CHAPTER 15
Chapter 15
Marjorie's POV
Hindi katulad ng nakasanayan ay medyo tinanghali ako ng gising ngayon. Wala namang kaso sa akin dahil wala pang pasok at wala naman akong ibang lalakarin kundi bisitahin sila.
Magpapasado alas diez na ng bumaba ako sa dining. Pag-upo ko ay naghain na rin ang mga katulong ng mga pagkain at ng mga plato't kutsara.
"Tara po, kain!" paanyaya ko sa kanila na magiliw naman nilang tinanggihan. Tapos na raw kasi silang kumain ng umagahan, mamaya pa raw sila kakain ng pantanghalian.
Nagkibit balikat lang ako at ninamnam ang mga masasarap na pagkaing hinain nila. Na-miss ko yung mga lutong bahay na pagkain, madalas na lang kasi kaming umorder ni Betty ng pagkain namin kaysa magluto dahil yung oras na para do'n ay mas gusto naming itulog na lang.
"Good morning, Aria!" Good mood na bati sa akin ni Avah pagpasok niya ng kusina.
Nakasuot pa siya ng sports bra at leggings, malamang ay galing sa pagjogging. I wasn't expecting it since ang iniisip ko ay tanghali siyang magigising, hindi ko na alam kung anong oras natapos ang party niya, masarap na kasi ang tulog ko no'n.
Hindi ako sumagot sa kaniya. As far as I can remember, hindi naman kami ganun ka-close, at may atraso pa siya sa kapatid ko. Pinalampas ko na lang din ang pagtawag niya sa akin ng Aria, wala pa talaga ako sa hulog para asarin siya.
Kumuha siya ng baso niya at saka nagsalin mula sa babasaging pitsel na nasa hapag kasama ng mga pagkain ko. Oo, akin lang. Magpa-serve siya ng sa kaniya kung gusto niya, dzuh.
Pagkatapos niyang uminom ay nakangiti pa rin siya. Umirap lang ako bago isinubo ang tinusok kong bacon. Para siyang baliw kakangiti. Bakit ba ang saya-saya niya, eh binadtrip ko siya ng konti kagabi? Well, baka kulang pa yun. Sige, sa susunod i-lelevel up natin.
Pagkababa niya ng baso ay dinampot niya ang bimpo niyang nakasabit sa balikat niya at pinahiran kuno ang pawis niyang noo. Bonaks, wala namang pawis, pinunasan pa. Ano bang gimik nitong d*m*nyitang 'to? Naalibadbaran ako. Nadiligan siguro 'to kagabi kaya hanggang ngayon ay masaya.
"Did you enjoy the party last night?" feeling close na tanong niya sa akin.
"Yeah, especially when I heard them saying how pretty I am with my one piece," sagot kong tonong bored pero mayroon namang maliit na ngiti sa mga labi at saka sumubo ng slice ng sausage.
"Ikaw ba? May nakapagsabi ba sa 'yong maganda ka kagabi?" dagdag kong tanong sa kaniya.
Saglit lang siyang ngumuso pero balik ngiti ulit. Aba't talagang good mood ang anteh niyo. Mukhang ako yata ang balak asarin ngayon.
"Well, I don't need to hear other people's praises, because I already knew that I am pretty with any clothes I wear and even when I wear nothing," sagot niyang mas lumawak pa ang ngiti.
Sus, confirmed! Nadiligan po talaga siya kaya maganda ang gising.
Pagkatapos kong kumain ay umakayat ulit ako sa kuwarto ko para magbihis. I just wore a simple jeans and plain mustard shirt and a converse shoes.
Nagpahatid ako sa isang mall, malapit lang sa apartment namin ni Betty, kay manong. I made sure na nakita niyang pumasok ako sa loob ng mall. I will not trust anyone inside the mansion. I'm not sure kung sino ba sa kanila ang kakampi sa kapatid ko at kung sino ang kaaway. I need to be keen.
After almost 30 minutes ay lumabas na rin ako ng mall at umara ng taxi para mas maging mabilis at madali ang pag-uwi ko sa apartment. Mayroon akong dalang take out galing sa isang sikat na food chain. Ang paborito naming chicken ni Betty.
Agad naman akong nakasakay. Paghinto ng sasakyan ay nagbayad ako agad at mabilis na bumaba para makapasok agad. I can't risk being too exposed in the crowd. Walang ibang dapat makaalam kung sino ako.
I knocked on the door and then Betty opened it a little, maybe to make sure first if ako talaga 'to at hindi ibang tao.
"What's the password?" panunubok niya pa sa akin.
"Pokpok ng taon 123456789," walang ganang sagot ko sa kaniya.
"Positive!" aniya at binuksan ang pinto para papasukin ako. Pagkatapos ay isinara niya rin naman agad.
Lumapit ako sa dining table namin para ilagay ang dala ko maging ang shoulder bag na dala ko.
"Uy! Chicken!" Masayang deklara niya at excited na binuksan ang lalagyan.
Tipid akong napangiti. Nakaka-missed rin para itong babaeng 'to. Sabagay, she became my sister for more than a year already. Siya ang tumayong ate ko at pamilya no'ng maulila ako. Hindi ko nga ma-imagine kung paano kaya ako ngayon kung hindi ko siya nakilala noon. She may act as if she's a badass and a b*tch but she's a softy.
Hinubad ko ang suot kong black ballcap at saka naupo ng pasalampak sa upuan.
"Kumusta?" tanong ko sa kaniya.
