Kabanata 03

Pagmulat na pagmulat ko ay ang matiim na titig kaagad ni Dimitri ang bumungad sa akin. Mabilis pa sa kisapamata akong umiwas ngunit napadako ang tingin ko sa leeg niya at lalong nag-init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi.

Kahit unang pagtatalik ito para sa kanya pero likas na sigurong magagaling ang mga lalaki sa ganitong bagay?

"Good morning."

Ang boses nitong lalong lumalim, dahil siguro ay kakagising niya lang rin, ay halos tunawin ako. Sa buong buhay ko, si Dimitri lang yata ang lalaki na matatawag kong 'sexy'.

Pero bakit nandito pa siya? Kadalasan kasi ay umaalis na ito bago pa ako magising.

"How are you feeling?" Sinapo nito ang mukha ko at ang mga nakakagayuma niyang tingin ay nakatutok sakin na may bahid ng emosyon hindi ko mawari.

Gahibla lang ang laypo namin pero ang hirap niya pa rin basahin.

"Savannah?" pagpukaw nito.

Umatras naman akong takip-takip ng kumot ang katawan. "Okay lang a—Ow!"

"Are you okay?"

Tumango lang ako habang hila-hila ang kumot paup at tiniis ang kirot ng katawan. Umupo na rin ito at inalalayan ako.

"Are you sure?"

"Oo. Kailangan ko lang maligo."

"Do you want me to help?"

Halos lumuwa ang mata ko sa narinig. Tama ba pagkakaintindi ko? Kailan pa naging maharot si Dimitri? Parang yelo pa rin ang ekspresyon nito ngunit iyong mga sinsabi niya naman ay nakakapanindig balahibo. Aminin ko man na hindi mabilang ang beses ang pakikipagtalik namin sa nakaraang buhay pero hindi pa ako ganoon kahanda sa ganyang klaseng mga bagay.

Sa halip na sumagot ay tumayo na ako papuntang banyo.

"Wait, Savannah!"

At dahil, siyempre, isa akong dakilang uto-uto ay lumingon pa rin ako. Biglang tumunghay sakin ang hubo't hubad niyang katawan na tila inukit na mahahalintulad sa isang eskultura.

Siguro, iba ang dating ng liwanag ng araw kumpara sa ilaw ng gabi at mas lalaong naging mapang-akit ang katawan nito.

Parang magneto ang mga mata kong dumiretso sa ibabang bahagi ng katawan niya. Tanging mga unan lamang ang natira sa kama kaya kitang-kita ko kung paano nagkaiba ang mga babae at lalaki.

Isipin mo, nakaya ko iyon kahit masakit.

Mga ilang segundo rin bago ako nagising sa huwisyo at tumakbo na ng banyo, ni hindi dininig ang anumang sasbsihin niya.

Pagkita ko pa lang ng repleksiyon ko sa salamin ay napangiwi ako.

Ako pa iyong naglakas loob magyaya kagabi at ito ako ngayon, tadtad ng mga markang kagagawan ni Dimitri at ininda ang hapdi.

Napapikit ako ng marrin. Ni minsan, noon, ay hindi ako nangunang magyaya ngunit hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko. Dahil alam kong hindi pa ito sapat sa pagmamahal na binigay niya sa akin.

Paglabas ko ay wala na si Dimitri. Pagbaba ko ay pumalibot kaagad ang amoy ng agahan.

Nakaupo lang si Dimitri at tila hinihintay ako. Pinatay ko na ang hiya ko bago dumiretso sa tabi niya embes na umupo sa harap.

"I didn't know what you want for breakfast. tatanungin sana kita pero dumiretso ka na sa banyo," ika niya habang inaabot ang mga ulam.

Napatingin naman ako sa hapag. Sino niloloko nito? Paborito ko 'to lahat. Iyong corned beef na may patatas tapos spam? Hinding-hindi ako maniniwala na ito ang noirmal niyang kinakain.

Bakit ba hindi ko ito napansin noong una? Kahit maaga man ito umaalis sa kama pero sinasamahan niya lagi akong mag-umagahan kung wala itong taping out of town.

"Sino nagluto?" tanong ko ko pa rin.

"The housemaid. You'll meet her later."

