Chapter 4: Marriage Thing

KHYLE REDGE VILLABY POV

Para akong baliw na ginulo gulo ang buhok ko. Paulit ulit akong napapatingin sa envelope, hihiga.. magmumulat biglang titignan ulit ang laman nito .. Kanina pa ako ganito simula ng buksan ko ang laman ng binigay ng mag asawa sa akin.

Kakauwi ko lang galing sa trabaho ng madaling araw, imbes na matulog ako para di ako antukin mamaya sa klase dahil magsisimula na ang klase at pagod pa ako pero heto ako hindi matanggap ang nalaman ko. Nakailang mura naba ako simula kanina pa?

Nang mabasa namin ang 'MARRIED' ni manager ems di pa ako naniwala.Parehas pa nga kaming natawa na halos lahat ng customer napatingin sa amin sa lakas ng tawanan.. Inisip ko nalang na baka tungkol lang yun kila mommy at daddy.. about sa marriage nila.. Pero..

"Aish! Paano nangyari to?!"inis kong bulong.. Baka magising ko ang mga nasa kabilang kwarto. Nakakahiya pa.

Pilit kong inalala kung paano ako nagpirma sa mga papel na hawak ko. Sa pagkaka alam ko kasi lahat ng pinipirmahan ko, binabasa ko ng mabuti kahit abutin ako ng syam syam sa kanauupuan ko o kinatatayuan.

Napahilamos ako sa mukha ko ng nanggigil na tinanggal ang mga damit.Di pa ako nakakapagpalit simula kanina, ngayon lang oras lang na ito ako nakaramdam ng kati sa katawan.

Kumuha ako ng isusuot sa aparador , napasadahan ko pa ang mukha kong salubong na salubong ang kilay.Napakagat nalang sa labi ko sa inis..

Pumasok ako sa banyo at nagsipilyo .. sa pag iisip isang oras kong nilinis ang ngipin ko.Pabagsak kong nilagay sa lalagyan ang tootbrush.

Binuksan ko ang shower nang maramdaman ko ang tubig na dumapo sa mukha ko papuntang katawan ko pababa.Ninamnam ko ang tubig ng nakapikit.Pakiramdam ko nahimasmasan ng konti ang nararamdaman ko. Magkahalung inis at galit.. Ewan ko kung bakit ganito.Siguro, hindi ko lang talaga inaasahan 'yun. Tsk!

Tama nga ako kanina sa naisip ko. May kinalaman talaga sa pagkatao ko yung laman ng envelope na 'yun. Ang dami dami ko na ngang iniisip tas dadagdag pa 'to?

'Eh bakit ko ba prinoprolema 'yun? Kung MARRIED ako eh di MARRIED! as long as hindi makakaapekto sa kasalukuyan kong pamumuhay eh di hayaan!'

Tutal tatlong taon na pala yung nakaraan simula ng napirmahan ko 'kuno' yun. Wala namang naghanap sa akin at sinabing asawa ko siya.

'Eh paano ka nila mahahanap khyle nagtago ka nga in three years diba?! Hinanap ka nga daw ng lahat!'

Aish!!! pero..

Wait.. Legal ba 'yun? Saglit akong natigilan.

*TING!

"Pero kung hindi yun legal bakit pa nila ibibigay sa akin 'yun?Saka di naman sila mukhang manloloko ah! Halata ngang big time sila eh.Imposibe"sambit ko sa sarili.

*ENNNK

I shook my head.

'This is bullshit!'

Mabilis kong tinapos ang pagligo ko at nagpalit.Lumabas ako ng banyong nagpupunas ng buhok.. In-on ko ang electric fan at naupo sa harap nito.Kinuha ko nanaman ang mga papel upang basahin ..

I sighed this is legal.

Ihiniga ko ang
Kalahati ng katawan ko, ang kanang paa ko ay nasa floor.Ang isa naman ay dinekwarto ko .Ginawa kong unan ang dalawa kong braso nang nakatingin sa kisame.

*Phone beep*

Nasa gilid ko lang ang phone ko kaya ng umilaw ito at nagvibrate.Binasa ko ang mensaheng dumating..