"Huwag ka nang mag-alala..." aniya habang ngumunguya sa karne ng manok. "Nakahanap na ako ng mapagkakatiwalaang doktor para sa kaniya," puno ng kompiyansang sagot niya at saka nagpatuloy sa pagngata.
Grabe talaga 'tong si Betty. Kanina pa ako nakaupo, nauna pang lumamon kaysa alukin ako ng maiinom. Tumayo ako para kuhanan ang sarili ko ng malamig na tubig.
"Ikaw? Kumusta sa puder ng mga bruha?"
"Ayos lang. Kinakaya pa namang pigilan ang sariling kalbuhin sila," sagot ko bago lagukin ang natitirang tubig sa baso ko.
Nakataas ang paa ni Betty habang nakaupo at sinisimot ang hita ng manok habang ako naman ay kasalukuyang nakasandal sa pasimano ng lababo namin.
"Hindi naman bagay sa kanila ang kalbuhin. Dapat sa mga ganoon ay nilulunod o 'di kaya ay sinusunog. Doon din naman sila papunta kapag nagokti na sila," may bahid ng gigil na sambit niya sa akin.
Tinawanan ko na lang ito. Our mind can surely think of the worst or worse but... it is always our hearts that will win, ang hirap talagang maging mabait, kahit gusto mo ng laslasin ang leeg ng mga taong nanakit sa 'yo, you will not do it because your conscience is taking in.
Ayoko ng maging mabait!
Kahit kailan naman ay hindi ko gusto yung mga karakter na mahihina, puro iyak at pag-iinarte. Gusto ko yung palaban, yung kapag sinuntok eh lalaban din ng suntok pabalik.
Walang magagawa ang pagiging mabait, they will only take advantage of your kindness. They will take it for granted, for their own advances.
I was busy staring at nothing when my phone rang. Kinuha ko iyon sa shoulder bag na nilagay ko sa lamesahan at saka sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hi, Marjorie. Next week will be the official start of the 2nd semester. Inaasahan kong ayos na ang palugit na ibinigay ko sa 'yo. It's your turn to do our deal," tuloy-tuloy na sagot niya sa akin.
Napalunok naman ako bago sumagot. I wasn't afraid sa kung ano man ang mangyayari pero naisip kong masyadong matrabaho ang pinapagawa niya sa akin. Gusto kong tumanggi pero tapos na naming pinag-usapan 'to and I owe her for saving her. Gagawin ko ang lahat para maging patas kami, she did a favor for me and I will do a favor for her too. Kung sabagay, makikinabang pa rin naman ako sa pinapagawa niya sa akin pero mahihirapan akong maigi dahil hindi ko forte ang pag-arteng inaapi. Ayoko nga sa mga inaapi tapos magpapa-api ako?
"Just making sure that you will not back out," aniya pa sa akin.
Matunog naman akong napangisi. "Wala sa plano ko ang umatras, Lizette."
"That's good to know. I'll hang up now. I'm just going to call you the day before our class starts. Bye."
Hindi na ako nagpaalam at ibinaba na lang ang telepono. Hindi na rin naman siya naghintay ng sagot dahil pinatay niya na rin naman ang tawag.
"Bakit ba kasi hindi na lang isumbong sa mga pulis? May hawak naman siyang ebidensiya, 'di ba?" nakataas ang kilay na tanong ni Betty.
"Ang mga ganoong klaseng tao ay hindi basta-basta naparurusahan, Betty. They have the money and the big people behind them. Hindi sila basta maaarte at pikuning mga babae, may malakas silang kapit kaya hanggang ngayon ay mayayabang pa rin. Kailangan kong tanggalin ang mga kapit na yun at katulad ng sinabi ni Lizette sa akin, hindi sapat ang pansamantalang pagkakakulong nila bilang bayad sa pananakit nila sa kapatid ko," mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"Jorie, ang batas ay hindi dapat na inilalagay sa sarili mong kamay," mahinahong sambit niya sa akin.
Naalala ko tuloy si Nanay sa kaniya. Isa 'yan sa mga pangaral noon ni Nanay sa akin, huwag ilagay sa aking sariling kamay ang batas. Huwag gaganti dahil hindi sa akin ang paghihiganti, kundi sa Diyos lamang.
Paano ko pa susundin 'yan, Nay kung wala ka na ngayon sa tabi at gayong muntik nang mawala sa akin ang kambal ko?
"Kumusta siya? Kailangan pa ba ng mga gamot? Mayroong binigay sa akin ang Papa niya, pupuwede akong mag-withdraw ulit ngayon," pag-iiba ko ng usapan.
Nakauunawa namang bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Sa ngayon ay ayos naman. Binisita na siya rito kahapon... no'ng sinasabi ko sa 'yong doktor na nahanap ko. Huwag kang mag-alala, mapagkakatiwalaan yun..." mayroon pa sanang ibang sasabihin si Betty nang lumapit ako sa kaniya at sinugod siya ng yakap.
"Salamat, Ate Betty."
Tinapik niya naman ang balikat ko, "Walang anuman. Para ka namang others," pabirong sagot niya sa akin.
Suminghot ako pero wala namang tumulong luha. Sadyang sinisipon lang talaga ako. I don't cry, dzuh.
Maya-maya ay tinulak niya ako ng mahina na siyang inaasahan ko naman na.
"Yak! Ate Betty," aniyang tila nandidiri sa mga binitawang salita.
Tinawanan ko lang siya at saka binitawan. Napakaarte talaga, mas matanda naman talaga siya sa akin pero ayaw magpatawag ng ate!
--
#magunthengtsismosa
A/N: let the real show begin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top