Mark of a True Lover
A/N: The following contains words and scenes that are not suitable for young audiences. Read at your own risk.
Mark's POV
Paano ko ba nagawang lakaran ang daan kung saan ako lubusang nasaktan at nakapanakit gayong yakap-yakap ko na ang langit?
Gago kasi ako.
Noon.
Bago ko napagtantong mahal ko pala siya nang totoo.
Ang gago lang rin ng sitwasyon. Bakit ba kasi laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit hindi na lang ilagay sa una ang pagsisisi para alam na agad ang gagawin bago ang lahat ay mahuli?
"HULI KA NA! Mark!!!" naalimpungatan ako sa sigaw ng nanay ko. Hindi ko pa nagagawang mag-inat ay una na niyang binanat ang tainga ko.
"A-Aray! Maaaa~!" reklamo ko at walang nagawa kundi tumayo at magpatangay sa paghila niya dahil kurot-kurot niya ang tainga ko.
"Huli ka na sa trabaho mo, ang sarap-sarap pa ng tulog mo!" Binitawan niya ang tainga ko at agad ko itong hinimas. "Kailan ka ba magbabago?!"
Tinigil ko ang paghimas sa tainga at napakamot ng batok. Nginitian ko si mama nang nakakaloko bago nilapitan at yakapin sa baywang patalikod. "Ma naman e, nagbabago naman na ako hindi ba?"
Akma niya akong hahampasin sa ulo kaya't agad akong kumalas sa kanya. "Dati wala akong trabaho, ngayon mayroon na! Oh 'di ba pagbabago?"
"Mark Aurelius!!!" nanggagalaiting sigaw ni mama na inabot ang knapsack sa tapat ng aking office table upang ihambalos sa akin. Bago pa man niya ito nagawa at nakapasok na agad ako sa banyo na halos katapat lang namin.
Narinig ko pang tumama ang bag sa may pinto kaya humalakhak ako. Naririnig ko mula rito sa loob si mama na nagdadaldal pero naghubad na ako't hinawakan ang tubig na nasa malaking drum, naramdaman kong maligamgam na iyon.
Si mama talaga.
"Sweet naman ng mama ko! Pinaghanda na talaga ako ng paligo!" Sigaw ko, sapat na upang marinig niya sa labas bago nagbuhos ng tubig sa katawan. "Whoooh! Sarap ng tubig paligo na timpla ni mama!"
Wala namang limang minuto ang tinagal ko sa paliligo, natural na kasi ang bango ko. Nagsuot lang ako ng loose white t-shirt, oversized black pants at white rubber shoes. Kinabit ko rin ang chain necklace ko, isang silver plain c-hoop earrings sa kaliwa kong tainga at nag-spray ng kaunting pabango.
Sinuklay ko lang nang ilang beses gamit ang mga darili ang buhok kong umaabot na ng batok ko habang tinitignan ang sariling replekyon sa salamin.
"Gwapo mo naman self! Whooh!" Tinuro ko pa ang sarili sa salamin at nag-posing posing.
Bumaba na ako't naabutan si mama sala, nag-aalmusal.
"Napakabagal pa ring kumilos parang babae! Saan ang pagbabago?" pang-uuyam niya saka kumagat ng pandesal.
Kinuha ko ang pandesal na nakagatan niya at saka ito sinubo nang buo.
Sa gitna ng pagnguya ay sinagot ko siya, "Dati, hindi ako kumimilos para pumasok sa trabaho. Ngayon, kumikilos na ako para pumasok sa trabaho. Pagbabago!" Inunat ko pa ang palad ko na tila kumakanta.
"Baliw ka talagang anak ko." Iiling-iling na tugon ni mama.
"Baliw man sa iyong paningin, marami kayang babae ang nahuhumaling sa akin!"
Nakita kong dumakot siya ng mainit na kape mula sa tasa gamit ang kutsara niya para itapon sa akin kaya't madali kong tinakbo ng pinto para lumabas.
"Hoy mag-almusal ka muna!" sigaw ni mama dahil nagpaalam ako.
"Hindi na ma! Almusal naman na ako para sa iba!"
Gamit ang aking big bike ay nagtungo ako sa isang maliit na cafe sa tapat lang ng building na pinapasukan ko. Dumiretso ako sa comfort room, pumasok sa isang cubicle at nag-lock ng pinto.
Inilabas ko mula sa knapsack ko ang mga damit at isang pares ng sapatos.
Nagbihis ako ng puting polo na iniwang bukas ang dalawang butones sa taas. Tinerno ko ito sa fitted gray slax, brown belt at brown cap-toe oxfords.
Lumabas ako't nanalamin. Brinush up ko lang ang buhok ko at naglagay ng kaunting gel.
"Mas gwapo self ha. Mas mukhang tao!" I smirked at my reflection ngunit agad ring natawa sa sariling kahanginan.
Lumabas na ako't dumiretso sa building. Binati ako ng guard nang pagbuksan niya ako ng pinto. Huminto ako at may kinuha sa bag. Inabot ko sa kanya ang dalawang siopao na nasa plastic, binili ko kanina sa nadaanang convenience store.
"Siopao po ulit Sir?" tanong niya na may bakas na pagbibiro.
"Sawang-sawa na po ba? Sige ho bukas, ulam naman!"
"Nako binibiro ko lang po kayo!"
"Hindi po, ulam po talaga bukas. Asado ang ibibigay ko po sa inyo, alisin niyo na lang sa siopao!"
Nag-apiran kami habang tumatawa. Nagpasalamat naman siya bago ako umalis.
Binati ako ng lahat ng mga empleyadong makakita sa akin. Binabati ko rin naman sila pabalik at nginingitian. Ang iba'y binibiro ko at sumasabay rin. Nang makarating ako ng aking opisina ay iba'ng naabutan ko—ang katangi-tanging tao na hindi ako binabati o binibigyan man lang ng ngiti.
"Zupp bro!" Hinagis ko sa couch ang knapsack ko at saka tumungo sa office desk. Umupo ako sa ibabaw noon at sinisilip ang laptop na kaharap ni Jacob.
Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin kaya't mataman ko siyang tinitigan.
"Paano mo nagagawa iyan?" tanong ko.
"What is it bro? I'm busy," bored niyang tugon.
"Paano mo nagagawang maging pogi pa rin kahit seryoso?"
Agad niya akong binato ng ballpen kaya't napatayo ako bigla mula sa desk.
"What the fudge bro! Naka-puti akong polo!" reklamo ko.
Huminga nang malalim si Jacob at sumandal sa swivel chair, napatong pa rin ang dalawang kamay sa tapat ng laptop.
"Bro, seryosong usapan. Lalaki sa lalaki. When will you stand on your responsibility here in your own company?"
Ngumisi ako nang mahimigan ang pagdiin niya sa salitang own. Tumalikod ako sa kanya at nagtungo sa blinds, inangat ko iyon nang bahagya. Sumilip ang kaunting sinag ng araw ngunit hindi naman ako ganoon nasilaw.
"If you just sign the contract, this will all be yours bro. I just can't understand why you don't want to manage this firm," sagot ko at natawa sa sarili.
Akalain mo self, kaya mo pa rin palang um-english ng diretso basta't seryoso.
"I have my own business, Aurelius—"
"Then why don't you expand it by accepting my offer for you to be the CEO of this? I only need your signature."
Sandali siyang natahimik, alam kong nagtitimpi na naman siya sa akin. "This is yours bro. Kaya ko nga pinilit ibangon ulit kasi kapag ito ang nawala sa'yo hindi lang ikaw ang apektado, pati ang mama mo. Para mo nang dinamay mo ang mama mo sa nangyari sa inyong dalawa ng girlfriend mo noon kapag pati itong kumpanya mo ay hindi mo inasikaso."
This time, ako ang natahimik. My mother never knew that I have established my own company out of my inherance from my father's wealth. Akala lang ni mama ay isa lang akong empleyado.
Naintindihan ko naman na halos walang seryosong naniniwala sa akin, kahit si mama, dahil puro lang ako kalokohan. Puro gimik. Barkada. Buhay binata. Totoo naman.