From: CEDRIC S.
BRAH! Salamat sa pagpadala nung teddy bear sa condo unit ko! Akala ko wala na yun eh.Thankyou! Anyway kaya ako napatext kasi may kumuha na sa grupo na agency! Tol! Sumama kana sa amin! After how many years ito na yung hinihintay ng FOURTUNE OH!ang mapansin tayo!
*RECEIVED: 04:43AM

Panandaliang nawala ang inis ko sa nabasa ko. Finally.. Ito na ang big break nila.. I'm sure magsisimula na silang sumikat.Nagreply agad ako sa text niya.

To: CEDRIC S.
congrats brah! I'm sure wala pang isang bwan tutunog na ang pangalan ng Fortune.
*SEND: 04:46AM

I guess kailangan ko nga talagang kausapin ang mag asawa na 'yun.

From: CEDRIC S.
Thanks brah pero mas masaya kung kasama ka naming umaangat.
*RECEIVED: 04:48AM

To:CEDRIC S.
I'm busy brah.
*SEND: 04:59AM

-_- diko na nireplyan pang muli si Ced ng magreply ito.Hanggang sa text makulit yan. Kung hindi pa ikaw mismo ang titigil di yan titigil.. Ka baklaan -.-

Bumuntong hininga ako ng pumasok nanaman muli sa isip ko ang laman ng envelope. Tahimik ko itong pinagmasdan mula sa ibaba ng kama ko..

*Tick tock! Tick tock ! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tock tock! Tock tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock! Tick tock!*

Tanging tunog lang ng orasan sa side table ko ang naririnig ko.Nakakaramdam narin ako ng antok pero ilang oras nalang maghahanda na ako papuntang skwelahan..

'Ang sakit ng ulo kong isipin ang mga nalaman ko'

Tumayo ako para magtimpla ng kape upang mawala ang antok ko. Napastretch pa ako ng mga kamay bago kinuha ang tasa..

Woah! Sa oras pa talaga na ito kung kailan palabas ng araw saka ako makakaramdam ng pagod..

"Wag munang magisip khyle.Magsisimula na mamaya ang klase, mag focus ka lang dun."sambit ko muli sa sarili.

Naglinis muna ako ng kwarto habang hinihintay mag 5 ng umaga. Hindi na ako nagluto ng umagahan, sanay na akong dalawang beses kumain sa isang araw.Kape kape lang sa umaga..

Ibinalik ko narin muna ang mga papel sa loob ng envelope at itinabi ito.

*TITTILAOK!! TITTILAOK!! TITTILAOK!! Dinig kong ingay ng mga manok. Binuksan ko narin ang lahat ng pintana ko..

Napasabunot nanaman sa sarili't tumalikod.Nagpalit na ako ng damit .. Simpleng ripped jeans at puting damit saka rubber ang sinuot ko.

-POKER FACE- YAN ANG ITSURA KO NGAYON.

Time check: 05:14am.

Sinukbit ko na ang bag ko sa kanang balikat ko at lumabas ng kwarto.

"Good morning khyle!"

"Good morning Kellin!"

"Brah! Good morneng!"

"Good morning brah!"

"Oh bakit malungkot ang khyle namin?"

"Wala po to"

"Pagod yan ate, panigurado bitin sa tulog."

"Hay naku khyle,Kahit anong itsura mo gwapo ka parin."

"Salamat salamat"

Bumaba ako ng hagdan.May ilan ng gising .. Kumaway nalang ako sa iba pang bumati sa akin.In unlock ko ang bike at sumakay.

Nagsimula na akong magpidal palabas ng bording, pinasadahan ko pa ang kamay ko sa buhok ko minsan at tumayo para mas bilisan ang pagtakbo ng bike.

"Good morning khyle!"

"Ganun din po sayo kuya!"

"Good morning kuya kyle!"

"Good morning!"

"Khyle iho saglit!"si Mang kanor yan.

"Magandang umaga po mang kanor bakit po?"

