Chapter 16

CHAPTER 16



"Ate, may pupuntahan ka ba bukas?" Tanong ni Rafael, kinagabihan nang nasa dining area kami para mag hapunan.




"Yeah, maghahanap ako ng lilipatan ko na condo or penthouse na malapit lang sa restaurant at sa kumpanya, hassle kasi kapag dito ako uuwi masyadong malayo." Sagot ko at tumango naman sya, "Bakit mo naitanong?"



"Nothing. I was about to ask you kung gusto mo bang sumama sa Fun Run ng AEC Shelter, our family is invited," Aniya at napaisip naman ako.




"Kailan ba 'yon?" I asked.




"Bukas din sana---"



"Sige, sasama ako," Walang pagalinlangan kong sabi.



"Paano ang paghahanap mo ng malilipatan?" Parang nagtunog guilty pa tuloy siya dahil sa desisyon ko.



"Ayos lang naman sa 'kin, pwede ko namang ipag paliban yon at saka gusto ko rin makatulong. Matagal pa naman bago matapos ang resto." Nakangiting wika ko.


"Okay, sasama rin kasi si Ryla at Raya, niyaya ko rin sila Felicia, but they refused dahil kailangan pa raw nila mag review para sa darating na pasukan." Sambit niya at agad na natigilan nang mag ring ang cellphone niya na nasa hapag at dahil magkalapit lang kami ng upuan ay aksidente kong nabasa ang pangalan ng caller.


Mabilis iyong dinampot ni Rafa at napaiwas naman ako ng tingin at uminom ng tubig.


"I gotta go, Ate." Paalam niya pa at nagmamadaling tumayo pero bago pa siya makalayo ay narinig ko pa ang unang sinabi niya sa kausap, "Hello, Mara!"


Kaaway pala ha.


Naiiling na nagpatuloy ako sa pagkain at pagkatapos noon ay tumulong muna na magligpit ng pinag kainan.



Nang matapos ay pumunta na 'ko sa kwarto ko at hinubad lahat ng suot ko saka dumapa sa kama. Ilang minuto siguro akong ganoon ang pwesto nang biglang mag ring ang cellphone ko na nasa side table.



Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na iyon pinansin at hinayaan nalang na mag ring hanggang sa matigil, pero ganoon nalang ang pagkairita ko nang mag ring na naman. Mukhang hindi ako titigilan ng kung sino man ang tumatawag ngayon. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino man 'yon.



"Hello?" inaantok ang boses na wika ko pa habang nakapikit.


"I'll call again tomorrow, you seems sleepy." nagmulat ako ng mata at tiningnan kung sino ang tumatawag.



Zihyun



"A-ah...hindi naman."



"What do you mean?" Sh*t. Bakit ang husky ng boses niya?



"Ang ibig kong sabihin, ano....uhm..h'wag mo nang ibaba." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ang halakhak niya mula sa kabilang linya.



Parang na i-imagine ko tuloy yung mukha niya ngayon pagkatapos nang halakhak niya na 'yon, paniguradong nakangisi siya ngayon.



"Uh...hindi ka ba busy?" Tanong ko na lang para naman may topic kami at hindi siya puro tawa.


May narinig akong kaluskos mula sa kabilang linya, "I just got home, from work. How 'bout you?" Tanong niya.


"Katatapos lang namin mag dinner dito sa bahay, nasa kwarto na 'ko," Sagot ko pa habang hinihila ang kumot upang takpan ang katawan ko hanggang sa dibdib. "Ganitong oras ka ba talaga umuuwi galing sa trabaho mo?"

Noong nasa penthouse naman kasi kami ay wala pang alas sais ay nakauwi na siya, o baka sinadya niya lang 'yon kasi tuwing 6pm ay nagluluto na ako ng hapunan namin?

"Yeah,"


"Doon ka pa rin ba nakatira sa penthouse mo?" Huli na nang ma-realize ko ang itinanong ko sa kanya, namutawi ang katahimikan kaya babawiin ko na sana pero nagsalita na siya.



"I don't live there anymore," Simpleng sagot niya pero ang dami nang katanungan ang nabuo sa isip ko, parang bigla ring kumirot yung puso ko nang maalala ang mga memorya namin doon ni Zihyun sa penthouse, "Do you want to see, Aniah?"


Natigilan ako sa itinanong nya, na-miss ko rin ang batang 'yon at kahit isang beses pa lang kaming nagkita ay naging malapit agad ang loob niya sa 'kin.