Nais kong bumuntong-hininga. Sinungaling talaga. Kailanman ay hindi naman ako nacurious pero nang namatay ako, doon ko lang nalaman na siya ang nagluluto tuwing magksama kami kumain sa bahay.

"May pasok ka ba ngayon?" tanong ko uli.

Napahinto ito sa pagsubo at tinignan ako ng maiigi. Sabagay mukha naman talagang tanga ang tanongko. Sino nga ba ang papasok matapos silang iksasal?

Sandali—

'Di ba pumasok rin siya noon dahil may shooting yata sila?

"Hindi ka aalis?"

"Do you want me to?" naniningkit ang mga matang balik-tanong nito.

Mabilis pa sa alas-kuwatrong umiling ako.

Sumandal ito sa upuan. "I won't go anywhere, Savannah," saad nitong parang nangangako.

Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko habng sumusubo. Nanaig ang katahimikan pagkatpos pero ito iyong tipong komportable lang.

Nang matapos kami ay dinala niya ako sa office.

"I already agreed to invest in your father's company. I also have a copy of our prenup."

Kagyat naglaho ang ngiting kong kanina pa nakapaskil at para akong sinampal ng katotohonan habang inaabot niya ang mga papeles.

"Dimitri...Pwede kayang—"

Hininto ko kaagad ang mga nais kong sabihin nang may mapagtanto. Iba na ngayon. Hindi ko pwedeng biglain si Dimitri dahil ako lang ang nakakaalala. Tama na iyong sinubok kong manguna kagabi.

Kung ako ang nasa sitwasyon niya, siguro mahirap paniwalaan kung biglang magbago ang isip ko. Sa mga panahong ito ay alam kong kinaayawan ko ang kasal na ito tapos bigla na lang para akong higad na dikit ng dikit?

"What is it?"

Pinilit kong ngumiti. "Wala. Itatago ko na lang 'to. Thank you."

Hindi man ngayon pero kahit dahan-dahan, sisiguraduhin kong hindi magsisi si Dimitri na pinakasalan niya ako.

Ang akala kong buong araw lang kami sa bahay ay hindi natuloy. May emergency daw sa kompanya nina Dimitri at kailangan siya doon.

Hindi man kita sa mukha niya ay ramam ko ang yamot nang umalis siya. Pinagmasdan kong lumayo ang sasakyan bago sinarado ang pinto.

Bumalik ako sa salas at tila rin ako bumalik sa oras. Tuwing wala si Dimitri ay nasa bahay lang ako. Walang pinagkaiba ang bahay na ito sa pagkakatanda ko pero bakit may mga bagay na parang nagabago?

At bakit siya sa kompanya pupunta? Hindi ba pinaubaya na ni Dimitri ang negosyo nila sa nakababatang kapatid niyang si Atlas?

Habang okupado ako sa pag-iisip ay tumunog ang cellphone ko. Nagtagpo ang kilay ko nang makita kung sino ang tumatawag.

Inignora ko na lamang ito pero nang kusa itong matapos sa pagring ay nagring uli. Ngayon, panagalan naman ni Mama ang tumambad sa screen.

"Hello, Ma" bati ko.

"Your sister is late at wala ka pa. You're her assistant tapos ikaw pa itong nahuhuli," reklamo nito pero napatunganga ako sa saad niya.

"Huh? Assistant?"

Narinig kong napapalatak ito. "Hindi ibig sabihin na nakapangsawa ka ng mayaman ay hindi mo na tutulungan ang kapatid mo, Savannah. You owe our family dahil sa magaling mong ina."

Napababa naman ako ng phone. 'Diana' ang nakalagay at ang number niya ay ganoon pa rin naman.

"Anong ibig mong sabihin, Ma?" sabi kong may bahid ng pagatataka.

Tumawa ito ng pagak. "Are you an idiot? Nagpakasal ka lang, hindi nagka-amanesia."

"Ma—"

"And stop calling me that. Hindi ibig sabhin na pinayagan kita kahapon ay matatwag mo na ako ng ganyan. You're not my daughter, remember that!"

"Huh?"

"'Huh' what? Kaialn ka pa gagalaw diyan? Get yourself here right now!"

Hindi ko alam kong nabingi ako sa sigaw nito o sadyang nakakabingi ang mga huling salita niyang umalingawngaw nang tinapos ang tawag.

Wala akong maiisp na posibleng rason kung bakit hindi ako anak ni Mama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top