Chapter 24
Chapter 24
"Mama,"
"Yes, sweetheart?" Tugon naman ni Mama sa 'kin.
Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap siya, "I'm pregnant." Simpleng sabi ko na parang wala lang.
I felt her froze, "W-what?!"
Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti.
"I'm pregnant, mama," I said, happily.
Nanlaki ang mga mata niya at bumaba ang tingin sa tiyan ko. "Oh my god! I'm gonna faint, call your brother..."
"Elias Rafael!" My voice echoed in the whole living room.
Nagmamadaling yabag mula sa hagdan ang narinig ko at wala pang isang minuto ay nasa harapan ko na si Rafa na hinihingal pa.
"W-what? What happened? You okay, Ate?" Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko at nang walang makitang kahit ano ay bumaling siya kay Mama na sakto namang humilig sa dibdib ni Rafael na mabilis naman nitong nasalo. "What the—"
Mula sa sulok ng sala ay nakarinig kami ng malakas na tawa na sabay-sabay naman naming binalingan. Malakas na tumatawa sa si Ryla mula sa sulok habang nakatutok sa amin ang cellphone niya at naglakad palapit sa amin.
"That's was so...epic!" Natatawang aniya.
Natawa naman ako at ayon na naman ang mapanuring tingin ng kakambal ko sa akin, "What? What's funny? Mama fainted. Stop laughing you two," Asik niya pa habang nakaalalay parin kay Mama para hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig.
"I told her that I'm pregnant—"
"What the f*ck?!" Muntik pang matumba si Rafael matapos marinig ang sinabi ko.
"Kuya, stop cursing our niece might hear you," Rylana glared at him.
"What niece? I'm sure it's a boy, so it's a nephew, Ryla!" Mariing wika naman ni Rafa. "And wait... I'm gonna be a Tito...f*ck—", inis na binalingan namin siya ni Ryla at agad naman siyang natigilan bago bumuntong hininga, " I'm sorry, my bad!"
"Yes, you're bad, that's right." Tumango-tango pa si Ryla na halatang iniinis lang si Rafa.
"Tama na ang bangayan. Rafa, pahigain mo muna si Mama sa sofa, at ikaw naman Ryla, mag ready ka na para mamaya..." Nakangising wika ko pa at parang bata naman na sunod-sunod na tumango si Ryla.
"What's your plan? I want to join—"
"Nah, girls only."
"Sure, ikaw na bahala mamaya sa dinner, tulungan mo si Zihyun sa paga-ayos, " Nag flying kiss muna ako sa kanilang dalawa bago nilisan ang living room at tuluyan nang lumabas nang bahay para umuwi sa bahay namin ni Zihyun dito sa AfriAdes Village.
Tumakas lang ako kaya dapat nakauwi ako kaagad bago mag 6PM... alas cinco na at kailangan ko nang umuwi.
May dinner kami mamayang 8PM sa bahay na pinagawa ni Zihyun na nasa tapat lang ng bahay ng parents niya, napagdesisyunan kasi namin na doon muna tumira habang hindi pa kumpleto ang mga gamit sa bahay doon sa LAU Residence. Marami pa rin kasing kailangan na wala pa doon.
Ang dami na niyang bahay, balak 'ata magtayo ng asawa ko ng Real Estates. Tapos bibili daw siya ng Isla para patayuan din ng beach house kasi yon daw ang gusto ko. Pinag awayan pa namin ang tungkol doon dahil sabi ko hindi na kailangan pero makulit ang loko at namimili na nang magandang Isla.
E 'di siya na mayaman.
Habang naglalakad sa sidewalk ng Village patungo sa bahay ay natigilan ako nang makita ang isang lalaki na papalapit sa gawi ko. Akala ko ay lalagpasan niya lang ako pero tumigil siya sa harap ko. Napaatras ako nang makita kung gaano kaseryoso ang kulay berde niyang mga mata.
"Do you live here?", Tanong niya sa baritonong boses.
I composed myself and looked straight into his eyes, "Yes, why?" Tinaasan ko siya nang kilay at halos kilabutan ako sa ngisi niya.
Ang bilis magbago ng emosyon niya, paano yon?
"Are you single?"
"A-ano?" Gulat na tanong ko dahil sa itinanong niya. Baliw ba ang lalaking 'to? Hindi porke't gwapo siya e' bigla nalang niyang itatanong yon.
Nakangisi parin siya at nakapamulsa, "Are you single, beautiful lady?"
