Chapter 28
Niana caressed her chest where the heart was. It was beating faster than usual because of pregnancy and nervousness. Their parents were coming, and she couldn't breathe properly.
"Hey." It was Cavin who had just entered the room.
Niana was in front of the vanity table, staring at herself when Cavin walked towards her.
"Sabi ko naman sa 'yo, kung hindi ka pa ready, huwag na muna." Pumuwesto si Cavin sa likod ni Niana at hinaplos ang maliit na umbok sa tiyan ng asawa. "Our baby's showing."
Ipinatong ni Cavin ang baba sa balikat ni Niana habang pareho silang nakatitig sa isa't isa. Both were nervous, especially Niana. Maraming tumatakbo sa isipan nila, maraming what-ifs, at kung ano-ano pa.
But the fact that Cavin was assuring her that everything would be okay was giving Niana relief, and it was making her sleep at night. The assurance from Cavin was making Niana feel better.
"Malapit na raw ba sila?" tanong ni Niana kay Cavin. "Thank you pala sa pagpapasundo na lang kina Mama. Wala talaga ako sa mood mag-drive lately, e."
"Of course." Cavin kissed Niana's shoulder and smiled. "Mas okay na rin na mag-rest ka. I can't believe I can already feel my baby-baby. Nararamdaman ko na siya lalo kapag natutulog ka sa gabi and I'm cuddling."
Humarap si Niana kay Cavin at hinalikan ang asawa sa pisngi. Nakaramdam siya ng guilt na mas madalas siyang tulog at hindi na nakakausap ang asawa. Hindi na rin niya ito nakakasama minsan sa pagkain dahil mas madalas nga siyang tulog.
"Sorry, nawawalan ako ng time sa 'yo lately." Niana caressed her husband's right cheek while staring at his light brown eyes. "Babawi ako sa 'yo kapag nanganak na ako. I'll take care of you."
Cavin chuckled and held Niana's hand to kiss it. "I like taking care of you, Miss Baby," he whispered and leaned to kiss Niana's lips.
Nag-hire si Cavin ng chef para sa dinner. Kasama ang mga magulang niya at magulang ni Niana. They decided to finally talk about the condition because Niana was having a hard time lying.
Sa tuwing nasa bahay sila ng parents ni Niana, nahihirapan siya at ayaw ipahalata iyon sa mama niya. Natatakot siya kahit na alam niyang tanggap naman dahil kasal sila ni Cavin. Ganoon din kapag nasa bahay sila nina Cavin, nahihiya siya na ang aga nilang nakabuo. Ang nakakatawa pa nga, arte lang naman dapat ang lahat, pero nagkatotoo na at bumubuo na sila ng pamilya.
"You look so hot." Cavin bit his lower lip and bent to kiss Niana's neck.
Niana automatically tilted and brushed Cavin's hair using her fingertips. She missed the feeling of them being intimate and gasped when Cavin's hand went at the back of the dress, tracing the zipper.
"Baby," Cavin inhaled Niana's scent. "let's go outside. Baka hindi ko mapigilan."
Humiwalay si Cavin kay Niana at kaagad na iniwan ang asawa. Natawa si Niana sa reaksyon ng asawa niya na para bang napaso sa kaniya. It was reasonable, simula rin naman noong nalaman niyang buntis siya, wala ng nangyari sa kanila.
Cavin was careful, and Niana never expected that.
Nag-decide si Niana na isuot ang puting dress na nabili niya sa isang mall kasama si Yannica. It had ruffles on the shoulder area and the length was above her knee. Mayroon din iyong garter sa bandang tiyan.
Lumabas si Niana at nakita ang table na naka-setup. Mayroong dalawang chef na nagtulong para lang sa dinner at imbes na lumabas pa, sa condo na lang mismo.
"You know, baby, one day, we're gonna need a bigger house," Cavin said while drinking some red wine. "I want our future babies to walk around the house."
Future babies.
Biglang napaisip si Niana sa sinabi ni Cavin kaya naman tumalikod siya at dumiretso sa balcony na maganda ang view sa gabi. Mas madalas pang doon siya tumatambay lalo na kapag gumagawa ng thesis o research. Bukod sa malamig ang simoy ng hangin, gusto niya ang tunog ng busy streets sa ibaba.
