Chapter 14
CHAPTER 14
"What the f*ck are you doing here, Zhaffiro?"
"I just want to ask Daya--"
"Don't you dare call her that."
Kumunot ang noo ko nang pagmulat ng mga mata ko ay ang mag kapatid na Zihyun at Zhaffiro agad ang nasa tabi ng kama ko at parehas na masama ang tingin sa isa't-isa.
"Oh, look, she's awake." Tinuro pa ako ni Zhaffiro at inosenteng ngumiti sa Kuya niya na masama ang tingin sa kanya.
Dahan-dahan naman akong umupo para mas maharap sila ng maayos.
"Hi Daya, I'm--"
"I said, don't call her 'Daya', you p*nk!" parang kulog ang boses ni Zihyun na lumukob sa buong kwarto na muntik ko nang ikinaigtad sa gulat kung hindi lang ako nakaupo ngayon.
Tamad na binalingan ni Zhaffiro ang nakatatandang kapatid at nagkibit balikat.
"What should I call her, then?" tanong nito kay Zihyun.
"Umalis ka kaya muna?" sabay pa silang napabaling sa akin nang sabihin ko 'yon habang nakatingin kay Zihyun, nagsalubong ang kilay ni Zihyun ngunit hindi ko siya pinansin at bumaling kay Zhaffiro. "Hintayin mo na lang ako sa labas, gusto rin kitang makausap."
Akmang sasagot na si Zhaffiro nang biglang sumabat ang walang hiyang Kuya niya.
"How 'bout me?"
Walang emosyon na binalingan ko si Zihyun, "Maiwan ka rito o kung gusto mo libutin mo buong isla."
"I'll wait for you outside, Dianara." paalam ni Zhaffiro na tinanguan ko naman bago siya makalabas ng kwarto.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at hinarap si Zihyun.
"Anong nangyari dyan?" pagtukoy ko sa gilid ng labi niya na may pasa na ngayon ko lang napansin.
Nag-iwas siya ng tingin kaya napabuntong hininga ako, hinintay ko s'yang sagutin ang tanong ko ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin kaya tinalikuran ko na lang s'ya at nagtungo na sa pinto para sana puntahan na si Zhaffiro, pero hindi ko pa man napipihit ang door knob ay natigilan na ako nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Zihyun mula sa likod ko.
Wag kang marupok! sigaw ng isipan ko pero mas nangibabaw ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya.
"I'm sorry..." nahigit ko ang hininga ko nang sabihin n'ya iyon, parang gusto ko na lang din tuloy siyang harapin at yakapin pabalik---
Hindi pwede...galit ako sa kanya, kaya dapat galit ako---kung kailangan kong layuan siya para hindi maging marupok ay gagawin ko. Pero ang hirap naman yata no'n?
"Layuan mo 'ko!" kumawala ako mula sa mga braso niya at agad na binuksan ang pinto, mabilis ko rin iyon g isinara.
Umikot ako paharap sa pathway kung saan nakatayo si Zhaffiro.
"Paano mo nagawa 'yon?" walang emosyon kong tanong sa kanya.
"I was drunk, Dianara!" sagot niya.
"Sabihin mo nga sa 'kin, ilang babae na ang natikman mo bago ang pinsan ko?" halos habulin ko na ang paghinga ko dahil sa totoo lang ay gusto ko nang sampalin 'tong si Zhaffiro.
Hindi niya ako sinagot kaya mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko ngayon. Napailing ako at akmang tatalikuran na siya nang marinig ko ang itinanong niya.
"Do you know where she lives now?" he asked desperately.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Ang lakas din ng loob niyang itanong yan, pagkatapos niyang ipagtulakan ang pinsan ko tapos ganito siya ngayon?
"Bakit ko sasabihin sa 'yo, sino ka ba?" asik ko at mabilis na naglakad palayo sa kanya para puntahan si Mama.
NAGTUNGO ako sa kwarto nila ni Papa at kumatok, agad naman iyong bumukas at bumungad sa akin si Mama na may ngiti sa mga labi.
"What happened? Nag-usap na ba kayo ni Zihyun?"
"Mama!" pigil ko kaagad sa kanya nang sinubukan niyang hanapin si Zihyun sa likuran ko.
Agad naman syang tumigil at nag angat ng tingin sa 'kin.
"Why? What's the problem?" She asked softly.
"G-gusto ko lang po itanong kung tutuloy ba sila Shin dito?" tanong ko kaagad, saglit namang kumunot ang noo nya pero agad di'ng napangiti.
"Yes--"
"Pero nandito po si---"
"I know, sisiguraduhin naman natin na hindi malalapitan ni Zhaff si Shin. Alam na rin 'yon ni Zianna kaya 'wag ka nang mag-alala para sa pinsan mo, okay?" she assured me, kaya napatango na rin ako.
Though, hindi ako kumbinsido na hindi talaga malalapitan ni Zhaffiro si Shin.
Nag paalam din ako kay Mama at bumalik sa kwarto ni Zihyun para sya naman ang kausapin ko...akmang kakatok na ako nang mapansin ko ang suot ko...