"Malapit lang sa skwelahan mo ang skwelahan ng apo ko diba?" Tumango ako."pwde bang makisuyo? Nakalimutan kasi niya kanina itong niluto kong baon niya." Nakangiti akong kinuha ang tapper ware sakanya.

"Walang problema mang kanor.Kayo pa!"

May inabot siyang isang daan pero umiling ako.

"Kunin mo na khyle idagdag mo sa ipon mo."

"Okay lang mang kanor.Di na kailangan na bigyan pa po ako. Itago niyo nalang, ibili niyo nalang po ng uulamin niyo."

"Sigurado ka?Khyle kung may problema ka sa kahit ano pa yan.Wag kang mahihiyang lumapit sa amin.Tutulungan kita.

:3 pinaalala mo pa mang kanor.Napakamot nalang ako sa ulong nagpaalam sakanya.

"Sge mang kanor.Mauuna na po ako."

"Mag iingat ka khyle."

Itinaas ko nalang ang kamay ko palayo sakanya.

Nagsisimula ko nanamang isipin ang laman ng envelope. Diko maiwasan eh! Tuwing papasok sa isip ko napapapikit nalang ako sa inis.

"Good morning khyle! Sandali iho 'tong baon mo.Niluto ko talaga yan para sayo."humarang talaga si Manang fe sa daan.

Kinuha ko ang pagkain na binigay niya at sinabit sa hawakan ng bike.

"Maraming salamat manang fe.Mauna na po ako"

"Sige iho"

Sinulyapan ko ang relo ko kung anong oras na, baka malate nanaman ako.

Time check: 05:40am.

Mas yumuko pa ako at binilisan ang pagpidal.Wala pang nag iinuman ngayon kaya mas napabilis ang takbo ng bisikleta ko.Walang ng haharang pa ulit sa akin ..

Lumiko ako papuntang skwelahan ng apo ni mang kanor.Sophomore na ito mabarkada din pero pagpinagsasabihan ko, sumusunod naman.

Natanaw ko na ang gate nila, may ilang nakatambay sa labas, naghihintay o may hinihintay.. naghahabulan, nagtatawanan papasok at pamilyang inihahatid ang mga anak nila.

May kumaway sa akin na grupo ng studyante mula sa gate.Bumaba ako sa bike para lapitan sila..

Ah mga ka klase ng apo ni mang kanor last year.Siguro naman magkakaklase parin sila ngayon.

"Hi kuya Kyle hihi"

"Ang gwapo talaga niya hihi."

"Irereto ko siya kay ate hihi."

"Ahm kuye keyl ane po yeng dele niyow?"

Natawa ako sa ka cutetan nila at kung paano sila bumungisngis.Itinaas ko ang pagkain na para sa apo ni mang kanor.

"Ka klase niyo parin ba si France?"nakatingala silang nagsitanguan sa akin.
"Pwde bang ibigay niyo sakanya ito?"sabay sabay silang tumango.

*CHUCKLE* Teen ager nga naman.Nagbablush pa sila..

"Paki sabi kainin niya 'to kasi luto ito ng lolo niya."

"Shige kuye keyl hihi"

"Hmm sge.Salamat, mauna na ako sainyo ah.. May klase pa ako."paalam ko sakanila.

"Opo kuya khyle hihi balik ka po ah."

"Oo nga kuya hihi."

"Tara na guys huhu diko na kaya 'to magkakaheart atak tayo dito dali"

Pinaghihila ng isa ang mga kasama niya,nagpahila naman sila at nagtitiling tumakbo paloob ng campus nila.

>,<

Masyado talagang expressive ang mga babae kaya ang bilis masaktan o maloko eh..

Sumakay ako sa bike at nagpatuloy sa pagpadyak. Ilang kanto lang naman ang layo sa skwelahan wala pang kinse minuto nakarating din agad ako.

Tulad kahapon iniwan ko nanaman kila kuyang guard ang bike ko.Dumaan pa ako sa parking para makarating sa loob.Di na sila nagpapadaan sa kabilang way sinarado na nila. Lahat na daw dito sa parking dumaan except sa BMF?

What the fuck! Kahapon ko pa yan naririnig.

*BUUUUUURRRRPPP

*PLAAG!