Lumingon si Niana nang marinig ang pagbukas ng elevator door ng condo ni Cavin. Nakangiting lumabas ang mama niya na kaagad naman niyang sinalubong at niyakap nang mahigpit na mahigpit. Sumunod niyang niyakap ang papa niya na sinalubong din ni Cavin.
"Para namang hindi tayo nagkita last week!" sabi ng mama niya at hinaplos ang nakabagsak niyang buhok. "Ang haba na ng buhok mo, ayaw mo bang magpagupit?"
"Nagbabalak na po ako," sagot ni Niana at inaya ang mama niya papunta sa living room para maupo sa sofa. "Baka next week, Ma. Samahan mo po ako?"
Tumango ang mama niya at pinatalikod siya para ayusin at itirintas pa nga iyon.
Hindi sinasadyang maging emotional ni Niana dahil lang sa simpleng pagsuklay ng mama niya sa buhok. Nakita iyon ni Cavin at tipid na ngumiti.
Cavin actually felt guilty when he saw Niana trying to conceal her tears. Alam niya kung ano ang ninakaw niya sa asawa.
Una, dahil sa deal na napag-usapan nila na napunta sa kasalan. At ikalawa, ang kasalukuyang pagbubuntis nito.
After a couple of minutes, Cavin's parents arrived. The entire unit was alive. Sanay sila ni Cavin na dalawa lang at sila ang pupunta sa mga magulang kaya bago na kumpleto sila sa hapagkainan ng condo.
"After college, saan ninyo balak tumira?" tanong ng mommy ni Cavin. "Meron ba kayong balak bumili ng sarili bahay or what?"
"I'm still looking into it," sagot naman ni Cavin at tumingin kay Niana. "But I'm looking for a house."
Ngumiti si Niana kay Cavin dahil wala pa silang napag-uusapan tungkol doon. At dahil minsan sa mga sinasabi ni Cavin sa harapan ng parents nila, napapaisip siya kung ano ba ang totoo.
Mas madalas na nagsasabi si Cavin ng mga bagay na hindi nila napag-uusapan sa harapan ng ibang tao. It was confusing her; about things she didn't know but was already decided.
At hindi iyon nagugustuhan ni Niana.
"So, what's happening? It was just so random for you guys for a dinner!" Tumawa ang mommy ni Cavin. "But we're happy to be here. Sana naman, palagi na? Kahit once a week tayo rito."
Cavin chuckled and gazed at Niana. "We just want us to be complete. Like, we're having dinner as a family, pero hindi ganito na complete pati kayong parents namin."
"Yeah, we should this often talaga!" Cavin's mom even clapped and faced Niana's mother. "Minsan nga, tayong dalawa ang magluto para sa mga ito. Natutuwa talaga ako kapag magkakasama tayong lahat, e."
Nakatingin si Niana sa mother-in-law niya dahil ipinagpapasalamat na wala siyang naging problema at tinanggap pa siya nang buo. Hindi man ideal ang umpisa at ang dahilan para maging sila ni Cavin, maganda ang pakikitungo sa kaniya ng mag-asawa.
"I agree," Cavin's dad said. "Nami-miss ka na rin namin sa office, e. But I get you're busy. Don't worry, and you can just—"
"About that po," kaagad na putol ni Niana ang sasabihin ng daddy ni Cavin, "m-meron po talagang rason kung bakit po hindi ako nakakapasok sa opisina lately. Pero promise po, papasok na po ako."
Umiling ang daddy ni Cavin at ngumiti. "No, Niana. I know na graduating na kayo ni Cavin and you guys will manage the company naman sooner or later kaya that's okay. Enjoy what you guys have now, kasi kapag working na kayo, you won't get as much time as you have now."
"Actually," Niana looked down, "kaya po namin kayo na-invite, meron po sana kaming gustong sabihin."
"Wait."
Ibinaba ng mommy ni Cavin ang kutsara at tinidor na hawak. Nakita kaagad nilang mag-asawa ang reaksyon ng mukha nito.
"M-Maghihiwalay na ba kayo?" malungkot na tanong ni Rose.
Cavin immediately shook his head and held Niana's hand. "Mom, no."