Malaking t-shirt na mukhang panlalaki pa, at... boxer short?!
Paano nangyari ito?
Imbes na nakapag desisyon na ako na kakausapin nang mahinhin si Zihyun, parang bumalik ang galit ko at nadagdagan pa ng inis.
Wala naman kasing magpapasuot sa akin nito kundi siya lang!
Hindi naka lock ang pinto kaya marahas ko iyong binuksan, pero ganoon nalang ang pagka estatwa ko nang makita si Zihyun na kalalabas lang din ng banyo, exposed ang six pack abs niya dahil ang tanging tela na nasa katawan niya ay ang puting tuwalya na nakahapit sa bewang niya, natatakpan ang kaibigan niya.
Mahabagin, ako'y bigyan niyo ng hangin.
Wala sa sariling sinuyod ko ng tingin ang katawan niya, mas maigi nang masulit habang full show pa, sh*t.
Mabilis na umangat ang tingin ko sa mukha ni Zihyun nang marinig siyang tumikhim, nakangisi ang loko at nakataas ang isang kilay niya na para bang hinahamon niya ako ng away.
Anong klaseng away ba?
Napakurap-kurap ako at nag iwas ng tingin saka napalunok.
Bwis*t! T*nginang g*go na may anim na pandesal, pahingi ng palaman.
"M-mag bihis ka muna...." hindi ko alam kung boses ko ba talaga iyon nang mag salita ako.
Sobrang hinhin kasi, kulang na lang ay tumagilid ang dila ko para mas magtunog pabebe, no way! Hindi ako 'yon.
Narinig ko pa ang mahinang halakhak niya na para bang natutuwa pa siya sa naging reaksyon ko, kung biruin ko kaya siya na may gusto akong iba?
Masyado kasing bilib sa sarili ang lalaking 'to, kaya mas maganda sigurong ganti sa kanya ay ang durugin ang ego niya. Pero pakikinggan ko muna ang paliwanag niya, baka sakaling magbago ang isip ko, pero kapag hindi ako satisfied, pasensyahan na lang kami.
Hindi ako gaya ng mga babaeng rumurupok agad dahil lang sa simpleng 'sorry'...
Talaga ba? Eh kanina lang noong nag-sorry ay muntik ka nang tumiklop ah? wika ng mumunting isipan ko dahilan para ipilig ko ang ulo ko at sumaktong tumama iyon kay Zihyun na suot na may suot ng khaki short pero wala paring damit kaya exposed parin ang mga pandesal nuya.
Hindi. Ako. Marupok.
Sh*t naman! Bakit may pagpunas pa ng buhok ha?! Ang hot---bakit ko s'ya pinupuri? Dapat galit ako...oo galit ako, tama ganoon nga.
"Bilisan mo at gusto ko pang mag pahinga..." wika ko pa at tumikhim.
Umupo naman siya sa tabi ko, at dahil nakadidistract ang abs niya ay lumayo ako.
"Mag paliwanag ka na." sambit ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"I'm sorry, walang nangyari sa amin ni Alana, we happened to meet at the bar that night and she was asking me about my cousin, Kalvin. They were in a relationship and they broke up that's why she was there. I let her sleep on my room, I was inside your room the whole time that she was inside my penthouse, nang makapasok na siya sa kwarto ko ay saka lang ako lumabas, I was contacting you that night but, you didn't respond."
Para naman akong nakahinga nang maluwag sa narinig.
"Ano'ng rason para mag lasing ka?"
"I was jealous..." aniya dahilan para kumunot ang noo ko.
"Saan ka nagseselos?" tanong ko.
"Nagselos ako sa inyo ni Rafael, and I was blinded bu anger when I hired an investigator to—"
"Pwede mo akong tanungin tungkol doon, alam mo'ng makikinig ako pero... bakit kailangan mo pa akong paimbestigahan?" naguguluhang ani ko.
Doon na siya nag iwas ng tingin, dahilan para mas lalo akong mainis. Pakiramdam ko kasi ay mag sisinungaling siya!
"You know at first...I was asking myself kung paano ka nagustuhan ni Mommy..hindi ako basta-bastang nagtitiwala---"
"So, wala kang tiwala sa 'kin gano'n?" parang gusto ko siyang pagsusuntukin sa dibdib nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.
"No. It's not like that, f*ck." He raised his hand like he's really saying the truth. "I'm also afraid with your answers, paano kung tama nga ang hinala ko? I know I was stup*d for thinking like that. I was once engaged before, she cheated on me. I moved on but, love, until now... I'm having a hard time to trust everyone around me again. That's why I want to say sorry for not trusting you enough—"
"Dapat kinausap mo pa rin ako nang maayos hindi yung magagalit ka tapos iiwanan ako—"
Napabaling lang ako ulit kay Zihyun nang sapuin nya ang magkabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya, nagtama ang tingin namin at parang gusto kong umiyak nang makita ang kakaibang emosyon sa mga mata niya.
"I'm sorry..." He said with full of sincerity.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top