Kabanata 02
"I do."
Napaurong ako sa baritonong boses pumukaw sa aking diwa.
Ang mga titig ko'y nagtagpo sa mga kulay abong mga mata na hinding-hindi ko pwede ipagkamali sa iba.
"Dimitri..." mahinang sambit ko at ang noo'y kumunot.
Pwede bang managinip ang isang multo?
Hindi ko maintindihan bakit ako nakatayo dito suot ang damit pangkasal. Pumalibot ang tingin ko pero malabo ang lahat dahil sa belong nakatakip sa aking mukha.
Pero agaran ko naman naramdaman ng itaas ni Dimitri ang belo.
Ni hindi ko na narinig ang sinasabi ng pari habang nakatutok sa mukha ni Dimitri. Ngunit ang inaasahan kong pagdampi ng mga labi ay hindi nangyari - sapagkat humilig ito sa tenga ko.
"Just act, Savannah."
At bago pa rumehistro ang ibig sabihin nito ay mabilis nitong sinakop ang labi ko.
Ang akala kong simpleng halik ay lalong luamlim sa palibot ng sumagabong palakpakan.
Umatras na ito at hinawakan ako sa braso. Walang kangiti-ngiti sa mukha nito pero normal na yata iyon para kay Dimitri.
Maliban sa pag-arte ay hindi na nag-iiba ang ekspresyon nito. Kung hindi lang alam ng mga tao kung gaano siya kagaling ay aakalain talaga na parang naparalisado ang mukha nito.
Kapagkuwan ay tinawag na ang mga bisita para sa picture taking.
"The bride's family please."
Lumapit sina Papa pero nang makita ang mga katabi niyang naglalakad patungo sa akin ay nanlaki ang mga mata ko.
Bakit magkahawak kamay sina Papa at Mama?
Matagal na silang annulled at parang mga aso't pusa kung mag-away tuwing nagkikita.
At bakit kasama nila si Astrid?
Nasaan sina Tita Phoebe at Daphne?
Hindi ko mang perpektong naalala ang araw ng kasal ko noon ay alam kong sina Papa at Tita Phoebe na ng panahon na iyon.
Nananaginip nga ba talaga ako?
Natapos ang pagkuha ng mga litrato na balisa pa rin ako. Wala na talaga akong maintindihan.
Bakit parang bumalik ako sa oras ng kasal pero iba ito sa aking mga alaala?
Nang dumating na sa reception ay mas lalo lamang akong naguluhan. Nakita ko iyong mga kaibigan ko pero nakatingin lamang ako sa direksyon ng pamilya ko.
Malapad ang ngiti ni Mama habang nakikipag-usap kay Astrid. Sa pagkakaalala ko, ayaw na ayaw ni Mama sa kanya. Hindi ko pa man alam na totoong kapatid ko sa ama si Astrid noon ay lagi na itong pinapahawatig ni Mama.
Pero bakit parang magkasundo na sila?
"Excsue me, washroom lang ako," paalam ko kay Dimitri matapos ng welcome toast.
Iyon lang kung narinig niya dahil dinayo na siya ng mga kaibigan niya.
Nakailang hakbang palang ako ay agad akong pinalibutan ng mga kaibigan ko. Isa-isa silang nagyakapan at binati.
"Congrats, Savannah! Grabe, sabi na kung sino pang tahimik ay siyang unang ikakasal!" sabi ni Beverly at umabrisete sakin.
"Add that she's NBSB rin ha. That's like so wattpad kaya!" dagdag naman ni Jade.
"Ikaw lang naman dito ang nangongolekta ng lalake," pasaring ni Margaret.
"That's so rude, Marj! What should I do ba when boys na lumalapit sakin?"
"Hindi ibig sabihin noon ay papatusin mo na lahat, Sophia Jade. Tapos, ano? Iiyak ka namana sa amin tapos bago na naman, tapos iyak ulit. Buti na lang talaga nag-artista ka at napagsilbihan mo yang pagiging iyakin mo—"
"Oops, oops. Kalma at baka magsabunutan kayo," pigil ni Beverly.
Napatawa naman ako sa kanila. Kung hindi man ako sa swerte sa pamilya, masasabi ko namang sobrang pinagpala ko sa mga naging kabigan ko.
