Chapter 15
Niana was staring at nowhere, feeling the subtle wind, watching how calm the blue sea was, and inhaling the fresh scent of the salty air. Her hair swayed based on the wind's direction and looked down when she felt the warm water touch her feet.
"Having second thoughts?"
Lumingon si Niana at nakita si Cavin na nakapamulsang papalapit sa kaniya. "Hindi." Ngumiti siya. "Ang ganda lang dito. Ayaw kong magtanong ng presyo, pero sobrang ganda."
"Tayo lang ang nandito, our family, and the guests," sabi ni Cavin at tumabi ng tayo kay Niana. "I—we made sure na walang ibang makaka-book sa araw na ito. Pero bukas, meron na raw."
Mahinang natawa si Niana. "Paano mo nagawa 'yun?"
"Do you really wanna know?" Cavin asked. "I am hesitant to tell you because you're gonna be my wife. But I was desperate because this is the only place we could get in such a short period of time."
"Oo naman." Niana raised her brow. "So, paano nga?"
Ipinalibot na muna ni Cavin ang tingin sa buong paligid at ganoon din ang ginawa ni Niana habang hinihintay ang sasabihin ng binata.
"Pero seryoso, ang ganda nitong lugar. Sobrang sosyal nga lang na kailangan pa nating mag-chopper." Niana remembered the scene inside the chopper. "Masakit pa ba ang pagkakakalmot ko sa 'yo?"
Inilabas ni Cavin ang kamay mula sa bulsa at tiningnan ang sugat na natamo niya sa pagkakalubog ng mga kuko ni Niana habang nasa chopper papunta sa nasabing isla. It was Niana's first time and he understood.
"It's still here." Itinaas ni Cavin ang kamay na ipinakita kay Niana ang Band-Aid sa may daliri at mahinang natawa. "This entire island, this resort is owned by Alonzos. They are friends and . . . Hera, their daughter, we know each other since we're on the same circle."
Tahimik na nakikinig si Niana habang nakatingin kay Cavin. Hindi niya ma-gets kung bakit ito nag-stutter at kung bakit parang nahihirapan nitong sabihin ang tungkol doon.
"Hera Alonzo." Cavin was hesitant, but he had to be honest. "Hera and I used to have this odd relationship."
"A, naging girlfriend mo siya?" inosenteng tanong ni Niana.
Cavin lightly shook his head and massaged his nape. "Nope, she didn't become my girlfriend. W-We were buddies. Fuck buddies."
Nagulat si Niana sa sinabi ni Cavin. Naririnig niya ang mga ganoon at nababasa, pero ito ang unang beses niyang makakilala ng nag-engage talaga sa ganoong setup.
"Seryoso?" Nanlaki ang mga mata ni Niana. "Nag-e-engage ka pala roon?"
Hindi nakasagot si Cavin sa tanong ni Niana dahil obviously, Hera wasn't the only "buddy" he had. Madalas pa nga na iba-iba lalo na at ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. It was just his past time.
"They own this island," nakayukong sabi ni Cavin bago hinarap si Niana na tumatango-tango lang. "Hindi ka magagalit na itong lugar ang pinili ko? Knowing na . . . ex-FUBU ko ang may-ari?"
"Siguro kung boyfriend talaga kita at totoo ang relasyon natin, baka magalit ako. Kasi medyo odd and off 'yun," Niana explained. "Pero since pretending lang tayo at wala namang feelings, okay lang. Ang mahalaga, mairaos na 'tong kasal na 'to."
Hindi nakasagot si Cavin at nanatiling nakatitig kay Niana na nakatingin sa kawalan. The wedding plan would take place in a week. Bukod sa mga magulang nilang dalawa, invited rin si Iryn dahil ito lang ang nakaaalam ng tungkol sa kanila.
"Sure ka bang walang makalalabas tungkol sa atin?" tanong ni Niana at ibinalik ang tingin kay Cavin. "Nagulat ako sa inimbita mo, hindi ko in-expect."
"I'm friends with Zayned of Sangria. Noong nag-aayos kasi tayo ng kasal, noong nagfi-fitting ako, narinig ko 'yung boses ni Jagger," sabi ni Cavin. "Kaya 'di ba, tinanong ko kung nakikinig ka sa Sangria. Turns out, slight fan ka nila."