"She's married, bro!" Biglang may umakbay sa akin at nang lingunin ko iyon ay medyo nakahinga ako nang maluwang nang makitang si Zhaffiro iyon. "Right, Dianara?"
"Your girl?" Halata ang pang-aasar sa boses no'ng lalaki na nasa harap namin ngayon at nanatiling nakatingin sa 'kin.
"Nah," Walang ganang sagot naman ni Zhaffiro.
"How'd you know that she's married, then?"
Madramang bumuntong hininga si Zhaffiro na para bang napakalaki ng problema ang dinadala niya, "Don't act like an idiot, Zaiker. We both know that she's married to my brother, motherf*cker." Anito at minasahe ang sentido niya.
Humalakhak iyong lalaki at napailing, "I'm just testing her. I want a worthy woman for my best friend, st*pid." Wika no'ng Zaiker sa mapaglarong tono.
"Stop it. You're scaring her, d*mbass!"
Ngumiti iyong lalaki at nilahad ang kamay niya, "I'm Zaiker, and I'm taken—"
"Yeah, whatever. Let's go, Dianara." Nagpatinaod ako kay Zhaffiro palayo doon sa lalaki, "You okay, though?"
"Bakit hindi?" Isinawalang bahala ko nalang ang naging interaksyon ko sa lalaking 'yon. Tiningala ko si Zhaffiro at pinanliitan ng mata, "Tanggalin mo na ang akbay mo sa 'kin, seloso pa man din yung Kuya mo."
"Really? Then let's try his patience," Natawa siya at sinamaan ko naman siya ng tingin bago tinanggal ang braso niya na nakapalibot sa balikat ko, "Come on, let's—"
"Nope. Ayoko nga." Humalukipkip ako at tinalikuran na siya para magpatuloy sa paglalakad ngunit ganoon na lang ang pagtigil ko nang makasalubong si Zihyun na masama ang tingin sa kapatid habang papalapit sa gawi namin.
Naglakad na ako palapit sa kanya at niyakap ito kaagad. "I missed you," Ani ko.
Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik, "I missed you too, love." Aniya na ikinangiti ko.
Ilang oras lang naman kaming hindi nagkita pero dala na rin siguro ng pregnancy hormones ko ito tsaka sinabi niya rin sa akin na habang tumatagal ay mas nagiging clingy at moody ako. Normal lang naman daw yon sabi ni Mama, buti nalang pasensosyo ang asawa ko.
"Uwi na tayo?" Tiningala ko siya at ngumiti, bumaba naman ang tingin niya sakin habang ang dalawang kamay ay bumababa mula sa likuran ko patungo sa bewang ko.
Pinatakan niya ng halik ang labi ko ng tatlong beses bago inayos ang hibla ng buhok ko na nakaharang sa pisngi ko. "How's your day?"
"Ayos lang. Hindi ako nag paalam sayo na aalis ako ng bahay," I said proudly and giggled when he tried to bit his lower lip to suppress a smile. "Ayaw ni baby na mag paalam kami sayo."
Tuluyan na siyang napangiti at umiling-iling, "Hmm...Is that one of your secrets for today, love?" Tanong niya habang marahang hinahaplos ang bewang ko.
"May nakilala akong pogi," I giggled after telling him. "Ang ganda ng mata niya, color green. Tinanong niya kung single ako—"
"That b*stard!" Napawi ang ngiti sa labi ni Zihyun matapos marinig ang pangiinis ko sa kanya.
"Si Zaiker 'yon, Kuya!" Natatawang sumigaw si Zhaffiro na unti-unti nang tumatakbo palayo habang nakaharap sa 'min.
Bumaling naman ako kay Zihyun at kumalas mula sa pagkakayakap. Napatingin siya sa'kin at agad na namungay ang mga mata. "I love you,"
Suminghap siya at malalim na bumuntong hininga, "Just one I love you from you my anger melted instantly—"
"Corny mo. Uwi na tayo baby ko!" Nakangiting pinanggigilan ko ang pisngi niya.
"I'm your baby, now?"
Tumango ako, "Oo, hangga't di pa lumalabas ang totoong baby ko, ikaw na lang muna pagtiya-tiyagaan ko." Pangaasar ko pa.
"Looks like I'm gonna be jealous with our child for my whole life, huh?" Hindi makapaniwalang aniya at natawa naman ako bago siya tuluyang hinila dahil gusto ko na talaga umuwi.
Inaantok na ako. Napagod ako sa pag anunsyo kay Mama na buntis ako. Hinimatay pa nga.
