CHAPTER 22

Almost

Marjorie's POV

Pupunta ba ako o hindi? This is like a dejavu. Ang kaibahan lang ay hindi ako si Marianne and at the same time, hindi ako ang nag-imbita kina Avah kundi si Allen.

Allen texted me the other day inviting me to join him celebrate a milestone for their closed deal. Mabibilib na sana ako sa kaniya na kaya niyang magtrabaho habang nag-aaral kung hindi lang siya g*g*, eh. Pero ayon nga, g*g* siya kaya ayoko sa kaniya… pero kailangan siya sa plano. Kasama siya sa plano at kasama siya sa mga dapat pabagsakin. Other people may call me and Lizette petty but this is how we want to get even to those people, who wronged my sister.

Kung tama ang hinala namin ni Lizette na mayroong namamagitan kina Avah at Allen, mayroon akong magandang planong naiisip para mapabagsak silang dalawa, sabay katulad ng pagsasabay ni Allen sa kapatid ko at sa babae niya.

Ayon nga, hes inviting me, Friday night out… with Avah and Colleen. Ano kayang tumatakbo sa isip nila?

Lumapit ako sa cabinet ni Marianne, kung saan mayroon akong nakitang parang vault. Nakita ko na ‘to no'ng pangalawang araw ko rito at wala sana akong planong pakialaman pero paano kung mayroong impormasiyon sa loob no'n na makatutulong sa akin?

I sat down and tried to open it. Our birthday, tuwang tuwa ako dahil malakas ang kutob kong tama ang hula ko but to my dismay, it's not the password. I tried our mother's birthday, still hoping that I got it right… pero mali na naman!

Com’on, Marianne! I rampage through her other drawers, looking for any hints. Dumapo ang paningin ko sa mga naka-frame na pictures. She has an album of pictures in her closet pero mayroong mga naka-frame na pili lang. Her debut photo, family picture with Uncle Jomar and Auntie Alodia, graduation photo of her no'ng highschool siya, three different solo pictures of her on different places; Paris, Switzerland, and Japan, and the youngest picture of her, I think this was shoot in the hospital. All of these pictures have significant meaning for her, these are memorable moments that she really cherished.

I carefully opened the frames and got every pictures and look at its back one by one. I'm right. There are dates written at the back of every photo. Siyempre, grabe naman kung lahat ito ay iisa isahin ko pa, I'll just guess first, ano sa mga ito ang pinakamahalaga sa kaniya?

Naningkit ang mga mata ko sa maliliit na cursive something sa baba ng mga pictures, oh may short messages?

“Our dream debut!”

Tama, it's our dream, ang plano ko pa nga ay ako ang unang magsasayaw sa kaniya. I will be her first dance. But nah! This is over now, no time to dwell on this. I will have the time to dance with her when she wake up and our plan is already done.

“Ang lamig ng snow!”

Siyempre, sis. Magtaka ka kung mainit ang snow.

“City of love!”

Sis, naniwala ka naman agad sa mga binabasa mong nobela. Wala sa Paris ang true love, nasa Pilipinas!

“Your dream travel destination :) ”

Bigla ay naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo no'n. Akala ko nakalimutan niya ako sa mga panahong ito. Ang saya niya, natupad niya yung nga pangarap namin noong bata pa lang kami. Tinupad niya rin maging pangarap ko. Looking at her solo picture in Switzerland, I can also imagine myself being there.

I moved to the next picture, her youngest picture.

“My first step!”

That made my tears fell through my cheeks. Natupad niya ang ultimate goal niyang makapaglakad ulit. Masakit pero nakatutuwa. Ang paglayo pala naming dalawa ang magiging daan para matupad niya ang mga pangarap niya, ang makapaglakad.

Upon evaluating the pictures, I guess, the youngest picture’s date is the password. Sinubukan ko nga at gumana iyon!

Tumambad sa akin ang laman ng mini vault. A pair of old clothes, a notebook that looks like a journal, and tored picture… of us. Did she tore it apart? The answer is obvious, yes. I guess, she was mad at me.

Though, the first time we met after a few years of being away, I felt how much she missed me, hindi galit ang naramdaman ko sa kaniya nang magkita kami no'n sa bar. I can feel the relief and happiness. Ganoon din ang pakiramdam ko no'ng mga oras na ‘yon dahil sa wakas nagkita na ulit kami. Maaring nagtatampo siya noon kaya niya nagawa ito. Tama. I taped the picture to fix it. It's bearable, at least she got a photo of us both. Ibinalik ko iyon sa loob ng vault at nagpasiyang kunin ang notebook.

Malamang ay isa itong talaarawan. Sa unang pahina ay nakasulat ang buong pangalan ni Marianne at ang iba pang personal na impormasiyon.

Marianne Agoncillo Castañeda
Birthday: April 16, 2009

I am allergic to peanuts but I love eating seafoods. I have a twin sister and I missed her

07/24/2017

08-15-2017

Der Dayari,

Nakita ku kahapon si Nanay sa labas ng bahay ni Mami Alodya pero hindi siya pumasok. Akala ku kukunin nya na aku peru indi pala. Umiyak aku kahapon, dayari pero indi aku pinayagang lalabas ng bahay. Nipagalitan nila aku, dito na daw aku titira.