Kaya nga kahit mga babae hindi ko pinalampas... Kahit si Francine.
"Miss!" tawag ko sa isang babae na nakalagpas na sa akin, lumingon naman siya pero halatang nagdadalawang isip kung siya ba ang tinawag ko. Nilapitan ko siya at inabot ang piraso ng papel. "I saw that you drop this."
Inabot niya ang papel nang nakatingin pa rin sa akin. Nang mailapit niya ito sa kanya ay inilipat niya doon ang paningin niya.
I find her cute in frowning. "Number?" In a soft voice, she asked amusedly.
"Oo," I smirked. "Number ko." At kinindatan ko siya.
Her cheeks turned cadmium red and she laughed demurely.
Francine's not my type. Never will be. Ang pagiging sobrang simple niya ay sa pananaw ko, boring na babae. Wala man lang akong nakitang hugis ng katawan niyang maaakit ako. Parang hindi pa niya iniisip kung paano magiging kaakit-akit ang hitsura niya. Tila kuntento na siya sa t-shirt, maong at topsider sa araw-araw na pagpasok sa eskwelahan.
"Ano nang usad pre? First time mo yatang mabano?!" tukso ni Wil, isa sa mga barkada ko.
Nandito ako ngayon sa isang bar kasama ang dalawa ko pang mga kaibigan. Bawat isa sa ami'y may babae sa magkabilang tabi bukod kay Stephen na hayok sa chicks, tag-dalawa ang nasa tabi niya.
"Tado naman kasi pare. Chill! Sabi nga nila hindi ba? Ang babae parang alak, habang tumatagal... Lalong sumasarap!" saad ko.
Naghiwayan kaming tatlo at minasa-masahe naman ako ni Wil sa balikat.
"Kaya ba ayos lang sa'yo kahit matagal mong makuha si Francine dahil alam mong magiging mas masarap?!" segunda naman ni Stephen at humalik pa sa babaeng nakakalong sa hita niya.
Minura ko lang siya habang ngumingisi.
Pustahan naming tatlo si Francine. Alam ng dalawang ugok na hindi ko tipo ang mga tulad niya dahil ang palagi kong pinapatulan, shino-shota at kinakama ay ang mga babaeng magaganda ang mukha, katawan at may pera.
Hindi tulad ni Francine na wala yatang ibang laman ang bukaborlaryo kundi mag-aral, tumulong sa magulang at maglingkod sa simbahan. Sikat siya sa campus dahil presidente siya ng Supreme School Council, pambato ng university sa mga academic contests dahil matalino at madalas manguna sa mga gawaing pangmaka-"Diyos" para sa mga estudyante.
Material girl. But not my type. Masyadong mataas. Masyadong banal. Boring.
Kaya't hinamon ako nina Wil at Stephen. Kailangan ko raw patunayan na wala nga talagang babaeng aayaw sa isang Mark Aurelius Fuentecilla. Alam ko rin namang wala talagang aayaw sa akin, kahit pa si Francine.
"Francine, bagay sa'yo ang pangalan mo," saad ko sa kanya nang tabihan ko siya sa cafeteria isang araw nang break-time. Nagulat pa siya nang bigla akong nagpakita sa harap niya dahil wala naman siyang kasamang kumakain.
"Ha? Bakit?" taka niyang tanong.
"Kafrancine-francine kasi ang ganda mo kaya na-francine ka ng puso ko," banat ko at kinindatan siya.
Naglikot ang mga mata niya kasabay ng pagpula ng pisngi. Sa reaksyon at kilos naman niya, alam ko namang gusto ako nito. Sa dami ng babaeng nakilala't nakasama ko, kabisado ko na kapag gusto ako.
Iba nga lang si Francine. Kahit halatang gusto niya ako ay hindi niya iyon sinasabi. Hindi siya sumusungab tulad ng lahat ng babaeng naging shota ko. Hindi siya ang naghahabol pero pinaghahabol niya ako. Inabot ako ng buwan kakaporma sa kanya na dapat ilang minuto lang tulad ng nakasanayan ko. Nyeta, challenge nga.
Palagi niyang dinadahilan sa akin na babaero ako pero binabara ko siya na hindi iyon totoo. Unang-una, hindi ako sa university nambababae kaya't wala siyang ebidensya. Pangalawa, kahit may shota ako sa kapareho kong pinapasukan ay hindi ko iyon pinapansin kapag nasa loob ng university.
"Gusto kita Francine, alam ko gusto mo rin ako," usal ko habang dahan-dahan ko siyang kinukulong sa magkabilang mga braso ko habang siya'y napasandal na sa pader sa harap ko.
Kanina pa uwian kaya't wala nang masyadong tao sa campus. Inabangan ko talaga siya sa locker's area ng kanilang building pagkatapos niyang mag-assist sa library.
"Let's make this official. Ano pa bang pumipigil sa'yo?" I almost whispered in front of her lips.
Naramdaman kong hindi siya humihinga at nakatingin lang sa mga mata ko. "Breathe," I commanded. Pero hindi pa rin niya ginawa.
"You'll breathe or I'll give you my breath?" I warned. And there, her eyes fell on my lips in which I considered as a signal for me to give in.
I gave her my breath as I kissed her hungrily... Like a bee that never tasted a honey as sweet as she. I have kissed different girls, both bold and conservative, but never have I felt so heavenly the way I felt while caressing Francine's lips.
The way she responded to my kiss told me that this is just her first time doing this. So I taught her how in between our lips' embraces—deeply, passionately, ecstatically.
Suddenly I felt my cheeks turned wet. Francine's the first one to cut our osculation so I pulled myself from her. Though her face looking at the ground, I could clearly see that she's crying.
Very much unsual. Girls I've kissed turned-on on me. But Francine? What the f*ck?! Kailan ba naging nakakaiyak ang halik ko?!
"Bakit ka umiiyak?!" singhal ko.
She sniffed. "F-First k-kiss ko iyon."
"Oh tapos?" kunot-noo kong tanong. Ang gago kasi, malamang alam ko!
Lalo siyang naiyak. Putek na 'yan! Matatapos na sana ang pustahang ito kung hindi siya nagdrama ngayon, nakuha ko na sana ang dapat kong kunin.
"Francine?!"
Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin. "K-Kasi... G-Gusto ko n-na... Nahulog na ako sa'yo Mark. Mahal na kita."
There's something that pinched my heart.
Gago? Mahal ako neto? Ang dami kong hinalikang babae na ginustong idiretso ko na sa kama nang walang anumang I like you o i love you tapos itong babaeng ito... Mahal ako? Pambihira!
"P-Pero, n-natatakot ako Mark. Bawal pa akong mag-boyfriend—"
"Potek naman Francine!" Nahampas ko ang locker, sa gilid lang ng ulo ni Francine kung saan siya nakasandal kaya't nabigla siya. "Pagkatapos natin maghalikan! Wala akong pakialam kung bawal ka pang mag-boyfriend! Mahal mo na ako diba?" She nodded. "That's all I need for us to have something in betweeen! Okay?!"
"Pero—"
"No more buts," I reprimanded.
Umabot kami ng apat na buwan ni Francine at siya ang pinakamatagal na girlfriend ko. Hindi ko naman talaga siya balak tagalan kung hindi lang sa kagaguhang pustahan naming magkakaibigan.
I don't care about the money for I am the richest among the two. I can pay for their lives either if I want to. It's just that, I can't afford to lose when it comes to girls. Every single one of them that will cross my line should be on bed with me before exiting.
I am Mark Aurelius Fuenticilla.
Hindi naman ako nainip kay Francine dahil tuloy-tuloy pa rin naman ang pagpapasalin-salin ko ng mga babae kahit may kaming dalawa. Syempre, hindi niya alam. Hindi ko pa nakukuha ang dapat makuha ko sa kanya.
Ang apat na buwan ay naging walong buwan hanggang naging halos isang taon. Sa loob ng mga panahong iyon ay dinala ko si Francine sa mundo ko.
"Ilagay mo ito sabi d'yan," napipikon kong utos sa kanya habang pilit na inilalagay sa wallet niya ang makakapal na perang papel at ilang credit cards.