Tumingin si Niana sa parents niya na parang nag-iisip din kung ano ba ang nangyayari. Nakita rin niya ang reaksyon ng parents ni Cavin at pareho nilang hindi kayang saktan ang mga magulang nila.
"Buntis po kasi ako," pagpuputol ni Niana sa susunod pang sasabihin ni Cavin. "Gusto ko pong mag-sorry kasi napaaga at hindi pa po kami graduate. Alam ko po na marami pa kayong gustong mangyari sa amin, pero mukhang mapo-postpone po muna."
Natahimik ang lahat, kahit si Cavin na nakatingin kay Niana dahil nakayuko ang asawa niya. Nakita niya ang pagbagsak ng luha nito sa pisngi at kaagad pinunasan bago nilingon ang ina.
"Ma, sorry kasi b-baka hindi ko matuloy 'yung second course na gusto ko after graduation kasi baka maging mommy na lang muna ako." Humikbi si Niana. "Sorry kas—"
"Ikaw lang naman ang may gusto noon, Niña." Ngumiti ang mama ni Niana. "Naalala mo ba 'yung napag-usapan natin bago ka ikasal?"
Tumingin si Cavin sa asawa niya dahil wala siyang idea tungkol doon. Ni hindi nila napag-usapan ang tungkol sa kung paano sinabi ni Niana sa mga magulang ang kahit na ano sa pagpapakasal nila.
"Sinabi ko sa 'yo na kung saan ka masaya, kung kay Cavin ka sasaya, hahayaan ka namin ng papa mo. Masyado kang malihim, Niña, at sa totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa isip mo." Tumulo ang luha ng mama ni Niana. "'Nak, okay lang naman mag-open up."
Alam ni Cavin at naranasan niya ang pagiging malihim ng asawa niya. Nagawa ngang itago ni Niana ang tungkol sa ipinagbubuntis nang wala talaga siyang idea. Kinailangan pa niyang malaman sa hindi maayos na paraan.
"Masaya ako kung ano ang tinatahak mo ngayon, Niña. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo, pero susuportahan kita kasi mama mo ako, magulang mo kami."
Humikbi si Niana at naramdaman ang pagkakahaplos ni Cavin sa likuran niya. Aware naman siya roon dahil ayaw niyang nagsasabi sa ibang tao, kahit sa magulang niya, kahit na sa mismong asawa niya.
"G-Galit po ba kayo?" tanong ni Niana sa mommy ni Cavin dahil nakatitig lang ito sa kaniya, walang sinabing kahit na ano o walang reaksyon. "S-Sorry po."
"Bakit ka nagso-sorry?" Cavin's mom sniffed. "Masaya ako kasi naman, the family's getting bigger and I wanna thank you, Niana, for coming into our lives. That baby is a blessing and kahit naman nag-aaral kayo, walang magiging kaso. We're all here to support you! Kung sakali man na magtatrabaho kayo, wala kaming pakialam!"
Nag-high five pa ang mommy ni Cavin at mama ni Niana at halatang masaya dahil nagsimula nang magplano para sa anak nila.
"Tapos palalayasin na natin silang dalawa para magtrabaho dahil tayong dalawa ang mag-aalaga sa apo natin!" Cavin's mom exclaimed and clapped. "I am hoping it's a girl, but if it's a boy, we'll buy cars and all. 'Pag girl, we'll turn that baby into a doll! I've always wanted a baby girl."
Biglang na-pressure si Niana at hinaplos ang tiyan na sana, babae ang panganay nila ni Cavin. Halos hindi na makausap ang mga nanay nila dahil nag-uusap na kung ano ang mga damit na bibilhin, kung ilang baby bottles, at kung ano-ano pa.
"Masaya ako para sa 'yo," sabi ng papa ni Niana. "Ano'ng gusto mong kainin? Hindi na puwede ang mga fast-food, Niña. Kung kinakailangang magpadala ako lagi ng ulam mo para hindi ka kakain ng kung ano-ano, gagawin ko, e."
Cavin's dad chuckled and shook his head. "At dahil nalaman kong buntis ka, hindi ako papayag na papasok ka sa office. Your position will now be open 'cos I'm firing you."
Nanlaki ang mga mata ni Niana. "Hala, sir! Wala pong gano'n! Kailangan ko sweldo ko, sir!" pagpoprotesta ni Niana.
