CHAPTER 26
FAVOR
THIRD PERSON’S POV
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Marjorie nang magisnan ang kaniyang kapatid sa labas ng kanilang apartment
“Namimiss lang kita…” kibit-balikat na sagot nito sa kaniya
Nagtataka man sa pagdalaw ng kaniyang kapatid ay pinapasok niya pa rin ito sa kanilang tahanan
“First, I would like to say sorry to you…” panimula nitong sambit habang ang paningin ay na kay Betty, “sorry for lashing out on you and for trying to harm you… pati na rin yung paglalagay ng phone mo sa kubeta. Peace na sana tayo… Ate Betty,” pagpapaliwanag pa nito na mayroong halong pagpapaawa
“Alam mo? hindi talaga maipagkakailang magkapatid kayong dalawa. Ang kapal ng mukha niyong tawagin akong ate eh halos magkakalapit lang din naman ang edad natin–” “Two years kaya ang tanda mo sa amin,” pamumutol naman ni Marjorie sa sinasabi ni Betty
“Ang kapal talaga ng mukha mo,” sagot naman sa kaniya ni Betty na pagkahaba haba na ng pagkakanguso.
“Siyempre mana sa ‘yo,” pang-aalaska naman ng dalaga
Nangingiti na lang si Marianne sa pakikinig sa kanilang pag-aasaran. Sa loob-loob niya’y gusto niyang magselos o mainggit dahil sila lang noon ng ate niya ang ganiyan, pero ngayon ay iba na ang kaasaran nito pero hindi niya naman masisisi ang ate niya dahil siya ang umalis at nangiwan dito, hindi rin naman niya masisisi si Betty dahil ito ang tumulong sa ate niya mula nang makipagsapalaran ito sa Manila. Ito ang nasa tabi ng ate niya noong mga panahong wala siya sa tabi nito para samahan ito sa pagluluksa sa kanilang Nanay.
Saglit lang at tumigil na rin naman ng kusa ang dalawa sa pag-aasaran pero dalawang beses pang nagsikuhan
Tumikhim muna si Betty ng ilang beses na tila mayroong inaalis na nakabara sa kaniyang lalamunan, “alam mo… kung hindi ka lang talaga kapatid nito ni Jorie baka hanggang ngayon ay galit pa ako sa ‘yo at kung hindi ko lang alam ang pinagdadaanan ninyong magkapatid, madali lang para sa akin ang magtanim ng galit. Walang anuman, balewalain mo na lang ang mga binanggit mo dahil kung ako rin ang nasa sitwasiyon mo, pagmulat ng mga mata ko pagkatapos kong ma-comatose ay isang taong hindi ko kilala ang bubungad sa akin, siyempre magkakarambulan talaga ang mga brain cells ko,” mahaba at mayroong halong kapilyuhang sambit ni Betty
Marianne can’t seem to find the words she would like to say kaya’t ang ginawa na lamang niya ay sugurin ng yakap si Betty na gumanti rin naman ng yakap sa kaniya.
“Thank you,” ani Marianne, “thank you for taking care of my ate and me as wel,” dagdag pa niya
“Walang anuman, tinulungan niyo rin akong magkaroon ng halaga ang buhay ko kaya maraming salamat din sa inyo,” sagot naman ni Betty at saka humiwalay sa yakap nila
“Hep! ako pa, sasali ako sa yakapan. Group hug!” pag-aagap naman ni Marjorie na buong galak na sinang-ayunan ng dalawa
“Wait! We need to capture this moment, let’s take a selfie!” masayang anunsiyo naman ni Marianne
Kaniya kaniyang pose naman sila sa harap ng cellphone ni Marianne
“Isa pa! parang ang awkward ng ngiti ko roon. Pagkatapos ng picture nating tatlo, kayo namang dalawa. Kunin ninyo itong pagkakataon na makapag-ipon kayo ng new memories together, oh ‘di ba? together!” ani Betty na halatang sayang saya sa ginagawa nila.
Wala namang naging tutol pa ang magkapatid at sinabayan na lang ang mga trip niya sa buhay; bawa’t pose at kung saang banda sila ng apartment mag-pipicture picture.
It was indeed fun for them three, it was like their childhood memory was relieve.
“Kailangan mo nang umuwi, baka hinahanap ka na nila. Nakauwi na ang parents mo galing sa out of the country business meeting nila,” ani Marjorie kay Marianne nang makitang magdidilim na at naroon pa rin ang dalaga sa kanilang apartment.
Napabuntong hininga naman si Marianne na tila ba ayaw pang umuwi. Astang magsasalita pa lamang ito nang pangunahan ng kaniyang ate.
“Alam kong gusto mong magkalapit na lang tayo at hindi na magkawalay, ganun din ang gusto ko para nasisiguro ko ang kaligtasan mo pero hindi pa ito ang tamang oras,” marahang paliwanag nito sa kaniya.
