CHAPTER 24
Appearance
Marjorie's POV
After the bar incident, mas naging malapit si Allen sa akin. Parang naging clingy na ewan.
He also tried to kiss me a few times but all of his attempts failed.
Hindi ako nagpapahalik sa gago, 'no.
Ito pa, matapos ng nangyari sa bar ay hindi na ako kinakausap maski ni Colleen.
Wala naman akong pakialam kung hindi nila ako pansinin, after all, this is my plan. Nailalayo ko na ang kapatid ko sa kapahamakan, sa kanila.
Nagitla nang biglang mayroong humalik sa pisngi ko. It was Allen. Habang paupo siya sa harapan ko ay mabilis at pasimple lang ang pagpunas na ginawa ko sa parte ng pisngi ko kung saan niya ako hinalikan.
Baka mahawaan ako ng virus. Isang malalang sakit tapos hindi ako makapagtimpi at ibato ko sa kaniya 'tong tinidor.
"Sorry, for keeping you wait. I've had an emergency with my groupmates in finishing..."
Blah, blah, blah, wala naman akong pake. Sumubo na lang ako ng pagkaing inorder ko kanina pa, dahil una gutom na ako at pangalawa naririndi ako sa boses niya.
Pero ang katahimikang nais ko habang kumakain ay naputol nang pigilan niya ang kamay ko na siyang may hawak ng kutsara.
"Are you even listening?" bagama't nakangiti ay mariin niyang tanong.
Pasimple kong binawi ang kamay ko ngunit hindi naman niya agad binitawan.
"N-Nakikinig naman ako. Nagugutom na kasi ako kaya..."
Awtomatikong umaliwalas ang mukha niya at mas naging kaaya ayang tingnan ang ngiti niya.
Binitawan niya rin ako kalaunan pero hindi pa ako nakaka-moved on, baka magalit ito kapag kumain na ako agad.
Nagkamali ako. Marahan niyang kinuha mula sa mga kamay ko ang kutsara at tinidor pagkatapos ay siya ang sumandok sa plato ko at iniumang sa akin ang kutsara, astang susubuan ako.
Gusto kong kunin pero hindi niya ako pinagbigyan. Para maiwasan ang posibilidad na magduda siya ay ngumiti ang nang malambing sa kaniya at tinanggap ang pagkain.
"Babe, ako na... nakakahiya. Parang ang PDA naman natin dito, kumakain sila o," ani ko sa kaniya at kinuha pabalik ang kubyertos ko. Hinayaan naman niya ako.
Maya-maya ay unti unting lumapit ang mukha niya sa akin na para bang kaunti na lang ay aatakihin na ang labi ko pero hindi naman. Inayos lang niya ang hibla ng buhok na tumabing sa pisngi ko at iniipit sa likuran ng aking tainga.
Nakakakilig na galawan pero hindi ako mabibiktima niyan at hindi ako makukuha sa simpleng ganiyan lang. It will take him a very much time to get that expression from me but, fortunately, I am pretending to be someone and clearly it is like a duty to me to feel things that I don't actually feel at the moment.
"Your driver will fetch you later, right?" tanong niya nang pabalik na kami sa klase ko, ihahatid raw niya ako ngayon.
"Yes," maikling sagot ko naman.
"I really wanted to have a quality time for both of us. To have some romantic dates, to enjoy our relationship but I need to be with my dad later for a meeting. Hindi na naman kita maihahatid."
Malapit na kami sa classroom ko at chance ko na sana yun para makaiwas sa kaniya, kaya lang ay huminto siya sa gilid ng hallway.
"This is for our future. I want our family to live a life that other people would envy," aniyang tila nagpapaliwanag. Hindi ko naman kailangan ng mga paliwanag niya, ang kailangan ko ay ang umalis na siya.
"Just..." ano nga bang sasabihin ko? ingat ka na lang gano'n?
"Take care of yourself, because I care for you..." sabi ko sa kaniya habang na minimaintain ang ngiti ko. Kapit lang, self maya-maya ka na ngumiwi, kapag wala na siya sa harapan mo.
"Take good care of yourself too, eat on time and do not hesitate to call when you have an emergency," bilin niya sa akin.
I wasn't really looking at him kasi ayoko na talaga siyang makita, nababanas na ako sa mukha niya. Ang plano ko ngayon ay paano ko mapaghihiwalay ang kapatid ko at ang lalaking 'to. He is a total red flag and he doesn't deserve my sister.
I was busy thinking if my sister can already move comfortably, since ibinalita sa akin ni Betty na mas bumubuti na ang kalagayan niya but she's asking too many questions. Kampante naman akong walang ibang sasabihin si Betty, she wants the best for my sister too.
"Bye. See you tomorrow, babe," hindi na ako nakailag pa nang mabilis na iniangat niya ang mukha ko sa kaniya at halikan sa labi.
My eyes widened but I do not know how to pull myself out. I am shocked.
Mabilis lang naman yun at agad rin siyang humiwalay. Ako naman ay halos mapatulala pa. Taena, si Marcus ang first kiss ko at halos dalawang taon na yun.
I heard Allen chuckled but my minds seems to be floating somewhere.
"I love you," huling niya at unti unting naglakad palayo sa akin pero nakaharap pa rin.
