EPILOGUE
Marcus’ POV
Naranasan niyo na ba ‘yong parang nag-flashback bigla lahat ng pinagsamahan niyong dalawa? Ito na yata ang pinakamahabang limang minuto ng buhay ko. Yakap ang katawan niyang hindi na gumagalaw, hinawakan ko ang palapulsuhan niya, umiyak ako pero nakahinga nang maginhawa nang maramdaman ang pagtibok ng pulso niya. Buhay pa rin siya, hindi pa siya nawala sa akin. Mayroon pa akong pagkakataon.
Dumating na ang mga pulis, we can’t wait further. Dinampot nila si Allen at wala namang ibang nagawa ang mga magulang nito. His mother is still crying but wasn’t as histerical as earlier.
“Sir, we can’t wait any longer, every seconds that pass, the more that her life is in danger…”
Isinakay na nga kami sa dala nilang isa pang mobile. After the short drive, we arrived at the hospital. Nurses attended to Marjorie, they lay her down the stretcher.
Sumama ako sa pagtulak sa stretcher niya at kung maaari pa nga ay sasama rin ako sa loob ng operating room, pero alam kong hindi puwede. I was left alone on the empty hallway. Her parents was left on the church to answer the questions of the officers.
Napadausdos ako sa kinasasandalan kong pader habang kagat ang aking kanang hintuturo para pigilan ang pagsigaw ko. Galit na galit ako sa sarili ko, hindi sana nangyari ito kung una pa lang ay pinigilan ko na siya sa plano niya. Pero ang gago ko kasi! Hinayaan ko siya sa gusto niya kasi gusto kong iparamdam sa kaniya na mayroon siyang kakampi.
The first time we saw each other again, a few days ago, ayaw niya pang aminin sa akin na siya talaga si Marjorie, unfortunately for her, I know her damn well kahit pa nakatalikod lang siya.
“Bakit kasi ayaw mo pang umamin?” tanong ko sa kaniyang kaunti na lang ay sasabog na sa pagkapikon.
“Anong aaminin ko sa ‘yo? Na ako si Marjorie? Eh sino sa tingin mo ang nakahiga sa kabaong na ‘yon?” balik tanong niya sa akin at itinuro pa ang pinto kung saan ang kusina nila, kung saan kami dumaan para lumabas kanina.
“Napaniwala mo man ang mga tao sa loob ng mansiyong iyon, puwes ako hindi!” she tried to avert her eyes from me, that’s why I grab her arms gently.
“Kilala kita, Marjorie. Hindi mo ako mauuto, lumaki tayong magkasama kahit nahinto ka sa paglaki mo,” dagdag ko pang may halong biro.
Lumambot ang ekspresiyon ng kaniyang mukha at hinampas ako sa balikat. Masakit pero walang wala ang pisikal na sakit na ito kumpara sa sakit na nararamdaman niya ngayon, she didn’t just lost a family or a sister, she also lost half of herself.
Patuloy siya sa paghampas sa akin at sa pagtanong kung bakit ngayon lang ako nagpakita, kung bakit ngayon lang ako dumating, but I can’t find the right words to answer her questions and I don’t want to ruin her moment. Umiiyak siya kaya naman katulad ng dati ay ibinigay ko ang balikat ko sa kaniya bilang sandalan niya, bilang panyo na handang saluhin ang bawat patak ng kanyang luha.
“I’m here… hindi na kita iiwan,” pag-aalo ko sa kaniya at saka siya pinatakan ng mabilis na halik sa kaniyang ulunan.
“Wala na siya, Marcus… iniwan niya na ako… ang kawawang kapatid ko!” humahagulhol niyang pagsusumbong sa akin.
“Gusto kong gumanti sa kanila… kilala ko kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya… babalikan ko sila, buhay ng kapatid ko ang kinuha nila kaya marapat lang na buhay din ang kapalit…”
That was the words she left that day, hindi ko naisip na gagawin niya talaga. Ang buong akala ko lang ay kokomprontahin niya lang sila, I didn’t know about her gun. I only knew about the fake wedding.
“Marcus!”
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas, basta’t nabalik na lang ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Tito Jomar.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig.
“How is she?” tanong nito nang makalapit sa akin.
Umiling naman ako bago magsalita, “wala pa po. Wala pang doctor o nurse na lumabas mula sa operating room…”
“Si Tita Alodia po?”
Napabuntong hininga siya bago umupo sa mga nakahilerang upuan malapit sa kinatatayuan namin.
“She fainted, hinatid muna namin siya sa mansiyon para makapagpahinga nang maayos…”
“I did not expect my unfortunate mistake to have gone this far… hindi ko pinagsisisihan ang buhay ng mga anak ko. But I really regret the decisions I’ve made. Gusto ko lang naman na mapabuti ang kalagayan ng anak ko, ni Marianne…” “Marjorie is your daughter too, Tito,” sagot ko naman sa sentimiyento niya.
Tumango siya at mapait na napangiti, “I know that… and despite knowing that I still have another daughter… I choose to neglect her. Ang sama-sama kong Tatay, kasalanan ko kung bakit naging miserable ang mga buhay namin,” puno nang pagsisising sambit nito at saka tumingala na tila ba pinipigilan ang pagtulo ng luha nito.
“Wala pong magagawa ang paninisi ninyo sa sarili niya. Blaming one’s self isn’t the answer to free ourselves. Ang sabi po ng mama ko sa akin noong iwan kami ng daddy ko, there are things that are out of our hand, hindi natin madidiktahan at hindi natin makokontrol, the best thing we could do is to accept and move on. One bad chapter is not the end of the story,” mahabang payo ko sa kaniya.
My mother has a great point but it is easier said than done. Acceptance and moving on are two simple words but holds a long process to be able to achieve.
“Ang gusto ko na lang na mangyari ngayon ay maging ligtas ang anak ko mula sa anumang kapahamakan. Kahit iyon na lang, kahit huwag niya na akong kilalaning tatay basta’t maging ligtas lang siya…”
“Napakaimposible po na hindi kayo kikilalaning tatay ni Marjorie, she may seem to have a bad temper and a strong personality but believed it or not, she is the most genuine and fragile girl I’ve ever met. Mukha lang po siyang matigas dahil hindi siya iyakin pero mamon po ang puso niyan lalo na sa Nanay at kapatid niya,” pagkukuwento ko sa kaniya, tahimik lang naman siya ngunit kakikitaan ng pagkainteresado sa mga sinasabi ko.
“How… how was their life?”
“Simple lang naman po, they eat five times a day…” natawa ako sa naging sagot ko dahil ito ang kadalasang sagot sa akin ni Marjorie sa tuwing tinatanong ko kung may pera ba siya o ibang kailangan. It is her way of refusing my offer, she thought it was solely about pity but it’s not. I like her very much, the mere reason why I opt to help her.
It was never and will never be a pity, the reason I’m helping her, it will always be because of my unfiltered feelings for her—because I love her.
“Did she went to school?”
Napakunot ang aking noo sa tanong niya sa akin. It sounds very offending for me but because he is Marjorie’s father, it’s fine, kaya kong palampasin.
I cleared my throat before answering, “Yes po, hindi man po marangya ang naging buhay nila but because of their hard work, lalong lalo na po si Tita Matilda, napag-aral niya po si Marjorie.”
“Is it really true that you are her boyfriend?”
I was caught off guard to his questions, honestly I don’t really know how will I answer him. Nawala ako ng higit isang taon, hindi man kami naghiwalay noong umalis ako ng Pilipinas, nawalan naman kami ng komunikasiyon sa isa’t isa. Wala akong alam sa nangyari sa kaniya rito, wala ako noong mga panahong kailangan niya ako. Para akong isang bulang naglaho na lang bigla, deserve ko pa bang matawag na boyfriend niya sa lagay na ‘to?
Handa na sana akong sumagot ng nasa isip ko nang biglang bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang doctor.
Lumapit ito sa amin at hinubad ang suot na surgical mask. “Who is the family of the patient?”
Tito Jomar and I look at each other meaningfully. I can clearly that he want to claim that he is the “family” but he is hesitating.
I smiled at the doctor then point at Tito Jomar, “He is the father of the patient, Doc.”
Tumango si Tito Jomar na parang nalulutang pa. The doctor ushered him to walk from me. Pinili ko na lang na maupo sa upuan at hintaying matapos sila sa kanilang pag-uusap.
Medyo matatagalan yata sila sa pag-uusap kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong ito na yumuko at manalagin.
“Please, God. I’m sorry po sa lahat ng mga kasalanan ko, sana po ay patawarin mo ako. Handa rin po akong magpatawad, Lord. Handa akong patawarin si papa, basta’t iligtas mo lang siya. Lord, ito lang po ang tanging hiling ko sa mga oras na ‘to. Huwag mo pong hayaang matapos agad ang buhay niya. She deserved to live a life, Father God. I love her po, please don’t take her away from us. I ask all of this through the same Christ, our savior. Amen.” Taimtim kong panalangin sa hangin habang ako’y nakayuko at nakapikit.
Napa-ayos lang ako ng upo nang maramdaman ko ang pagtapik sa aking balikat.
“I was guessing whether you are having a nap or you are praying… so?”
“I was praying for Marjorie po,” I answered breathily.
I was tired but I don’t want to leave Marjorie. Gusto kong nandito ako para makibalita sa sitwasiyon niya.
“Alam kong pagod ka na, bakit hindi ka muna magpahinga?”
Mabilis akong umiling. “Ayoko po siyang iwan. Kumusta po pala siya?”
He sat right next to me before sighing. “She is brave, she will get through this…” ang tanging naisagot niya sa akin.
Binundol naman ng kaba ang dibdib ko, kritikal ba ang lagay niya?
Tinapik ulit ako ni Tito sa balikat sabay payo sa akin, “Kailangan mo nang magpahinga para mayroon ka pang lakas para bukas. Kasama tayo ni Marjorie sa paglaban kaya kailangang maging malakas din tayo. Pagkatapos ko ngayong gabi, hahayaan kitang magbantay sa kaniya bukas.”
Gusto kong tumanggi pero dahil tatay siya ng babaeng mahal ko, I will immediately concede. Tama siya kasama kami ni Marjorie sa paglaban kaya naman dapat kaming maging matatag at malakas. I will try to take a rest tonight and then I will make sure that I am fully awake tomorrow while guarding her.
Tumango ako kay tito at saka tumayo. Dahan-dahan akong humakbang palayo sa kaniya. Hindi ko naman matiis ang hindi lumingon. I look at tito briefly, then swiftly my eyes went to the closed door of the operating room.
Pangako, babalik ako Marjorie. This time, this is for real, I will make sure of it. Babalik ako para sa ‘yo.
BUONG akala ko ay mahihirapan pa akong makatulog nang tumuloy ako sa isang hotel malapit lang sa hospital, pero hindi. Ilang minuto lang pagkatapos kong mahiga ay nakatulog na ako. Napanaginipan ko pa nga siya.
Para akong ibinalik noong mga panahong bata pa lamang kami. Sa playground kung saan nabuo ang aming pagkakaibigan, kung saan kauna unahang beses ko siyang nakitang umiyak dahil iniwan na pala siya ng kapatid niya. Sobrang nakahahawa ang kalungkutan niya no’n pero pinilit kong pasiyahin siya sa paraang kaya ko. Mula noong araw na ‘yon ay ipinangako ko na sa sarili kong sasamahan ko siya palagi, iingatan ko siya at iintindihin.
Alas otso nang umaga nang magising ako. Mabilis lang akong nag-ayos nang sarili at dahil walang dalang pamalit ay napilitan akong ito pa rin ang suotin sa pagpunta sa hospital.
Hindi ko pala alam kung saan ako pupunta dahil malamang ay tapos na ang operasiyon niya kaya naman ang tinungo ko na lang ay ang front desk na nalampasan ko na kanina.
“Miss, nasaan po ngayon yung pasiyenteng inoperahan kagabi?”
“I’m sorry, Sir. Wait lang po…”
“Nars, yung apo ko, nawawala sa ward…”
“Huwag po kayong mag-alala, Nanay. Hahapin na po siya at iaannounce po namin agad..
“Nurse…” I tried to approached her again but the telephone rang so she attended to it first.
Naiinis na ako pero pinigilan ko dahil walang magagawa ang inis ko kung sadyang busy sila ngayon. Napatalikod ako sa desk at napaharap sa hallway na halos walang laman kagabi, samantalang ngayon naman ay sobrang abala. Napahilamos ako sa sarili kong mukha para mapakalma ang sarili ko.
“Samantala, matapos ang pinag-usapang nasirang kasal, nailantad ang katauhan ng bride bilang anak pala ng isang milyonaryo. Nagkaroon umano nang hindi pagkakaunawan ang dalawang kampo na nagresulta sa tutukan ng baril. Kritikal kagabi ang bride matapos na magtamo ng tama ng baril, naisugod pa ito sa hospital, ngunit kaninang pasado alas singko nang umaga, idineklara itong wala ng buhay. Kaugnay ng balitang ito ang pag-aresto sa anak ni Konsehal Alberto Dela Rama, narito si Jamie para sa pag-uulat…”
Natulala ako sa TV, hindi sana sasagi sa isip ko si Marjorie kung hindi ko lang nakita ang magulong video kung saan tanaw si Marjorie na nakatutok ang baril kay Allen. The video wasn’t that long, it was cut briefly, but even though it is not finished, I knew what happened. Ang hindi lang maproseso ng utak ko ngayon ay yung wala ng buhay.
Anong walang buhay?!
“Sir, ano po ang sa inyo?”
Napatingin ako sa nurse na nakatingin na ngayon sa akin.
“Nasaan na po ngayon si Marjorie Agoncillo?”
“Ah, yung sinugod po rito kagabi? Wala na po siyang record rito pero may nakalagay na pong note na patay na po. Baka po dinala na sa morgue,” sagot nitong parang nagtataka pa sa hawak na papel.
Wala na akong panahon para kulitin siya at para manghina. I need to confirm it. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo pero nakailang liko sa mga hallway bago ko nakita ang morgue. Eksaktong mayroong nurse ang kalalabas lang doon.
“Sir, nasa loob pa po ba si Marjorie Agoncillo?”
“Marjorie Agoncillo?” napa-isip pa ito at ilang sandali ay parang may naalala.
“Ah, yung babaeng inoperahan kagabi at namatay kanina… Naku, Sir! Kanina pa pong alas siyete nailabas dito…”
Nang dahil sa halo halong emosiyon ay nakuwelyuhan ko siya.
“Saan dinala? Sinong kumuha?” gulat na gulat naman ito at napahawak sa kamay kong nakahawak sa kuwelyo niya.
“I-Iyon l-lang po… h-hindi k-ko a-alam, Sir!” kabado at utal-utal nitong sagot.
Medyo nahimasmasan naman ako. Binitawan ko siya at mabilis naman siyang tumakbo palayo sa akin.
Nanghihina akong napaupo malapit sa pinto nang morgue.
Patay na ba talaga siya? Sandali! Si tito Jomar!
Pinilit kong palakasin ang mga tuhod ko sa kabila nang panlalambot nito. Patakbo na naman akong lumabas ng ospital at nagmamadaling pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa mansiyon nila.
Pasara pa lang ang gate nila. Agad akong nakalapit doon upang pigilan.
“Ayy, uten mo!” nagulat na sambit nang matandang katulong nila.
“Si Tito Jomar po?” hinihingal kong tanong.
“Ayy, naku! Nagpunta kanina sa sementeryo para ipalibing ang anak niya. Pagod na pagod pa nga iyon at halatang wala pang tulog…”
“Bakit po agad na pinalibing?!”
“Aba’y iyon ang hindi ako sigurado. Sa hinuha ko’y hindi na gusto pang patagalin ni Sir ang burol lalo’t isang linggo mahigit pa lang mula noong ilibing ang kaniyang anak na isa…”
“Saang sementeryo po?” hindi ko na siya pinatapos pa sa mga gusto niyang sabihin.
“Malamang na pinagtabi ang puntod ng magkapatid…”
“Salamat po!” sagot ko at saka bumalik sa taxi na pinagsakyan ko, mabuti na lamang ay nalimutan kong magbayad kanina dahil sa pagmamadali kaya naman naghihintay pa siya.
“Sa North Cemetery po tayo…”
Nang makarating ay binayaran ko siya ng higit pa sa sinisingil niya. Pagkatapos ay patakbo ko na namang tinalunton ang daan patungo sa pinaglibingan kay Marianne.
Napaluhod ako sa pinaghalong pagod, at panghihina… dahil katabi ng lapida ni Marianne ay mayroong bagong lapida kung saan nakasulat ang pangalan niya.
In the loving memory of 🕊️
Marjorie Agoncillo Castañeda
and the date today, that serves as her death anniversarry for next year. One week and approximately 30 hours after Marianne died, her twin sister, Marjorie Agoncillo died.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top