“Naiintindihan naman kita, ate. May gusto sana akong hingiing favor sa ‘yo, kung ayos lang?” tila may pag-aalangang tanong ni Marianne
Napakunot naman ng bahagya ang noo ni Marjorie sa pagkakuryuso, “kung kaya ko, bakit hindi. Ano ba yun?”
“Ayoko muna sanang manatili sa bahay, kung puwede sana… dito muna ako-” “Kasasabi ko lang na kailangan mong umuwi ‘di ba?” pamumutol ni Marjorie sa nais na sabihin ng kaniyang kakambal
“Wait lang, ate! hindi pa kasi ako tapos, kalma ka muna,” sagot naman ni Marianne
“Ano ba kasing pinaglalaban mo?” tila napipilitang tanong ni Marjorie. Ayaw niya kasi sa ideyang naiisip ng kaniyang kapatid.
“Magpapalit tayo-HEP! Huwag ka munang magsalita!” paninita ni Marianne sa kaniyang ate na handa na naman siyang tanggihan. “Saglit lang naman ito, mga isang linggo,” dagdag pa niya.
“At bakit gusto mong magpalit tayo?”
“I just honestly think that I don’t have the strength to totally face them… para kasing hindi pa ako nakaka-recover,” it was half true, ang hirap i-process lahat sa isang gabi lang, it’s kinda impossible for someone who went from near death experience to move on abruptly.
Nakakaunawang tumango naman si Marjorie na tila ba naiintindihan at pinoproseso niya pa ang dahilan ng kaniyang kapatid. Tinitimbang kung papayag ba siya o hindi, kung magiging ligtas ba sila sa gagawin o mapapahamak.
Bigla ring dumaan sa gunita ni Marjorie si Lizette na sa tawag niya pa lang nakakausap. Parang na-speechless pa nga ito no’ng una pero mabilis din namang naintindihan ang kasalukuyang sitwasiyon nila lalo na ng kanilang plano noong simula.
Matapos ng ilang sandaling katahimikan ay nakapag-desisyon na siya.
“Sige, sa isang kundisyo…” napaayos naman sa kaniyang pagkaka-upo si Marianne, inaasam ang pagpayag ng kaniyang ate
“Anong kundisyon?”
“Kapag mayroon kang klase ay ikaw ang papasok, kasi sa tuwing pumapasok ako sa klase mo nahihilo ako at parang dinudugo yung ilong ko. Hindi naman sa bobo ako, ha pero hindi ko lang talaga trip yung course na pinili mo,” pigil naman ni Marianne ang mapatawa.
Yes, they are twins, they have the same physical attributes but that doesn’t mean that they do not have differences. They are both unique in their own ways.
“Call!” mabilis pa sa alas kuwatrong sagot niya
“Isa pa pala!” biglang pahabol pa ni Marjorie dahilan para mabitin sa kaniyang pagdiriwang si Marianne
Pigil nito ang paghaba ng kaniyang nguso, “Akala ko ba isa lang?”
“Papayag ka o hindi?” nakataas kilay na tanong naman ng kaniyang ate
“Fine! What is the other one?”
“Hindi tayo lalampas sa isang linggo at mag-iingat tayo pareho,” mariing sambit ni Marjorie
“Okay! So, are we going to start now?” excited na tanong niya sa kapatid
“No,” mabilis na matigas na sagot naman ng huli
“Bukas ng hapon pagkauwi mo galing sa school, kitain mo ako rito sa apartment, huwag kang sasama sa bar kay ate Betty o kung gusto mo namang sumama sa kaniya doon ka lang sa dressing room. Some of your friends go to the bar kung saan ako nagtatrabaho as waitress dati. Kinabukasan naman ay aalis ako ng bahay niyo nang maaga nang naka-uniporme pagkatapos ay magpapalit ka ng uniporme para tumuloy sa pagpasok mo sa eskuwelahan ninyo,” mahabang paliwanag niya pa sa kaniyang nakababatang kapatid.
“Noted po,” masigasig na sagot naman nito sa kaniya
Napatingin si Marjorie sa kanyang pambisig na relo, “Oras na para umuwvi ka.”
“Bye, ate Jorie. I love you! See you tomorrow!” masayang pagpapaalam nito at hinagkan sa pisngi ang kaniyang kapatid bago tuluyang lumabas sa apartment nang makitang naroon na ang bi-nooked niyang grab.
“Bye, bunso. Mag-ingat ka. I love you too,” kalmadong sagot ni Marjorie at hinatid siya hanggang sa pinto ng apartment. Mula sa kaniyang puwesto ay malinaw pa ang plaka ng sasakyan kaya naman mabilis niya itong kinuhanan ng litrato.
Bago tuluyang sumakay sa kotse ay pumaling pa sa kaniyang kinaroroonan ang kapatid at nakangiting kumaway na sinundan pa ng flying kiss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top