"Anyway, Savannah love, I can't believe na you got the infamous Dimitri Quintos!" biglang puri ni Jade. "Once the photos of the wedding are released, I'm sure maraming iiyak."
"Pero mag-ingat ka diyan sa kapatid mo, Savannah. Ang lagkit pa rin ng tingin sa asawa mo," sabi ni Margaret at nakatulis ang bibig sa direksyon ni Dimitri.
Ilang segundo lang ako nawala pero nasa tabi niya na si Astrid.
Naalala ko biglang ang mga sabi nila noon. May gusto nga si Astrid kay Dimitri. At kahit noon ay binabalaan na ako ng mga kaibigan ko pero tanga nga siguro ako at hindi naniwala sa mga sinasabi nila.
Pero kahit na ganoon ay kampante ako ngayon dahil alam ko kung sino ang laman ng puso niya.
"Ngiting-ngiti ka diyan ah. Hindi ka ba nag-aalala?" sabi ni Maragret.
Kumibit-balikat lamang ako. "Saan nga pala si Cal?"
"Nag-toilet lang, kain ng kain eh," sabi ni Beverly bago niya ako hinatak sa table nila.
Pagkalipas ng ilang minuto, ay may biglang nagtakip ng mga mata ko. Ramdam ko yata ang titig ng lahat sa lakas ng tili ko kahit may mga daliri pa rin sa mga talukap ko.
"Ew, Callie. You're ruining the make-up kaya. And did you wash your kamay ba?" nakangiwing puna ni Jade.
Kaagaran naman binawi nito ang mga palad at napatawa. "Of course, I did. Amoyin mo pa!"
Ininat nito ang kamay kay Jade at umiwas naman kaagad ang huli. Napailing ako sa dalawa. Sila iyong maraming ganap sa buhay pag-ibig nila pero sino mag-aakala na sila pala ang ikakasal sa hinaharap?
"By the way, congrats, Savannah." Walang pasab-sabing niyakap ako nito. "Paano ba iyan? Nabawasan na ang mga girlfriend ko"
Napahalkhak naman kami sa saad niya pero agad na tumgil nang may tumikhim.
Paglingon ko ay nakatayo si Dimitri na malamig na kakatitig sa amin.
"The program will start any minute now. Let's go back to our table," sabi nito at inalok ang kamay sakin.
Tinganggap ko naman ito bago nagpaalam sa mga kaibigan ko. Tinawag na kami para sa cake-cutting. Pagkatapos nito ay ang mismong first dance.
Inalalayan ako nito pero kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay ko. Ayaw na ayaw ko talaga ang sumayaw kahit kailan.
"I know I'm not the guy you want to marry but we agreed, Savannah. We're not children anymore so bear with it."
"Okay," wika ko.
Arranged marriage nga lang naman talaga ito, a marriage for our own convenience. Kailangan niya ito para sa kanyang mana habang kailnagan ko ito para tulungan ang kompanya ni Papa.
Pero ngayon, kahit hindi ko alam kung paano uumpisahan, sisigurduhin kong magiging masaya kami ni Dimitri.
Mahirap man paniwalaaan na bumalik ako sa oras ngunit ito na aking pagkakataon bumawi sa mga taong tunay na nagamamhal sa akin.
Halos hatinggabi na ang makuwi kami. Dumiretso kami sa villa niya at ni isang anino ay wala akong makita.
Ngunit bakit pati yata mga sofa ay nawawala?
Umakyat na kami sa taas ng walang kaimik-imik. Binuksan ni Dimitri ang unang kwarto pero wala rin itong laman.
Lumakas ang yabag ng kanyang mga paa habang sinusundan ko siya. Sa ikalawa niya bukas ay wala ring kalaman-laman ang kwarto.
At nang makarating sa dulo ay kumawala ang hiningang pinpigalan ko nang makita ang kama.
Sobrang nakakapagod pala talaga ang ikasal at gusto ko na lang tumalon sa higaan.
Normal naman na linisin ang bahay pero bakit sobrang linis naman at nawawala na ang mga gamit? Muntik ko na ngang isiping nasa maling bahay kami napadpad.
