Chapter 27

Chapter 27



"Love, are you done?" Kumatok si Zihyun mula sa labas ng walk-in closet kung saan ako tinutulungan ni Rylana at Arielle na mag-ayos.




"Ignore him na lang, Ate Daya. He just can't wait to see how gorgeous you are." Naiiritang ani pa ni Arielle.





Paano ba naman kasi ay kanina pa katok ng katok si Zihyun at tanong ng tanong kung tapos na raw ba kami e' wala pa ngang isang oras simula nang ayusan ako.




"He really loves you, Ate." Ryla said, who's currently busy fixing my hair.




"Of course he does. Kuya Hyunie is not vocal or showy on what he truly feels before, but when it comes to you Ate Daya, he's willing to do everything and make you feel like you deserve all the love and support in this world." Ani naman ni Arielle.





Kahit ako noon ay pansin din ang pagiging seryoso palagi ni Zihyun pero ngayon ay nag-iba nga talaga siya. Kung noon halatang kaunting kalabit lang ay mapipigtas agad ang pasensya niya, ngayon mas iniintindi niya na ang mga taong nakapaligid sa kanya. 





Kung noon ay seryoso lagi ang mga mata niya na tanging galit lang ang nakikita. Ngayon naman ay iba na. His eyes is the most perfect eyes for me especially when he's happy.





Akala niya ba siya lang ang nakakabasa ng emosyon? Alam ko rin kung kailan siya galit at masaya. Eyes don't lie. 





"Done." Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang sabay na pagkasabi ni Arielle at Ryla.





Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. My hair is tied into an elegant bun. I'm wearing a diamond earring that Zihyun gave me earlier bago ako pumasok dito para mag ayos, may kasamang kwintas iyon na suot ko rin ngayon.




"The black dress suits you, Ate. You're stunning." 





"I agree. I guess Kuya Hyunie understood the assignment, huh?!"





"The jewelry you're wearing...that's from a famous jewelry brand and I saw its price. It costs almost twenty-five million pesos." Natigilan ako sa narinig mula kay Ryla.






Ano? Ang mahal naman? T-twenty five million pesos? Seryoso ba siya?





"And I know you're going to scold Kuya Zihyun because of that. Don't scold him, okay? Isang linggo lang na suweldo niya 'yan. Don't worry!" 





Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Arielle. T-tangina?





Alam ko naman na mayaman sila pero twenty-five million pesos e' isang linggo lang na suweldo ni Zihyun? 





"Let's go na, malapit na mag simula 'yong party." Masuyo akong hinila ni Ryla palabas ng walk-in closet habang nakasunod naman si Arielle sa amin sa likod.






Pagkalabas ay naabutan namin si Zihyun na may kausap sa cellphone niya, nakatalikod siya sa gawi namin at nakaharap sa sliding door na patungo sa terrace.






"Yeah, just throw her out of the building. Don't let her in...I don't care, Eiroz. Yeah, thanks, bro."




 I know how frustrated he is just by hearing his voice.





Kinalabit ako ni Ryla na nasa gilid ko at nang balingan ko siya ay sumenyas siyang aalis na sila ni Arielle. Tinangunan ko lang siya at pinanood na umalis hanggang sa makalabas na sila sa kwarto.






Paglingon ko kay Zihyun ay napahinto ako nang makitang nakatitig na siya sa 'kin. He's wearing a black slacks with Gray Vertical lines. Parehas iyon ng disenyo ng black coat niya na hindi niya pa sinusuot at nasa gilid ng kama. White long sleeves polo ang suot niya at ang necktie ay hindi pa naaayos. 






Nilapitan ko siya at agad na inayos ang necktie niya. I know how to tie it. I used to tie Tatay's necktie when he was still a governor of our province.






Nalaman ko naman na nagsinungaling sila tungkol sa totoong pagkatao ko ay hindi pa rin ako galit sa kanya. Napalaki niya ako nang maayos kahit na malupit si Nanay sa amin noon. 





Hindi rin ako nagtatampo kanila Mama at Papa dahil naiintindihan kong natakot din sila para sa 'kin kaya kahit na mahirap sa kanila ay napilitan silang ilayo ako sa kanila para hindi ako ang kagalitan ng mga kamag-anak namin na sobra-sobra ang inggit at pagka-sakim sa yaman.




Saksak ko sa kanila ang yaman na tinutukoy nila e'. Kung tutuusin ay kaya ko namang mabuhay nang hindi ako mayaman. Nasa pagtiya-tiyaga at kasipagan lang 'yan. Sabihin nila tamad lang silang kumilos at gustong nakaupo lang at hihintayin na madagdagan ang mga pera nila na pinaghirapan lang naman nila Mama at Papa na ngayon ay napunta na kay Rafael.





