CHAPTER 25

Unravel

Third Person's POV

“Marianne, hindi puwede…” tila nahihirapang sambit ni Marjorie sa kaniyang kapatid

“Bakit hindi? Wala na si Nanay, tayo na lang ang magkapamilya katulad ng sabi mo, eh di dapat magkasama tayo. Ate…” sagot naman ng kaniyang kapatid at mahigpit na hinawakan ang kamay niya

Kapwa sila seryoso at nakaupo sa kama.

Mahigpit na hinawakan din ni Marjorie ang kamay ni Marianne at ngumiti.

“Sige. Ayos lang sa akin pero hindi muna ngayon. Siguradong mawiwindang sila kapag nalaman nilang buhay ako, na may kakambal ka…”

“Alam nila, ate!” Buong galak na pananapaw naman ni Marianne.

“Alam nila?” Nagtatakang tanong naman ni Marjorie

“Oo. They were with me when I came back to our old house. Pero pagdating namin don, halos wala na lahat. Wala kayo ni Nanay pero nakuha nila yung katawan niya, hindi na makilala pero na-identify din dahil sa bahay natin natagpuan. Pero hindi nila mahanap ang katawan mo kaya malakas din ang kutob ko na buhay ka… pero matapos ang ilang buwang paghahanap, hindi ka namin nahanap, hindi kita nakita…” naiiyak na kuwento ni Marianne sa kaniya habang nakatulala sa mga kamay nitong kapwa naglalaro.

Napabuntong hininga si Marianne at inihilamos sa kaniyang mukha ang mga palad.

“Ahg! Dapat hindi ako sumuko sa paghahanap, e!” sigaw nito at saka tumingala tila pinipigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Niyakap naman siya agad ni Marjorie at tinahan, “ang mahalaga ay magkasama na tayo ngayon. Hindi na tayo ulit magkakahiwalay.”

When the night came, Marjorie left mansion quietly.

Halos hatinggabi na nang marinig ni Marianne ang pagdating ng dalawang kotse.

Dahan-dahan siyang lumabas sa kaniyang silid. Walang pagmamadali dahil alam niyang maabutan pa naman niya ang kaniyang mga magulang sa kanilang living room sa ibaba. Pagbaba nga niya ay wala pa ang mga ito ron kaya naman dahil nakaramdam siya ng uhaw ay pinili niyang pumunta muna sa kusina para ikuha ang sarili niya ng maiinom.

“Ay gising pa po pala kayo, ma'am. Papatayin ko na po sana ang ilaw rito sa kusina…”

“Ako na lang po. Sina mommy po? Umakyat na po ba sila?”

“Hindi pa po. Nasa sala po sila at kausap iyong kaibigan ninyong dating nakatira dito pero naglayas,” sagot naman nito bago nagpaalam na pupunta na sa quarters nito.

Nakalabas na mula sa likurang bahagi ng kusina ang katulong nila pero lumilipad pa rin ang isip ng dalaga. Nabanggit nga ng ate niya kanina na naglayas na ang “kaibigan” niya sa mansiyon nila. Ang tanong ay bakit ito bumalik? At hatinggabi pa.

“Tutulungan mo ba ako o hindi?!” pasigaw na tanong ni Avah ang naulinigan ni Marianne kaya naman mabilis ngunit maingat siyang lumapit sa hamba ng kusina, kung saan tanaw niyang nakaupo patalikod sa kanya ang kaniyang mommy Alodia habang nakatayo naman si Avah at nakapamaywang sa harapan nito.

“I can make this easy for both of us, isang utos ko lang sa mga tauhan ko, kahit anino mo ay hindi na makikita. Don't you dare yell at me, leeche! Puro ka lang hingi sa akin! At saan mo na naman idinadala? Luho?”

Avah scoffed. And then her eyes suddenly stopped on Marianne's. Awtomatikong umunat ang labi nito para sa isang ngiti.

Mabilis na bumalik ang paningin nito sa ginang na prente pa ring nakaupo sa sofa. Hindi mahanap ni Marianne ang daddy Jomar niya. Marahil ay umakyat na ito sa taas para magpahinga.