Natawa si Cavin at hinalikan ang pisngi ng asawa. "Silly."
The whole night was fun. Natatawa si Niana dahil ang daming plano, pero hindi niya masyadong kinakausap si Cavin. Mas madalas siyang nakatabi sa mama niya na nakikipag-usap sa mommy ng asawa niya dahil nagse-share ng thoughts sa panganganak. Panay rin ang tanong ng mga ito kung umiinom ba siya ng vitamins, kung kumakain ba nang maayos, kung kailangan ba ng nutritionist, at kung magaling ba ang OB dahil gustong siguruhin na magiging maayos ang unang apo.
"Lately po, nagho-homeschool ako. Pina-register po ni Cavin na ma-prio ako for homeschooling dahil madalas po akong inaantok," sagot ni Niana nang itanong kung hindi ba siya hirap sa klase. "Pero kapag kaya ko naman po, pumapasok talaga ako sa school."
Cavin's mom moved closer to Niana and held her hand. "Hindi ka naman nahihirapan?"
"Noong first month po, sobrang hirap pa po ako. Wala pong alam si Cavin noon kasi hindi pa rin po ako sure, e." Yumuko si Niana dahil nagsinungaling na naman siya. "Pero naging okay naman po. Noong nalaman naman na po niya, inalagaan na po niya ako."
"That's good to hear," sabi ng mommy ni Cavin. "Kung sakaling meron kang gustong kainin, sabihan mo kami ng mama mo, we'll cook it for you. Don't stress much, okay? Tama rin si Leonel, huwag ka munang papasok sa office."
Hindi alam ni Niana kung ano ang gagawin dahil ang sinusweldo niya, iyon ang ibinibigay niya sa parents niya. Kahit na mayroong pera galing kay Cavin, galing sa bayad nito sa pagpapakasal nila, malaking tulong pa rin ang sweldong iyon.
"Huwag mo kaming alalahanin," bulong ng mama niya nang magpaalam ang mommy ni Cavin para kumuha ng cake. "Malaki ang kinikita ng canteen. Nasimulan natin 'yung pag-harvest doon sa lupang nabili natin sa probinsya kaya wala kang dapat alalahanin."
Tumango si Niana sa assurance ng mama niya.
Late na rin umalis ang mga magulang nila dahil nag-enjoy pa sa kuwentuhan. Ang daming plano, ang daming suggestions, ang daming kuwento, at kung ano-ano pa.
"Malamig na." Cavin covered Niana using his coat. "Hindi ka pa ba inaantok?"
Humarap si Niana kay Cavin at tinitigan ang asawa. "Something's bothering me and gusto kitang makausap."
Cavin nodded and held Niana's hand. Mahamog na sa balcony kaya sa living room sila mag-uusap at maingat na pinaupong patagilid ang asawa sa legs niya mismo habang nakapalibot ang braso sa katawan nito.
"What's bothering you?" Cavin asked while kissing Niana's cheek. "May nasabi ba akong hindi maganda kanina?"
Niana nodded. "Actually, oo. Napapansin ko na kasing kapag nasa harapan tayo ng family mo o family ko, may mga nasasabi kang hindi pa natin napag-uusapan. Like 'yung plano mong pagbili ng bahay. Wala akong alam, Cavin."
Cavin stared at Niana and chose not to say anything.
"Ayaw ko sanang ganoon, Cav. Gusto ko sana na ako muna ang tanungin mo kung puwede? Medyo ang off kasi sa akin na sila ang unang makakaalam o sabay-sabay kaming makakaalam sa plano mo bago ko malaman," Niana said without hesitation. "Cavin, sa ganoon na tayo nagsimula. Ni-legal mo ako sa parents mo nang walang alam. Sana naman huwag na ganoon ngayon."
Tumango si Cavin at yumuko dahil may punto si Niana. "Sorry," bulong niya.
"Na-corner na naman kasi ako, e. Ganoon na kasi ang nangyayari sa atin. Nako-corner na ako, wala na akong karapatang mag-decide, kasi nasabi mo na sa kanila at ayaw kitang mapahiya kasi asawa kita, pero next time, sana kausapin mo muna ako."