Ngumiti si Niana at naglakad papunta sa isang inclined chair at sumunod sa kaniya si Cavin. "Oo, paglabas pa lang nila noon, nakikinig na ako. Maganda kasi mga itinutugtog nila."
"The reason why I asked them to come. Don't worry, they signed an NDA for us," Cavin assured Niana that everything was gonna be okay. "Mababait sila, don't worry much about them."
Tumango si Niana at ibinalik ang tingin sa karagatan. Kinabukasan ang kasal nila at magkakaroon pa nga ng family dinner kasama rin ang mga guest para sa kanilang dalawa.
They would just enjoy their island stay and meet again for the wedding.
—
The dinner went well and their parents decided to go back to their respective rooms to rest. Niana and Cavin stayed to have fun with Sangria.
Halos hindi makahinga si Niana habang ipinakikilala ni Cavin sa banda lalo nang makamayan niya si Naveen dahil ito ang ultimate crush niya sa lahat.
Nakapalibot sila sa isang bonfire habang nakasalampak sa blanket na nasa buhangin. Medyo mahangin din at imbes na uminom ng alak, nag-enjoy na lang sila sa pagkanta dahil may dalang gitara si Seven, katabi si Indi.
Itinutugtog nito ang Lost Stars ni Adam Levine.
Ang alam ng banda, totoong magkasintahan sina Cavin at Niana. At sa tuwing mayroong tao sa paligid nila, they would act natural as if they were in love.
Cavin would caress Niana's back, Niana would look at Cavin as if they were in love . . . and it was hard.
"Ikaw, Niana, marunong ka bang kumanta?" tanong ni Indi. "Or maggitara?"
Nilingon ni Niana si Cavin dahil hindi niya sinabi ang tungkol doon. Oo, marunong siyang tumugtog dahil mayroong nagturo sa kaniya. She used to love playing music until the person who taught her broke the promise and left.
"Oo, puwedeng pahiram? Susubukan ko lang ulit. Matagal na rin kasi ang huli, e," nakangiting sabi ni Niana.
Si Cavin na rin mismo ang kumuha ng gitara mula kay Indi bago bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Niana na ilang beses na munang huminga bago inabot ang gitara.
Niana had to breathe multiple times before slowly playing the guitar. Naramdaman niya ang sakit ng paglapat ng darili niya sa string dahil hindi na siya sanay. Halos hindi na rin niya alam kung paano ang porma, hanggang sa maalala ang huling kantang inawit bago tuluyang umalis ang taong nagtapon sa mga pangako.
"Do you remember happy together? I do, don't you?" Niana sang in a low voice. "Then all of a sudden, you're sick to your stomach. Is that still true?"
Hindi inakala ni Cavin na malamig at masarap sa tainga ang singing voice ni Niana. He had no idea about it and he was shocked. Sumasabay pa ang tunog ng mahinang alon, ang pagsipol ng hangin sa pagkanta ni Niana.
Niana sniffed and continued strumming the guitar. "You said 'forever' and I almost bought it . . . I miss fighting in your old apartment. Breaking dishes when you're disappointed. I still love you, I promise."
Cavin could hear the pain from Niana's voice and it was making him curious. Halatang mayroong nanakit base sa pagkakanta at bigla siyang napatitig sa tattoo na nasa batok nito.
"You have a good singing voice!" It was Zayned. "It was emotional, which is rare. It's almost a whisper, but the emotions are there."
Ngiti ang isinagot ni Niana at tumayo para ibalik ang gitara kay Seven.
"Guys, inaantok na ako," pagsisinungaling ni Niana. "Mauuna na ako, ha? Thank you pala ulit sa pagpunta ninyo and see you tomorrow."
Nagtaka si Cavin dahil ilang beses niyang tinanong si Niana kung inaantok na ba ito at sinabing hindi pa, gusto munang tumambay, at gusto munang magpalipas ng oras.
Cavin stood up and said goodbye to the group. Sinabi pa niyang kung gustong uminom ay mag-order lang at siya na ang bahalang magbayad ng bills.
"We'll get going, ha? Gusto ko na rin munang magpahinga," pagpaalam ni Niana sa grupo.
"Ako rin, susunod na ako kay Niana." Ngumiti si Cavin sa grupo at sumabay maglakad kay Niana.
Nang medyo makalayo na, hinihintay ni Cavin si Niana na magsabi sa kaniya, pero nanatili itong tahimik.
"Something bothering you?" Cavin asked.