"P-pwede ba?" Paghingi ko ng permiso sa kanya, baka kasi ay mabigla na lang sila na naroon na ako sa bahay nila, 'di ba?


"Of course, you're part of our family, Dianara," Aniya.


Bakit ang ganda pakinggan ng pangalan ko kapag sya ang nagsasabi?

At part daw ng family nila? Nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin ay napatango ako. Legal na kaming mag-asawa. Hindi ko sinabi sa mommy niya na huwag ituloy kasi alam kong sarili ko lang ang parurusahan ko kapag nangyaring hindi matuloy ang pag file no'n sa city hall.


"S-sige."


Halos di na ako makatulog pagkatapos ng pagu-usap namin ng gabing 'yon. Ako rin ang unang nag paalam dahil halos isang oras din kaming nag usap at inaantok na rin ako, nag-aalala rin ako kay Zihyun dahil halos buong araw din daw siyang nasa opisina nitong mga nakaraang araw, kaya nasisiguro kong wala pa siyang maayos na pahinga tapos balak pa yatang mag puyat kung hindi lang ako nag paalam at sinabing inaantok na ako.





ALAS SAIS ng umaga ay nagising ako sa katok ni Rafael at nang itanong ko kung ano iyon ay para akong kiti-kiti sa sobrang pagmamadali na maligo at magbihis para sa Fun Race na gaganapin pala mamayang Alas otso sa Marikina.


Simpleng itim na leggings lang ang suot ko at gray na sports bra, dala ko lang ang phone at wallet ko at lumabas na sa kwarto.


Nakasalubong ko pa si Ryla na pababa na rin, "Good morning, pretty ate!" Bati nya pa habang nakangiti.


"Good morning," I greeted back.


Sabay kaming lumabas ng gate at ganoon na lang ang pagtigil ko nang naabutan na nag tatawanan sila Rafael at si Zihyun sa tapat ng bahay.


Anong ginagawa niya rito nang ganito kaaga? Anim na oras lang ang tulog niya dahil alas dose na kami ng madaling araw na natapos sa pagkukwentuhan.


"Bakit nandito ka?" Salubong ko kaagad sa kanya nang makalapit ako sa kanya.


Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagawa niya pang balingan si Rafael, "Is it bad if I want to fetch my wife?" Tanong niya rito.



"Nope." Sagot naman ng kakambal ko na para bang wala lang sa kanila na nasa harap ang pinagu-usapan nila. The nerve of this j*rk!




Bumalik ang tingin sa 'kin ni Zihyun at ngumiti, "You heard it?"



Wala sa sarili akong tumango habang nakatitig parin sa mapula-pulang labi niya na naka-arko dahil sa pag ngiti nya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang pagsiklopin niya ang kamay namin 'saka marahan akong hinila at inalalayan na pumasok sa kotse n'ya.




Saka lang ako natauhan nang marinig ang pagsara ng pinto sa driver's seat nang tuluyan na siyang pumasok sa kotse.



"H-hindi ba't pagod ka? Anong oras pa lang tapos gising ka na, yung totoo natulog ka pa ba?" Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako nang sabihin ko 'yon.



He smirked. Bakit may pag gano'n?



"I can't sleep last night, 'cause I was busy." Nakangising sagot n'ya habang nakatuon ang mga mata sa daan.




"E', sabi mo tapos kana sa pagtra-trabaho? Bakit busy ka pa kagabi?" Iritado pa rin ako.



"I was busy thinking about you." Natigilan ako. Ano raw? Sumulyap s'ya sa 'kin dahilan para magtama ang tingin namin pero agad din s'yang nagbawi at tinukod ang isang braso n'ya sa may pinto, hinaplos n'ya ang pangibabang labi n'ya na para bang pinipigilan niyang ngumisi.




Napatitig ako roon sa labi niya at agad na napailing nang maalala yung muntik ko nang pagtugon sa halik niya nung magkatabi kaming natulog sa kama niya.


Kinain ng katahimikan ang biyahe namin at walang nangahas na basagin ang katahimikang iyon. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag ce-cellphone at agad akong napangiti nang makita ang camera icon doon at naisipan agad na mag selfie, para na rin may ma i-post na ako sa social media ko na inamag na.




