Chapter 5:Ang Pagkikita

KHYLE REDGE VILLABY POV

Natapos rin sa wakas ang ilan sa mahihirap kong subjects. Mamaya pang alas onse ang next class ko . Putragis na babaeng yon naisip ko na naman, kahit papaano nawala narin ang sakit sa balakang ko at nakapagpalit narin ng matinong damit. Dahil sakanya lahat ng to eh

Ang weird pa nga niya. Tsk! Akalain mong nag aalangan pa siyang ibigay yung damit, sa mga kilos niya pa nga lang kanina parang napipilitan na siya

*Phone Ring

Ma Calling

*Accept.

("Good morning anak! How are you? Sorry di na kita natawagan ulit kahapon.Nag over time pa kasi ang mommy.")

"*chuckles* its okay ma. I understand.. Nakapagpahinga kana man bang mabuti?"

Tatanungin ko sana siya tungkol dun sa marriage papers pero sa susunod nalang siguro.

("Where are you now?")

"School mom. Papunta sa Gym."

("Oh.. Anyway.. Tumawag sa akin ang tito mo. Nagusap daw kayo kahapon?")

*sigh*

"Hala anjan na siya hihi."

"Lapitan mo dali! Tanungin mo ang pangalan."

"Ano ba kayo! Ang lilikot niyo! Saka nalang pwde? Baka masungitan tayo."

-.-

"Yes mom. Tungkol kay dad.. Gusto niya akong puntahan siya."

("Eh bakit kasi hindi mo siya puntahan?")

I don't know kung handa na akong makita siya ulit..

("Anak.. Tatlong taon na ang lumipas.. Patawarin mo na siya.")

Sana nga ganun lang kadaling magpatawad mom..

"Ahhhgg mom.. Let's not talk about him. Kailan uwi mo?" Pangiiba ko ng usapan.

("Secret anak.. Haha")

"Aish! Secret huh? Whatever mom."

("Hahaha osige na. Magpre-prepare pa ako papuntang work.. Take care always okay?")

"Yep. You too mom.. I miss you"

("Awww.. Hahaha I love you anak.Bye")

*Call End*

Napahinto ako ng may humarang na mga lalaki sa harapan ko. Tsk! Mga basketball players.. Nakajersey eh. Maangas ang itsura.

Binulsa ko ang phone nang nakatingin sa lider nila ng deretso.

"So ikaw yung bagong pasok sa team? Huh?" Maangas na sabi niya. Nahead to foot pa ako.
"Balita ko 4th year college kana. Bakit naman ngayon ka pa sumali?"paki ba niya?

"Tabe" tipid kong sambit.

Napa 'Woah' na man ang mga kasama niya at nagtawanan.

Ano bang problema nila? Kung makatingin akala mo ang laki ng kasalanang nagawa ko.

"Angas mo ah! Isang hamak ka lang naman na transferee psh!" Medyo napaatras ako sa pagkakatulak niya.

Bored ko nalang siyang tinignan at tinagilid ang ulo ko.

Ano bang kailangan nila? Ilang layo nalang ako sa gym eh.

"Ano bang kailangan niyo."

"Kailangan?wala pero paalala meron! Tandaan mo 'to boy! Sa oras na makapasok ka. Tanggalin mo yang kayabangan mo sa katawan!" Binagga pa nila ang magkabilang braso ko hanggang matumba nanaman ako sa sahig.

'Yabang sa katawan? Hah! Kailan pa ako nagyabang? Eh sila nga 'tong ang yayabang tignan.'

Ginulo ko ang buhok ko at inayos ang damit nang may nag alok ng palad sa harap ko. Mula sa MGA paa hanggang mukha.. Unti unti kong nilingon ang may ari nun.

Isang babaeng all in black ang attire.. May mga kasama siya sa likod niya.Lahat sila nakatingin sa akin..

"Need help?" Di siya nakasimangot o nakangiti.

Normal lang.

Matagal bago ko inabot ang kamay ko sakanya.Pinagmasdan ko pa kasi ang itsura niya .. parang .. Nakita ko na siya somewhere.. Uh?whatever!

'Aish! Ano ba khyle! Sa dami ng nakakasaluha mong tao baka isa siya dun!'

>.<

"Thanks" pagpapasalamat ko nang makatayo na ako.

"Welcome"

Tipid akong ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad.