"L-Love, bakit kailangan pa kasing magpanggap na marami akong pera?" mahinahon niyang tanong.
"Potek naman Francine! Hindi ba't sabi ko sa'yong mayayaman ang mga kaibigan ko?! At mayayaman lang ang mga taong nakakapag-chill sa bar! Paulit-ulit na lang!" Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri dahil sa iritasyon. "Ayaw kitang mapahiya doon! Naiintindihan mo ba iyon?!"
"Alam naman nilang hindi talaga ako mayaman k-kahit noon pa hindi ba?" pagdadahilan niya pa.
"Just take this shit and we won't have longer dealings! F*ck!"
Madalas akong magalit sa kanya kapag ang dami niyang nirarason sa gusto kong mangyari. Nasanay akong sinusunod agad ng kahit na sino pero iba si Francine, gusto niya munang sabihin ang side niya pero wala akong balak pakinggan. Kaya't lagi ko siyang nasisigawan. Sumusunod naman siya kaya lang ay madalas, magagalit muna ako.
Sinasama ko siya lagi sa bar pagkatapos ng klase. Minsan kahit may trabaho pa siya bilang student assistant sa school ay hindi ko na siya pinapatuloy doon at sinasama na sa akin. Syempre noong una ay pahirapan pang mapapayag siya ngunit nasanay na rin siyang dapat akong sundin.
"Change your clothes." I commanded and handed her a paper bag.
Binuksan niya ito at inilabas ang mga damit na nasa loob. "Love... H-Hindi kasi ako nagsusuot—"
"Anong gusto mo? Dalhin kitang mukhang manang doon?!" naiinis kong tugon. "Com'on Francine! It's just shorts and sando!"
"H-Halos makikita naman kasi ang katawan ko rito, Mark," pagdadahilan niya pa.
Bumuga ako ng hangin mula sa ilong. "Of course we're going to a bar! May damit para maging conservative at may damit para maglabas ng balat. I thought you're smart?!" Napansin kong maiiyak na siya pero pinipigilan niya. "Francine, ayaw mo namang pagtalunan na naman natin ito diba?"
She entered woman's comfort room and changed her clothes.
Tuwing isasama ko siya sa bar, sa gimik o sa labas ay palagi ko siyang pinagpapalit ng damit. Kapag nakikita ko siya sa campus na naka-ayos ng boring ay hindi ko siya pinapansin.
Wala rin naman kasing nakakaalam sa campus na shota ko siya pero nagiging chimis iyon at lumalabas na bayaran ko lang si Francine dahil alam ng lahat na hindi ko papatulan ang tulad niya.
Sinabi ko na lang kay Francine na huwag na lang niyang pansinin dahil alam naman niya ang totoo at iyon ang mahalaga. Wala rin naman akong pakealam sa kung anong maging tingin sa kanya ng mga tao. Gusto ko lang makuha ang gusto ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa makuha-kuha.
"Francine, shot ka naman d'yan!" Inabot ni Will ang isang maliit na baso ng alak.
Binalingan ko si Francine na abala sa paggawa ng reports ko para bukas. Kanina pa siya nakatutok sa laptop ko at pilit na tinatapos iyon. Madalas niyang gawin ito para sa akin kapag alam niyang may mga report ako.
Sinagi ko nang bahagya ang braso ko sa kanya para kunin ang atensyon niya. Tumingala naman siya sa akin at sinenyasan ko siya na tinatawag siya ni Will.
Tumingin siya sa kaibigan ko."A-Ah... S-Sorry pero hindi kasi ako umiinom," pagtangi niya tulad ng nakasanayan.
Madalas na namin siyang nakakasama rito sa bar pero hindi pa niya nasusubukan uminom kahit isang beses.
Hinigpitan ko ang hawak sa bewang niya at bumulong, "Hindi ba't sabi ko sa'yo ayokong napapahiya sa mga kaibigan ko. And will you please let go of that laptop, nasa bar tayo wala sa library."
"Pero Love, kailangan mo itong mga reports mo bukas malapit naman na—" Nabigla siya nang bigla kong isinara ang laptop.
"I brought you here not for you to do my things Francine. Edi mamaya mo gawin iyan 'pag uwi mo. Inumin mo na iyon." I firmly stated.
"P-Pero—"
"Iinumin mo o papalitan kita ng babaeng isasama ko rito?"
Wala siyang nagawa kung 'di kunin kay Will ang maliit na baso at ininom iyon. Naghiyawan naman sila ni Stephen habang si Francine ay halos masuka sa lasa ng kanyang ininom.
Sinasadya kong lasingin si Francine para magawa ko na ang dapat kong gawin pero hindi iyon matuloy-tuloy dahil kahit gaano siya kalasing ay pinipilit niyang makauwi sa kanila.
Napansin kong takot siya sa tatay niya na isang pastor kaya't kahit anong mangyari ay uuwi siya sa kanila, late man ang oras. Madalas siyang tawagan nito para pauwiin tuwing nasa bar kami ngunit pinipili pa rin ni Francine na magtagal para makasama pa ako.
Pero sa tagal naming dalawa, napatunayan ko na kung gaano siya katakot sa tatay niya ay mas takot siyang mawala ako sa kanya. Lahat ng sabihin at ipagawa ko sa kanya ay sinusunod niya kahit nararamdaman kong labag iyon sa kalooban niya. Ipinapaalala ko lang lagi na mahal niya ako at kapag mahal niya ako ay dapat hindi niya ako ginagalit o hindi dapat siya gumawa ng ikakadismaya ko.
"This is like you're just breathing in and out, Francine! Lemme show you." I grabbed the kindled cigarette from her hand and showed her how to inhale the smoke and exhale it through my mouth. "Your turn," sabi ko at ibinalik sa kanya ang sigarilyo.
"Hindi ko kaya Mark." She cried.
I pressed my lips and felt my jaw tightened. "Hindi mo pa nga ginagawa! Dalian mo na at huwag mo akong artehan! Tinuturuan kita para masanay kang parte na iyan ng buhay ko!"
"Mark, please... K-Kahit ano na lang, huwag lang 'to."
Mataman ko siyang tinignan. "Kahit ano?"
Though hesitant, she still managed to nod her head.
I forced her to drink vodka mixed with Rohypnol without her knowledge. She immediately became drowsy and wild after taking two to three shots. Suddenly, she became dizzy and finally fell asleep.
"Tado, tol! Mukhang mananalo ka na after a year!" tukso ni Stephen na tatawa-tawa.
Sa aming lahat, si Francine na lang ang wala sa sarili. Sinadya naming tatlo na hindi muna maglasing para maging aware pa rin kami sa ginagawa namin.
"Enjoyin mo na 'yan Tol! Tagal kang pinaghintay!" payo naman ni Will nang buhatin ko palabas ng bar si Francine.
I took her to my condo and laid her in my bed. Without a second, I removed my polo and positioned myself on top of her.
I stripped off some strand of her hair that covered her face and let myself admire her features for a while. This is just the very first time that I starred at her this near. Though we've been kissing each other for a long time since we were together, I never had a chance to appreciate anything about her. Only this time.
Francine's face is too pure... Cherubic... Innocent... Like an angel in modern clothes of button-down sleeveless shirt and mini skirt.
Maganda rin pala si Francine.
I started kissing her from her lips to her jaw while my right hand was busy travelling all over her body. As I dive through her neck, I cautiously unbuttoned her shirt and let my lips progress down her chest. There I felt her moved and caressed my hair.
Out of great favor, I managed taking off her shirt without cutting off my pecks. I could hear her moans and whispered my name.
I was about to put her skirt down when she cooed.
"Mahal na mahal kita Mark."
Sincerely. Repeatedly. Her words seemed cuddling my heart but in a painful way. As if it is leaving scratches to deep wounds and scars that will stay for life.
In the midst of thinking, a sound of phone call surrounded the room. I immediately pulled myself from Francine and search for her phone. I knew it's hers since I was the one who gave her the phone.
Papa calling... That's what registered in the screen.
I took a glanced at Francine whose eyes were shut with a small curve in her lips before answering the call.