>.< yung damit ko!

Anak ng! Sino ba kasi yung may ari ng sasakyan na 'yun?! Hindi marunong magdrive! Nasa gilid na nga ako ah!

"Aray! Yung balakang ko" daing ko.

Napahawak pa ako sa parteng masakit.

"K-Kuya.. S-Sorry---"

O_____O -Siya.

>,< - AKO

Siya yung nakabangga ko kahapon.. Tapos ngayon nagkabanggaan nanaman?! Really?!

Dahil wala siyang balak na tulungan ako at nakatunganga nalang siya.Itinayo ko mag isa ang sarili ko kahit masama ang pagkakabagsak ko sa sahig.

"Miss mag ingat ka please?" Iika akong naglakad muli.

"Pasensya na.First time ko kasing magmaneho.Pasensya na talaga.."nilingon ko siya.

O____O

Ba-Bakit ba siya n-nag ba-bow?!

"A-Ahm.. A-Ano.. Aish! Aray!"

"A-Ayos ka lang? Pa-Pasensya na talaga."

O______O

Sandali! Ang bilis naman niyang nakalapit?

Deym! Yun pa talaga inisip ko. Eh habang tumatagal na nakatayo kami dito mas sumasakit.

"Mauuna na ako miss. Tingin ko kailangan mo muna ng driver.." Usal ko.

Ang malas ng simula ng umaga ko Bwiisit!

************************************

SOFIA ALEXANDRINA GIL POV

HUWAW! Kagabi ko pa inistalk yung KHYLE REDGE VILLABY na sinasabi nila Ced and OMG! Ang gwapo niya! Triny kong iadd kaso full na ang Friend request niya kaya finallow ko nalang siya hehehehe.

Nandito kami ngayong lahat ng barkada sa bahay nila Sam. Nasa living room yung iba .. Ako papunta sa kitchen.Makikiusyoso ba hahahaha. Sanay naman na silang pamilya na marinig ko ang kahit anong lihim nila. Nyeheehhehehe..

As usual.Tahimik nanaman silang kumakain.. Tumabi nalang ako kay sam at kumuha ng makakain.Nangangalikot parin ako sa phone ko, scroll scroll ng mga photos ni crush.

Yes! Tama kayo ng basa.My new crush! Lol.

"Bakit di ka dumeretsong umuwi dito sa bahay Sam?"si tito smith.

"Anak.. Hinayaan ka naman namin sa lahat ng gusto mo.Pero hindi naman tamang titigil ka nalang ng pag aaral at magmukmok sa canda."-tita.

Hays! Ganyan talaga pag broken hearted. Lalo na pag minahal mo ng sobra yung tao mahihirapan kang magmove on! Hindi mo masasabi kung kailan kaya mo na.Hayaan mo lang ang puso mo mismo ang maging handa. Iyan ang payo ko kay Sam noong mga panahong wasak at durog siya.

Pati pag aaral niya naapektohan. Nagstop ng tatlong taon.. Nagmukmok.. Umiyak.. Kung ano anong ginawa mawala lang ang sakit na nararamdaman .. Di na ako magtataka kung nag iba na ang pakikitungo niya sa ibang tao pati sa magulang niya.

Ikaw ba naman ang paasahin na kayo ang magpapakasal pero iba pala.Saklap dude!

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.Nagutom ako eh.. Konti lang yung kinain namin sa condominium eh.

"Mas malapit sa condo ni Ced kesa dito.Pagod na ako that time kaya dun na ako dumeretso"-Sam

Bakit ganun? Ang tagal ng walang post ni crush? Kung meron mang post dito puro tag lang sakanya.

T______T

"Bakit dika nagpasundo?"

"Dad. Ayoko ng storbohin ang mga driver natin.Ano ba talaga ang meron at pinatawag niyo ako dito bukod sa pagtira ko dito?"

I message ko kaya siya?tama!

*Click message.

Ano sasabihin ko?hihi.

"Ngayon ang simula ng klase Sam at papasok ka"

To: Khyle
Hi khyle! How are you?

Eh?panget! Panget!