What? Wala namang masama sa ginawa ko.Nagpasalamat naman ako sakanya.. Nagwelcome siya.. Tapos ang usapan. Besides di kami close.. 

PUMASOK ako sa gym ng nakabulsa ang dalawang kamay. Ang daming tao ah! May mga highschool na naglalaro at cheerers na nag eensayo. Hinanap ng mata ko si Tito.. And there he is. May kausap na kapwa niya professor or PE Teacher.

Tumikhim ako ng nasa harapan nila ako. Pareho naman silang nagulat na makita ako or I should say parehas silang nagulat sa inasta ko. Whatever it is!

Pinakilala niya ako sa kausap niya. Tama ako, PE teacher. Mr Diport.

-_- ang ganda ng surname niya.

Wala naman akong naintindihan sa mga pinagsasabi nilang pareho sa akin puro 'HUH?' look ang ipinupukol ko sa kanilang tingin.

"Mabuti talaga at napapayag mo siyang sumali sa team mo coach. Kahit una at huli niya itong year na ito alam kong mapapasainyo ang championship" PE teacher ba siya o manghuhula?

Sa tono ng pananalita niya siguradong sigurado siya ah!

"Sana nga coach"

"Mangyayari yan coach V"sinulyapan pa ako saka  umalis.

-,- kailangan ba talagang sumulyap pa? Tsk!

"Napanood ko ang video mo khyle"

Video? Taka kong tinignan siya.

"Nung fiesta ng barangay niyo. Vinideohan ka ni Mr Diport habang naglalaro kayo. At ang masasabi ko ibang klase"

-.-

"Bakit niyo po ba ako pinapunta dito?may klase pa ako"pagsisinungaling ko.

"Hayss.. Mainiping binata *chuckles* mamayang hapon may praktise kayo.Pirmahan mo narin 'to"

Binasa ko ang pinapirmahan niyang papel.Baka kung ano nanaman.. Diko pa nga nakakalimutan yung envelope dun sa bording .Hanggang ngayon ramdam ko parin ang inis sa katawan ko Aish!

Tungkol lang naman pala sa basketball.Iniabot ko ang papel pagkatapos..

Di na ako nagtagal pa sa pakikipag usap sakanya. Umalis na ako sa gym at naglakad sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Nakayuko lang akong naglalakad, eksakto dito sa first floor ang next class ko mamayang 11. May kwarenta minuto pa akong nalalabing oras.. Siguro ipapahinga ko nalang ang utak ko wala pa akong tulog.

Nakahanap ako ng magandang spot na bench.Lilim iyon ng dalawang puno pwdeng pwedeng higaan ng dalawang tao sa lawak.. Di mo masyado maririnig ang mga tili o ingay ng kahit sino. Nakakarelaks ang ihip ng hangin.. Tamang tama para sa stress at bangag na taong tulad ko. Hehe..

Inayos ko ang bag ko saka nahiga. Itinakip ko sa mata ko ang isang braso ko ang isa pang kamay ko ay nakalagay sa dibdib ko.

************************************

STEVENSON CASIÑO POV

Kanina pa namin sinusundan si khyle mula ng makita namin siya kahapon. Grabe di parin ako makapaniwalang dito siya nagaaral at nakita namin siya ulit. Matapos niyang umalis sa banda di na namin siya nakita pa noon.. Wala na kaming balita sakanya. Ewan ko lang kila Ced at King malihim yung dalawang 'yun mga bugok!

"Kathy Dela Rosa please.. Give me another chance please?" Nakaluhod na tanong ni Marx kay Kathy.

Naks! Effort ang sikat na modelo. May pa bulaklak pa siya at luhod na eksena ah!

"Woy Tara na.Tignan mo ayun siya oh nakahiga." Si lide yan.

"Pagod siguro .. 3am na siyang umuwi kagabi" isa rin itong si Zach !

Matagal na pala niyang katrabaho si red di man lang pinaalam sa amin.

"Puntahan na natin"

Tahimik kaming naglakad papunta sa pwesto niya. Mukhang tulog nga.. Mahimbing na mahimbing. Dahan dahan kaming nagsiupo sa damuhan baka kasi magising siya halata ngang pagod siya itsura palang.

"Mas naging matured na ang itsura niya." Napatingin ako may lide ng nakatingin siya kay red ng sabihin niya 'yun.

"Bakit? Mukha ba siyang totoy nun?" Binato ko ng damo si Zach.