Isinunod kong inayos ang kuwelyo ng long sleeves na suot ni Zihyun bago kinuha ang coat niya mula sa kama.





Tiningala ko siya nang nakatunganga lang siya at nanatiling nakatitig sakin. Pinanood niya ang ginagawa ko at nang matapos ay saka ko siya tinitigan pabalik, mata sa mata.



"Ang ganda ko ba masyado para titigan mo ko nang ganyan katagal, love?" I asked him, innocently. 




Napakurap-kurap naman siya at tumikhim, "Yes, you're always beautiful, love."




"Thank you." I said as I smiled widely. 




"Let's get married, love."





"Pag nanganak na ako, tapos hintayin natin mag two years old si baby para may makulit na flower girl o di kaya ring bearer tayo." I giggled. 




Na i-imagine ko palang na present ang first baby namin sa kasal namin ay mas lalo lang akong na-excite.





"As you wish, my love." Hinalikan niya ako labi at humiwalay din, "Let's go?" Inilahad niya ang kamay niya.




Tumango naman ako at tinanggap iyon. 





-




Nang makarating sa tapat ng building na pagdarausan ng party na sinasabi ni Zihyun ay agad kaming bumaba.





It's a five star hotel na mukhang ni-rentahan talaga para lang sa party na 'to. Gaano ba ka-importante ang party na 'to? May mag b-birthday ba na katrabaho o kamag-anak nila?






Hinubad ni Zihyun iyong coat niya na ipinagtaka ko, "Wear this love, the media and reporters might hurt you inside." 





"May media? Bakit?" Gulat na tanong ko.





"They knew that we'll be having a party with those elite families." Sagot niya na mas lalo kong ipinagtaka.






Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko mula sa likuran bago kami naglakad papasok sa lobby.





Tama nga si Zihyun. Dahil pagpasok pa lang namin sa lobby ay napapikit agad ako sa dami nang camera na nag-flash. Sunod-sunod ang tanong ng mga reporter na naroon at hindi ko na maintindihan.





"Sh*t!" I cursed when I almost lost my balance. Hindi kinaya ng mga bodyguard na nakapaligid sa amin ang dami ng mga reporter at posibleng nasisilaw din sila sa sunod-sunod na flash ng camera kaya hindi ko rin sila masisisi.





"You okay, love?" Zihyun asked. I immediately nodded. 





Halos hindi na kami makapasok at wala nang daanan kaya walang choice si Zihyun kundi huminto sa paglalakad at hinarap ang mga reporter na natigilan din.





"My wife is pregnant. If y'all want to get a photo of us, do it later, please." He said.




"Huh? He said 'please'?" 




"Zihyun Jaire said 'please'?" 



"He did."



"Is it true that the both of you were forced to marry each other?" A guy asked, he's holding a recorder.




"Yes. We lost contact for a month because of my jealousy but we never broke up. This time I'll do it right. Now, please, let us in first. My wife is moody." Zihyun answered.




Kahit na hiniling na niyang mamaya na kami tanungin ay wala paring tigil ang mga reporter sa pagbato ng iba't-ibang tanong na may kinalaman sa aming dalawa.





Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na kami sa elevator at hindi na nasundan pa ng media.





Zihyun sighed heavily before hugging me from behind. "I'm sorry-"




"What for?"




"You looked stressed with the media, I'm sorry." He answered before softly planting some kisses on my neck.




"H-hindi lang ako sanay na may ganoon pero mukhang kailangan ko nang masanay dahil asawa kita." Natawa ako.




"Yeah, but they can't publish those articles or even in magazines or journals without my permission. Kung may makalusot man, I'll just pay them to remove it. So, tell me if you don't want it to be published, hmm?" 





Tumango na lang ako at itinagilid ang ulo ko dahil sa kiliti na nararamdaman sa bawat paghalik niya roon.





Tumunog ang elevator at nang bumukas ay nasa ganoong pwesto pa rin kami, ang awkward tuloy nang makita ko na nasa mismong party na pala kami.





"Z-zihyun..." Pasimple kong hinila ang sleeves ni Zihyun dahil sa hiya. Pakiramdam ko ay sobrang pula na nang pisngi ko ngayon.




My husband hummed. Nag angat siya ng tingin at mahinang humalakhak nang makita ang reaksyon ko.




"My shy baby," I heard him whisper after chuckling.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top