Nakatingin lang ako sa kaniya at siya naman ay nakangiti pa ring kumaway bago tuluyang tumalikod at iwan ako.
Tapos na ang huling klase at yung utak ko ay parang paralisado pa rin dahil sa nangyari kanina. The memory of our lips meeting each other brought shivers to my body. Yung sumpa kong hindi ako hahalik ng gago ay nawalan ng bisa!
Nakakainis! Bakit hindi ko nakita yun? Bakit hindi ako nakailag?
I went to the comfort room near the cafeteria to wash my mouth and even my face, kinuha ko pa ang lipstick ni Marianne na naidala ko pala sa bag at nalagay ako ng kaunti sa labi ko, inayos ko rin ang buhok ko bago lumabas at pumuntang parking lot. Siguradong nandon na ang sundo ko.
I wasn't expecting something to happen today pero mayroon akong pakiramdam na parang kinakabahan ako. Napailing na lang ako 'tsaka isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. Baka pagod lang ito. Baka stress na rin. Gusto ko ng bisitahin ulit ang kapatid ko.
Deretso lang ang lakad ko papuntang kuwarto sa itaas. Bukas na lang siguro ako ng umaga kakain. Wala naman ang mga foster parents ni Marianne ngayon.
I immediately removed my neck tie and shoes. Natanggal ko na rin ang ilang butones ng blouse nang mayroong magsalita sa likuran ko. Pag-angat ng akin paningin sa full sized mirror na nakatapat sa akin at sa kama ay nakita ko roon si Marianne na prenteng nakaupo. Nakasuot ng black leggings, gray sweater at nakalugay lang ang buhok. Hindi ko mawari ang ekspresyon niya kung galit ba siya o hindi.
"Kumusta naman?" tanong niya sa akin.
"Ayos lang. Ikaw? Maayos na ba pakiramdam mo?" balik tanong ko sa kaniya.
Tumayo siya mula sa kama at ako naman ay tuluyan nang tinanggal ang blouse at itinira na lang ang white spaghetti strap na sandong doble ko at ang skirt.
"Talaga? Ayos lang na gamitin ang buhay ko? Na angkinin ang buhay ko?" mariing tanong niya sa akin dahilan para mapataas ang kilay ko.
"Wala akong inaangkin dito, Marianne. Tinutulungan kita at..." "At inaahas mo ang boyfriend ko!" pagpuputo niya sa sasabihin ko pa.
Nagsalubong naman ang kilay ko at agad na lumapit sa kanya para hawakan siya sa kamay niya pero umiwas siya. Masakit? Oo, sobra. Ayaw akong hawakan ng kapatid ko.
"Marianne, ginagawa ko 'to para sa 'yo. Ginago ka nila! Nakalimutan mo na ba?"
"Pero hindi nila ako iniwan! Hindi nila ako tinago! Bakit kailangan mo pang gawin 'to? Bakit hinahalikan mo ang boyfriend ko? Boyfriend ng kapatid mo?!" galit na galit niyang tanong.
"I am not kissing your boyfriend! I was also shocked. Nagpapanggap akong ikaw para maipaghiganti ka sa mga taong nanggago sa 'yo! Hindi mo ba naaalala kung paano ka nila pagtulungan? Kung paano ka nila saktan? Wala ka sa posisyon ko no'ng gabing makita kitang walang malay. No'ng akala kong tutulungan ka ng mga kaibigan mo pero hindi pala! Wala ka sa posisyon ko no'ng akala ko maiiwan na naman ako ulit, no'ng akala ko pati ikaw iiwan mo na ako..." hinahapong lintanya ko sa kaniya.
Kasi yun naman ang totoo. Hindi niya alam kung gaano kabigat yun para sa akin. Kung gaano kahirap na yung pag-asang ipinatikim sa akin ay bigla na lang babawiin.
"A-Ate... I'm sorry, hindi dapat kita inaway. I'm really sorry. Nagselos lang ako, m-mahal n-na m-mahal ko lang talaga si A-Allen... hindi ko kaya kung maghihiwalay kami..."
Yumakap sa akin si Marianne at gaano mang nakaririndi sa pandinig ko ang mga sinasabi niya ay binalewala ko yun dahil sa wakas ay nasa yakap ko na ang kapatid ko.
"Wala na si Nanay. Wala rin naman tayong tatay kaya tayong dalawa na lang ang magtutulungan. Tayo na lang ang pamilya," mahinahong sambit ko sa kaniya.
Kapwa na kami magkatabi sa kama ngayon at magkayakap. Parang katulad no'ng mga bata pa kami.
Dahan-dahan ko namang hinahaplos ang buhok niya habang siya'y sumisinghot pa rin.
"Ate, sorry. Inaway ko yung friend mo tapos tinakasan ko siya. By the way, tinapon ko yung phone niya sa cr niya, papalitan ko na lang," mahinang aniya na tila ba nangungumpisal sa akin.
"Mabait naman yun, maiintindihan ka rin niya pero dapat mag-sorry ka sa kaniya, hmm?"
"Promise. I'll say sorry the next time we'll meet," aniya at itinaas pa ang kanang kamay.
"I miss you. I miss this. I miss Nanay and I am happy we've found each other again."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top