Chapter 13
CHAPTER 13
"Wow!" 'yan lang ang salitang namutawi sa labi ko nang makababa ako mula sa yate na pagmamay-ari ng pamilya namin.
"Ang ganda,huhu," kunwari'ng naiiyak pa na ani Ryla nang makababa na rin sa yate suot ang aviator sunglass niya.
Bumaling naman ako kay Rafael na inaalalayan ang enemy niya raw na si Tamara.
Kanina lang noong nag a-almusal kami ay sinabi sa 'min ni Tamara na naglayas daw ito sa bahay nila dahil nag-away sila ng Ate niya.
"What's the name of this island, dad?" baling naman ni Ryla kay Papa na kabababa lang din at inaalalayan si Mama.
"We're in Bulalacao Island in Coron,"
"It's small." nakangusong ani Ryla.
"It wouldn't be an island if it's big, Rylana," Parang pagod na pagod na si Rafael na intindihin ang kapatid namin.
Nagtatalo pa rin sila habang naglalakad kami papasok sa lobby para mag check-in, dahil biglaan nga itong bakasyon namin kaya hindi na nakapagpa- reserve.
"I'm sorry, Mr. Hidalgo, but our hotel can only accomodate five rooms. Fully booked po kasi kami ngayon sa isang buong pamilya pa lang na dumating kanina." ani ng receptionist kay Papa nang mag request kami ng anim na kwarto.
"I can sleep beside Rafa-"
"You can sleep in my room, Dianara Hidalgo." sambit ng pamilyar na boses na galing sa likuran ko.
Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya rito?
Andami-daming isla sa Palawan at dito niya pa napili na mag bakasyon? Pwede naman siya sa Culion Island, bakit dito pa sa maliit na isla?
"Zihyun." nanghina agad ang tuhod ko nang magtama ang mga mata namin lalo na nang lumagpas ang tingin ko sa mga taong nasa likuran niya.
T*ngina, nakakahiya!
Namutla ako nang mamataan ang seryosong titig sa 'kin ni Ma'am Zianna na mas nakadagdag ng kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Long time no see, Astrielle." rinig ko pang bati ni Mama sa kung sino habang nanatili ang mga mata ko kay Ma'am Zianna na nag iwas lang ng tingin kaya naman ay bumaling ako kay Zihyun, napalunok ako nang mamataan na hindi parin niya inaalis ang nakamamatay na tingin niya sa 'kin.
"Oh, the Hidalgos are here too?" sulpot naman ng isang babae na kasing edad lang siguro ni Ma'am Zianna o mas bata pa.
She seemed so playful at nakumpirma ko lang iyon nang mag pabalik-balik ang tingin niya kay Mama at doon sa isang babae na kamukha niya at ang pinagkaiba lang nila ay ang buhok.
"How are you, Callista?" bati naman ni Mama roon sa may pagka bungisngis na babaeng kamukha nung Astrielle.
"Still gorgeous, how 'bout you, Reign?" sagot naman nung Callista kay Mama.
"Like wise." nagkibit balikat si Mama na mas lalo kong ipinagtaka.
Bumalik na naman ang tensyon sa pagitan namin ngunit agad iyong napawi nang pumasok sa lobby si Aniah at tumakbo papalapit kay Zihyun pero agad siyang lumihis ng daan nang makita ako saka niyakap ang bewang ko kaya sa akin naman ngayon natuon ang mga mata ng mga naroon.
Lalo na ang tingin ni Rafael at Ryla na halatang gulat sa nakikita ngayon, dahil ang pinaka batang Jeon ay niyakap ako.
"I visited Kuya Zihyun's penthouse but, you were not there anymore, what happened, Ate Pretty? Nag fight ba kayo ni Kuya Hyunie?" Inosenteng tanong ni Aniah dahilan para marinig ko ang pagsinghap ng mga naroon lalo na si Ryla na inaatake na naman ng pagka-OA niya.
Napakamot ako sa batok at nanghihingi ng tulong na tiningnan si Zihyun na siyang pinaka malapit sa 'kin, agad namang siyang umuklo para ilayo si Aniah mula sa pagkakayakap sa 'kin at tumayo na karga-karga na ito.
"What's the meaning of this, Dianara?" malamig na ang boses ni Papa nang itanong niya 'yon sa 'kin na nag bigay ng pangamba sa buong sistema ko.
Paniguradong nahuhulaan na nila kung ano ang mayroon sa amin ni Zihyun dahil sa sinabi ni Aniah. Lalo na sa paraan ng pag titig sa 'kin ni Rafael na siyang mas malapit sa 'min ni Zihyun, kaya paniguradong rinig na rinig niya ang sinabi ng bata.
"If you're mad, you can punch my son, he deserves it.", sabad naman ni Ma'am Zianna na inutusan pa si Papa na suntukin si Zihyun.
T*ngina may permiso.
"Tell me, Ate, ano'ng ginawa sa 'yo ng Zihyun na 'yan?" Tanong naman ni Rafael na halatang napupuyos na sa galit at handa nang sugurin si Zihyun anumang oras kung hindi lang siya pinigilan ni Ryla.
