Chapter 09
Chapter 09
DIANARA
"Good morning po."
"Hello, Ate Ganda." Napatingin naman ako sa batang babae na katabi ng mommy ni Zihyun, na ang pangalan ay Zephaniah.
"Hello,pretty-princess!" 'Yon na lang ang nasabi ko nang mapansin na halos lahat ng suot n'ya mula ulo hanggang paa ay may disenyo'ng Cinderella.
"Mommy, she called me Pretty-Princess. She's my Pretty Ate now." mukhang natuwa naman ito base sa naging reaksyon n'ya at ipinagmayabang pa sa mommy niya.
"Yeah, I know, sweetheart." Natatawang ani ng mommy ni Zihyun.
"Uh, pasok po kayo, gisingin ko lang po si Zihyun, matagal po kasi nakatulog—"
"—I understand."
Akmang tatalikuran ko na sila nang bigla na lang may yumakap sa bewang ko mula sa likod.
"Good morning, love."
Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang baritonong boses ni Zihyun.
Mabilis akong lumingon sa gawi nila Mom at Aniah na nasa salas bago siya hinarap.
Hinapit n'ya 'ko palapit sa kanya dahilan para mapahawak ako sa dibdib n'ya. Tiningala ko s'ya at ayon na naman ang nanunudyong ngisi sa labi niya.
Magulo ang buhok nya at medyo basa pa ang mukha, "Naghilamos ka?" Tanong ko at parang sanay na sanay na pinatong sa magkabilang balikat niya ang dalawang kamay ko.
"Yup, I also brushed my teeth." Ngumiti sya muli but this time,kita na pati ang ngipin n'ya, natawa ako at pinisil ang tungki ng ilong n'ya na agad namang namula.
He snorted which made me giggle, we both stilled when we heard someone cleared a throat from behind.
Kinakabahan na nilingon ko kung sino iyon kahit alam ko naman kung sino, awkward akong napalayo kay Zihyun pero ang loko mas hinapit pa ako palapit sa kanya habang nakangiti sa mommy niya.
"Good morning, Mom." Nakangiting bati ni Zihyun sa Mommy niya.
Ngumisi naman ang huli,, "I'm getting old, and I think I need a grandchild, as soon as possible, Zihyun Jaire."
Nahigit ko ang hininga ko matapos marinig iyon sa Mommy ni Zihyun, para akong nabingi matapos marinig yun mula sa kanya, pero agad akong napakurap-kurap nang maramdamang may masuyong humila sa 'kin papunta sa kusina at nang tumingala ako ay tanging likod ni Zihyun na ang nakikita ko dahil nauuna siya sa 'king maglakad.
Huminto din s'ya sa tapat mismo ng kusina bago ako iginaya paupo sa isang upuan na nasa tapat ng dining table habang ako naman ay nakakunot ang noo'ng pinapanood ang kilos n'ya, nagtataka.
"Just sit and watch your 'husband' to serve you, love." He said before walking towards the stove and turn it on.
At gaya nga ng sinabi niya, pinanood ko ang bawat kilos n'ya habang nagluluto, paminsan-minsan ay lilingon pa s'ya sabay kindat na iniilingan ko na lang.
Ang weird niya ngayon.
Nasa kalagitnaan s'ya ng pagluluto nang pumasok si Aniah sa kusina bitbit ang libro ng isang kwentong pambata, pilit siyang umupo sa katabing stool na kinauupuan ko at nang hindi s'ya makaupo ay tiningnan n'ya ako at ngumuso na ikinatawa ko naman.
"Help, please?" pinaliit nya ang dating maliit na boses naman na talaga n'ya na ikinangiti ko bago s'ya inalalayang makaupo. "Thank you!"
"Hey,princess." pagtawag ni Zihyun kay Aniah na agad namang tiningnan ang Kuya n'ya, nakakunot ang noo. "How's Kuya Zhaff?"
Napangiwi si Aniah matapos marinig ang pangalan ng Kuya Zhaff niya bago sumagot, "Hindi siya nag-show up, Kuya. I didn't seen him for two days now."
"Really? Did you asked Mom, where's Kuya Zhaff now?" may pilyong ngisi sa labi ni Zihyun nang itanong niya iyon kay Aniah.
Lumipas ang ilang minuto simula nang mag-usap si Aniah at Zihyun ay naluto rin ang breakfast namin. Inaya namin ang mommy at kapatid niya pero sinabi ng mommy niya na nag message raw ang daddy niya at pinapapunta sila sa opisina nito para doon mag-lunch kaya ang ending ay kami na lang ni Zihyun ang naiwan sa penthouse niya para mag almusal.
Pagkatapos mag almusal ay nag presinta akong hugasan ang pinakainan namin. Nagdesisyon akong linisan ang sala matapos kong mag hugas ng pinagkainan namin, si Zihyun naman ay nasa sala rin at pilit akong kinukumbinsi na wala akong malilinis.
"I told you, wala kang malilinis dito sa penthouse, love," Natatawang wika ni Zihyun habang prenteng nakaupo sa sofa.
