Chapter 21

CHAPTER 21



"Thank you," Saad ko nang huminto na ang kotse ni Zihyun sa tapat ng bahay.



"Are you sure, you're okay?"



Anim. Ika-anim na beses niya nang tinanong iyan.



Simula kasi nang makabalik siya mula sa restroom kanina doon sa restaurant ay hindi ko na siya kinakausap. Hindi ko naman inakala na makikita niya agad iyong post ko. Hindi ko tuloy na video-han ang reaksyon niya kung sakaling nasa harap niya ako nang makita niya 'yon.




Hindi naman siya nangulit pagkatapos no'n. Mukhang na-gets niya naman ang pananahimik ko, at sana hindi siya mag-isip nang kung anu-ano dahil sa pananahimik ko buong biyahe namin pauwi.






"Ayos lang ako. Mag-text ka kapag nakauwi ka na, goodnight." Pinatakan ko ng isang halik ang labi niya bago tuluyang pumasok sa gate ng bahay.




Pagpasok sa loob ng bahay ay namataan ko kaagad si Raya na nakaupo sa carpet at naglalaro kasama si Francis, ang anak ni Felicia.



Napansin nila akong pumasok at agad na tumayo saka nagmamadaling tumakbo palapit sa akin. Sinalubong ko naman sila ng yakap at hinalikan sa pisngi nila na parang siopao sa sobrang taba.




"Hi, ate." Bati ni Raya gamit ang kanyang maliit na boses.




"Hello, baby," I greeted her back using my small voice too. She giggled.



"Magandang gabi, Ate Daya," Ani Francis at pinupog ng halik ang pisngi ko kaya naman nang matapos siya ay pabiro kong kinurot ang pisngi niya.




"Nasaan sila Tita and Mama?" I asked the both of them. They pointed the kitchen and I nodded. "Maglaro muna kayo roon, puntahan ko lang sila, okay?"




Sabay naman silang tumango at bumalik na sa paglalaro sa mat na nakalatag sa carpet kasama ang mga laruan nila. Nagtungo naman ako sa kusina.




"Ate!" Ryla's eyes twinkled when she saw me entering the kitchen. "How's your date with Kuya Hyunie?"




Pati ito ay nakiki-Kuya Hyunie na rin dahil nagiging tropa na niya yung tatlong pinsan ni Zihyun na si Arielle, Janine at Casseah na magkakalapit lang ng edad.



"Okay naman. Tutuloy ka ba sa pagbili ng condo?" Tanong ko sa kanya nang maalala na nabanggit niya noong nakaraang linggo ang tungkol sa plano niyang pagbili ng condo.




Ngumuso siya at parang nagiisip bago bumuntong hininga, "Sabi ni Kuya Rafael sa'kin kanina noong nanghingi ako ng advice sa kanya. Mas maganda raw na mag invest na ako gaya na lang ng bahay, "




"Maganda nga kapag bahay kasi lifetime na 'yon, depende na lang kung ibebenta mo in the future, pero ikaw pa rin naman ang mag de-desisyon kung ano ang mas gusto mo kasi sariling pera mo rin naman ang gagamitin mo," I said.




"Hmm...Pag iisapan ko muna and maybe, I'll make a plan first. Hindi rin naman ako nagmamadali since next year pa ako ga-graduate, but, thank you sa support, Ate. Buti na lang talaga may Ate at Kuya ako." Aniya at natawa naman ako sa huling sinabi niya.




"Sabi ni Raya at Francis nandito daw si Mama? " I asked her and she shook her head.




"Kanina, oo. May emegency meeting daw sa company and siguro sasabihin na rin nila about sa pag-alis ni Dad as a CEO," Sagot niya at nagkibit balikat. "Umalis din si Mommy kaagad kasi abala rin siya sa magiging anniversary celebration next week."




Next week na nga pala yung anibersaryo ng kumpanya at sa linggo'ng 'yon ay magiging ganap na CEO na si Rafael, ako naman ay Vice President. May alam naman na ako sa mga ganoon dahil tinuruan naman ako ni Rafael kaso ang nakakatamad lang ay yung sandamakmak na files na pinapabasa niya sa akin noong nakaraang buwan na pinagpapasalamat ko na natapos din kalaunan.




"Ryla, aalis ka ba bukas?" Tanong ko kay Ryla nang may maalala ako na kanina ko pa iniisip sa buong biyahe namin pauwi ni Zihyun.




"Yep, pupunta ako sa Mall para bumili ng school supplies for my classes next month, why po?"



"May ipapabili sana ako sayo," Kinakabahan pa ako sabihin pero no choice naman na ako dahil gusto ko na talaga makumpirma,




"What is it, Ate?" Nakangiting tanong pa ng kapatid ko.



"Pregnancy test."



Napawi ang ngiti sa labi ni Ryla matapos marinig ang sinabi ko kaya lalo pa akong kinabahan. Sh*t! Mali ba na siya ang pabibilhin ko?




"Oh. My. Gosh." Parang bawat bigkas niya ng tatlong salita na iyon ay siya ring pag-intindi niya sa sinabi ko. Nanlalaki ang mga matang bumaba ang tingin niya sa tiyan ko bago ibinalik ang tingin sa mukha ko. "Y-you're preg—"




"H-hindi pa sure. Kaya nga magpapabili sana ako ng P. T. para makumpirma ko bukas—"




"N-no. Bibili ako ngayon, I want to know. I'm excited as f*ck! Oh, my gosh. OMG! Oh, my freaking gosh," Parang mas excited pa siya sa'kin dahil may pa impit na tili pa siyang nalalaman, "Let me buy a dozen of pregnancy test—"




"H-huwag naman isang dosena. Pwede na ang dalawa o 'di kaya ay tatlo," Pagputol ko pa sa kanya.