"At ikaw, Tamara, bakit nandito ka at kasama ang pamilyang 'to?" ani naman ng isa pang babae na nasa likuran ni Ma'am Zianna.
"Aya, stop," pigil naman sa kanya noong lalaki na mukhang asawa ng babae na tinawag na Aya.
"Tita..." tugon naman ni Mara na mukhang ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin iyong Aya na tiyahin niya pala.
"Dianara, let's go!" parang kulog ang boses ni Papa nang sabihin niya iyon dahilan para nagmamadali akong sumunod sa kanila.
Habang naglalakad pasunod sa kanila ay patuloy ang pagpapakalma ni Mama kay Papa na halatang galit.
Napahinto lang ako nang harangin ako ni Rafael sa daan papunta sa kwarto na ibinigay sa amin. Mukhang hindi na nakatiis at kating-kati talaga na malaman kung paano at bakit kilala ko ang mga Jeon.
"Pagod ako, Rafael. Bukas na tayo mag-usap." mabilis naman s'yang tumango at hinayaan na ako na makapasok sa kwarto na inaakupa nila Ryla at Trisha na tahimik at pabalik-balik ang tingin sa akin habang nagtatanggal ako ng sapatos.
Naunang nagpaalam si Ryla na mag sh-shower lang sa banyo, pagtapos niya ay sumunod si Trisha,
Ilang oras din silang tahimik na nag aayos ng sarili nila at halatang nakikiramdam dahil sa klase ng pag tingin nila sa 'kin pero takot na magtanong dahil ramdam siguro nila na kaunti na lang ay maiiyak na ako, sa pula pa lang ng tungki ng ilong ko ay halata na talagang maiiyak ako.
Niyaya pa nila akong sumama sa kanila na mag swimming na mukhang ilang minuto pa nilang pinag isipan kung tatanungin pa ba ako, ngunit tanging iling lang ang iginawad ko at pumasok sa banyo para maligo at hindi na nag abalang hubarin ang suot na damit.
Naisipan ko pang subukan ang bath tub nila roon at para na rin makapag relax at mukhang effective naman dahil nakatulog nga ako pero nagising din nang maramdamang may bumuhat sa 'kin at base sa pamilyar na pabango na naaamoy ko ay mukhang kilala ko na kung sino ito.
Gusto kong mag protesta na kaya ko at itulak siya pero sa sobrang pagod ko ay nakuha ko pang humilig sa dibdib ni Zihyun.
Parang gusto ko sabihin sa kanya na huwag na kaming mag-away dahil sa nararamdaman kong pagiingat n'ya habang buhat ako at naglalakad sa kung saan.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nang sumalubong sa 'kin ang malamig na simoy ng hangin at nang marinig ko ang paghampas ng alon ay alam ko kaagad na nasa labas na kami.
"Don't you dare make her cry again, or else I'll punch you again, Zihyun Jaire!" narinig ko pa ang boses ni Papa kaya mas lalo akong nagtaka.
T*ngina, bati na sila?
"Yes, sir,"parang bata naman na ani Zihyun sa pabulong na boses sa takot siguro na magising ako.
I'm awake, d*mb-ss.
"And remember what I told you, after—"
"After the wedding." putol naman ni Zihyun sa sasabihin sana ni Papa na mas nagdagdag kuryosidad sa 'kin.
Ikakasal na ba si Zihyun? Kanino? Sa akin ba? Kasi kapag ganoon malugod ko siyang tatanggihan.
"Good." 'Yon na ang huling narinig ko kay Papa hanggang sa maramdaman ko muli na naglalakad na si Zihyun sa kung saan.
Gustong-gusto ko nang bumaba kaso ay inaantok pa rin ako, sinasabayan pa ng pananakit ng paa at likod ko.
Alas tres kami ng madaling araw na bumiyahe papunta sa airport, tapos ay ilang oras kami na bumiyahe papunta sa Coron,Palawan gamit ang yate na pagmamay-ari ni Rafa, trenta minutos kami doon sa Coron para mag lunch bago ulit kami bumiyahe papunta dito sa isla.
Narinig ko pang may kausap si Zihyun na isang staff at mukhang inutusan pa na buksan ang pinto ng kwarto n'ya.
Teka, kwarto n'ya? Bakit kami nasa kwarto n'ya? Hindi pa kami magkaayos tapos may pagdala na sa kwarto n'ya?
At higit sa lahat, bakit pumayag si Papa, o alam ba talaga 'to ni Papa tapos hinayaan n'ya lang?
Next thing I knew, dahan-dahan na n'ya akong nilapag sa isang malambot na kama, pagkatapos ay nilagyan ng kumot mula sa talampakan ko papunta sa bewang ko.
Basa ang damit ko kaya hindi ako kumportable, sinubukan kong tumagilid ng higa para mas maging kumportable, hanggang sa biglang may kung sinong umupo sa may bandang likuran ko at marahan na sinusuklay ang buhok ko dahilan para mas lalo akong antukin.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nakatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top