"Wala naman, inaantok lang talaga ako." Tipid na ngumiti si Niana. "Dapat nag-stay ka na muna roon. Okay lang ako dahil balak ko na ring matulog. Ayaw ko namang magmukhang bangkay bukas."
Cavin chuckled and brought Niana to her cabin before going back to his.
Kung tutuusin, puwede pang mag-stay si Cavin at makipag-jam sa mga kaibigan, pero mas pinili niyang magpahinga para sa kasal kinabukasan.
Both Cavin and Niana felt guilty when they saw how happy their parents were during dinner.
Masaya ang mga ito and they were even celebrating the love they had. Nagbigay pa nga ng messages sa kanila ang mga ito at sinasabing sana ay maging maayos ang pagsasama nila.
But then again, both of them would do anything to make their parents happy.
—
Cavin and Niana chose an intimate outdoor wedding by the beach during the sunset. It was the easiest option for both of them lalo na at planado na ni Niana ang gusto niyang kasal. Iyon na lang ang sinundan nila ni Cavin para hindi na mahirapan sa details na gusto nila.
Niana had this list of what she wanted for a wedding. She wrote it when she was still in high school—when things were easier.
Malungkot si Niana dahil gagamitin niya ang pangarap sa kasal na hindi naman talaga niya gusto. Sa kasal na pera ang dahilan, puro kasinungalingan, at para sa ikasasaya ng ibang tao.
Ipinagpapasalamat na lang din niyang mabait si Cavin at pareho sila ng goal.
"Ang ganda-ganda mo." Pumasok ang mama ni Niana sa kwarto niya. "Sure ka bang ayaw mong itaas ang buhok mo?" tanong pa nito habang hinahaplos ang buhok niyang nakabagsak lang.
Niana chose to just let her hair flow. Liliparin iyon ng hangin, alam niya. Maganda iyon para magkaroon ng pagkakataong maitago niya ang totoong emosyon ng mukha habang ikinakasal.
Mabilisan ang pag-aayos nila sa kasal, halos wala pang dalawang linggo, pero maganda ang nabili nilang wedding dress.
One of Niana's requests was to choose the dress she would wear. Kahit iyon na lang, pero hindi. Cavin let her choose everything, except for the place.
Ultimo bulaklak na gagamitin sa kasal ay ang gusto ni Niana.
Sinabi sa kaniya ni Cavin na kahit hindi totoo ang "sila", gusto ni Cavin na totoo ang lahat kahit sa kasal.
Totoong gusto ang bulaklak, ang damit, ang kulay, lahat. It was one way of letting Niana feel that the wedding wasn't fake.
Off shoulder dress with laces and pearls ang napili ni Niana. Hindi naman kasi siya komportable sa mga sobrang sexy lalo na kapag labas ang cleavage.
Flowy lang din ang dress na napili niya. Mayroon itong trail na malamang ay malalagyan lang ng buhangin.
"Bagay na bagay sa 'yo," sabi ng mama niya habang inaayos nito ang trail ng dress. "Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ka na. Inaasahan ko kasi na pagka-graduate mo, matatagalan dahil alam kong marami ka pang puwedeng gawin."
Pinilit ngumiti ni Niana kahit na naluluha siya habang nakatingin sa ina. "Na-in love ako, Ma, e," tipid niyang sagot.
Instead of wearing shoes or something, Niana chose something unique.
Nakapaa siyang maglalakad, pero mayroong suot na barefoot sandal. It was personalized based on Niana's liking—laces and pearls.
Marunong maglagay si Niana ng makeup dahil sa trabaho. Siya na mismo ang nag-ayos sa sarili kaya naman bukod sa nakatipid sila sa makeup artist, mababawasan pa ang makaaalam tungkol sa kasal nila.
Niana decided to put on some light makeup, a nude eyeshadow, curled her long lashes, some subtle blush, but chose to go all out on the lips. Bumili talaga siya ng red lipstick na gusto niya para lang sa event, kahit na medyo mahal. Binigyan naman siya ng budget ni Cavin, e.
Cavin stared at the subtle waves of the sea. It was actually calm, but he knew better. What he was facing was a deep ocean with hidden things and he knew that he was marrying a woman with a lot of secrets—which he fully accepted and respected.
"Ready?" It was Zayned. "Wala kang na-invite sa mga tropa mo sa school?"
"Wala." Cavin shook his head and faced Zayned. "Thank you, sa band, for coming, ha? Niana loves Sangria, the reason why I asked you."