Nakailang selfie 'ata ako hanggang sa naisipan ko naman na kuhaan ng litrato ang mga nadadaanan namin, nahinto ang kotse nang mag red ang traffic light, kaya bumaling ako kay Zihyun na nakatingin pala sa akin at hawak na ngayon ang cellphone n'ya na nakatapat na sa 'kin. May narinig akong click mula sa cellphone n'ya at agad na nagsalubong ang kilay ko nang humalakhak s'ya at sunod-sunod nanaman pag tunog ng camera roon.




Tumigil din s'ya kalaunan at nakangiting tiningnan ang screen ng cellphone n'ya, hindi ko naman napigilan na lumapit sa kanya para makita ang itsura ko roon.




"You're adorable, love."  Aniya habang pinapakita sa akin ang litrato ko na magkasalubong ang kilay at masama ang tingin sa cellphone niya.



"Hindi ako tuta para maging adorable." Inirapan ko s'ya at padaskol na isinuot ang seatbelt matapos umupo nang maayos at humalukipkip.




Humalakhak na naman s'ya at inilagay na sa dash board ang cellphone n'ya nang makitang nag kulay berde na ang traffic light.




"Gutom na ako." Wala sa sariling usal ko na dapat ay sa isip lang, sumulyap nanaman sa akin si Zihyun na nakakunot ang noo.




"Hindi ka kumain?" Tanong n'ya at s'ya naman ngayon ang mukhang iritado sa aming dalawa.




Tango ang isinagot ko, dahil gutom naman na talaga ako. Hindi ako nakapag almusal kanina.



"You must be eating on time, Dianara," Parang isang kalabit lang sa kanya ay magwawala na s'ya sa itsura n'ya ngayon, kaya hindi ko na lang s'ya sinagot.





Akala ko ay nasa AEC shelter na kami nang itigil n'ya ang sasakyan, pero nang makita ko ang malaking letra na M ay 'saka ko lang narealize na nasa McDo kami. Idiniretso ni Zihyun ang kotse sa drive thru at agad naman s'yang naka order dahil nang makarating kami doon ay saktong ka-aalis lang ng nasa unahan namin.




"I'll take you to the eat all you can restaurant, later." Nakasimangot na inabot n'ya sa akin ang paper bag kung saan nakalagay ang inorder n'ya na meal sa akin.




Tinanggap ko naman ito, "Bakit nakasimangot ka riyan?" Pati tuloy ako nagtataka dahil sa mukha n'ya ngayon habang nakatingin sa paper bag.





"If I only knew you hadn't had breakfast, I would have brought you more nutritious meal. " Sagot n'ya at paismid na nag iwas ng tingin saka nag maneho na ulit.




Habang ako naman ay pinipigilan na matawa sa sinabi n'ya, napailing na lang ako at saka nakangiting binuksan ang meal na binili n'ya, fried chicken with rice at siyempre hindi mawawala ang gravy, napasimangot naman ako nang imbes na softdrink ang nasa cup ay pineapple juice iyon, pero agad akong natawa nang maalala ang rason n'ya kanina.




Dapat ay masustansya daw. Kaya gets ko na kung bakit pineapple juice ang pinili n'ya at hindi coke.






DUMATING kami sa Marikina Oval nang mag a-alas nuebe na. Nakakahiya pa tuloy doon sa namumuno nitong Fun Race dahil late kami.



Nawala lang ang hiya ko nang madatnan ko sila Ryla na nasa bleacher nakaupo katabi si Raya na umiinom ng tubig. Lalapit na sana ako sa kanila nang mamataan ko sa di kalayuan si Rafael na kausap si Tamara.



"Let's go." Masuyo akong hinila ni Zihyun papunta sa starting lane nang makitang papalapit na doon ang mga imbitado din na mukhang kanina pa nagsimula dahil halos lahat sa kanila ay pawis na.



"Are you comfortable with your top?" Tanong ni Zihyun, kaya naman ay bumaba din ang tingin ko sa dibdib ko at agad na nag angat nang tingin sa kanya.



Hindi nakatakas sa mga mata ko ang paglunok n'ya bago nag iwas ng tingin at sinuyod ng tingin ang mga naroon.




Napailing na lang ako.




"Dianara." Muli n'yang kinuha ang atensyon ko kaya naman ay bumaling ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "Are we okay?"




Doon na ako natigilan. Ang totoo n'yan, buong biyahe namin kanina ay hindi ko rin naisip iyon, ngayon lang talaga na pinaalala n'ya.



"Mag-usap tayo mamaya, hmm?" Nakangiting wika ko at tumango naman s'ya bilang pagsang-ayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top