"H-Hello anak?!" It's an anxious voice of a woman. "Diyos ko anak! S-Salamat naman at sinagot mo ang tawag! N-Nasaan ka b-ba?! H-Hello?! M-Magsalita ka naman anak p-please..."
The woman started crying, sounds like grieving.
"Umuwi ka na a-anak, please! P-Please! Alalang-alala na kami ng papa mo! Tumawag r-rito ang mga magulang ng kaibigan mo at sinabing nadisgrasya ang sinasakyan nila, a-akala namin ay kasama ka a-anak dahil ilang araw ka nang hindi umuuwi rito...
"Alam kong nagtatampo ka sa papa mo dahil tinangka ka niyang ikumong sa kwarto mo noong huling beses kang umuwi na lasing na lasing... A-Anak... Ano bang nangyari sa iyo? Hindi ka naman dating g-ganito. H-Hindi ka na nakikipag-usap sa amin ng tatay mo. Hindi ka na sumasama sa church at Bible Studies natin. Madalas kang umuwi ng late at lasing. Ibang-iba ka na rin manamit anak ko... A-Ano bang nangyari sa'yo? Anak—"
I put the phone down and look intently at the sleeping angel.
Does Francine seriously love me?
Is this how far Francine gone through just because of her love for me?
Is this the mark of Francine's love? That she'd willingly gave up her almost perfect world just to be with me and embraced my world that just ruined her original identity?
I put on my polo and left Francine in my condo.
Since then, I never showed up to her.
ONE TIME, I drove my way home under the influence of alcohol. Sanay akong ginagawa ito at nakakauwi naman ako nang matiwasay but this time, sinapian yata ako ng katangahan. I had a car accident with a four-wheeler truck.
Namangha lang ako nang magising pa ako sa ospital—buo ang katawan at ni wala man lang bali o kulang. Mas lalo pa akong namangha nang maabutan ang isang babaeng nakasubsob sa gilid ko.
Si Francine.
Marami siyang unuusal na dasal pero isang pangungusap lang ang natandaan ko.
"M-Maawa po kayo... Bigyan niyo pa po si Mark ng isang pagkakataon, Panginoon, na makilala ka Niya at tanggapin sa buhay niya."
Never been in my life that my tears flowed down my cheeks with a simple prayer. It touched the depths of my soul. It spoke through my innermost being.
How could a perfect God still give chance after chance for a person as foolish as me? How could He wake me up after I consistently turning Him down? How can He allow people continually love me when there's no reason anymore?
With this woman beside me, I have proved that no matter how much marks of pain and struggles you've caused someone, love will be one sure reason to stay despite of what you have done. It can't be understood radically.
Inangat ko ang kamay ko at ipinatong sa ulo niya. Naalarma siya at agad na bumangon. Nagtama ang mga mata namin.
"M-Mark?!" She held my face as I gave her small smile. "Diyos ko! S-Salamat Panginoon!" Lalo siyang lumuha nang yumakap siya sa akin. "S-Sandali, t-tatawagin ko ang nurse!"
I held her wrist which made her stopped. "I-I'm sorry, Francine."
Her eyes looked at me softly and she kneeled in front of me. She caressed my face and I let myself felt it. "Bakit ka nagso-sorry? Hindi mo kasalanan ang nangyari sa'yo. Aksidente iyon. Okay?"
I shook my head. "It's not that... I'm apologizing to you... I'm sorry for being such a jerk. I-I'm—"
"Shhh... Lahat ng iyon ay nakaraan na. Wala na sa akin iyon. Ang mahalaga nandito ako. Hmmm?"
I felt embarrassed when my tears flowed like waterfalls, like a boy crying for a toy car. But then I realized that I have enjoyed playing with different girls all along yet never felt mortified by doing so.
Jerk, Mark. You deserve more punishment than this.
"Mahal na mahal kita, Mark." Francine then gave me a kiss. I just let her do that but I didn't respond.
I don't deserve her love. I don't deserve her kiss. She doesn't deserve someone like me either. I haven't yet thought or felt if I do love Francine. All I know is that, I don't want to hurt her anymore starting today. And that's what I want to work out in this second life.
"Gago ka pare, naaksidente ka lang ah? Nagkamali yata ang Diyos ng kaluluwalang inilagay d'yan sa katawan mo? Hindi ikaw 'yan Mark Aurelius!" biro ni Wil.
"Stop cursing. And God never made mistakes. Ako pa rin ito pare."
"Now you're talking about God?! Com'on pare! Ang baduy mo!" tukso niya ulit.
Napalingon ako kay Stephen nang magsalita, kanina pa kasi siya tahimik. "So pare, wala na lang iyong pustahan? Papayag ka na lang na matalo?"
"Pare, I don't care about the money. Saka, napag-isipan kong mas talo ako kapag nasaktan ko ulit si Francine."
"Sh*t 'tol! Mahal mo na ba ang boring na iyon?!" bulalas ni Wil.
"What the f*ck dude?! That thing doesn't even exist! Gago amp!"
"I'll just transfer the money on your accounts and that would be the last bet that we will do in terms of girls. They don't deserve to be played on."
Narinig ko pa ang ilang malulutong na mura ng dalawa bago ko lisanin ang bar. Hindi ako uminom o nag-entertain ng babae. Nagpunta lang talaga ako doon para makausap silang dalawa.
Magkakaibigan pa rin naman kami. Iyon nga lang ay hindi na ako sumasama sa mga kalokohan nila. Mas madalas ko nang kasama si Francine.
BUMALIK NA rin si Francine sa mga dati niyang ginagawa. Nahirapan siyang maghabol sa mga aralin kaya tinutulungan ko siya. Sinamahan ko rin siyang ibalik ang nawalang Bible Study sa campus, iyon nga lang ay hindi na ganoon kadami ang dumadalo. Nahirapan na silang maniwala pa kay Francine dahil sa kumalat na balita noon tungkol sa kanya.
Pero kahit na ganoon ay hindi ko nakitaan ng pagsuko si Francine sa ginagawa niyang pagbabahagi ng Salita ng Diyos. Madalas pa rin ang pangbu-bully sa kanya pero imbis na patulan ay hindi na lang niya pinapansin. Naririnig ko ring isinasama niya pa ang mga taong iyon sa pananalangin niya tuwing Bible Study.
I began admiring Francine's genuine heart that reflects on her face down to her toes. She's a living angel, guiding the lost to the light of the Almighty. Though she had fallen short and made mistakes as well, that was God's way of reaching us—the people who thought that we would never change. Through her testimony, we could believe that nothing is impossible for someone who believes.
Francine also taught me to be simple and humble. She gave me reason to have direction in life and be a good child to my parents. I have seen how she loves and respects her parents from the way she talked about them.
Minsan tinanong ko siya kung pwedeng magpakilala na ako sa mga magulang niya pero sabi niya ay bigyan ko siya ng oras. Bumabawi pa raw kasi siya doon sa halos isang taon na napariwala siya dahil sa akin. I admit that it's my fault so I understood her decision.
One morning, I went to my father and ask him of my inheritance. Mama was even shocked. Napagalitan muna ako bago ibigay lahat, walang labis walang kulang. Noong una'y tutol si mama pero wala na ring nagawa. Sabi ni papa ay wala na siyang pananagutan sa akin dahil wala na siyang tinira pa. They both thought that I will be using it with my vices but I wanted to prove them wrong.
I established my own company. At first, it was small and almost being bankrupted since I had no one with me to manage. I didn't tell anyone about my company. I wanted to surprise everyone especially my parents and Francine. I want them to be proud of me.
At the verge of failing, Hans Jacob Clemente came. I just met him in one business meetings and there he offered to be one of my primary investors. At first, I was hesitant. Of course, he's still a stranger to me and it wasn't wise to invest large amount of money to someone you just met. But Jacob was trustworthy. My company boomed because of his help.
"Nalulula na talaga kami sa'yo 'tol! Hindi na yata ikaw iyan Mark! Mas gago ka ngayon!" Sinuntok pa ako ni Wil sa braso. "Parang kalian lang noong huli kang nagsabi sa amin na hindi ka na magba-bar at mambababae, ngayon ang balita mo ay victory party ng kumpanya mo!"
