SPECIAL CHAPTER

SPECIAL CHAPTER - 03

SELF-ACTUALIZATION

The highest level in Maslow’s hierarchy of needs is self-actualization. There were only a few in a thousand people that has reached that level. They say that those people who have come that far has already accomplished and achieved a lot of great things in the world. Maybe they are now living their lives to the fullest.

“Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi ng Pilipinas?”

I nod with a smile as an answer. Wala ng ibang rason para magtago pa ako. The threats were already gone. It is now safe for me to come home– to be back in his arms.

Halos isang taon na rin ang nakalipas at ayokong sa pag-uwi ko ay wala na akong madatnan.

Two weeks had passed and I’m all set to a long journey of coming home. Hinatid niya ako sa airport at binilinan pa ng kung ano-ano, pero ang hindi ko malilimutan ay ang binilin niya sa akin na bisitahin sila sa kanilang anibersaryo. Alam ko naman iyon at wala sa plano ko ang kalimutan sila dahil parte sila kung sino at ano na ako ngayon.

Halos buong biyahe sa himpapawid ay tulog lang ako. Wala naman akong makakusap dahil mag-isa lang naman ako at nasa business class pa. Ang gusto kasi ng magaling kong tatay ay maging komportable ako. Bumabawi raw siya, sus! Hindi naman na kailangan pero dahil mapilit siya, bakit naman ako tatanggi?

Kidding aside. I owe him big time for fighting for me and my life. Alodia wanted me dead as soon as she digested that it was Marianne who truly died and not me- Marjorie.

My father was quick to moved, inalis niya ako sa hospital at gamit ang mga koneksiyong mayroon siya ay nailabas niya ako ng bansa at naitago. The media was paid to broadcast my death. The chaos subsided but not to Allen’s family, all their dirt inside the closet was out. Inaresto ang mag-ama at nanahimik naman na ang Ginang ng kanilang pamilya. Lizette was also sent to prison for conniving with Allen, however she was sent to a mental institution after a few days in prison.

I was actually in coma for more or less than three months, and all that months, weeks, days, and hours, my father was there every second and every step of the way. Sino ako para itakwil siya noong panahong pagkagising ako ay iniiyakan niya ako?

I spent almost six months for my recovery… though I wasn’t fully recovered yet physically and emotionally, I don’t want to waste more time living my life at ease when there is someone worriedly waiting for me for the passed months.

It was already evening when I arrived at  NAIA terminal. Naghihintay sa akin ang inihandang sasakyan at driver. Inihatid ako nito sa biniling condo ng tatay ko. Kumain na ako kanina sa sasakyan noong mag-drive thru kami kaya naman pagpasok sa kuwarto ay humiga sa agad ako sa mabango at malambot na kama. Para ako nitong hinehele kaya naman nakatulog din ako agad.

Halos tanghalian nang magising ako, nagkukusot pa lang ako ng mata ko nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito agad nang makitang ang tatay ko pala.

Narinig ko ang paghinga nitong parang sa wakas ay nakahinga nang maluwang.

“Thank God! Sinagot mo na rin… kanina pa ako tumatawag sa ‘yo. Ang sabi ng driver ay nakauwi ka naman diyan, bakit hindi mo ako tinawagan?”

“Ang aga-aga naman, ‘Tay! Bente uno na po ako. At unang una sa lahat, napagod po ako sa biyahe kaya nakatulog ako agad at kagigising ko pa lang po. Nakakatakot naman po kung mayroong sasagot ng tawag niyo habang tulog ako, ‘di ba?” mahabang sagot ko sa kaniya. Kay aga-aga ay ini-stress ako.

“Oo nga naman… kumain ka na ba?” mahinahon nitong tanong.

Kagigising ko nga lang, eh. Ano ba ‘to si tatay parang napapraning.