"Totoy? Yan? Haha baka di mo alam womanizer yan noon Zach! Boy T-Shirt pa ang bansag namin" natatawang sabi ko.

Boy T-Shirt dahil minu minuto may babaeng ka flirt noon hahaha. Sa aming apat, masakit aminin pero mas lapitin siya ng mga chikas!

"Bakit ba kasi bigla siyang umalis sa banda? Kung dahil lang Kay Keightley ang babaw niya" -uh--oh? Eto nanaman si lide.

Tagal din di nagpansinan ang dalawang ito.Sina collide at red, di naguusap simula ng gabing biniro ni red na sakanya muna si keightley ng gabi iyon, hanggang umalis ng tuluyan si red FO na sila. Friendship over.

Saka isa pa akala ko nagbibiro din siya tungkol sa pagalis niya sa fourtune, yung bago siya kumanta nagmessage siya kay Ced.

------------------------------›»»»»»»
(A/N: Yang mga may linya na lines mga flashback po yan okay? Hindi ko na ilalagay ang flashback basta mga guhit nalang sa mga lines ng cast.)
---------------------------------‹««‹‹««

»»»»»
"Magandang Gabi *hik* sa inyong lahat *hik* ako si Khyle *hik* kakanta lang ako ng isang beses *hik*PARA SA KAIBIGAN KO!!!! YEAH! *HIK*"Humiyaw siya sa huling linya."Ced bro *hik* happy birthday! *hik* para sa regalo ko *hik* heto.Kakanta ako para sayo *hik.* Huling kanta ko .. After this.. *hik* quit na ako sa fourtune" turo niya kung saan kami nakaupo
«««

Gulat na gulat kami sa sinabi niya. Talagang seryoso pala siya dun tsk! Hindi pa nga sumisikat ang grupo umalis na siya.

Pero inisip nalang namin na baka may matindi siyang dahilan.

So yun nga.. Nalaman namin kung bakit. Kaya pala, laging wala ang sinasabi ng mga maids nila kasi may nangyaring gulo sa pamilya niya. Hindi sinabi kung ano pero malakas ang kutob kong may masamang kinahinatnan 'yun.

Naalala ko pa tatlong araw ang nakalipas after nung birthday ni Ced. Hinang hina ang itsura niya at may iniinda sa braso. Ang dami naming tinanong sakanya pero wala siyang naisagot puro 'ha?.. Hmm? Wala.. Okay lang.'nakakapagtaka ang ikinikilos niya sa araw na iyon.

'Yun din ata ang huling kita namin sakanya..

Pinuntahan namin siya sa lahat ng alam naming pupuntahan niya. Condo, Bar, bahay ng couz, anti, Tito.. Lahat pero maging sila. Walang idea kung nasaan si khyle.

"Bro, nakalimutan mo na atang umalis siya di dahil sa girlfriend mo.Kung di dahil yun sa problema sa pamilya niya. Maaring di natin alam ang buong storya pero alam kong hindi siya magku-quit kung walang mabigat na rason".

Natahimik si lide sa sinabi ko hahaha. Pag pinaguusapan ang tungkol sakanila nina Keighley,red at siya natatahimik siya pfft.. magsasalita naman siya minsan pero pagtumagal na ang usapan mananahimik na siya.Lalo na't wala na si red sa grupo. Iniisip parin niyang dahil sa gf niya at di siya napagbigyan kaya umalis si khyle.

Tsk! Ilang beses na namin sinabing hindi 'yun ang rason iilingan lang niya kami.

"Ang seryoso naman ng usapan niyong dalawa! Di ako makarelate mga dude!"-Zach

Nagpatuloy kami sa pagku-kwentohan habang hinihintay na magising si khyle. Tungkol sa banda, mga gigs na pupuntahan namin at paramihan ng mga chickas ang usapan. Shempre! Papatalo ba ako? Ako yata ang sumusunod sa yapak ni kyle.

Ayos sana kung di siya umalis, pati ako nanghihinayang din eh. Talentado yang si red, lahat ng instruments kaya niyang tugtugin.. Bilib na bilib nga kami sakanya.Noong nagpaulan siguro ng talent, ka gwapuhan, gising na gising siya tsk! Sinalo lahat eh.

Sana kasama namin siya ngayong, unti unti nang nakikilala ang grupo. May agency ng kumuha sa amin at Una talaga naming naisip nung nalaman namin iyon si khyle.

"Gising na siya"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top