GOD'S MESSAGE FOR YOU
Romans 12:19 NIV
[19] Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord.
Romans 12:21 NIV
[21] Do not be overcome by evil, but overcome evil with good.
"VENGEANCE IS NOT OURS,
IT IS GOD'S"
2 Things that we must apply to our life
1. Always choose to be good (palaging piliing maging mabuti)
a.) Sa lahat ng kuwento, mapa-totoong buhay man o sa kathang isip lamang, ang mabuti ay palaging nananalo, ang kabutihan ay palaging nananalo laban sa masama.
Kung nais mong maging panalo, palagi mong piliing maging mabuti.
b.) Mas nagngangalit o 'di kaya naman ay natatalo ang kaaway kapag sila ay ginagawan ng kabutihan. May pagkakataon din na sila ay nababago.
Sa Romans chapter 12 verse 20 ay mababasa natin ang kondisyon o ang utos na kung saan iyon ang dapat nating gawin sa halip na ilagay natin sa ating sariling mga kamay ang paghihiganti.
Bilang isang mananampalataya, ano ba ang mas nanaisin mo? Ang bawasan ang tao para bumuti ang mundo o ang baguhin ang tao para mas maging mainam ang ating mundo?
c.) Huwag mong hayaang magapi ka ng kaaway. Nananalo ang kasamaan kapag ang tao ay pumapanig sa kaaway. Hindi porke't dumating sa punto na pakiramdam mo ay talo ka na ay susuko ka na at aanib sa kaaway, dahil ang tunay na pagkatalo ay ang pagsuko sa kaaway sa halip na ipaglaban ang pinanampalatayanan mo.
2. Let God avenge you (hayaan mong ang Diyos ang maghiganti para sa 'yo)
a.) You are not God so do not put the law in your hands. Ang Diyos ang nakagagawa ng lahat ng mga bagay kaya't siya lamang din ang makababawi ng mga iyon.
b.) He is the ruler, He is the punisher. However, in this context, God is not the antagonist, instead He is the supreme power.
Nagkakaroon ng pagpalo o pagpaparusa kapag ang tao ay sumuway sa batas o utos. Mapagmahal ang Diyos at mahabagin, kaya niya tayong patawarin at yakapin ulit pero hindi ibig sabihin no'n na absuwelto na agad tayo sa ating kasalanan, in the branches of ethics, one is the consequentialism, na kung saan ang ating mga ginagawang desisyon ay nakaangkla sa mga maaaring maging konsekuwensiya ng ating mga desisyon.
Tandaan natin na kung walang pagpaparusa sa mga sumusuway ay nawawalan din ng kabuluhan ang batas o ang utos.
c.) You are under His wings. Rest assured that you are safe and well taken care of.
"Be still and let Him do the work."
TO GOD BE ALL THE GLORY.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top