Special Chapter 03

Special Chapter: Dianara's Life In Antipolo




"Ate Nara," 




Bumaling ako kay Felicia na siyang tinawag na naman ako sa palayaw ko na hindi ko kailanman nagustuhan. Narito pa naman kami sa palengke mamaya ay may makarinig sa kanya at tawagin na rin akong Nara.





"Ate, gusto ko ng halo-halo. Ang init kasi e'. Tingnan mo pawis na pawis na 'ko," nakangusong ani Felicia.





Bumuntong hininga ako at kumuha ng sampung piso sa wallet saka ibinigay sa kanya. Nakangiti niyang tinanggap iyon at agad na tumakbo sa bilihan ng halo-halo.





Humarap ako sa bilihan ng gulay at agad na nginitian si Aling Lusing, kumare siya ni Nanay kaya kilala na niya ako.





"Adobo ulit ang ulam niyo?" Nakangiting tanong niya na ikinatango ko naman.





Hindi naman nagrereklamo sila Nanay o kahit ang mga kapatid ko na laging adobo ang ulam namin. Si Tatay naman ay wala ring sinasabi. 





Paborito ko kaya ang adobo. Ngumuso ako at iniisip na baka ayaw lang nila magreklamo kasi alam nila na paborito ko ito.





Ipinilig ko ang ulo ko bago sinabi kay Aling Lusing na bibili ako ng paminta at toyo. Iniabot niya sa 'kin ang isang supot kung saan nakalagay iyon na agad ko namang tinanggap bago nagbayad.





Hinagilap ng mga mata ko si Felicia na nakita ko naman agad sa may antayan ng tricycle habang kumakain ng halo-halo. Kausap niya si Mang Lando na kaibigan ni Tatay.





"Ate Nara!" Kumaway sa 'kin si Felicia nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya.





Nahagip ng mga mata ko ang isang grupo ng mga ka-edaran ko na bumaba sa isang camper van. Ang yaman siguro nila kasi may campervan sila. Agad akong umiwas ng tingin mula sa direksyon nila nang makitang nakatitig sa 'kin ang isa sa kanila. Babae siya at base sa kanyang itsura ay mukhang amerikana.






"Ate Nara, ang tagal mo." Pagrereklamo pa ni Felicia, ang lakas ng tinig niya na nasisiguro kong narinig ng mga naroon sa paligid namin.





Itong batang 'to napaka ingay. Bakit hindi niya 'ko gayahin na isang tahimik na nilalang lang?





Sumakay kami sa tricycle ni Mang Lando at nagpahatid na sa bahay. Sampu lang ang pamasahe kapag kami ang pasahero. Makuha sila sa tingin ng abo kong mga mata.





Nang makarating sa bahay ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ang kotse ni Thanaya na nasa tapat. Ano'ng ginagawa niya rito sa bahay? Gala talaga kahit kailan, tsk.





Pumasok ako sa maliit na gate ng bahay namin kasabay si Felicia. Nauna siyang pumasok sa bahay. Sa labas pa lang ay narinig ko ang maingay na bunganga nila ni Maria Thanaya o Martha na kaibigan ko.





Magkakilala ang papa niya at si Tatay dahil parehas silang may pwesto sa politiko.





"Oh, my gosh! Daya," agad na yumakap si Thanaya sa 'kin.





Sinimangutan ko siya, "Parang tanga, akala mo naman hindi tayo nagkikita araw-araw sa sobrang higpit ng yakap mo."





"Ay, sorry ha. Excited kasi akong ipakilala yung Kuya ko sa 'yo."





Kumunot ang noo ko at agad na tumingin sa likod niya kung nasaan ang sala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa silya at nakatingin sa 'kin.





"H-hello po," bati ko sa kanya.





Narinig ko ang pagtawa ni Thanaya.





"Kuya Thien, this is my bestfriend, Dianara. Dianara, kuya ko nga pala na single, si Kuya Thien."




Nginitian ko 'yong Kuya ni Thanaya pero agad ding napawi ang ngiti ko dahil hindi man lang ito gumalaw sa pwesto niya at nanatiling nakatitig sa 'kin.





"Mag-s-stay si Kuya Thien dito sa Antipolo ng isang buwan. Summer vacation na kasi kaya sasamahan niya 'ko rito and mamamasyal kami bukas. Sama ka sa 'min, huh." Niyakap ni Thanaya ang braso ko.





Binalingan ko siya at tumango, "Sige ba, saan tayo bukas?" Tanong ko sa kanya.