Hinapit ni Zihyun ang bewang ko palapit sa kanya bago ako inakbayan. "I love you," Bulong niya pa dahilan para muntik pa akong matapilok kung hindi lang niya ako mabilis na nasalo baka nakasubsob na ako. Bakit naman kasi nanggugulat ng gano'n?
"Dianara," He called my name when I just laughed at his nervous reaction.
"What?" Natatawang sagot ko pero agad din siyang niyakap at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. "Ang lakas ng tibok ng puso mo,"
"You scared the h*ll out of me, love." His voice became soft before hugging me back. "You almost fell on the ground." He stated.
Ilang beses siyang mahinang nagmura at hinayaan ko lang para naman malabas niya ang kabang nararamdaman niya. Nang tumigil siya ay kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya at sinapo ang mukha niya.
"Kalmado ka na?" Nakangiting tanong ko habang nakatitig sa namumungay niyang mga mata.
Tumango siya at isang beses na pinatakan ng halik ang labi ko, "Please, be careful next time." Bulong niya at tumango naman ako bilang tugon.
"Uwi na tayo sa bahay natin?", nakangiting pag-aya ko at tumango naman siya pero nang akmang maglalakad na ako ay bigla nalang niya akong binuhat ng pa bridal style.
"You look tired." Aniya at napanguso naman ako dahil pakiramdam ko kahit hindi ako magsalita ay alam niya na agad ang nasa isip ko.
-
"Magandang gabi po," Nakangiting salubong ko sa Mommy ni Zihyun matapos ko silang papasukin sa bahay.
"How are you? Hindi ka ba pinapahirapan ni Zihyun dito? Sabihin mo lang at nang ako na mag palayas sa kanya—"
"Mom!"
"Hon!"
Sabay pa na pagsaway ni Zihyun at ng Daddy niya. Tinawanan sila ni Mommy Zianna at lumapit sakin sabay hawak sa pulsuhan ko tsaka tiningnan si Zihyun na nagtataka ang tingin sa Mommy niya.
"Hihiramin ko muna ang asawa mo. Girls talk, only!" Ani Mommy Zianna at masuyo na akong hinila papunta sa kusina.
Nang makarating ay agad kaming tumigil. "Ilang buwan na?" Biglang tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
Ang alin?
"I mean, ilang buwan ka nang buntis?" Diretsahang tanong niya, umawang naman ang labi ko. Gulat dahil hindi ko alam na alam niya pala na buntis ako. "Oh, my god! Nagulat ba kita? I apologize, si Reign kasi tinawagan ako kanina bago kami makapunta dito ay sinabi niyang buntis ka at ikaw mismo nagsabi sa kanya. You know hindi naman kami friends ng Mommy mo pero pagdating sa mga ganoong news, hindi kami pwedeng mahuli at dapat una naming malaman ang mga ganoon kaysa sa mga asawa namin. So ano? Ilang buwan na?"
Parang ako yung napagod para kay Mommy Zianna dahil sa sobrang bilis nyang magsalita, pero kahit papaano ay naintindihan ko naman ang mga sinabi niya.
"Nagpa-schedule po ako ng check-up—"
"What schedule? Anong ginawa ni Zihyun? Bakit hindi niya tinawagan si Malia na kaibigan niyang OB-gyne? Oh, my god, ini-stress ako ng mga anak ko—"
"A-ayos lang po. Bukas po ang schedule ng check-up ko, tsaka nag-offer po si Zihyun na tawagan po si Malia pero ako po ang hindi pumayag, balita ko po kasi ay nasa Italya pa ang clinic ni Kaira, mahirap pong bumiyahe tsaka masyado pong magastos kung pupunta pa kaming Italya para mapa-check up si baby. Ayos na po sa kahit publikong ospital—"
"What?" Napapitlag ako sa malakas na sigaw niya. Para din siyang si Mama kung maka-react. Napansin niya siguro ang pagkagulat ko kaya kumalma din siya at ngumiti, "I guess tama ka. Ma-magastos nga. Pero sigurado ka ba na ayaw mo sa Italy? I mean...you know, mas maganda and makaka-pasyal ka din."
Nakangiting umiling ako, "Hindi na po. Tsaka naka-schedule na po ako doon sa clinic and kaibigan ko rin naman po ang OB-gyne kaya ayos na po ako na dito nalang mag pa-check up."