Ngumisi lang ako at napansin ang pananahimik ni Stephen sa tabi ni Wil. Hindi ko na lamang pinansin iyon. "Basta aasahan ko kayong dalawa doon ha."
I only invited important people in the party, doon mismo sa building ng kumpanya ko. Everything was all set until Wil and Stephen came. Palapit ako sa kanila at biglang napatigil nang makita ang isang babaeng kasama nila.
"Hello babe! I'm so proud of you!" Malayo pa lang ay sigaw na nito. Dire-diretso siyang nagtungo sa akin at yumapos. Iniwas ko ang mukha ko nang akma niya akong hahalikan.
"What are you doing here?" kunot-noo kong bulong at lumingon sa dalawang kaibigan nang makalapit rin sila. "What is she doing here?"
"Tol, I invited Eunoia in your party. You know, she's also an important person in your life, right?"
"Francine would be here later." Mariin kong sabi.
Eunonia was one of my ex. The only problem is, I knew Eunonia wouldn't do anything good. She was obsessed with me even before.
Bukod kay Francine, si Eunoia ang pinakamatagal kong naging girlfriend. And even though we broke up, we're still seeing each other when I was still going to a bar. Natigil na lang ang ugnayan namin nang mag-focus na ako kay Francine. After all, I have nothing to do with Eunoia anymore.
"Don't worry babe, hindi naman ako manggugulo. Grabe ka naman sa akin!" Eunoia told me, erotically. She even tried to lick my cheeks but I distanced myself from her.
Kalagitnaan na ng party ay hindi pa rin dumarating sina mama at papa. Naintindihan ko naman dahil noong inimbitahan ko sila ay halatang duda sila sa sinasabi ko. Maging si Francine ay wala pa. Tinawagan ko siya kanina at inalok na sunduin pero sabi niya naghihintay lang siya ng tyempong makaalis sa kanila lalo't gabi na.
Though I always remind Francine that she should tell the truth to her parents, she kept on telling me to give them more time. Ako kasi ang nahihirapan sa kalagayan niya dahil kapag yayayain ko siya sa labas ay magsisinungaling pa siya sa mga magulang niya. Ako na mismo ang unang nakokonsensya para sa kanya.
"Come on, Mark! Let's have some toss!" Eunoia offered as she caressed my chest. I just simply shoo off her hands on me.
"Dali na dude, party mo ito! Hindi ka naman maglalasing. Wine lang rin naman ito. Shot-shot lang!" Pag-eenganyo ni Wil.
Marahas akong bumuga ng hangin mula sa ilong at kinuha ang maliit na basong hawak ni Eunoia. Mabilis ko iyong tinungga at ipinatong sa lamesa kasabay ng paghiyaw ni Wil. "Happy?" I sarcastically told him.
"Ang weak naman pare! Isa pa!"
Nagsalin ulit si Eunoia at iniabot sa akin. Kinuha ko na lang at tinungga para hindi na nila ako kulitin pa mamaya. Hindi nga naman talaga nakakalasing ang wine.
Iyon ang akala ko.
Ilang minuto lang magmula nang ininom ko ang pangatlong baso ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Nagtataka ako sa reaksyon ng katawan ko dahil wine lang naman ang pina-serve ko sa party. Naging malabo na rin ang panangin ko kasabay ng pagkalabo ng mga ingay sa paligid. Maging ang mga sinasabi ni Eunoia na nasa tabi ko lang ay hindi ko na rin naiintidihan.
Hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.
I'M ON TOP OF someone, feeling the warmth of each other's skin. I'm sure I'm all naked so I immediately pulled myself up from the bed. Naramdaman ko agad ang pagpintig ng sintido ko kaya agad akong napapikit at sinabunutan ang sarili habang nakaupo sa kama.
"What's wrong babe?" That's Eunoia's voice and I felt her hands on my cheeks. Tinabig ko iyon at matalim siyang tinignan.
"What are you doing here?"
Alam kong narito kami sa kwarto ng kumpanya ko. Pasadya ang kwartong ito sa isang palapag nitong building dahil alam kong darating ang mga pagkakataong aabutin ako ng gabi sa pag-aasikaso ng kumpanya kaya't dito na lang rin ako tutuloy para hindi na maabala sa pag-uwi.
"Hmmm... My baby? You're the one who brought me here. Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang ginawa natin?" Tinabig ko siyang muli nang tangkain niya akong halikan.
Masakit man ang ulo ko at tumayo na ako agad. Pinulot ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig at mabilis na isinusuot ang slax.
Iniisip ko kung anong huli kong ginawa at paano ako napunta rito. Tanging alam ko ay hindi ko pa nakikita sina mama at papa sa party, maging si Francine. Oo nga pala, si Francine!
Awtomatiko akong napalingon sa nakabukas na pinto nitong kwarto. Tumama ang paningin ko sa isang babaeng nakatayo mula roon. Hindi mababasa sa kanya ang anumang reaksyon. Hindi seryoso. Walang luhang nagbabadyang tumulo. Sadyang blanko.
She saw everything?!
Pagod siyang tumalikod at mabagal na naglakad palayo.
"F-Francine!" Nagmadali akong isuot ang slax at kinuha ang polo sa sahig. Isinuot ko iyon habang tumatakbo at hindi na nag-abalang ibotones pa.
Naabutan ko si Francine malapit sa elevator at agad na hinawakan ang palapulsuhan. Humarang ako at hinarap siya. Gano'n pa rin ang reaksyon niya tulad ng nakita ko kanina.
"F-Francine—" I stopped upon realizing that I don't know what to say.
Hindi ko alam ang nangyari?
Wala akong ginawang masama?
Walang nangyari sa amin ni Eunoia?
Hindi ko sinasadya?
Sorry?
Whatever words I'd be uttering would not discredit the thing she just saw but I know I have to say something!
"H-Hindi k-ko— F-Francine... Ano..." I sound devastated and begging but I don't care. "P-Please believe m-me... H-Hindi ko alam kung a-anong nangyari—"
"Ito ba ang surprise mo?" Her tone's indifferent. The tone that I never thought would be coming out of her. "Congratulations! Na-surprise naman a-ako." She choked at her last line and simply cleared her throat. "Nasa baba na ang regalo ko sa'yo, aalis na ako."
Nilampasan niya na ako pero bago siya makalayo ay hinatak ko siya paharap sa akin. "Francine..." As soon as she faced me, a palm landed on my face then I heard repressed cries.
I slowly turned my gaze to her and confirmed that she's crying.
"Gago ka..." she whispered. "Ang gago mo! Ginago mo ako!" I didn't hide my reaction when I heard her cursing for the first time, because of me. "Oh, nagulat ka? Kasi nakapagmura ako?! Susulitin ko na, ginawa mo na rin naman na akong demonyo diba?!
"Naniwala akong magbabago ka... Ano iyon? Pagkatapos ng aksidente mo, nagpanggap kang nagbago ka na? Para ano?! Kasi hindi mo pa ako naikakama?!"
"That's not true Francine—"
"Alam kong pinagpustahan niyo ako nila Wil at Stephen! Kailangan maikama mo ako para manalo ka sa pustahan ninyo. Kasi ikaw si Mark Aurelius Fuenticilla," She stated my name with much disgust. "Walang babaeng dadaan sa'yo na hindi mo gagalawin bago mo itapon na lang."
Hindi ako nakapagsalita.
Pinalis niya ang luhang bumagsak sa pingi niya bago muling nagsalita. "Desperate people do desperate moves indeed. It manifested in you."
Inaamin ko naman na gawain ko nga ang lahat ng sinabi ni Francine at nagawa kong pumusta para lang sa pagkababae niya. Pero hindi ko maiwasang masaktan ngayon dahil naririnig ko mula sa mismong bibig niya ang pinaghalong pagkadismaya, pagdidiri, galit at hinanakit. Sa lahat ng sinabi niya, ang tungkol sa pagbabago ko ang nagkamali siya.
I'm trying to change for the better because I want her to see that I am worthy of second chance.
I'm trying to change for the better because I want her to give my best.
I'm trying to change for the better because I finally realized that I love her.