Bagsak ang balikat na tiningnan ko naman s'ya, "Fine, suko na 'ko. Tawagan ko na lang si Rafa—"
"Seriously? what's with you and that guy?" Iritadong tanong n'ya.
Ang kaninang nakangisi at natatawang Zihyun Jaire ay iritado at mag kasalubong na ang kilay ngayon.
Hindi ko talaga makuha kung bakit inis na inis siya kay Rafael.
"Tsk, s'ya lang ang kakilala ko'ng lalaki na masasamahan akong mag-grocery kaya—"
"Now, I'm a stranger to you—"
"Hindi naman sa gano'n, may trabaho ka kasi ngayon--"
"—just leave and call your guy, I'm off to work anyway." galit ang boses n'ya nang sabihin niya iyon bago ako tinalikuran at lumabas ng penthouse.
Naiwan naman akong tulala at nanghihinang napaupo sa sofa, t*ngina, bakit ba hindi n'ya muna ako pakinggan?
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon at ng mabasa ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong kinuha.
Felicia Calling....
"Hello,Feli?"
[Ate, kailan ka ba uuwi dito?]
Sh*t!
Paano ko ngayon sasabihin sa kanya na may asawa na ako? Knowing Felicia, alam kong magtatampo ito lalo na at nangako akong babalik ako kaagad sa probinsya.
[Ate, nandiyan ka pa ba?]
"Ah,oo—"
[—kailan ka uuwi,Ate?]
"A-ano kasi..."
[Nagkita na kayo ni Kuya Rafa at ng pamilya nila?] Ramdam ko ang pait sa boses nya nang sabihin niya 'yon. [Kung wala ka namang balak na bumalik dito sa probinsya, okay lang. Maging masaya ka sana sa 'bago' mong pamilya.]
Kumunot ang noo ko habang pinapakinggan siya hanggang sa putulin niya ang linya, hindi ako nakagalaw.
Naiintindihan ko naman si Felicia kung bakit sya nagkakaganon, takot s'yang iwanan ko sila, pero hindi ko naman gagawin sa kanila 'yon e', kahit kailan ay hindi ko magagawa 'yon.
May pagka-isip bata rin kung umasta si Feli at lagi n'yang pinapairal ang ugali niyang 'yon lalo na kapag hindi nya nakukuha ang gusto n'ya.
Bumuntong hininga ako saka tumayo at nagtungo sa kwarto ko at kinuha mula roon ang wallet ko bago lumabas ng penthouse ni Zihyun.
HABANG nasa elevator ay tinext ko si Felicia .
Dianara: Uuwi ako d'yan, Feli. May importante lang talaga akong inaasikaso rito sa Maynila.
Wala akong natanggap na mensahe mula sa kanya nang ma i-send ko iyon kaya napailing na lang ako at sakto namang bumukas ang pinto ng elevator kaya agad din akong lumabas.
Naglalakad ako palabas ng lobby nang may maka-bungguan ako, natigilan ako at agad na yumukod para tulungan ang isang babae na nabangga ko na makatayo, ngunit natigilan ako nang makitang humihikbi ito.
Hala!
"Sorry, hindi ko sinasadya!" tinulungan ko sya'ng pulutin ang mga gamit niya pagkatapos ay tinulungan ko siyang makatayo pero ganoon nalang ang pag pa-panic ko nang muntik na siyang matumba, kung hindi ko lang siya nasalo ay nasa sahig sana siya babagsak.
"Shit!" napamura ako nang makitang wala na itong malay at may dugo na dumadaloy mula sa pagitan ng hita niya, agad naman akong tinulungan ng mga guard na naroon at ang receptionist na tinatawagan na ang ambulansya.
SUMAMA ako papunta sa hospital nang dumating ang ambulansya dahil hindi lang ako mapapakali lalo na at mukhang buntis pa iyong babae.
Sh*t naman.
PAGDATING sa ospital ay inasikaso agad siya ng isang doktor at chineck-up, habang ako naman ay naghihintay lang sa tapat ng kwarto na pinagdalhan doon sa babae lalo na at sa 'kin naiwan ang gamit niya.
Napatayo ako nang lumabas yung doktor mula sa pribadong kwarto nung babae.
"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong nya sakin.
"Uh..hindi ko sya kilala pero kasi ako ang nakabunggo sa kanya kanina bago s'ya mawalan ng malay at dinugo." sagot ko naman.
"Na sayo ba ang gamit or wallet nya? Titingnan ko lang kung may ID sya." ngumiti iyong doktor at agad naman akong tumango saka inabot sa kanya iyong bag ng babae.
Agad naman niyang nakita iyong wallet nung babae at binuksan saka kinuha yung ID.
"Enola Shin....Hidalgo?" halatang nagulat iyong doktor matapos basahin ang pangalan ng babae kanina na Enola Shin pala ang pangalan.
Hidalgo? Hindi kaya kamag-anak ko yung babaeng nakabungguan ko kanina?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top