"O-okay. I won't force you pero kasi maganda talaga sa Italy—"
"Mom!" Boses ni Zihyun ang pumutol sa sinasabi ng mommya niya bago tuluyang pumasok sa kusina at lumapit sa amin, niyakap ang isang braso niya sa bewang ko mula sa likod bago maayos na humarap sa Mommy niya. "Stop forcing my wife, please!"
"I'm not forcing her. Sinasabi ko lang kung gaano kaganda magpa-check up sa Italy."
"You are—"
"Zihyun, ayos lang naman tsaka naguusap lang kami ni Mommy. Pwede naman siguro na dito ako magpa-check up kahit ngayong unang check-up lang tapos sa mga susunod na check-up kahit saang bansa na—"
"Great! See? She wants to have her second check-up in Italy, son." Halata ang tuwa sa boses ni Mommy at napa-palakpak pa.
Tiningnan naman ako ni Zihyun at nang makitang nakangiti ako sa kanya ay hinalikan niya ang tungki ng ilong ko bago muling bumaling sa mommy niya.
Kakausapin niya pa sana ang mommy niya pero sakto namang pumasok ang Daddy niya kasama si Zhaffiro at Aniah, nakasunod sa kanila sila Mama.
Wala ulit si Felicia dahil abala daw sa parating na second sem nila kaya kailangan niyang mag review gaya din ni Ryla na hindi rin nakapunta.
"Hi, Raya." Mula sa di kalayuan ay narinig ko pa ang makulit na boses ni Aniah at nang sulyapan ko sila ay nakangiti na ito sa kapatid ko na nakanguso habang nakatagilid pakanan ang ulo na para bang ngayon lang niya nakita ang taong nasa harapan niya na nakikipag-kaibigan.
"Who are you?" Nakasalubong na ang kilay ni Raya habang tinatanong iyon kay Aniah na nakalahad ang kamay.
"I'm Zephaniah Julienne," Nakangiting pakilala ni Aniah.
Ilang segundo bago cute na cute na bumuntong hininga ang kapatid ko at naglahad din nang kamay, "Hiraya Leina, our names sounds the same. Why?"
"Mommy told me that your mom is her friend before and when they were still in their High School days they already chose a name for us." Tuwang-tuwa na sagot ni Aniah.
Ngayon ko lang nalaman yon. Matanong nga si Mama sa susunod kung paano silang naging mag kaibigan ni Mommy Zianna.
"Oh, really?" Unti-unting ngumiti ang kapatid ko at kalaunan ay nag-aya nang makipag laro.
"Looks Like they will be the Zianna and Reign version two, huh?!" Rinig ko pang ani Papa.
Natawa naman kami hanggang sa napagdesisyunan ng kumain.
Puno ng ingay ang dining area dahil sa daming kwentuhan lalo na nang malaman nang mga naroon na buntis ako, mas lalong umingay.
Matapos kumain ay nagkaayaan sila Zihyun at iba pang lalaki na naroon na mag inuman malapit sa pool area. Naiwan naman kaming mga babae sa kusina.
Tahimik na nagliligpit ng pinagkainan sila Mama at Mommy Zianna, nakasimangot naman akong pinapanood sila. Ayaw kasi nila akong palinisin dahil daw masama daw sa buntis ang mapagod. Hindi naman nakakapagod ang pagliligpit ng pinagkainan, e'.
Hindi rin ako maka-angal dahil dalawa silang kalaban ko. Humikab ako pagkatapos ay pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko dahil sa paghikab.
"It's 9PM, already. You should rest, kami nang bahala dito." Ani Mama at umiling naman ako at akmang magsasalita nang pumasok naman si Zihyun sa kusina at dire-diretso ang lakad palapit sa'kin.
Ang hilig talaga nitong sumulpot nalang bigla kung kailan may magsasalita na.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Tapos na kayo?" Halos ibulong ko na iyon sa sobrang pagod.
"It's 9PM—"
"Alam ko. Maaga pa, Zihyun. Makipag inuman ka na muna doon." Iritang putol ko sa kung ano mang sasabihin niya pa.
"I'll carry you, okay? You need to sleep. I know you're sleepy." Mababa ang boses na sabi niya. Naamoy ko pa ang pinaghalong amoy ng alak at mint.
"Ang baho mo. Maligo ka muna, ayoko magpabuhat sayo hangga't amoy alak ka," Umismid ako at tinulak siya pero dahil sa sobrang pagod ay hindi man lang siya napaatras.
"Okay. Wait for me, hmm? Mabilis lang ako." Sagot niya at akmang hahalik pa sa tungki ng ilong ko nang sinamaan ko siya nang tingin kaya naman ay natigilan siya at agad din na napailing bago tuluyang lumabas ng kusina.