"Anak.. Please tapusin mo ang pag aaral mo. 3 taon lang naman na.After this.. Papayagan kana namin sa lahat ng gusto mo." Aww ang sweet ng boses ni tita.

"Nakahanda na ang mga gamit mo sa sala."

To: Khyle.
Good morning! It's been a while yo!

-_-

Ang jeje! Saka ano? Its been a while? Eh di nga niya ako kilala.Tangek! Sofi!

"May magagawa paba ako?tsk!"

T___T wag na nga lang huhu.

Ang hirap naman kasi magisip ng sasabihin sakanya.

"Pumunta ka dito mamayang Gabi. May sasabihin kami sayo tungkol sa asawa mo."

"Ahak..ahak.."ininom ko ang baso ng tubig sa gilid ko.

Ano?! Asawa?! Napatingin ako sakanila.

"T-Tito? Asawa? Who?"

"Tss!"

"Asawa ng anak ko iha"si tita ang sumagot.

O_______O

O........O

O____O?????

May asawa na si Sam?! Hindi man lang niya sinabi?! Kailan pa?! Paano?! Eh noon pa man kasama na niya ako sa lahat? Wala akong matandaan na nagpakasal siya.

"Kailan pa po? Eh diba Sam wala ka pang napapakasalang lalake sa pagkakaalam ko kasi diba? Noon pa man tayo na ang magkasama? Kung nasaan ka nandun ako? Diba?"

"Sofi pwde manahimik ka?"

>=<

"Iha hindi pa nagpapakasal si sam.. Hinay hinay sa tanong. Kung meron mang makakasagot sa mga tanong mo si Sam yan"

Eh tita.. hindi niya ako sasagutin! Kung may balak man siyang sabihin dapat kanina pang nagtanong ako.

:(

"Ah guys! Matagal paba kayo? malalate na kami sa school" napanguso akong tumingin kay aaron na nasa pintuan dito sa kusina.

"Sige tara na." Padabog kong ibinaba ang kutsa at tinidor ko.

Inunahan ko na siyang lumabas ng kusina.

'Di man lang siya sumagot! Pag nalaman ko kung sino yung lalaking yun sisiraan ko siya hahahaha'

Ang bad nung inisip ko haahahaha.Biro lang ..

Hinintay ko nalang sila dito sa labas ng bahay.May kanya kanya kaming kotseng magkakaibigan.. Alam kong gagamitin niya ang binili niyang kotse sa canada na pinadala niya noong nakaraang bwan pa.

Nagsindi ako ng sigarilyo at napatingin sa buong bahay nila.Halos araw araw nandito ako pero parang laging unang beses akong nakakapunta dito.

"Phew!" Bumuga ako ng usok.

Ang tagal nila! Bakit kasi di niya sinabi kanina pa sakanila sa condo para mabilisan nalang ngayon.

"Phew!"

"Naninigarilyo ka parin?" Napairap ako sa kawalan ng marinig ko ang pamilyar na boses mula sa liguran ko.

"Pake mo?"mataray kong usal.

"Ikakamatay mo yan"

"Di maganda"

"Luh! Natuwa pa."

"Natuwa?narinig mo bang tumawa ako?"

Binugahan ko siya ng usok ng nasa harapan ko siya.Eww! Ang pangit niya.TSS! Kanino ba siya nagmana? Ampon!

"Ba't ba ang sungit mo? Meron kaba?"

"Kailan pa ako naging mabait sa mga gurilya?"

*chuckle*

-.- ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Kumusta kana? Lagi kang nandito sa bahay pero pag lalapitan kita iiwasan mo ako."

Pakialam ba niya? Duh! Di naman siya yung dahilan ng pagpunta ko dito.Asa!

"Pwde ba Aj wag mo akong linyahan ng mga ganyan? Jusko! Umagang umaga!*Phew!*"

"*chuckle* sige .. Mauna na ako sa loob .. Inaantok pa kasi ako. Galing taping. Ingat ka lage."
Tinapon ko ang sigarilyo ng tumalikod siya at naglakad paloob ng bahay nila.