"Tama na ang isang taong pangga-gago mo sa buhay ko. Minahal lang naman kita pero halos lahat ng sa akin, sinira mo. Pero hindi ko isisisi sa'yo lahat, dahil pinili ko ring yakapin ang pagkawasak na alam kong mararanasan ko magmula noong mahalin ka ng puso ko."
Tumalikod na siya at pumindot sa elevator, bumukas iyon ngunit bago pa siya pumasok ay nagsalita ako.
"F-Francine please... Mahal k-kita..."
I heard her snigger.
"Sinasabi mo ba iyan para hindi kita iwan? Kasi hindi mo pa nakukuha ang gusto mo sa akin kaya ayaw mo pa akong pakawalan—"
"Mahal kita Francine, that's the truth! I admit that I was such a f*cking jerk to introduce myself to you just for sex but that was before! Nang makilala na talaga kita, natutunan ko nang mahalin ka..."
Mataman niya akong tinitigan. "Alam mo bang ngayon mo lang ako sinabihang mahal mo ako?" She supressed her tears by pausing. "Paano ko paniniwalaang mahal mo ako kung sinasabi mo na iyan ngayong sobrang nasaktan mo na ako?"
Without hesitation, she left me there in a wrecked state. Though I still felt the sting of pain in my head, I'm more bearing the pain I felt in my heart. My manly knees suddenly turned jelly as I knelt down and poured out my tears.
My screams echoed at the hall of this floor as I punched the tiled ground in front of me. I felt blood flowed through the cuts of my knuckles but I don't mind at all. I thought that it's all I would be bearing tonight but then Wil and Stephen surprised me.
"Tol, anong nangyari sa'yo? The party's not yet over! Kailan ka pa naging dramatic Mark?" I heard mockings at Wil's tone. I still didn't lift my eyes on them.
"Anyway, nagkita na ba kayo ni Francine?" Stephen suddenly asked.
My eyes automatically diverted from their feet to their eyes. I wanted to shrugged off their smirks but I felt something's wrong.
"Kami nagsabi na nandito ka sa floor na ito with your surprise—" Kwinelyuhan ko ang gagong si Stephen. "—tol! Chill!" usal niya habang nakataas ang dalawang kamay kapantay ng ulo niya.
"DID YOU PLAN THIS SH*T?!"
His lips formed a curve. I tightened my grip on him. "We can't bear seeing you giving up our bet that easily. So kami na lang ang nagpustahan ni Wil. Akala ko kasi sobra kang mahal ni Francine na kahit makita niya mismong nagse-sex kayo ni Eunonia ay hindi ka niya iiwan—"
Stephen's now facing the floor as I punched him straight to his mouth. Before I could even give him another taste from my knuckles, Wil rained me consecutive punches all over my body that was added by Stephen as he gained back his senses.
Hindi ko na alam ang nangyari bukod sa namimilipit ako sa sakit ng buong katawan sa sahig. Isang tadyak pa ang binigay sa akin ng isa sa kanila bago ko narinig si Stephen na nagsalita.
"Kulang pa itong kabayaran mo sa lahat ng katarantaduhang ginawa mo sa akin, gago! Mabuti nga't natauhan na sa'yo si Francine dahil hindi ka na magbabago! Itaga mo 'yan sa kokote mo!" Hinampas niya pa ang ulo ko kaya't nauntog pa iyon sa sahig.
Halos wala na akong lakas pang bumangon. Namamanhid na ang buong katawan ko at lalong sumakit ang ulo ko dahil sa natamo galing sa dalawang inaakalang mga kaibigan.
Hahayaan ko na lang sana ang sarili kong mawalan ng malay kung nasaan ako pero naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa slax kong suot. Umalingawngaw ang tugtog ng tawag sa hall. Pilit kong inilabas iyon mula sa bulsa at inislide ang daliri sa screen nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Saktong paglagay ko sa tainga ay narinig ko ang boses ni mama.
"M-Mark? M-Mark! U-Umuwi ka na anak," naghihisterikal na sigaw ni mama mula sa kabilang linya. Nahimigan ko rin sa boses niya ang pag-iyak.
"A-Anong nangyari ma?" Pilit kong ginawang matatag ang boses kahit ang totoo'y nalalasahan ko ang dugo mula sa bibig ko.
"Ang p-papa mo anak!"
Pinilit kong magmaneho at umuwi ng bahay. Kung anong hitsura ko matapos bugbugin ay ganoon ako nakarating sa amin.
Naabutan ko si mama na nakayakap sa hita ni papa na may mga hawak na bag sa magkabilang kamay. Halos makaladkad na siya dahil pinipilit rin ni papa na lumakad na tila wala si mama na nakasabit sa kanyang isang binti.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nadatnan ko si papa na balak umalis ng bahay para makasama ang babae niya kaya't pinipigilan siya ni mama. Mahabang diskusyon at sigawan na muntik nang humantong sa sakitan ang nangyari ngunit sa huli, kami ang pinaalis ni papa sa bahay kaysa siya ang umalis.
Dahilan niyang sa kaniya ang bahay at siya ang nagpagawa.
Hindi pa nagtatapos ang lahat sa gabing iyon dahil nang makalabas kami ng subdivision ni mama ay nag-collapse siya. Nanginginig akong humihingi ng saklolo sa kalagitnaan ng gabi. Mabuti na lang at iyong isang gwardya ng subdivision ay inangkas kami sa motor niya patungong hospital.
Na-cardiac arrest si mama.
Sa sobrang depressed ko, lumabas ako ng hospital at balak na lang tapusin ang buhay nang piliing tumawid sa highway. But someone grabbed me to the sideroad. The next thing I knew, Jacob's infront of me, scolding me like a father.
Si Jacob ang nagbayad ng bills namin sa hospital. Si Jacob ang naghanap ng apartment na tutuluyan namin ni mama. Si Jacob ang umaasikaso ng kumpanya ko noong mga panahong wala ako sa sarili ko.
Hindi ako kailanman dinaya ng taong ito kahit hindi ko pa naman gaano kakilala at ganoon rin siya sa akin. Ang lahat ng share ko sa kumpanya ay patas pa rin naihuhulog sa account ko. Alam kong may sarili siyang buhay pero halos nilaan niya iyon para lang paangatin ulit ang kumpanya ko.
Bukod kasi sa ginawang pagtatraydor sa akin nina Wil at Stephen ay siniraan rin nila ako sa ibang malalaking investors ng kumpanya ko. Nasira rin ako sa mga clients dahil nakitaan ng iba't ibang drugs ang victory party na idinaraos.
Muntik na rin akong hindi maka-graduate dahil hindi na ako pumasok magmula nang mangyari ang lahat ng iyon. Bukod sa hindi ko maiwan si mama, isinisingit ko rin ang paghahanap kay Francine.
She didn't even attend the graduation ceremony though she was the summa cumlaude of their batch. Gano'n niya ako sobrang kinamuhian. Ni anino niya'y hindi na niya nagawang ipakita.
Napag-alaman ko rin kung saan sila nakatira pero nang magpunta ako doon, wala nang tao sa kanila. Sabi ng kapitbahay nila na kumausap sa akin ay lumipat na raw sila at hindi alam kung saan. Pinuntahan ko rin ang simbahan kung saan nagpapastor ang tatay niya pero isinara na rin iyon at sinabing inilipat na.
Gusto ko na lang sanang itapon ang buhay ko pero kapag nakikita ko si mama, naiisip kong hindi pa pala talagang patapon buhay ko. Kailangan niya pa ako.
I focused much on taking care of mama until she recovered. Big thanks to Jacob, from my mother's medication to managing my company. I offered him to sign a contract where he would be the owner but he kept on refusing. I don't understand why he was so eager to keep my company for me though he was the one who runned it for almost four years.
Jacob was also the one who introduced Jesus to me, not his religion or beliefs but a relationship with God. I never thought that I would be so in love with Someone I can't see, but I know in my heart, He's real.
The moment I understood that the reason of the marks of pain and horror all over Jesus' body was me, for the forgiveness of my trespasses and for my soul not to be perished, that's when I offered my whole life for Him.
Not wanting to hurt your someone dear to you is the mark of a true lover.