Bumaling naman ako kanila Mama at Mommy Zianna na nahuli ko pang impit na tumitili sa gilid pero agad ding tumigil nang mapansin na wala na si Zihyun at nakitang nakatingin ako sa kanila. Sabay silang tumikhim at nag iwas nang tingin bago pinagpatuloy ang pagliligpit.
Tumayo naman ako at hindi na nag paalam na lalabas. Paglabas ko nang kusina ay naglakad ako patungo sa living room para mahiga sa sofa at manood ng pelikula.
Nasa kalagitnaan ako nang panonood nang biglang sumulpot si Zhaffiro na humilig sa pang isahang sofa na katapat lang ng hinihigaan ko.
Nakapikit ang mga mata niya. Kapag nakapikit siya ay mas nagiging kamukha niya si Zihyun pero may something sa aura niya na pang badboy talaga ang datingan. Si Zihyun naman iyong parang anghel kapag nakapikit pero pag nakatitig ka sa mata niya tuwing seryoso siya, nakakatakot.
Si Aniah ang pinaghalong itsura nilang dalawa. Kaya naman sobrang ganda. Parang girl version siya nang dalawang Kuya niya.
Napaisip tuloy ako kung ano ang magiging itsura ng anak ko? Dapat mamana niya sa Daddy niya iyong looks tapos yung ugali dapat sa akin lang. Pero kung kaugali man siya ni Zihyun, edi may katapat na ang asawa ko na suplado kung sakali nga'ng magiging suplada ang anak namin. Tsk!
"I envy my brother, you know!" Napatingin ako kay Zhaffiro na bigla nalang nagsalita habang ganoon parin ang pwesto. Akala ko ay nananaginip siya pero nang umayos siya nang upo at iminulat ang mga mata niya na agad bumagsak ang tingin sa tiyan ko.
"He found his home and happiness, it's you and your soon to be family. He experienced hearing your confession about your pregnancy. I want to be happy, too."
Hinayaan ko siyang sabihin iyon pero nanatili ang tingin ko sa kanya para alam niya na nakikinig ako. Minsan mas magandang makinig sa mga ganito at hayaan silang sabihin ang mga matagal na nilang gustong sabihin. Mas nakakagaan ng loob ang gano'n lalo na kung may nakikinig.
"I-I'm sorry, I know you're tired—"
"No, continue. I'm listening. As your older sister-in-law, I'll listen to you and treat like how I treat my siblings, Zhaff!" Ngumiti ako para makumbinsi siya na ayos lang sa'kin. "Kung hindi mo na kaya sabihin mo lahat. Huwag mo'ng kikimkimin."
Napangiti siya at bumuntong hininga, "Ela, doesn't want to be with me anymore. I went to Germany to fix our problem but she pushed me away. She keeps yelling that she don't want me and she wants me to leave her alone,"
"I can't blame her though, we lost someone. We lost our—"
"This is why I told you to not drink with us, anymore." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Zihyun mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong bumangon nang tumayo siya sa harap ko. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at napangiti naman ako nang wala ng maamoy na alak. "You should rest. Come on,"
"Si Zhaffiro?" Nag-aalalang sumulyap ako kay Zhaff na mabilis na nag-iwas ng tingin nang mahuli ko siyang pinapanood kami.
Galit din ako noon sa ginawa niya sa pinsan ko pero nang nagtagal ay na-realize ko na maaaring may dahilan kung bakit nag kagano'n. Hindi ko rin masisisi ang pinsan ko na akala niya inayawan na siya ni Zhaffiro simula nang malaman niya ang tungkol sa nangyari sa business party daw na pinuntahan ni Zhaff. Gaya namin ni Zihyun noon, ang kulang sa relasyon nila ay ang komunikasyon.
Sobrang layo naman din ng ugali nilang pareho kaya hindi rin maiiwasan na hindi sila magkaintindihan kahit sa iilang bagay lang.
Maingat akong binuhat ni Zihyun na parang bagong kasal lang nang mapansin niya ang huling sulyap ko sa kapatid niya ay nagsalita siya, "Kung hindi ko lang narinig ang sinabi mo kanina sa kanya iisipin ko talaga na may nakaraang relasyon kayo,"
Natawa naman ako sa sinabi niya bago ako kumapit sa balikat niya.
Nilingon niya ang kapatid, "Don't leave, yet. May pag-uusapan pa tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top