"Tsk! Pake ko ba? Shunga!"

Kinuha ko ang chewing gum at nginuya ito. Sa wakas! Lumabas narin sila.. Sumakay ako sa kotse at sinuot ang shades ko.

*ENGINE START*

Pinauna ko ang iba saka ako sumunod.Nasa likod ko lang si Sam gamit ang sinasabi ko kaninang kotse niya.

Phone Ring.

*Loud Speaker On.

("Ano yung kalandiang nakita ko kanina kasama ang kapatid ko.")

-_- ang sama talaga ng bunganga hmp!

"Wala yun.Bakit kaba napatawag? Nagmamaneho ako eh."

("Tss! Itigil mo yang walang kwenta mong drama")

"Hoy Sam! May utang kang kwento sa akin! Ikaw ang tumigil jan!"

Di ko nga nilapitan yung kapatid niya eh yung lalaking shungang 'yun ang lumapit! Ayssss! Bakit ko ba naiisip yung panget niyang itsura.Mas gwapo parin si Khye hihi.

("Tsk! Matindi rin! Sige sama ka mamayang gabi sa dinner.")

"Wahahahaha sige! Mabuti at nakapagisip ka rin Samantha nyahahaha"

("Basta wag mong kausapin ang kapatid ko.")

O____O

O.O

O,O

O\________/O

"H-Hoy Sam! Excuse me!" What the pak!

("Ano?")

A-Anak ng!

"FYI! Ms Sanchez! Duh!"I rolled my eyes kahit di niya nakikita." Siya ang pagsabihan mo ng ganyan! Wag ako noh! Psh! Siya tong lalapit lapit eh"

Iniliko ko ang sasakyan ng lumiko sila.

("Jowk lang")

>,<

"Ano bang meron at dimo pa binababa Sam? Ghad! Nagmamaneho tayo!"

Dumadaldal lang yan pag good mood eh. Eh wala namang nakaka GV sa pinagusapan kanina. Abnormal!

("Pasalamat ka nalang diko pa binababa.Ikaw lang kinakausap ko ng matagalan.")

"Oh di thankyou!"

("Tsk! Wag mong sirain ang saya ko sofia")

"Saya?"

Saan naman siya naging masaya?

(".Nakita mo yung picture kagabi sa lamesa ni Ced sa kwarto niya?")

Ah yeah si Crush hihi.

Patulog na dapat ako kagabi eh pero ng ilagay ko sa side na katabi ni Sam yung phone ko dun ko napagmasdan yung grupo ni Ced. Naagaw ng atensyon ko yung lalaking nakabonet na may hawak na guitar..

Napahinto ako ng napahinto sila.

*End Call*

Nandito na pala kami sa parking.. Bumaba ako ng hawak ang phone ko.

Napatingin ako sa kausap ni Marx na babae at sa lalaking iikang naglalakad palayo.Mukhang may ininda sa balakang. Nagulat kami ng biglang sinampal ng babae si Marx.

'Wtpak! Kararating lang namin may eksena agad na sampal?'

"Wag mo akong lapitan"sambit ng babae saka naglakad palayo.

Tinapik ako ni Sam mula sa likod at nginisian. Napakunot ang noo kong pinagmasdan siya.. Iba talaga ang trip pagnasa mood ang kaabnormalan niya.

"Hoy mga ungas! Tara na!" Yaya niya at nauna.

Feel na feel niyang maglakad ng nakaheels ng limang inches. All black ang peg niya parang namatayan siya sa itsura niya wahahahaha jowk. Actually ang cool nga niya eh.. Siya ang nasa gitna naming lahat.

Iba ang daan na tinahak namin paloob ng campus.Kami lang daw ang pwdeng dumaan dito, pinasarado ni Marx para sa grupo.

Pagpasok palang naming.Ang dami ng mga Mata ang nakatingin sa amin at sari saring boses na naririnig. Sasabihin ko sanang bulong pero bulong pabang masasabi kung naririnig lang din namin sila?

"Gash! Sino sila?"

"Ang gaganda at gwapo nila."

"Look kasama nila sina Marx"

"Kaaaaaahhhhh!!!"