Bumuntong hininga muna ako, kinakalma ang aking sarili. “Tatay, huminga kang malalim at kalmahin ang iyong sarili. Maayos po ako rito at bantay sarado na ang mga taong gustong manakit sa akin. Wala ka pong dapat na ipag-alala.”

“Milya-milya ang layo mo sa akin, Anak. Hindi maiiwasan na mag-alala ako dahil ikaw na lang ang meron ako. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin kung sakaling pati ikaw…” “Tay, masyado ka namang overthinker, gusto ko lang po silang makasama pa pero hindi po ako mananatili rito. Babalik din ako riyan,” nangingiting paliwanag ko.

Marami pang sinabi si Tatay habang ako naman ay abala na sa pagtingin ng mga gamit at stocks sa kusina. Hindi na masama pero mayroon akong lakad ngayon. Tinatamad rin akong magluto, kakain na lang ako sa labas.

“Huwag niyo na pong papuntahin ang driver, kaya ko naman pong mag-commute or taxi na lang,” huling sabi ko sa kaniya at tutol pa sana kaso ay nagbabye na ako with I love you pa bago pinatay ang tawag.

Hindi ito ang pinangarap kong buhay. Ang gusto ko lang noon ay makita at makasama ang kapatid ko, mabuhay nang payapa, ngunit, hindi ‘yon natupad. Sa halip, nawala sa akin ang kapatid ko at ako lang din ang nagdusa sa kagustuhan kong maghiganti.

Wala na akong naging balita pa kay Colleen at sa ibang kaibigan nila. Parang bulang naglahong bigla ang mga issue makalipas lang ang ilang buwan, ayon sa paghahanap ko ng ipormasiyon, siguro ay mayroong kinalaman si tatay pero ayoko nang ungkatin pa. Ayaw ko nang buksan ang sugat kong unti-unti nang naghihilom.

Mabilis akong nag-ayos sa aking sarili at nang matapos ay kinuha lang ang shoulder bag kung saan laman nito ang aking cellphone at wallet.

Habang sakay ng elevator ay nagpadala ako ng mensahe sa tatay ko na papunta ako ngayon sa isang fastfood chain para kumain. Gusto kong kahit papaano ay maibsan naman ang pag-aalala niya, kahit sa simpleng pagpapaalam lang sa kaniya kung saan ako pupunta, afterall, he is my father.

Napasarap ang kain ko nang dahil sa gutom kaya naman ala una pasado na nang makarating ako sa sementeryo para bisitahin siya. Mayroon akong mga dalang bulaklak at kandila para sa kanilang dalawa.

“Nay… namissed kita. Dito ka pala niya ipinalibing… medyo nakakaiyak lang siguro ang tagpo ninyong dalawa ngayon dahil parehas na kayong kinuha sa akin. Alam mo ba, Nay?” napatigil ako sandali dahil parang mayroong bikig na nakaharang sa aking lalamunan, “Alam mo ba? Muntik na akong magkasala ng sobrang sa ‘yo at sa Diyos. Muntik na po akong maging isang mamamatay tao nang dahil sa pinairal ko ang galit ko, pero Nay maging proud ka kay Marcus dahil eksakto lang ang pagbabalik niya sa buhay ko. Niligtas niya ako, Nay.” Pagkukuwento ko sa kaniya.

Napatingin naman ako sa lapida ng aking kapatid at tuluyan na ngang tumulo ang sagana kong luha.

“I’m sorry,” unang mga salitang namutawi sa aking labi.

“Hindi kita naprotektahan katulad ng pangako ko sa ‘yo. Sorry kung wala ako noong mga oras na pinakakailangan mo ako… kung puwede lang sanang–” “Kung puwede lang na ano? Na sumunod ka na lang sa kaniya?” Mabilis akong napatayo mula sa aking pagkakaupo sa damo.

“M-Marcus…”

He opened his arms just like the old times and I run to him just like the old times too.