Ayuku dito, dayari! Usto ku kay Nanay at Ati ku Jori

11-20-2018

Der Dayari,

Katatapos lang ng operasyon nila para sa puso ko. Hindi pa raw ako sobrang magaling pero meron silang nilagay sa puso ko para daw masuportahan ako at makapamuhay ng normal.

Alam mo ba, dayari? Mayroon pa raw akong pag asa na makapaglakad! Sobrang saya ko talaga.

12-25-2020

Dear Diary,

Unang una sa lahat. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi kasi mali pala spelling ko sa ‘yo. Oo nga pala 10 na ako ngayon!

Pasensiya dahil matagal akong hindi nakapagsulat sayo. Alam mo ba? Pwede na akong ihanda para sa operasyon at ito pa ang dahilan kung bakit sobrang saya ko, kapag nakapaglakad na ako matutuwa si ate ko at si nanay kasi kaya ko na ring gawin ang mga ginagawa nila. Hindi na ako kailangan pang bakayin palagi ni ate para makalabas ako at makagala

Mayroon pang ilang pahina kung saan isinasalaysay niya ang mga ginagawa niya araw-araw, naging homeschooled siya ng maraming taon hanggang sa nakapaglakad na nga siya at ang huling pahina ng kaniyang diary ay…

June 13, 2028

They are gone. They left me… alone.

Nabasa ang pahina ng kaniyang notebook nang biglang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. She was waiting for the moment na magkita kita ulit kami at ganoon din si nanay pero hindi na umabot. Napakalupit nga naman ng tadhana. Napasinghap ako at unti unting pinawi ang sariling luha.

“You've done a great job for surviving, Marianne. You did it, even though we're apart.”

Naputol ang pag-eemot ko nang biglang tumunog nang malakas ang cellphone ko. Mabilis ko itong pinulot sa mesa malapit sa kama at sinagot. Si Ate Betty pala.

“Marianne is slowly recovering. May ilang katanungan siya at gusto na niyang umuwi. Ano? Hanggang kailan ka pa riyan? At alam mo ba? Nagpunta rito si Allen!” pagbabalita niya sa akin.

Napatanong naman ako, “si Allen? Anong ginawa niya r’yan? Nakita niya ba si Marianne?” I can already feel my muscles tensing up.

May alam na ba si Allen? Is he setting me up?

“Hindi! Hindi rito sa apartment, sa bar!”

“Bar?”

And then a memory suddenly popped up like a freaking flashback.

I was ordering something from the counter when someone stopped near me and kissed me!

Napagkamalan niya ako, hindi dahil manyak o lasing siya! Kaya pala parang pamilyar siya no'ng makita ko siyang sampalin sa CR si Marianne kasi nakita ko na siya! Siya rin yung lalaking nakita ko na kasama si Colleen sa pipitsuging bar na pinapasukan ko noon. Posible kayang natatandaan niya ako? Pero bakit ngayon lang? O dati na siyang nagdududa sa akin?

“Mayroon siyang mga tinatanong, mabuti na lang at ako ang napagtanungan niya at hindi ibang mga tao sa bar, well, hindi ka naman nila ganoon kakilala rito dahil hindi ka naman tumagal nang maigi at hindi ka rin naman pala-kuwento…”

Pinutol ko naman ang iba pa niyang sasabihin dahil may nais akong malaman.

“Ano'ng mga tinatanong niya?” Napaupo ako sa kama habang hinihintay ang pagsagot niya.

“Ipinakita niya sa akin ang picture mo!”

“Baka hindi ako ‘yon, kundi si Marianne,” sagot ko naman dahil wala akong matandaang mayroon akong picture kay Allen.

“Ah, basta! Magkamukha naman kayong magkapatid. Ito na nga! Tinatanong niya kung kilala ba kita, o kung may babaeng kamukha niya—mo ang nagtatrabaho rito sa bar. Siyempre, hindi kita nilaglag, sinabi kong matagal na ako r’on pero wala pa akong nakitang kasing-ganda mo!” Pagbibida niya sa akin.

Napahilot naman ako sa sintido ko, hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa isinagot niya o nagbibiro.

“Tingin mo ba naniwala ‘yon sa “yo?” tanong ko sa kaniya.

“Aba'y siyempre! Mukha ba akong sinungaling?” sagot naman niya sa akin.

Sabay naman kaming napatawang dalawa.

Nagkumustahan kami at maya-maya pa ay naging seryoso bigla si Ate Betty.

“Jorie, tama na siguro yung paninira mo sa kanila, umuwi ka na rito. Ako kasi ang kinakabahan sa ‘yo, eh. Hindi lang basta mga tambay sa kanto ang inuupakan mo, eh. Malalaki silang tao at kaya ka nilang durugin… kapag nalaman nila ang ginagawa mo,” nag-aalalang sabi niya sa akin.

“Ate Betty,” panimula ko ngunit wala ang inaasahan kong lintanya niya sa tuwing tinatawag ko siyang ate. Napabuntong hininga ako bago magpatuloy, “Hindi nila malalaman, ate. Malapit na rin po akong umuwi, kailangan ko lang mailayo ang buhay ng kapatid ko sa kanila. Gusto kong sa pagbabalik ni Marianne ay hindi na niya sila makadaupang palad.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top