"Marx ayusin mo ang registration namin dito"

"Sige.. Tristan and Das Tara."
Nagsitakbuhan ang tatlo paroon sa tingin ko ay office.

"Sam sa canteen muna tayo.Ayoko pang pumasok eh" si Aaron. Ang pinakatamad na pumasok sa amin.

"Oo nga Sam. Tutal wala pa naman yung sched natin"si Ken. Ang cassanova.

"Eww! Baka mabaho dun! Madidikitan lang ako ng germs"si Aiel. Kung may mas maarte pa sa akin.Wala ng iba kung di siya.

"Arte mo! Di wag kang sumama!" Hmm.Si shey ang pinakatahimik sa aming lahat at mabilis mairita sa mga kaartehan ng kahit sino.

"Tama na yan.Bilisan niyo nalang ang daming taong nakatingin sa paligid."aww.. Ang cute talaga Niya. May boyfriend Klein Tatle.

"Ge"

-----------------------------------------------------------

SAMANTHA JISHEN SANCHEZ POV

NAPANGITI ako ng palihim ng makita ko siyang naglalakad sa ikatlong floor. Kanina ng malaman ko ang tungkol sa 'asawa ko' daw napaisip na ako. Actually tatlong taon na ang nakaraan simula ng padalhan ako nung copy ng marriage paper. Nung una nagulat ako .. Nangamba. Halos mabaliw ako kakaalala kung paano ako nakasal.
Like wtf! Inisip ko na baka di yun legal.. Na wala lang..Baka gawa gawa lang nila mom para masira kami ng nobyo ko.

Una palang di na nila tanggap ang relationship namin kaya baka Plano nila iyon.Kinombinsi ko ng kinombinsi ang sarili ko sa thoughts na 'yun.. Pinaniwala ko ang sarili kong di yun totoo.. Mas nagfocus ako sa amin ni kyle.. Sinabi ko sa sarili kong..

'Kahit anong gawin nilang pagsira sa relasyon natin ipaglalaban kita'

Pero lahat ng ginawa ko nabalewala .. Parang yung effort kong buoin ang rubics cube sa tagal ng panahon nawala lang.. Binalewala niya.. He choose to marry someone instead of me.Ang dali niyang bumitaw .. ni ipaglaban ako di niya ginawa.Katanginahan niya..

3 weeks after, lumipad ako sa canada. Nagpunta kami ng bar ni sofi after breakup with my asshole ex-boyfiend.. Nalala ko na ang nangyari sa pilipinas sa bar nung gabing iyon.

That was the night na nagkakalabuan na kami ni kyle my ex.Sa kagustuhan kong ako ang piliin niya.. Nakita ko si mayor with Someone.. Diko nga alam kung sino siya pero malinaw ang mukha niya.. Narinig ko lang ang pangalang 'KHYLE/KYLE' sinabi ko na agad na magpakasal kami.Dala narin ng alak kaya kung ano-ano nang nasabi ko.

Pero dahil wala akong pakialam sakanya.Hinayaan ko nalang.. Mas inintindi ko yung sarili ko. Basag pa ako that time.. Wala pa ako sa sarili ko. Kung ano ang mga balitang dumarating hinahayaan ko lang.. Araw araw.. Gabi Gabi.. Umiiyak ako sa kwarto.

Nagmahal ng sobra,nasaktan ng sobra.Ang daya niya eh..nakamoveon agad siya habang ako hirap na hirap siyang kalimutan.

Hinayaan ko ang sarili kong masaktan ng sobra.Lagi ko siyang pinupuntahan, nagmamakaawa na balikan niya ako.Naging desperada.. Tinorture ko ang sarili ko,ipinamukha ko sa sarili kong wala nang pag asa pa. hanggang sa kusang mapagod ako at tanggapin ang lahat..

Tatlong taon ang kinailangan ko para maayos muli ang pagkatao ko. Sinigurado kong tapos na lahat ng pagluha ko sa dati kong nobyo. MOVEON ba.