"Bibili ako ngayon, wait, give me twenty minutes. Malapit lang naman yung pharmacy here sa village, wait for me, Ate, okay?! " Halos isigaw na niya ang huling pangungusap dahil sa pagmamadali niyang umalis.




Nang makalabas siya sa kusina ay naiiling na lumabas na rin ako para pumunta sa kwarto. Wala na sa sala sila Raya at Francis. Siguro ay pinapatulog na.




Iniwan kong nakabukas ang pintuan ng kwarto ko at dumiretso sa walk-in closet para kumuha ng damit. Habang namimili ng damit ay tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng jeans ko. Inilabas ko iyon at tiningnan kung sino ang caller, nang makitang si Zihyun ay agad kong sinagot.



"Nakauwi ka na? " I asked him immediately.



"Yeah, it's boring here," Natawa ako sa isinagot niya.



"Sabi ko naman sayo doon ka muna matulog sa bahay ng parents mo e'. " Natatawang wika ko.



He chuckled and there's a long silence between us, after that.



Tumikhim ako para basagin ang katahimikan na yon, "May trabaho ka ba bukas? " I asked him.



" Yes, love. " Ayan na naman yung love-love na yan, diyan ako nadadali e'.



"Wala naman," Napangiti ako habang sinasabi iyon hindi dahil sa itinawag niya kundi dahil may naisip na naman ako na gagawin ko bukas.



"Based on your voice, I guess you'll visit me tomorrow, am I right? " Napanguso ako nang mahulaan niya ang nasa isip ko.




"Pwede naman na nagkunwari ka na hindi mo alam, " Bumuntong hininga ako at humalakhak naman siya mula sa kabilang linya nang marinig niya ang pagpadyak ko.



"How about... I'll just pretend that I didn't know—"



"Wag na nga... Basta bibisitahin na lang kita bukas, tatambay lang naman ako roon sa opisina mo—"




"I'll fetch you." Hindi iyon suggestion kaya hindi na ako maka-hindi.



"Sige,"  Pagpayag ko kaagad, "Magdadala na lang ako ng pagkain para may makain ako kapag na-bored ako doon,"



"I'll bring the food. I'll cook your breakfast too." Aniya.



"Tama! Ikaw na lang magluto, tinatamad na pala akong magdala, ikaw na lang ang bahala tutal bisita mo naman ako."




I heard him chuckled, "What else do you want me to bring?"



"Wala na,"



"Paano kapag antukin ka?"



"May couch naman siguro—"



"No. I'll tell Zhaff to bring a sofa bed in my office tomorrow, It's uncomfortable to sleep on the couch, you know."



Hindi na ako nagreklamo dahil seryoso na yung boses niya nang sabihin niya yon at tsaka isa pa, tama naman siya na hindi kumportable kapag sa sofa matulog.



"Okay,"



"Ate, ito na yung preg—"



"Sige, bye na muna, Zihyun. Love you,"  Nagmamadaling ani ko at mabilis na pinatay ang tawag sa takot na marinig niya ang boses ni Ryla na mukhang nasa loob na ng kwarto ko.




"Opps! Am I supposed to whisper?" Napatakip si Ryla sa bibig niya nang makitang nagmamadali akong lumabas walk-in closet at kabababa lang ng cellphone ko mula sa tenga.



Umiling naman ako at ngumiti saka lumapit sa kanya.



"Huwag mo muna sabihin kahit kanino 'to, please?" Pagtukoy ko sa pregnancy na hawak niya.




Tumango siya na hindi man lang inaalis ang tingin sa pregnancy test na hawak ko, "Come on, try it na, Ate. Oh, my gosh! I'm shaking!" Natawa ako nang makitang nanginginig nga ang kamay niya.



Nag paalam na ako na papasok sa banyo at tumango naman siya.



Sinunod ko kung paano ba gagamitin ang unang pregnancy test.



Pagkatapos gawin ang nakalagay sa likod ng box ay sumandal ako sa lababo habang hawak ang P. T. at pinapanood ang nangyayari roon. Napasinghap ako nang may isang pulang linya ang lumabas. Pigil ko ang paghinga ko nang makitang nagsisimula na rin magkaroon ng ikalawang linya. Malabo 'yon pero sigurado ako na 'yon ang pangalawang linya.


Positive.


Umawang ang labi ko habang nakatitig parin sa dalawang linya na nasa P. T.



Hindi ako mapakali at triny ang natitira pang dalawang P. T. at hinintay din ang kalalabasan. "S-sh*t!" Bulong ko pa nang makitang pare-pareho ang kinalabasan no'n.



Mas malinaw na ang una at ikalawang linya. No doubt that I'm really pregnant.



Naiiyak na nilagay ko sa box yung dalawang pregnancy test, hinaplos ko ang tiyan ko habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.





"I'm pregnant!" Pagkumpirma ko sa sarili ko dahil hindi parin ako makapaniwala kahit na expected naman na.



Siguro ganoon talaga, iba parin kapag nakita mo na talaga o nakumpirma mo na. T*ngina.




Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti nang maalala si Zihyun.



Sigurado akong higit pa sa salitang tuwa ang mararamdaman no'n.



You're gonna be a dad, mahal ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top