"Mukhang sobrang secret ng kasal, ha?" Zayned chuckled. "Buti hindi ka na-arrange? Mabuti na lang din at pakakasalan mo talaga kung sino'ng gusto mo. I mean, it's rare."
Cavin breathed and brushed his hair using his fingertips. "I'm glad, too," he murmured.
Naglakad sina Cavin at Zayned habang pinag-uusapan ang tungkol sa businesses ng pamilya nila. Naka-ready na rin daw ang lahat, pati ang officiant na nakausap nilang magkakasal sa kanila.
Paglabas ni Niana ng cabin, nasa labas na ang mga magulang niya at naghihintay sa kaniya. Nag-iiba na rin ang kulay ng langit at oras na para ma-seal ang kasinungalingan nila ni Cavin.
"Tara na." Ngumiti ang papa ni Niana at hinalikan ang anak sa pisngi. "Naghihintay na si Cavin."
Habang naglalakad, nakahawak ang kamay ni Niana sa braso ng ama. Hawak naman ng mama niya ang bouquet ng mga bulaklak na palanta na dahil iyon talaga ang bet niya.
"Kinausap kami ni Cavin kanina bago kami pumunta sa 'yo."
Nilingon ni Niana ang papa niya at diretso itong nakatitig sa kung saan na may ngiti sa mga labi. "A-Ano po'ng sabi niya?"
"Hindi siya mangangako, pero hangga't kaya niya," tumingin ang papa ni Niana sa kaniya, "aalagaan ka niya. Sinabi ko naman na sapat na sa akin 'yun. Gusto kong maging masaya ka, Niña. Kung sakali mang hindi na masaya, umuwi ka sa bahay natin, ha?"
Inihilig ni Niana ang pisngi sa braso ng papa niya at pinilit pigilan ang luhang pabagsak. Wala na siyang ibang sinabi hanggang sa makarating sila sa venue ng kasal.
Nang makita silang papalapit, naggitara si Seven na katabi si Indi at casual nakaupo sa pahabang sofa. They both sang Say You Won't Let Go in acoustic.
Hindi nila sinunod ang tradition na kailangang may kurtina o ano bago makita ang bride. Kaagad na nagtama ang tingin ni Niana at Cavin nang tumugtog na ang wedding song nila.
Kung sa traditional, ihahatid si Niana ang papa niya, this time, it was different.
Lumapit sa kanila si Cavin at nagmano pa nga sa mga magulang niya bago siya hinawakan sa kamay para igiya papunta sa officiant na naghihintay sa kanila. He even intertwined their hands together as they walked towards the man who would seal their wedding.
Wedding . . . upgraded version of their lies.
The place was casually designed and very untraditional. Nasa labas lang iyon ng events place at imbes na nakaharap ang mga guest sa kanila, nakatagilid ng upo ang mga ito dahil sa setup ng sofa. Mayroong mga coffee table sa gitna, may bean bags na puwedeng upuan, dalawang modern duyan, at mga kandila sa paligid.
The sun was setting and the warm lights were on.
Nililipad ng mahinang hangin ang buhok ni Niana habang nakikinig sila sa officiant.
There were eleven guests in total. Their parents, Iryn, Zayned with his girlfriend; Naveen, Jagger, and Seven with Indiana, his best friend. Sapat na para lang mabuo ang kasal.
Nararamdaman ni Niana ang paghawak ni Cavin sa likuran niya habang nakikinig. Hindi na iyon maintindihan ni Niana dahil lumilipad na ang isip niya sa kung saan.
Wala sa isip ni Niana na hahantong siya sa ganitong sitwasyon, sa sitwasyon kung saan hindi niya kilala ang mapapangasawa niya bukod sa basic knowledge na alam nila sa isa't isa. Hindi niya alam kung tama bang nagpaalipin siya sa pera, pero bumabalik palagi sa umpisa.
Para mabigyan ng masaganang buhay ang mga magulang niya na pangarap nila simula pagkabata.
After ng traditional vow na "I, take you", isusuot na ang singsing at napatitig si Niana sa daliri. Bukod sa bagong suot na wedding ring, suot niya ang ibinigay ni Cavin bilang engagement ring.
It was actually a family ring from Cavin's mom. Mayroong kulay pulang bato sa gitna at ginto ang pinakasingsing na napalilibutan ng maliliit ng diamonds.
