Chapter 12
CHAPTER 12
"We want to throw a party for you, Rafaela." ngumiti sa 'kin si Mama habang kumakain kami sa dining area dito sa mansiyon.
ISANG LINGGO na ang nakalipas simula nang umalis ako sa penthouse ni Zihyun, noong nakita ako nila Rafael nang araw na 'yon na narito sa mansiyon at dala ang mga gamit ko ay nagulat pa sila pero hindi naman sila nag-atubiling patuluyin ako.
Alam ko naman na masamang mag sinungaling lalo na sa magulang pero ang sinabi ko na lang sa kanila ay umuwi na ng probinsya ang kaibigan ko kaya wala na akong matutuluyan.
"We should invite Ate Shin and Kuya Ian, 'my." excited na ani Ryla kay Mama.
"Oo nga pala, ma, kumusta po si Enola?" Tanong ko kay mama na agad namang bumuntong hininga.
"Her Kuya Ian will bring her to Germany for her check-up, and I talked to Ian yesterday, he said that Enola might stay in Germany, for good." Ani Mama.
"Kailan ang alis nila?" sabad naman ni Rafa pagkatapos subuan si Raya.
Nalaman ko rin sa isang linggong pananatili ko rito na surrogate child si Ryla at Raya, dahil may sakit si Mama sa puso simula sa pagkadalaga niya.
Nangyari lang na hindi kami surrogate child ni Rafael dahil hindi rin alam ni Mama na buntis siya noong bente anyos pa lang siya. Caesarean si Mama noong kami ang pinagbubuntis niya at ang sumunod ay si Ryla at Raya na, surrogate child na.
It's a risk kahit na normal delivery or caesarean pa dahil alam naman na ni Mama na may sakit siya sa puso simula pagkadalaga, but it was treated nung nalaman niyang buntis siya, and for safety narin ay nagpa c-section siya at hindi normal delivery.
Gusto ni Mama ng apat na anak pero ayaw ni Papa na ilagay ulit sa panganib ang buhay ni Mama kaya napagkasunduan nila na mag surrogate na lang.
"Next month, so, I guess pwede natin imbitahan si Enola," Nagkibit balikat si Mama.
Sakto namang may naisip ako na puntahan para na rin makapag unwind at saktong bakasyon din naman ngayon at walang pasok.
"Pwede po ba tayo mag beach na lang? Family bonding po kumbaga." suhestiyon ko at agad naman umingay ang hapag dahil kay Ryla at kanila Felicia na kahapon lang dumating rito para dito narin tumira.
Napangiti ako nang makitang nagustuhan nila ang suhestiyon ko.
"That's great. A family bonding." nakangiting sumang-ayon naman si Mama na ikinatuwa naming lahat na naroon lalo na ang mga bata.
"Raya, finish your food before playing." saway naman ni Rafael kay Raya na agad namang umayos ng upo at kumain.
Akala ko talaga nung una ay may anak na itong si Rafa dahil lagi siyang nakabantay kay Raya kahit nandyan si Mama, pero nang malaman ko na kapatid pala namin ay doon napagtanto na mahilig lang talaga si Rafael na mag-alaga ng bata, mas napatunayan ko pa iyon nung dumating sila Felicia at ang agad niyang nilapitan ay si Francis, Felicia's three year-old son.
Felicia seemed comfortable because of Ryla, parehas silang may pagka maarte at kasama na roon si Sarrah at Trisha, si Tristan naman ay nahihilig sa PS5 na bigay ni Rafael sa kanya pagdating pa lang nila rito.
PAGKATAPOS mag hapunan ay isa-isa na rin kaming nagsipuntahan sa kanya-kanyang kwarto namin.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa walk in closet na pinuno ni Mama ng kung ano-anong damit para sa 'kin.
Kumuha lang ako ng damit ko pantulog bago pumasok sa banyo para mag shower.
Pagkatapos mag shower at makapag palit ng damit ay agad akong dumapa sa kama at pumikit, napailing ako nang pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Zihyun nang gabing 'yon.
Gusto ko siyang pakinggan kung may balak man siyanng magpaliwanag at bawiin ang sinabi niya, pero habang tumatagal ay unti-unti ko na lang natatanggap na totoo ang lahat ng akala ko.