Pagpasok ay umupo kaagad ako at hinubad ang sapatos. Pinilit kong tanggalin ang zipper sa likod pero nanlalambot na talaga ang kamay ko.
"Dimitri," tawag ko. "Pwede mo bang ibaba to?"
"What?" May halong gulat ang boses nito.
"Hindi ko kasi maabot," pagrarason ko.
"Are you not shy?" balik tanong nito.
"Huh?" Huli na ng magpatanto kong unang gabi pala naman ito.
Hindi man matatawag na happy marriage ang relasyon namin noon pero pagdating sa relasyon sa kama ay wala akong masabing masama kay Dimitri.
Siguro ang totoo niyang damdamin ay naipapakita niya lamang sa mga oras na walang kahit anong saplot na sumasagabal sa amin.
Pero bakit kailangan niya itong itago. Inaamin kong pumasok ako sa kasal na ito na walang pagmamahal pero pwede naman matutunan iyon 'di ba?
Kahit nga katiting lang ang pinapakita niya sa akin ay nakaya ko siyang ibigin, paano pa kaya kung ipinakita niya ang kanyang totoong naramdaman?
"Gusto ko lang magpalit ng damit," sabi ko uli ng hindi pa rin siya gumagalaw.
Tumalikod na ako at rinig ko ang mga hakbang niya bago niya binaba ang zipper. Hawak-hawak ko ang gown at kumuha na ang damit sa closet.
May mga pantulog na doon at tulad noon ay sobrang mapang-akit ang mga nakasampay. Pinili ko na lamang ang sa tingin kong kakayanin ng hiya ko.
Dumiretso na ako sa banyo at nag-ayos. Pilit kong inaalala ang unang gabi namin. Hindi tulad ngayon, pagdating namin sa bahay ay halik niya kaagad ang sumalubong sakin.
Nakakpagtaka talaga kung bakit pareho ang mga ganap pero may ibang mga pagbabago na hindi ko matandaang nangyari.
Paglabas ko ay dumako ang tingin ko sa kanya pero ni hindi niya akong tingnan at kumaripas sa banyo.
Humiga na ako sa kama habang nilalabanan ang antok. Mga ilang minuto rin ang lumpisa bago naging tahimik ang buong silid.
Nang matapos siya ay naka-pajamas na ito pero dumako kaagad ang tingin ko sa kanyang kamay. Hindi ko man napansin ito kanina dahil sa mahaba nitong manggas pero ngayon ay kitang-kita ang ginto bracelet nito.
Tandang-tanda ko ang bracelet na iyon. Kailanman ay hindi natanggal iyon sa pulso nito pero nang nawala ako ay nakalapag na lamang ito sa tapat ng liitrato ko sa bedside table.
May mga kataga doon na hindi ko mawari noon. Kung hindi lamang sa kapatid nito ay hindi ko talaga malalaman ang ibig sabihin nito.
Unti-unting umangaat ang magkabilang dulo ng bibig ko. Para mang iba na ang lahat pero alam kong siya pa rin ang Dimitri na kilala ko.
Lumapit siya sa kama at umusog naman ako. Iyon lang, kumuha lang ito ng unan.
"Grandpa took all the things in my house. I'll sleep on the floor."
"Huh?"
Hindi na ito sumagot at tumalikod na. Agad-agad ko naman siyang pinigilan.
Sa sobrang desperada ko siguro ay napalakas ang tabig ko sa kanya. Isang hila ko lamang ay napabalikwas ang katawan nito sa kama.
Tumayo agad ito pero nakahawak pa rin ako sa kanya.
Hindi ko alam bakit biglang nanubig nag mga mata ko. Kahit akala kong ayaw niya sa akin noon ay hindi niya ako tinanggihan ng ganito ka grabe.
"Ayaw mo ba sakin?" nakayukong saad ko.
Naramdaman ko na lang ang paglubog ng kama pagkatapos ay tinaas niya aking baba. Halos malunod ako sa mga mata nitong tila kulay ng langit tuwing umuulan.
"Are you sure about this?" wika niya.
Tumango ako at pinalibot ang aking mga bisig sa kanyang leeg. "Make me yours, Dimitri."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top