Cavin leaned forward and kissed Niana's forehead before she repeated the same vow and wore Cavin's ring.
Hindi inaalis ni Cavin ang tingin kay Niana na tipid na nakangiti habang isinusuot ang singsing sa kaniya. They both acted happy at mukhang naniniwala naman ang mga tao sa paligid nila.
"You may now kiss the bride," the officiant said and smiled at them. "Congratulations!"
Tumingala si Niana nang hawakan ni Cavin ang baba niya. She was ready—no, she made herself ready for the kiss. Hindi naman nila first kiss, but she felt her lips tremble because it would finally seal the deal.
Cavin leaned forward and stared at Niana. Their eyes locked until their lips met. They both closed their eyes and felt the kiss, but Cavin felt a sob from his wife.
His wife . . . yes, his wife.
Everyone was congratulating them, the guests were happy, but their parents were happier. Pareho nilang natanong ang sarili kung tama ba ang desisyon nila, pero sa tuwing nakikita kung paanong ngumiti ang mga magulang dahil sa kanila, sagot na iyon sa tanong.
Masayang kumain ng dinner ang lahat. Sa labas na rin ginanap ang dinner at nagtatawanan pa ang lahat. Cavin's mom couldn't stop holding Niana's hand and told her she was happy.
"Are you okay?" tanong ni Cavin nang mapansing tahimik si Niana. "Inaantok ka na?"
Niana shook her head. "Hindi, gusto kong maglakad-lakad sana? Para akong hindi makahinga, e."
Cavin stood up and looked at everyone. "Guys, I know it's too early, but we kinda walk around. Okay lang bang iwanan na muna namin kayo rito?"
Everyone agreed and told them to enjoy. Nagpaalam silang dalawa sa kaniya-kaniyang mga magulang at sa iba pa nilang bisita.
Hawak ni Niana ang trail ng damit niya nang kunin iyon ni Cavin at ito mismo ang naghawak habang sabay silang naglalakad papunta sa madilim na parte ng beach area kung saan apoy na nasa kawayan na lang ang ilaw.
"Nagsisisi ka na?" Cavin asked and chuckled.
"Medyo? Iba pala pakiramdam kapag nasa sitwasyon ka na, parang nakakasakal na kasi . . . 'yung simpleng pagsisinungaling lang naman natin noon, bakit humantong sa ganito kalalim?" tanong ni Niana at tumigil sa paglalakad. Naramdaman niya ang bigat ng dibdib kaya hindi niya mapigilang lumuha at humarap kay Cavin. "Para tayong nakulong sa sitwasyon ginusto naman natin."
Maingat na ibinaba ni Cavin ang trail ng dress ni Niana at hinawakan ang kamay ng asawa. He even encircled his arms around her waist and brought her closer to him.
"Let's dance. Wala tayong wedding dance," Cavin whispered and kissed Niana's bare shoulder. "I'm really sorry for dragging you into this."
Humigpit ang hawak ni Niana sa balikat ni Cavin habang mahinang humahagulhol. "Okay lang, gusto ko rin naman kasi ng pera, e. Pasensya ka na. Alipin ako ng salapi."
Cavin chuckled against Niana's neck. Naaamoy niya ang pamilyar na pabango ng asawa, ang pabangong naging dahilan kung nasaan sila, kung bakit humantong sila sa kasinungalingan, at kung bakit niya idinamay si Niana sa sariling problema.
"I know a song, I heard it one time," Cavin whispered and sang Pelikula, "Kahit ngayong gabi lang . . . oh, kahit na sandali lang . . . isayaw mo ako, sinta. Ibubulong ko ang musika."
Natawa si Niana at nilingon si Cavin. Halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. "Maganda rin pala boses mo? Malalim."
"Ikaw rin, e," sabi ni Cavin at nagpatuloy sa kanta, "Indak ng puso'y magiging isa . . . takbo ng mundo'y magpapahinga."
Inihilig ni Niana ang ulo sa balikat ni Cavin habang mahina silang sumasayaw at dinadama ang lamig ng hangin. "Parang isang pelikula . . . ilayo man tayo ng tadhana. Bumabalik sa bawat eksena . . . ako at ikaw, wala nang iba."
"Just for tonight, let's just pretend it was real," Cavin whispered and lightly sniffed his wife's perfume. "Just for tonight, let's forget about the deal and try to be real."
Niana closed her eyes. "Para tayong artista sa sarili nating pelikula."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top