nagugutom ka, love?" Hinaplos niya ang umbok sa tiyan nito. "Gusto kong matulog, love. Pagod ako. Okay lang ba?"

Humarap si Niana kay Cavin. "Oo naman." Ngumiti siya. "Matulog tayo."

"'Wag mo akong iiwan, ha?" bulong ni Cavin habang nakatitig kay Niana. "Please? 'Wag mo akong iiwan?"

Tumango si Niana at hinaplos ang pisngi ng asawa. Kita niya ang malamlam na mga mata ni Cavin, ang magkasalubong nitong kilay, at ang pamumula ng ilong dahil sa pag-iyak.

Sinabihan na muna ni Niana si KA na tingnan ang daddy ni Cavin.  Tinawagan niya si Iryn para i-assist muna ito dahil kailangan din niyang asikasuhin ang asawa.  Cavin was in shock and Niana could feel how cold her husband's hand was.

Muling isinubsob ni Cavin ang mukha sa leeg ni Niana at bumulong, "Please, Niana."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys