CHAPTER 28

Death

Third Person’s POV

“Natagpuang wala nang buhay ang isang apartment ang isang dalaga kaninang alas nuwebe ng umaga. Kinilala ang dalaga bilang si Avah Cortez, ayon sa nakalap na report, kamakailan di umano ay kumalat ang video nito na intimate sa isang binatilyo na hindi na pinangalanan pa. Ang biktima ay tinapos ang kaniyang buhay, matapos na kumalat ang video nito, sa pamamagitan ng tali. Walang saksi sa naganap na…”

Marianne was greeted by the sudden news of her old friend’s death. She hates her for betraying her but she did not wish her to die. She’s sad but she thought that maybe this is Avah’s bad karma. Kailan kaya darating ang kay Allen?

Her phone suddenly rang after some time. Agad niyang pinulot ang cellphone niya para sagutin ang tawag.

“Hello? Nakauwi na ba siya?” nag-aalalang tanong niya

“Hindi…” malungkot at halos pahagulhol na sagot mula sa kabilang linya

“Nahanap na siya pero na siya makauuwi pang buhay… wala na siya, hindi na siya makakauwi pa sa atin! P-Patay n-na s-siya…” dagdag pa nito at saka humaguhol nang napakalakas

Tila nabingi naman si Marianne, nanlalambot ang kaniyang tuhod at labis na lamig ang lumukob sa kaniyang kalamnan. Hindi niya na namalayan ang pagdausdos ng cellphone mula sa kaniyang kamay.

Naninikip ang kaniyang dibdib mula sa pinaghalo halong nararamdaman; pagkagulat, sakit, lungkot, at galit.

Pinulot niyang muli ang cellphone niya at sinabing pupuntahan niya ito para sabay na silang puntahan siya. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay para pumunta sa apartment nina Betty.

“Anak, you skipped breakfast, do you want–” Alodia’s words were cut off when Marianne walk passed through her without even a single glance.

Natahimik na lang si Alodia at naisip na baka galit pa rin ito sa kaniya matapos na marinig na mayroon siyang kinalaman sa pagkamatay sa Nanay nito. She wanted to get mad but not to her daughter kundi kay Matilda, patay na nga ito pero hindi niya pa rin mapalitan sa puso ni Marianne.

Sa kabilang banda, nakarating na si Marianne sa apartment mabilis siyang umibis mula sa taxing sinakyan niya.

“Betty!”

Betty was agitatedly waiting outside the apartment.

“Parating na rin si Roger, sasamahan niya tayo…”

Marianne instantly open her arms for a hug and so as Betty. They hug each other and poured out their cries of agony.

“P-Paano? S-Sinong n-nagsabi sa ‘yo? S-Sigurado ba s-siya?” tanong ni Marianne sa pagitan ng kaniyang mga paghikbi.

Hindi agad makalma ni Betty ang sarili mula sa pag-iyak kaya naman ilang minuto pa ang lumipas na hinintay ni Marianne na kumalma ito at masagot ang kaniyang tanong.

“S-Sinend sa akin…” sinisinok pang sagot ni Betty at pinunasan ang uhog niya, “Dating kasamahan sa una kong pinagtrabahuhan, sinabi niyang kamukha raw ng kaibigang ipinakilala ko noon sa kanila…” dagdag pa niya sabay singhot at punas na naman sa kanyang ilong

Iniumang ni Betty ang kaniyang cellphone at kinuha naman agad ni Marianne. “S-Sinend niya sa akin ‘yan kaninang maaga… kagigising ko lang kaya ngayon ko lang nakita,” paliwanag pa niya ngunit wala na siyang maintindihan dahil abala na ang isip niya sa paghiling na sana nagkakamali sila, sana mali, sana hindi siya. Kasalanan ba kung hihilingin niyang sana ay ibang tao na lang ‘yon at hindi ang minamahal niyang kapatid.

Napa-upo na lang siya sa lupa nang makita ang larawan. Parang dinidikdik na ngayon ang puso niya sa sobrang sakit.

“Aaahhh!!! Bakit?! Hindi… hindi ito totoo! Baka fake news lang o baka kamukha niya lang… hindi siya ‘to Betty!” naghihisteryang sigaw niya samantalang si Betty naman ay inalalayan siya, inarakop ng yakap at hinahagkan sa ulunan.

“Ssshh, tahan na. Titingnan natin, okay? Sisiguraduhin natin…” pagtatahan sa kaniya ni Betty ngunit wala na yatang ibang paraan para mapatigil ang pag-agos ng kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

“Anong nangyari sa inyo? Tara na ba?” nag-aalalang tanong ni Roger sa kanila nang dumating. Nakasuot pa ito ng puting lab gown na tila ba galing pa sa trabaho.

Mabilis na kumilos ang dalawa, kapwa silang tatlong sumakay sa kotse ni Roger na agad rin naman nitong pinasibad.

Nang makarating sa lokasiyong sinabi ng kakilala ni Betty ay nilabanan ni Marianne ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod. Inipon niya ang kaniyang natitirang tapang at lumabas ng sasakyan, hindi niya na nga nahintay pa ang pagbaba ni Betty mula sa sasakyan, nauna na siyang lumapit sa kumpol ng mga tao kung saan naroon din ang mga pulis.

Nakita niyang patapos na sila sa pagoobserba at handa nang alisin sa pinangyarihan ang bangkay, nasa isang stretcher na ito at mayroong taklob na puting tela. Alam niyang hindi na siya agad makakalapit pa rito pero pinilit niyang takbuhin ang distansiya palapit sa bangkay na malapit nang maisakay sa ambulansiya.

Hindi siya nabigo dahil naabutan niya ito, ngunit bigong bigo siya nang makita ang bangkay. Parang awtomatikong naubos ang lakas  at tapang na inipon niya kanina. Akmang matutumba na siya nang mayroong sumalo sa kaniya.

Ramdam niyang malapit na siyang mawalan nang ulirat, nanlalabo ang mga mata niya, hindi niya alam kung dahil ba sa luha o dahil mawawalan na siya nang malay.

“Mar…” that’s the last thing she heard before her consciousness left her.

Puting kisame at amoy ng gamot ang bumungad sa kaniya nang magkamalay siya. Dagli siyang napabangon nang maalala ang nangyari kanina lang.

Impit siyang napa-ungol nang makadama ng kirot sa kaniyan sintido. Isang matipunong braso ang umalalay sa kaniya, nagulat siya lalo pa nang bumungad ang nakangiti ngunit kababahiran ng pag-aalalang mukha ni Allen.

“What are you doing here?” salat sa emosiyong tanong niya rito

“I am taking care of you,” sagot naman nitong ganoon pa rin ang ekspresiyon

Nakikita niya ang pag-aalala sa mga mata nito pero mayroon pa siyang nakikita na lubos na nakababahala sa kaniya. Mukha itong maayos at masaya.

“Do you want some fruits? Apple or orange?” masigasig pa nitong tanong

Lumayo sa kaniya si Allen at umupo sa sopang naroon at kumagat sa hawak nitong mansanas, pagkatapos ay binuksan ang 32 inches TV na naroon.

“Where are my parents?” tanong niya rito sa namamaos na boses.

“They are with your sister’s friend taking care of something…”

Halos gustong tumalon ng puso niya sa sobrang kaba sa tinuran nito. Kung ganoon ay am na nitong mayroon siyang kapatid.

“I never knew you had a sister… twin sister perhaps,” dagdag pa nito na hindi nakatingin sa kaniya

She actually doesn’t know what to say so she stayed quiet at gayon rin naman ang binata ngunit bahagya nitong nilakasan ang volume ng telebisyon.

“Isang dalaga ang natagpuan sa bakanteng lote, puno ng pasa at mayroong mga hiwa sa iba’t ibang bahagi ang katawan nito. Pinaghihinalaan ding ginahasa ang biktima bago bawian ng buhay. Kinilala ang biktima bilang si Marjorie Agoncillo, dalampung taong gulang. Ang mga labi ng biktima ay kasalukuyang ibinuburol sa tulong ni Ginoong Jomar at Ginang Alodia Castañeda. Hindi kinumpirma kung ano ang koneksiyon nito sa mag-asawa. Ito po ang mga nagbabagang balita sa oras na ‘to, Balik diyan sa inyo sa istudyo.”

Tila ba naging cue ang pamamaalam ng reporter nang biglang mamatay ang TV. Lumipat ang paningin niya kay Allen na nakatingin na pala sa kaniya na parang kanina pa pinapanood ang ekspresiyon niya.

“Sayang ‘no? Ngayon nalang ulit kayo makikita sa burol niya pa,” she felt like she’s in deep danger.

Allen was plotting something or he has already executed his plan? Allen can’t handle his recent issue, it is surely a big blow and deep cut to his ego.

Nanginginig ang kaniyang kalamnan sa galit sa isipin pa lang na mayroon itong kinalaman sa pagkamatay ng kanaiyang kapatid. She can already see red, she can already feel her blood gushing through her every vains. She knew just then that someone must pay. An eye for an eye, a tooth for a tooth. A death for a death.



———————

A/N: Sino ang namatay?

Sino ang totoong buhay?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top