For love doesn't always mean what you can do for someone but also what you won't do for that someone.
The things I have done to prove my love for God was to live my life He wanted me to live. To be who He wanted me to be. I engaged myself in the ministry of church for His Glory. I became part of the worship team, the worship drummer to be specific and a pulpit minister after I graduated in Bible School. And those things I won't do unto him? Going back to who I was.
Anyone who is in Christ is a new creation. The old has gone and the new has come.
"Bro naman, I thought you're be the one facing your clients? You've told me, you'll start walking on the change that God has made unto you. And you're now ready to manage your own company. Bakit tatakasan mo na naman ako?" I could hear Jacob's frustration on the other line of the phone.
"Chill Bro!" I laughed. "Hindi kita tatakasan ngayon. Everything I've said was true. Kaya lang nakakita kasi ako ng chicks—"
"Mark Aurelius!"
I laughed hard. "Joke lang! Ang puso mo Jacob, hindi pa napapakinabangan ni Rachel." Naiimagine ko ang paniningkit ng mga mata ng kausap ko. "I can't make it today. I really have an important appointment to attend kaya nga ikaw muna ang pinapaharap ko sa clients."
"How important that appointment is than your own company?" He interrogated.
"It's a calling from God." Jacob fell silent so I continued, "I was invited in one church sa Ilocos Norte to be their event's speaker. I'm driving my way there right now—"
"Why didn't you tell me right away?! Naistorbo pa tuloy kita! Sige na, ako nang bahala sa mga clients basta mag-iingat ka. The Spirit of the Lord is with you."
The call then ended. I just listened to worship songs while on the road. Para akong nagko-concert sa loob ng sasakyan ko as my way to worship God and shoo off the tension I am feeling.
This is not my first time being invited as speaker in church's event but I can't understand why I felt strange nervousness. It seems like something unexpected will transpire.
Well, God loves to work surprisingly. He will certainly do great things today.
My car travelled as natural as running free through the twists and turns of Patapat Viaduct. Along the road was one of the most dramatic and enchanting seaview on one side and cliffside on the other in which cascades and mini-waterfalls plunges directly on the roadsides.
Aside from the picturesque scenery, the fact that only few vehicles passing through in here gave travelers a stress-free driving, unlike going through the main road where heavy traffic occurs. I intently took this longer route to personally experience the challenge.
Most people always wanted to reach their destination right away, so they chose to take the cutoff routes in which they usually find it more stressful and frustrating. It also actually makes someone missed one of the most important lessons that they could ever learn and experience in the longer course, though it will take them a longer time to be in their journal.
Oftentimes, we forget to give ourselves thrilling experience while on our way. It's not bad to take shortcuts but admit it or not, people who mostly took that route find it more stressful and frustrating. Unlike in the longer course, though it gives more time reaching the goal, it offers more lessons, experience and realizations while on the way.
We can never learn in shortcut the things we can learn in longer course. That's what I've learned in my past.
Nakarating ako sa Blessed Destiny Church, 30 minutes before the event started. Malugod akong in-accomodate ng mga ushers at ng Head Pastor sa lounge area kung saan sama-sama kaming mananalangin para sa gaganaping gawain ng Diyos.
The event started with an alive and on-fire worship led by the Youth Destiny worship ministry followed by a quick-freezing activity. While the host was busy doing their thing, I went to comfort room. I fixed myself after I used the toilet.
"Sir, nandito lang po pala kayo." Salubong sa akin ng isang usher paglabas ko ng men's comfort room. "Tatawagin na po kayo ng assigned host to introduce you po."
Nagpasalamat ako sa kanya at sabay kaming naglakad patungo sa backstage ng church. Sa gilid ay doon ako papasok kapag tinawag na ng host ang pangalan ko. Nahiya tuloy ako, imbes na doon na lang rin ako sa hall, nagmukha pa tuloy akong grand speaker kahit na ordinaryong tao lang naman ako na gagamitin ng Diyos.
Mula rito sa loob ay may isang maliit na monitor kung saan ay nakakonekta rin sa monitor na nasa stage. Naka-flash rito ang script na babasahin ng host para ipakilala ako.
"Our guest speaker for today is a three-year worship drummer and two-year pulpit minister in Changed Generation Church at Cabanatuan City, Nueva Ecija. Hmmm! Mukhang kababayan pa yata namin ito! We were from Cabanatunan four years ago and that's my birthplace, share ko lang!"
The voice of host almost gave me a heart attack. I can't be wrong! The softness. The blitheness. The purity.
"Palakpakan po natin ang Diyos sa buhay ng ating kapatid na si—"
Silence covered the entire hall. Nagtinginan kami ng katabi kong usher marahil ay nagtataka. Nagpaalam ito upang sumilip sa stage at baka raw namatay lang raw ang mic.
"Psst! Francine! Bakit? Naghihintay na sila." Narinig kong bulong ng usher, sapat na para marinig ko mula sa kinatatayuan ko.
Francine.
I never thought that I could ever feel my heartbeat throbbing hardly through my chest just by hearing that name. Seems familiar and strange at the same time.
"...s-si—" She cleared her throat, loudly heard from the microphone. "I'm sorry!" Bahagyang bumalik ang sigla sa boses niya ngunit naro'n pa rin ang kaba. "Again, palakpakan po natin ang Diyos sa buhay ni Bro. M-Mark Aurelius Fuenticilla..."
Without much fuss, I delivered the message of the Lord. The message I shared was about the mark of a true lover. In the Gospel of Matthew, John the Baptist accused the Pharisees and Sadducees for their "show-off" repentance. They tend to make themselves appeal as genuine keepers of the law by coming to John to be baptized but the Baptist knew their hearts in which he told them to prove by the way they live that they have repented from their sins and turned to God.
A changed life is the fruit bore in keeping with repentance, the mark of our love for the Lord. It is true that we can't truly change our lives by our own works for it is only possible through the help of God's Spirit.
Isaiah chapter 64 verse 8 stated that we, people, are the clay and God is our potter. We all are formed by God's hand. A clay is a mixture of a dry soil and water. Humans were made out of the soil, and soil alone can't be molded. It is loose and hard, and it can't form anything. But when it is stirred with water, its substance will turn smooth and can finally be shaped according to the potter's will. That water agitated in the dry soil is represented by the Holy Spirit.
We can never change ourselves by own effort alone. 'Not by might nor by power, but by my Spirit,' says the Lord Almighty in Zechariah 4:6.
What should we do for us to have the Holy Spirit? Very simple. Ask God's forgiveness, repent from our sins and believe in Him as explained by Paul in Acts 2:38.
"Isa akong hipokrito. Pinapaniwala ko ang mga babaeng trip ko lang, na nagbago na ako, para makuha ko sila. I could say na iyon yata ang pinakamasamang talent na mayroon ako sa buhay ko." The crowd laughed. "My only purpose why I was doing that is to remain my cool, my fame and my pride. Hindi ko alam na nakalista pala lahat ng ginagawa ko at pagbabayaran ko ang lahat ng iyon." I turned my eyes to Francine whose just meters away from me, attentively listening. Her eyes fell on the floor.
"One day, the old Mark just realized that he fell inlove with someone whom her life he destroyed. Kahit sirang-sira na ang buhay niya sa akin, she chose to stay. She even turned her back from her studies, responsibilities, her parents and even to God because she loved me that much. But when I was trying to change myself for her, tryin' to prove that I won't want to do anything bad towards her... I failed. Bumalik sa akin ang mga panlolokong ginawa ko. I was set up by the people that I thought are my friends. I was found by my girlfriend with another girl in my bed." I just gave the listeners a glimpse of my past. "Thankfully, God found me. And praise Him dahil Siya lang pala ang babago sa walang kwentang tulad ko. Now for His glory alone, I am here testifying His great works in me."
I've finished the message for almost an hour. Matapos ang service ay niyaya ako ng ushers sa dining hall. Natagpuan ko roon ang kanilang mga leaders at worship team, kasama si Francine. The ushers assisted me to sit in front of her kaya wala na akong nagawa. We prayed first before we shared the food along with stories. Kapag nagtatanong sila ay malugod ko namang sinasagot.