"GOOD MORNING, Ate!" magiliw na bati sa 'kin ni Ryla nang makababa ako sa sala at maabutan ko sila ni Trisha na nags-scroll sa iPad niya.
Online shopping na naman 'yan panigurado.
"Magandang umaga, Ate Daya," bati naman ni Trisha at agad ding bumaling sa iPad na ikinanguso ko.
Hindi man lang hinintay ang pabalik na bati ko.
Nagtungo na lang ako sa kusina para magluto na ng almusal pero natigilan ako nang makita ang hapag na may nakahanda ng pagkain.
Sakto namang pumasok si Mama na may bitbit na tray, kung saan nakalagay ang mga baso. Lumapit ako sa kanya para kunin ang tray ngunit inilayo niya iyon.
"Ma, ako na diyan, upo ka na lang doon." ani ko.
"Tawagin mo na lang ang mga kapatid mo, ako na rito kaya ko na 'to." aniya at nagpatuloy sa paga-ayos ng hapag kaya wala rin akong nagawa kundi ang sumunod.
Lumabas ako sa kusina at nagtungo sa sala para sabihan sila Ryla na kakain na. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kwarto ni Rafael na katabi lang ng kwarto ko.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya, "Rafael, kakain na,"
Nang wala paring sumasagot ay pinihit ko na ang doorknob niya at nang mapagtanto na hindi iyon naka lock ay dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto para makapasok.
"Raf—t*ngina!" malutong akong napamura nang makita ang isang babae na nasa kama niya at mahimbing na natutulog.
Nanlalaki ang mga matang binalingan ko kaagad ang pinto ng banyo ni Rafael nang bumukas iyon at iniluwa siya na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa pang-ibabang bahagi ng katawan.
Halatang nagulat din siya na makita ako sa loob ng kwarto niya at nagpabalik-balik pa ang tingin sa akin at sa babaeng natutulog sa kama niya.
"I can explain—"
"Alam ba ni mama 'to?" pabulong na ani ko at nasisigurong siya lang ang nakakarinig, baka magising yung babae.
Ang lalaking 'to, nagdala pa ng babae sa kwarto nya. Hindi man lang nag hotel.
"It's not what you think, Ate!" aniya sa mababang tono rin habang sumusulyap sa babae na natutulog.
"Sino ang babaeng 'yan? Baliw ka ba? Paano kung hinahanap pala 'yan sa bahay nila, ha?" Asik ko.
"Let's talk outside, Ate. Baka magising si Mara." Aniya pa at dahil mabilis naman akong kausap ay tumango ako saka lumabas ng kwarto niya, mabilis naman siyang sumunod palabas.
Mara pala ang pangalan. Grabe ano bang meron sa kwarto at halos lahat ng babae ay doon dinadala ng mga lalaki?
"Girlfriend mo ba 'yon?" tanong ko kaagad sa kanya pagkalabas niya.
Napakamot naman siya sa batok niya, pagkatapos ay umiling na ikinakunot ng noo ko.
Hindi naman pala girlfriend, tsk!
"Alam ba ni Mama na may dinala kang babae sa kwarto mo?!" mahinahon ngunit may diin na ani ko.
"Alam—"
"Kung gano'n bakit pinayagan ka?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Sabi niya hindi niya 'ko sesermonan basta wag lang akong magpapahuli sa 'yo dahil paniguradong sermon na agad ang abot ko." sagot niya pa.
"Inutusan niya ako'ng tawagin na kayo para kumain," wika ko. "Ngayon sabihin mo sa 'kin kung paano mo napapayag ang magandang babae na 'yon na sumama sa 'yo?"
"You're insulting me—"
"No, I'm not, my dear brother." Inosenteng wika ko.
"She's my enemy." umismid pa ang loko na para bang maniniwala na ako sa sinabi niya.
"Ikaw? May kaaway na babae? Papansin ka siguro—"
"Ate—" pagmamaktol nya pa na ikinatawa ko.
"Okay lang 'yan." tinapik ko ang balikat niya, "Magu-usap ulit tayo mamaya, gisingin mo muna si Mara mo, para makapag breakfast na." sambit ko at tinalikuran na siya saka naglakad papalayo.
"She's not mine." huling aniya na ikinangisi ko na lang habang naglalakad ako palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top