"Punta ulit tayo sa Philip's Sanctuary." ani Thanaya at lumapit sa 'kin lalo para bumulong, "Ayaw ni Kuya Thien sa maingay na lugar kaya roon na lang tayo pumunta."






Ngumiti ako, "Sige ba,"





Bumaling si Thanaya sa Kuya niya, "Kuya, magdala ka ng extra na damit and shorts. Mag-s-swimming tayo," 




Tumango si Kuya Thien, "Sure,"



KINABUKASAN ay maaga pa lang ay nasa bahay na si Thanaya at Kuya Thien. Nagpaalam ako kanila Tatay kagabi at agad naman siyang pumayag. Binigyan pa nga ako ng pera para raw pag may gusto akong bilhin.




Tahimik lang si Kuya Thien habang naglalakad kami papunta sa kotse nila ni Thanaya kaya grabe ang gulat ko nang bigla siyang magsalita,




"Let me," aniya at tumigil sa harap ko dahilan para mapatigil din ako.




"Ha?"



"Let me carry your bag," aniya at tinuro ang hawak kong bag kung saan nakalagay ang damit na susuotin ko mamaya.




"Hindi, kaya ko na po." Sagot ko,




Umangat ang sulok ng labi niya na para bang may nasabi akong nakakatawa, "Please don't tell me that you'll call me 'Kuya Thien' like my sister,"




"H-hindi po ba pwede?" 




"Nah, it's just weird. Just call me Thien and cut the 'po' and 'opo'." sagot niya at nauna nang maglakad.




Bakit ayaw niya na tawagin ko siyang 'Kuya'? Parehas lang naman kami ng edad ni Thanaya. 




"This place is nice," 'Yon agad ang narinig kong sabi ni Thien nang makarating kami sa Philip's.




May swimming pool sa napapaligiran ng mga puno at iba't-ibang halaman.





Umupo ako sa hagdan ng pool habang si Thanaya naman ay abala na sa pagkuha ng litrato. 





Napatingin ako sa gilid ko nang umupo si Thien doon.





"Antipolo is your hometown?" Tanong niya,





Tumango ako, "Hmm."




"What's your nationality? I'm sure you're not a pure-Filipina tho."




Halata naman kasi talaga, sa mata ko pa lang ay alam na agad na may ibang lahi pa 'ko.





"Russian ang tatay ko at ang nanay ko ay Filipina," 





"That's why,"




"Huh?"





Umiling siya, "Nothing,"





DALAWANG linggo ang lumipas simula nang dumating si Thien dito sa Antipolo ay naging malapit na kami sa isa't-isa. Siya ang unang lalaki na naging kaibigan ko, paano ba naman kasi at sobrang mapili si Nanay at pati mga kaibigan ko noong High School ay ayaw niya, maliban na lang kay Thanaya at Thien. May paborito pa 'ata siya.





Nasa loob ako ng bahay nang marinig ko ang boses ni Thien mula sa labas kaya naman ay agad akong nagtungo sa pinto para pagbuksan siya.




"Dianara," 




"Bakit?"




"Is Tito and Tita are here?" Tanong niya,




Umiling ako, "Wala, ako lang. Pasok ka-"




"No. I won't go inside if they're not here-"




"Oh, e' bakit ka nga nandito?"




"Let's go to the market. Teach me how to cook an adobo-"




Malakas akong natawa, "Sige ba, ikaw bibili ng ingredients wala akong pera-"




"Yeah-yeah, let's go."




Napailing ako at nagpaalam sa kanya na magbibihis lang ako dahil basa na ng pawis iyong suot kong t shirt. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa palengke.




Alas cuatro na ng hapon nang makarating kami sa bahay nila Thien. Nandoon na si Thanaya at puro cellphone ang inaatupag habang nasa sala. Dumiretso kami ni Thien sa kusina para simulan na ang pagtuturo ko sa kanya kung paano magluto ng adobo.




Ilang oras bago kami natapos, nag-expect masyado si Thien kaya nang matikman niya ay halos hindi na siya makagalaw. Malakas akong natawa nang nanlaki ang mga mata niya na nakatingin sa 'kin.




"Bakit?" Natatawang tanong ko.



"I think I put a little bit of-"




"Anong a little bit, marami ka talagang nilagay-"




"Because the color was different-"




"Hindi mo kasi hinalo ng maigi-"




"Alright-alright. Let's just cook adobo again, tomorrow. I'll do it right-"




"Paano 'to?" Turo ko sa niluto namin.



"Don't eat it. You might have a stomach ache-"




"Ang dami nito, uubusin mo ba? Sayang naman-"




"I'll eat all of it. Don't worry, I won't waste food, happy?"




Tumango ako bilang tugon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top