"Brother Mark, maraming youth kanina ang na-bless sa testimony mo." Saad ni Pastor Franchou, ang Head Pastor ng simbahan ito. "Pero may iisang tanong sila sa akin kanina nang matapos ka magsalita."
"Ano po ba iyon Pastor?" Magalang kong tanong.
"Single ka pa raw ba?"
Awtomatikong lumipat ang paningin ko kay Francine at nagsalubong ang aming mga mata. Siya ang unang umiwas kaya't tumawa ako nang mailang. "Opo, Pastor."
Nagkaroon ng komosyon sa hapag kaya nakaramdam ako ng hiya. "Sa totoo lang, itinanong ko rin sa'yo iyon para sa aking anak. Single pa iyan si Francine! NBSB!" Malakas pa silang tumawa.
"Tay!" Saway ni Francine sa kanila. "Nakakahiya."
"Bakit? Sinasabi ko lang namang single ka rin, may masama ba doon? Hindi ba Brother Mark?"
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanya at kay Francine at tumawa lang nang bahagya.
"Teka bakit nga ba kasi hindi ka pa nagjo-jowa ha, France?" tanong ng isang babaeng kaedad lang rin namin.
Akala ko hindi sasagutin ni France pero mas nabigla ako sa naging sagot niya.
"Nakakatakot kasing magmahal." Saad niya kasabay ng paglipat ng mga mata sa akin. My eyes suddenly soften at her stare as I felt the sting in my heart.
Hindi napansin ng mga kasama namin sa lamesa ang makahulugang tinginan naming dalawa dahil naging abala sila sa tuksuhan.
"Hoy hugot ba iyan girl?!"
"As far as I know, NBSB ka ha!"
"How could you say na nakakatakot magmahal? Na-experience mo na ba?" her seatmate suddenly asked.
Francine didn't cut off her gaze to me as she answered, "Oo." Then she turned to her seatmate. "Tapos kapag ganyan mukha ng mamahalin ko, talagang matatakot ako! Joke lang!"
Everyone chortled aside from me. Hindi ko alam kung biro lang talaga iyon sa katabi niya o sadyang may ipinaparating para sa akin.
Natapos ang masayang salo-salo at nagpaalam na ako sa kanila dahil mahaba pa ang aking byahe. Nagbigay sila ng panalangin para sa akin at matapos ay pinalibutan pa ako ng mga kabataan para magpa-picture at kunin ang pangalan ko sa facebook. Sinaway naman sila ni Pastor ngunit sinabi kong okay lang.
"Maraming salamat po ulit sa pag-imbita ninyo at sa masarap na mga pagkain! Sa uulitin po ulit!"
"Nako! Mauulit pa talaga para magkita at mas magkakilala pa kayo ng anak ko!" Biro naman ni Pastor kaya nangiti na lang ako.
Sa huling pagkakataon, nilibot ko ang paningin sa silid, pero hindi ko na nakita pa si Francine. Matapos ang pananalangin nila para sa akin ay umalis na agad siya, katulad ng pag-alis niya nang masaktan ko siya. Walang lingunan pabalik. Walang paalamanan.
Though I wasn't really prepared about meeting her again, I never thought that I'll be seeing her in this kind of event. I always assume that it would be a sudden encounter on crossroads or one common familiar place. But now that I saw her again, one thing is for sure... Mahal ko pa rin siya.
Pero baka hindi na ako ang mahal niya. At baka ayaw na niyang magmahal pa dahil sa akin.
Facing my car here in parking area, I starred at the sky with opposing colors—having the hues of flame turning to heather, indicating that the day is finally over. So, as us.
"God, I know that if there are sunsets, there will always be sunrise for every tomorrow. I believe in the new beginnings offered by You. You've once proven it in my life, right?" I chuckled at myself after that small prayer.
Heaving a sigh, I was about to open the door of my car when a woman suddenly called me from my back.
I turned to meet her sunshine presence coming near me. Her long hair swayed behind her back like how she made my heart swayed inside my chest. I starred at her expressive eyes that speak rainbow as she stood a meter away from me. I couldn't read what those windows wanted to convey but I could feel its welcoming vibe.
"I-I t-think you drop this..." She's handling me a small piece of paper.
Inabot ko iyon nang hindi pinuputol ang tingin sa kanya. Nang mahawakan ang piraso ng papel, inilagay ko doon ang mga mata ko. Nagtataka ko itong binuksan.
Francine 09832592777
Hindi ko pa man naiiaangat ang ulo ay naramdaman ko na ang yakap niya. I spread my arms and enveloped the whole of her to my chest. Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo at gilid ng noo.
"Patawarin mo ako kung hindi ako nagpaalam," she cried.
I made a small distance to check her face, crying. "No... Ako dapat mag-sorry. Hindi ka aalis kung hindi mo kami nakitang gano'n ni Eunoia."
"Pero hindi kita pinakinggan."
Natulala ako sa kanya. "That's understandable, Francine. After all, I don't deserve to be heard that time," I almost whispered.
Kumalas siya sa yakap at nagpahid ng mga luha. "Two days after we transferred here in Ilocos, was the same day that I saw that incident. Pinuntahan ako rito ni Eunoia. She explained everything to me."
I held my breath. "She did that?"
Francine nodded. "Too late, I've already convinced tatay to moved here immediately."
Pinaliwanag niya sa akin kung bakit gano'n sila kadaling nakaalis. Matagal na pala silang inaalok ng bahay dito sa Ilocos kasama ang offer na magpastor ang kanyang tatay sa mas malaking simbahan. Nauudlot lang ito dahil kay Francine. Siya ang pinagdedependehan nila ng desisyon. Dinadahilan niyang tatapusin ang college sa Cabanatuan pero ang totoo ay ayaw niya akong iwanan.
Kaya nang magkaroon siya ng dahilan para tuluyan akong iwan, nakumbinsi agad niya ang tatay niya na umalis nang madalian.
"Itutuloy kong sagutin rito iyong tanong sa akin doon sa loob."
"Na kung bakit... Hindi ka pa nagbo-boyfriend?"
"Kung bakit hindi pa ako nagbo-boyfriend ulit." She emphasized the last word. "Totoo iyong sinabi ko doon kanina. Hindi pa ako nakikipagrelasyon ulit dahil nakakatakot magmahal. Naramdaman ko iyong takot na iyon nang unang beses kong maranasang magmahal. At sa'yo iyon. Natakot ako kasi baka masaktan lang ako at hindi ako naman ako nagkamali."
Gusto kong itago ang sarili ko habang pinakikinggan ang sinasabi niya. Nahihiya ako sa sarili ko. Nahihiya akong humarap sa kanya dahil sa mga nagawa ko.
"Pero alam mo? Pinili kong magkamali dahil pinili kong mahalin ka. I don't regret anything in the past because I've learned my lesson a lot. Isa lang naman ang pinagsisihan ko sa lahat ng iyon e—noong pati ang Diyos ay tinalikuran ko."
Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya iyon at pinagsalikop ang mga daliri namin. "It's true that it is fearsome to love but God stated, 'There is no fear in love; but perfect love casts out fear'. Would you be with me as I cast out this fear inside of me, Mark?"
"Francine..." I rubbed her hand using my thumb. "Katulad ng hindi ko kayang baguhin ang sarili ko, hindi ko rin kayang alisin ang takot na nabuo sa puso mo kahit pa ako ang naging dahilan niyan. Only God can do that. But with all possible means, I'm willing to help."
"Ibig sabihin ba niyan? Tayo na ba ulit?"
Nangisi ako sa tanong niya.
"Tanungin mo muna ako bakit hindi pa ako naggi-girlfriend after you."
"B-Bakit? May iba ka na bang mahal?"
I occupied the space between us and cupped her face. "Paano ako magi-girlfriend ulit kung ikaw pa rin ang mahal ko?" I smirked as I saw her lips tremble, supressing her tears.
"Wala akong ibang minahal Francine. Ikaw lang. Pero ngayong may Diyos na ako sa buhay ko, ibang klase na ako magmamahal sa'yo dahil sasamahan ko na ng pagmamahal Niya."
-WAKAS-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top