Then nang umuwi ako sa pilipinas, sa condo ni Ced kung saan ko nakita ang litrato niya naalala ko ulit siya hmm.Ang lalaking madaldal pag lasing. Aaminin ko natatawa akong balikan kung paano ko kami naikasal pfft sa parking lot.

"Sam?hey! Sam? Lagpas kana sa table natin" huh?

Napatingin ako sa paligid and damn! Nasa canteen na pala kami.Tangina lang! Ayysssshhh! Napalalim ang inisip ko.

Kibit balikat akong naupo sa upuang inuupuan ng grupo.

"Lutang ka ata Sam. My problema ba?"-Shey

"*chuckle* wala order na kayo kung gutom kayo.. my treat"

"Gusto sana namin yan kaya lang busog pa kami.Mamaya nalang hahaha--Ano puntahan mo na yung chick ken"-si aaron na may nginunguso.

"Talaga! Watch and learn dude! Magiging kami niyan ngayon mismo" pagmamayabang naman ni ken.

Heto nanaman sila sa mga kalokohan nila. Pinanood namin si ken na lumapit sa may blondeng buhok may kung ano siyang binulong and ayun naupo na siya at nakikipagharutan sa babae.Nginingisihan kami ng ulul!

O_____O --Kami

"Whahahaha walanjo! Boy magnet talaga ang loko"natawa din kami sa sinabi ni Aaron. Tama siya..

Si ken na boy magnet ng barkada.

"Ang bilis hahaha"- sofia

"Topek! Naka limang daan nanaman ang bwisit" shey

"Err! Lagi naman eh! Duh!"- aiel

''Sino kaya sila?''

"Balita ko close sila sa BMF"

"Mukhang mga mayayaman like us hahaha"

-_-!

"Sam kumusta kana pala.3 years ka ding di nagparamdam sa grupo ah."baling sa akin ni Aaron.

Inilabas ko ang tubig sa bag at uminom.

"Sus aaron wala naman yang ginawa kung hindi magmukmok sa bahay dun" sabat ni Sofia.

"Talagang kayo lang ang nakakaalam kung nasaan ang isa't isa noh"

"Shempre shey. Bestfriend kami nito eh diba Sam? Walang lihiman"ngiting aso niyang sabi.

"Gash sofi binabalewa niyo kami urg! I hetsu"

"Luh aeil drumama! Shut up nga Jan!"

"Oh tama na yan.Baka kung saan nanaman mapunta yang usapan niyo shey at aeil."sita sakanila ni Aaron.

Nagtilian ang mga babaeng nasa labas hanggang dito sa canteen.Nanjan na ang tatlo malamang.. Halos nabasag na tenga namin sa pagsisigaw nila sa pangalan ng tatlo.

Ilang saglit lang at nandito na sila sa table.

"Oh?anyare sa gwapong mukha mo Marx?"salubong ang kilay niya.Halatang bad trip.

"Nahihirapan kasi akong malapitan muli si Kathy"

"Kathy? Yun ba yung sa parking kanina?"

"Oo.Badtrip nga eh.. napepeste ako sa nakita ko kahapon pa."

"Ano bang nangyari dude?"

"Tsk! Ewan! May isa kasing pamilyar na mukha sa akin diko lang sigurado kung tama ako pero kahapon pa sila nagkakausap na dalawa eh.Tas kaninang papunta kami dito naguusap nanaman sila! Dude .. Guys.. I need your help. Tulungan nyo naman akong wag silang maging malapit."
Napayukong sabi ni Marx.

Nagkatinginan kaming lahat..pagkatapos sa akin na sila nakatingin. -,- mukhang diko gusto ang tumatakbo sa isip nila.

"May naisip akong plano."
Nalipat ang tingin nila kay Klein.

-,-

Natawa ako ng pretente siyang naglalaro sa cellphone niya at tutok na tutok. The silent type guy is On.
Ang imaginary boyfriend ni Sofia.Hahahaha





______________________________________
Good vibes ang ating Sam Hahahaha magandang pangitain kaya ito? O mas mamalasin si Khyle? Awe! Simula palang ang kwento nila.Marami pang ganap ang mangyayari hohohoho. Abangan !

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top