“Finally, nandito ka na. Hindi ako naniniwala sa balita noon pero wala akong choice kundi maghintay dahil unang una ay hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin ang tatay mo,” he said breathily as he hug me tighter.

“Sorry kung pinag-alala kita…” I said calmly as I try to witdraw from our hug. Hinayaan naman niya akong makawala mula sa yakap pero pinanatiling magkahawak ang aming mga kamay.

“And thank you for saving me. Salamat dahil hindi ka sumuko at hinintay ako. Ang akala ko’y sa kasal ni Betty kita makikita,” dugtong ko pa.

“Bakit naman?”

“Hindi ko lang lubos maisip na maiisip mong dumalaw rito kung hindi ka naman naniniwalang nakalibing ako rito,” sagot ko at dagling tinapunan ng tingin ang lapidang mayroong nakalagay na pangalan ko.

“Kasi nandito ang karugtong ng buhay mo, nandito ang tahanan mo at malakas ang pakiramdam ko na dito kita ulit makikita. Tama ako, ‘di ba?” sagot naman niya sa akin na nakangiti at halos ayaw alisin ang tingin sa akin.

“Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?” nagtatakang tanong ko.

“Naisip ko lang na ayaw kong umasa sa baka sakali lang na maging tayo, gusto ko yung siguradong tayo na,” seryosong sagot niya.

Siraulo! Kinikilig ako hahaha!

“Gusto ko rin naman ‘yon,” nakangiting sagot ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

“Talaga?” paniniguro pa niya.

“Oo…” he immediately envelope me with his hug.

“Yes!”

“Pero!” pagpuputol ko sa pagsasaya niya. “Kailangan mo munang dumaan sa tatay ko–” “Madali lang ‘yan!”

“At! Hindi pa ako tapos. Hintayin mo munang makatapos ako ng pag-aaral at dapat ganoon ka rin. Deal?”

“Ang tagal naman no’n! Bakit kay A–” “Shut up! Peke yun! Ito for real na,” agap ko sa pagrereklamo niya.

“Tita, ang ganda po ng anak mo palagi. Puwede ko po ba siyang i-kiss? Isa lang po,” paki-usap niya habang nakatingin sa lapida ni Nanay.

Natatawa ko naman siyang hinampas sa balikat, natawa rin naman siya at binawi ang sinabi niya pero nakalimutan yata niyang seryoso ako palagi sa kaniya.

I tiptoed, locked his face using my bare hands and kiss him gently on his lips. Ramdam ko ang pagkagulat niya but when he redeemed himself, he snake his arms on my waist and guide me to kiss him better.

After being satisfied, we withdraw from each others lips and to cover my embarassment I tried to pissed him off.

“Parang gumaling ka sa paghalik ha, nag-train ka sa mga blonde mong chikababes, ‘no?”

“Medyo…” sagot naman niya dahilan para panlakihan ako ng mga mata.

“Gag–” “No to badwords!” agap niya at tinakpan ang bibig ko bago ako niyakap para amuhin.

“Joke lang po, natural talent ko lang po ‘yon,” aniya bago pakawalan ang aking bibig.

Naka-boombastic side eye pa rin ako sa kaniya pero naniniwala akong ako lang talaga at walang iba. Subukan niya lang maghanap ng iba, itatabi ko siya kina Nanay at Marianne.

Life is really full of surprises, especially God. He never failed to amuse me everyday. Simula nang mabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, pinangako kong gagawin kong maayos na ang buhay ko at hindi na sasayangin pa ito. Being on the verge of death and life, I began to give my own meaning of self-actualization, that it is not by means of having everything you need and want, but being contented with what you already have. Because in this life, full of wordly things, it is impossible to achieved self-actualization because most people do not have the contentment. When they achieved something, they opt to achieved more and more.

This is Marjorie Agoncillo… Castaneda, I am happy and my heart is not filled with hatred and revenge anymore, because I now firmly believed that vengeance is not ours, but it’s God’s.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top