"Sorry." Cavin buried his face into his wife's neck. "Sorry, baby, I'm sorry."
Mahinang natawa si Niana at hinaplos ang pisngi ni Cavin. "Hindi ko sasabihin okay, kasi naiinis ako, pero sana huwag nang mauulit, ha? Kung may plano ka, sabihin mo sa akin. Kung may plano ako, sasabihin ko na rin sa 'yo. Basta ayaw ko na hindi ko alam, may desisyon ka pala."
"Yes, love."
—
"Baka hindi ako matanggap doon." Pabagsak na sumandal si Win sa upuan at inihiga ang ulo sa balikat ni Yannica. "Natatakot ako, Niana! Kasi naman, kapalit mo kaagad? Wala akong alam sa mga secretary task!"
Niana chuckled and shook her head. Nasa cafeteria siya kasama sina Yannica, Winslet, Valentina, at Majuri dahil pare-pareho nilang break. Medyo nawala na rin ang pagiging antukin niya nang makalagpas sa first trimester.
"Bakit ka palaging may chewing gum?" tanong ni Majuri kay Niana. "Pansin ko talaga sa 'yo, hindi ka nawawalan ng nginunguya. Lalo after kumain. Habit?"
Niana nodded. "Oo, ayaw ko kasi ng after-taste ng mga pagkain kaya kapag wala akong time para mag-brush kaagad, chewing gum."
Totoo naman iyon. Kahit hindi pa siya buntis, ganoon na ang ginagawa niya. It was either chewing gums or candies or chocolates, anything na makapagpapaalis ng lasa.
"Kaya mo 'yun, Win!" pag-cheer ni Yannica. "Kung sakali naman, puwede mong tawagan si Niana o magpaturo ka sa magte-train sa 'yo. Matalino ka naman kasi, tamad ka lang."
Tahimik na nakatingin si Niana kay Winslet dahil nag-offer siya kung gusto nitong i-fill in ang position niya sa Karev Telco lalo na at ayaw na siyang papasukin ng daddy ni Cavin.
"Thirty thousand ang sweldo, may allowances ka tulad ng transpo, clothing, and food. May free gadget ka rin like iPad na magagamit mo. Tapos aayon ang schedule mo base sa 'yo. For example, hapon ang pasok mo, puwede kang pumasok sa umaga or vice versa. Sila ang mag-a-adjust sa 'yo," pagpapaliwanag ni Niana. "Grab mo na, maganda offer nila sa employees."
Huminga nang malalim si Win at tumingin sa likuran ni Niana. "Asawa mo."
"Shush!" mabilis na tugon ni Niana na ikinatawa ng mga kaibigan niya.
"Hey, love." Cavin kissed the top of Niana's head. "Hindi ka pa uuwi? May last class pa ako, gusto mong wait mo na lang ako tapos sabay na tayo?"
Lumebel si Cavin sa mukha ni Niana habang kinakausap ang asawa. Ang cute ng pagkakaayos ng buhok dahil para itong si Chun-Li kung saan naka-bun ang magkabilang side ng buhok.
"Sige lang," sagot ni Niana. "Wait na lang kita. May class na rin silang tatlo mamaya, pero plano kong mag-stay sa library."
"Okay, roon na lang kita pupuntahan." Tumayo si Cavin at hinalikan si Niana sa pisngi. "I'll get going. Message mo na lang ako."
Niana nodded. "Okay, good luck sa recit."
"Thanks, baby." Hawak ni Cavin ang phone dahil nag-message raw ang mommy nito na nag-send na naman ng articles na ikinatawa nila. "Mommy talaga."
"Umalis ka na, male-late ka pa," paalam ni Niana at humarap sa mga kaibigan.
Cavin nodded and turned his back on Niana. "Yeah, text me. Love you."
"Love you, too."
Sandaling tumigil ang mundo, tumigil sa paglakad si Cavin, napatitig si Niana sa hawak na candy, at sinubukang iproseso ang narinig bago nagtama ang mga mata nila.
"I'll get going." Cavin immediately left, and Niana nodded.
Majuri frowned. "Gulat na gulat sa love you? Parang 'di mag-asawa, ha, first time?"
Niana looked down and didn't say anything because her heart was in chaos.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top