“Ano kayang mararamdaman ng anak anakan mo kapag nalaman niyang may kinalaman ka sa pagkamatay ng Nanay at kapatid niya?”

“Stay away from my daughter!” agresibong sagot naman ni Alodia.

Napahigpit ang hawak ni Marianne sa basong hawak niya, the anticipation of knowing the truth makes her heart throb.

Wala pa man ang direktang kumpirmasiyon ay naninikip na ang dibdib niya. She love her Mommy Alodia but she love her Nanay Matilda more.

“Daughter? Inangkin mo nang sa ‘yo, ha. E di ba palyado ang matres mo? Paano-” Avah’s words were cut off by a hard slap.

Nang makabawi ay ibinalik ni Avah ang sampal kay Alodia.

“Huwag kang magmalinis, tita!” Mariing sigaw ni Avah rito…

Kapwa na nakatayo ang dalawa. At nagtatagisan ng tapang.

“Lower your voice,” mas mariing utos naman ni Alodia.

Napahalakhak naman ang dalaga.

“Takot na takot, ha. Bakit? Ayaw mong malaman niya na may kinalaman ka sa pagkamatay ng pamilya niya? Kasi gusto mo siyang ipagdamot!”

“We both know that it was only the bitch Matilda who died that night! And her twin sister is lurking around the city!”

Hindi napansin ni Marianne ang pagdulas ng baso mula sa kaniyang mga kamay.

Agad na napatingin ang dalawa sa kaniya.
Avah was wearing a satisfied smile while Alodia’s face was painted with nervousness and paleness.

“Anak… it's not true. No, I have nothing to with it…” sinubukan ni Alodia na magpaliwanag pero kahit ito ay tila hindi mahanap ang tamang salitang sasabihin.

Napailing na lang si Marianne at hindi na niya napigilan pa ang sunod-sunod na pag-agos ng kaniyang mga luha.

Napahalakhak naman si Avah na inundayan pa ng malakas nitong palakpak na tila ba nasisiyahan sa kaniyang nakikita.

“Let your hearts be free…” ani pa nitong tila nang-uuyam

Masamang tingin naman ang ipinukol ni Alodia rito. “Shut up you bratty child! Umalis ka sa pamamahay ko. You will regret this!”

Nagkibit-balikat lang si Avah at mabilis na dinampot ang flower vase na nasa center table. Binitawan niya rin ito pagdaka dahilan nang pagkabasag nito.

“Oppss, it slipped,” pang-asar pa nito bago tuluyang umalis.

Matinis na tili naman ang pinakawalan ni Alodia.

Sa kabilang banda, sa wakas ay nahanap na ni Marianne ang kaniyang lakas para ihakbang ang kaniyang mga paa.

Before Alodia could even walk near her, patakbo na siyang umakyat sa kaniyang silid.

“Marianne! Anak, let's talk!” Pahabol na sigaw pa ni Alodia pero hindi na niya pinansin pa.

She's hurting. Minahal niyang parang tunay na ina si Alodia dahil na rin sa pagiging maalagain nito sa kaniya. She felt very loved in her arms pero hindi niya alam na ito rin pala ang mananakit sa kaniya ng ganito.

Alodia witnessed how broken and devastated she was when she found out about the tragedy that happened to her mother and sister pero may kinalaman pala ito ron?

“Paano mo nagawa sa akin ito, mommy? Paano? Akala ko ba mahal mo ako. Akala ko ikaw ang mag-iingat sa puso ko…” himihikbing ani Marianne at napahawak sa kaniyang dibdib na mas ramdam na ang paninikip.

Her mind was a total mess. Kaayos lang nila ng kapatid niya tapos ay mayroon siyang malamang ganito? She wanted to slowly introduce her twin to her daddy and mommy but how? Now that she learned that her mommy Alodia tried to harm her sister. She's also torn between two choices whether to tell her sister the truth or to hide it till she die, she can't bear to cause a greater gap between her foster mother and her twin sister. Paano kung magagalit ang kapatid niya sa mommy Alodia niya, eh di hindi na ito papayag na tumira sa mansiyon nila? Gusto niyang kasama na itong tumira sa kanila, ayaw niyang magkahiwalay pa sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top